7 // Birthday
Chapter 7
"Pakibilisan naman, Aneesa. Pagdating natin do'n, wala na tayong maaabutan. Sige ka!" pananakot pa nito sa akin.
Sinilip ko ang orasan. "Gaga ka. Five minutes pa lang naman ang nakalipas. Saka napakalapit lang din naman no'n. Bakit ba kasi nagmamadali ka, 'di ba? Sabik lang? Atat lang?"
Inirapan niya ako at saka ito humalukipkip. "Hindi ba pwedeng ayaw lang ma-miss out iyong party nila ro'n?"
I grunted. "Sino ba kasing nagsabi na invited talaga tayo?"
"Ay, hindi ka ba updated?" aniya. "Everyone can go there. Siguro hindi ka naka-receive ng message mula sa kanila. At bakit hindi ka rin sinendan ni Caleb kung gano'n, 'di ba?"
"Kasi hindi naman talaga ako 'yong tipo ng tao na always go for the party," sagot ko.
"Ay! Ang daming sinasabi, girl! Tara na lang, alis na tayo," ani Krisa.
Hindi ko rin naman siya napigilan dahil hinigit na rin niya ako palabas ng apartment ko. Tiningnan ko naman sa phone niya iyong message sa kanya about the party tonight. Alas y siete nagsimula iyon at wala akong pakialam kung ma-late kami. Binanggit pa ni Krisa na baka nando'n ang magjowa kaya parang biglang gusto kong umatras pero pinigilan niya ako.
"'Wag ka na maarte," ani Krisa. "Hindi ka naman papansinin no'n."
And she was right. Ano nga rin bang pakialam ni Griffin sa akin? He has a girlfriend and he doesn't have to put his time on me. Gusto lang ako paglaruan no'n, e. Hindi ko sure kung bakit ako ang naisipang pag-trip-an, but I'm going to make sure that he won't do anything to me.
Magkakamatayan kapag nagkataon.
As soon as as we arrived to the place Krisa was talking about. It was full of senior students. Para bang gusto ko na lang bumalik ulit sa apartment at manood sa Netflix at mag-chill nang bongga. Just like what I said, I'm not the type of person who likes to socialize in this kind of party.
It's just not my thing, but for Krisa, I'll do it.
As we head inside the house--not really sure who owns this one, but whoever that person is surely have to clean a lot of mess at the end of the day. We meet some of our block mates along the way and greeted us, but they've had their own "circle of friends" so we don't mind if they just passed by us.
I later realized that it was Griffin's best friend birthday--Chase. They throw the party for him and I was glaring at Krisa because she didn't tell me na closely related pala kay Griffin itong pupuntahan namin ngayon.
And then she just replied to me, "what's the matter? Kahit nandito naman tayo, hindi nila tayo papansinin. Remember, we're insivible to their eyes so don't worry. Saka... it's time to meet some guys around na rin." Hagikgik pa nito. "Oh! If you do that, magagalit 'yang Caleb mo."
Hindi ko pa kinuwento sa kanya iyong pag-uusap namin ni Caleb no'ng nakaraang gabi. I'll just keep it to myself na lang muna since asang-asa na rin ako sa taong 'yon kung sino man siya.
While everyone doesn't seem to mind us, kumuha na lang kami ni Krisa ng mga pagkain na kung saan-saan lang din nakalapag. There were a lot of alcoholic drinks, but I preferred not to drink anything. Si Krisha naman, sabi niya tikim-tikim lang daw siya pero sana hindi ko siya bubuhatin at the end of the day.
"Nakita mo na ba si Chienna?" tanong ko kay Krisa.
Nilingon ako ni Krisa na may pagtaas pa ng kilay na halatang may kasamang judgment.
"Oh? Bakit mo naman hinahanap 'yon ngayon? Parang no'ng nakaraang araw lang, iniiwasan mo siya kasi ayaw mong makita na suot mo 'yong bet niyang sweatshirt din."
Siniko ko siya dahil baka may makarinig sa sinabi niya.
"E, ano naman, ba? Hindi ko pa siya nakikita so don't worry, but I know she would be here. Hindi naman siguro mawawala 'yon lalo na't nandito pa si Griffin, right?"
Napasinghal na lang ako saka ko ininom 'yong apple juice na nakita naming walang umiinom. Ako pa ang unang nagbukas ng bote kaya naman kung walang iinom pa no'n, I would take it home na lang.
Nakaupo lamang ako sa isang tabi habang si Krisa naman ay tinatawag iyong mga taong dumadaan sa harapan namin saka niya chichikahin.
May hinatak naman si Krisa na isang lalaki na ka-batch lang namin. Sa lakas pa nang pagkahahatak nito, muntik pa siyang madaganan. Nagtawanan na lamang silang dalawa habang binigyan ko sila nang mapanuring tingin.
"Siguro may extra room naman dito, ano?" aniko. "Anyway, nakakita ako ng pizza ro'n. Kuha lang muna ako. Gusto mo ba?" tanong ko kay Krisa.
Umiling dito at dahil occupied na siya masyado no'ng lalaki, iniwan ko na silang dalawa. While I was looking for my way to the table where the pizzas are, natigilan ako nang marinig ko hindi kalayuan ang boses ni Griffin. Sakto sa pagtalikod ko, nakita ko si Griffin.
Nagkatinginan kaming dalawa at napangisi pa ito. Ako na mismo ang unang umiwas ng tingin dahil ayokong makipagtitigan sa kanya. But then before I could even leave where I was standing, he called his best friend, Chase and told him about me.
"Do you know her?" he asked Chase and his best friend looked at me.
"Hmmm..." he hummed, wondering. "I'm not sure... but I know I've seen you around, right?"
Napalunok na lamang ako ng laway. "Yeah.... we have same class before, but I bet you won't remember it, but that's fine. I just greet you happy birthday and thanks for having us tonight..."
"Yeah, thanks!" Chase said.
"I gotta go see my friend now," pagrarason ko pa.
Mabilis din naman akong umalis sa harapan nila and just when I get back to where I left Krisa was, napahinto na lang din ako nang makita kong wala na siya ro'n. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.
But good thing, I got away with Griffin... or maybe not.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top