Kabanata 8 : Late


Kabanata 8 : Late

Hours later


"Aissst! Ala una na." sabi ni Shaira na hindi namalayan ang oras sa ginagawa.

"Tsss! Si Franco baka mawala na iyon. Haissst! Siguradong gutom na siya." nag-aalalang sabi ni Shaira sa sarili na nagmamadaling mag-ayos ng gamit sa pag-alis nito.

..................

"Sir, may isa pa po pahabol na meeting. Last na po ito." sabi ng secretary ni Gian ng makababa siya ng kotse na ikinahingang malalim ni Gian.

"Okay." sabi ni Gian at sa pagbaling nito ng tingin sa puwesto ng bata kanina napakunot ang noo nito ng makitang naroroon pa si Franco at ang aso. Natutulog na ang bata sa semento habang yakap nito ang aso.

Napatingin si Gian sa oras ala una y media na ng hapon at dapat alas dose lang ang mga empleyado kapag sabado.

"Sir." sabi ng secretary.

"Mauna ka na sa taas." sabi ni Gian na ikinatango ng secretary nito.

Nang makaalis ang secretary ni Gian agad itong lumapit sa guard na agad naman nabasa ang nasa mukha ni Gian.

"Good afternoon, sir." sabi ng guard na nakatoka sa area na iyon ng gusali.

Napatingin si Gian sa batang lalaki at sa aso.

"Sir, anak po iyan ni Maam Shaira." sabi ng guard.

Hindi umimik si Gian at nilapitan ang batang lalaki saka ito tinayuan. Pinagmasdan ni Gian ang bata, madungis na ito at ang damit ay madumi na rin. Wala itong pakialam kung matulog doon o siguro dala na rin ng pagod ng batang katawan nito, pati nga ang aso tila mahimbing ang tulog habang yakap ng batang lalaki.

"Franco."

Napatingin si Gian at ng makita si Shaira na nagmamadaling lumapit sa anak gumilid si Gian para tingnan ito. Napangisi si Gian, halatang hindi na nakapagsuklay ng buhok at nag-ayos ng sarili si Shaira, oily na rin ang mukha nito na halatang nagmamadali ito dahil namumuo ang pawis sa mukha noo nito.

"Naku! Bakit ka diyan natulog?" sabi ni Shaira na nakapokos sa anak kaya hindi napansin ang malaking bulto ng katawan ni Gian na nakatayo sa tabi niya.

Napangisi si Gian, malaking tao siya pero halatang hindi siya napansin ni Shaira dahil ang atensyon ng dalaga ay nasa anak nito na tila iyon lang ang tao sa lugar na iyon na danaanan ng mga tao at empleyado ng gusali.

"Anak, naku naman. Kakain na tayo. Sorry na late ako." sabi Shaira sabay luhod nito sa semento na hindi allintana kung nasisilipan ito sa suot nitong skirt.

"Anak, gising." sabi ni Shaira pero nagulat ito ng tumahol ang asong kasama ng anak na ikinatili ni Shaira sa gulat at ikinabuwal nito sa pagkakaluhod.

"Ayyyy! Asong may rabies." nagulat na sigaw ni Shaira na napaupo ng tuluyan sa lapag.

"Shit." usal ni Gian sabay takip kay Shaira nakasuot ng office skirt at nakikitaan ito.

"Shhh." sabi ni Franco sabay yakap sa aso ng tumahol ito.

"Anak, Dios ko Lord gumising ka hindi ako makalapit sayo dahil sa asong gala." sabi ni Shaira na ikinamulat ng mga mata ng batang lalaki habang nakahiga ito sa semento.

"Nanay." sabi ni Franco na halatang hindi pa ito nahihimasmasan sa pagkakatulog.

"Anak, kakain na tayo." sabi ni Shaira na ikinabalikwas ng bangon ni Franco ng makita ang ina, na ikinatahol muli ng aso sa gulat sa biglaang pagkakabangon ni Franco.

"Ay may rabies!" tiling nagulat na sabi ni Shaira na napayakap sa binti ni Gian na nakatayo sa harapan niya ng magulat sa tahol ng aso na anytime yata kakainin siya ng buo.

"Shhhh. Behave nanay ko iyan." sabi ni Franco sa aso saka ito niyakap na ikinakawag ng buntot ng aso at ikinadila sa mukha ng batang lalaki

"Anak, baka may rabies iyan. Baka tumahol ka na lang bigla. Diyos ko naman saan mo ba nakuha iyan?" sabi ni Shaira na ikinatitig ni Gian sa dalaga dahil hindi pa rin siya napapansin nito kahit nakayakap ito sa binti niya dahil sa takot sa aso na hawak ng anak nito.


"Hindi siya naglalaway kaya good po ito."
sabi ni Franco pero napakunot ang noo nito ng tuluyang mahimasmasan at ng napatingin sa binting yakap ng ina niya dala ng takot nito sa aso.

"Anak, ano bang gagawin natin diyan? Baka tumahol tayong tatlo dito. Diyos ko anak ayoko tumahol." sabi ni Shaira na nagawa pang ikiskis ang noo sa yakap nito.

"Nay?" sabi ni Franco ng mapalunok ng tumingala at makita kung kaninong pantalon ang kinikiskisan ng pawis ng ina sa noo nito habang yakap ang binti ng may-ari ng katawang iyon.

"Anak, nagugutom na rin ako. Ang init pa." sabi ni Shaira na dala ng pagod, at kakaisip hindi pa rin nito napapansin ang ginagawa sa binti ng yakap nito.

"Nay." sabi ni Franco sabay hawak sa kamay ng ina at hinila iyon.

"Aray! Anak baka may rabies ka na, nagiging mapanakit ka. Baka maglaway ka na." sabi ni Shaira na bakas ang takot at pag-aalala pero muli itong napatili ng tumahol uli ang aso na tila ayaw ng mga sinasabi niya at paratang dito.

"Ayyyy! Ano bang aso iyan? Para iyong kilala kong lalaki tahol ng tahol hindi naman inaano galit na galit sa akin." sabi ni Shaira.

"Sino?" seryosong sabi ni Gian habang pinagmamasdan si Shaira na nakaupo pa rin sa semento.

"Sino pa ba? Iyong Prinsipeng amo ko, nakabusangot lagi parang ninakawan ko kung umasta. Langya, hindi ko naman sinabing single ako. Kasalanan ko ba kung naudlot ang sinabi ko single pa... pa as parent iyon.

Aissst! Nagugutom na ako anak." sabi ni Shaira ng maaphinto ito ng mahinuha na hindi si Franco ang nagtanong at hindi iyon boses ng anak niya.

"Nay." sabi ni Franco sabay yakap sa aso nito.

"Anak." sabi din ni Shaira na nakiyakap na rin sa aso kahit nakaangil ang aso at labas ng pangil nito ng sa gilid ng mga mata ni Shaira nakita niya ang nakatayo sa tabi niya.

"Gutom na tayo 'nay." sabi ni Franco.

"Oo nga. Gutom na tayo, at pati iyong aso gutom na." sabi ni Shaira na napalunok sa hiya.

"Tumayo na tayo 'nay." sabi ni Franco ng makitang marami ng nakatigin sa kanila.

Napalunok muli si Shaira ng makita ang itsura niya. Agad niyang hinila ang skirt at tumayo ito at inayos ang damit na suot.

"Kumain na tayo nay." sabi muli ni Franco na tumayo na rin at kinarga ang aso na hindi naman kalakihan.

"Oo kakain na tayo." sabi ni Shaira.

Iwas ang tingin ni Shaira kay Gian na nakatitig sa kanya.

"Saan po tayo dadaan?" sabi ni Franco na bakas ang takot nito kaya umiwas ito ng tingin kay Gian.

"Sa kabila." sabi ni Shaira at akmang aalis ito ng magsalita si Gian.

"Huwag kang magdadala ng squatter sa lugar ko. Hindi ito tambayan ng namamalimos." sabi ni Gian na ikinalingon ni Shaira at ikinatingin sa binatang amo.

"Sorry." sabi ni Shaira at nagulat si Gian ng lumuhod si Shaira saka nito pinagpagan ang pantalon niya kung saan ang binti niyang niyakap nito kanina ng hindi nito sinasadya.

".....sorry, Prince Gian. Huwag kang mag-alala, hindi na mauulit." sabi ni Shaira at nagulat naman si Shaira ng lumuhod din ang anak niya at ginaya siya, ganoon din ang aso na ikinalunok ni Gian ng luhuran siya ng mag-ina at ng aso na tila siya nasa palasyo na niluluhuran ng mga katulong nila.

"Sorry po. Hindi na po ako tatapak sa lugar mo, para wala ng squatter." sabi ni Franco kay Gian na ikinaluha ng bata habang nakayuko ito.

Napatingin si Gian sa batang lalaki ng tumulo ang luha nito sa sapatos niyang mamahalin.

Tumahol naman ang aso at dinilaan ang luha ng batang lalaki sa sapatos ni Gian.

"Sorry po." sabi ni Shaira na pigil ang luha sa pagluha ng anak niya.

Mabilis na tumayo si Shaira saka nito inalalayan ang anak.

"Halika na anak." sabi ni Shaira ng makatayo si Franco.

"Kain na po tayo." sabi ni Franco sabay karga sa aso at nakuha pa ng batang bitbitin ang bote ng tubig na may lamang pera.

Napatitig si Shaira sa anak, ng makita ang bote ng mineral water na may per ana ngayon lang niya napansin.

"Akala siguro nila namamalimos ako, nay. Pero okay na ito may pambili ako pagkain ni Doggo." sabi ni Franco na napangiti habang karga ang aso at hawak ang bote ng mineral water at baunan nitong lalagyan ng tubig.

Napangiti si Shaira saka nito inakbayan ang anak at umalis sa lugar na iyon.

Naiwan si Gian habang sinusundan ng tingin ang mag-ina pero ilang sandali lang ng mapangisi ito.

"Same old tricky little beggar." mahinang sabi ni Gian saka ito pumasok sa loob ng gusali.

......................

Days later

"Late na ako." sabi ni Shaira ng unang araw na late siya sa tanang buhay niya ng makapasok siya sa kompanyang iyon. Dalawang oras siyang late dahil may sakit ang anak niya na nasa hospital ngayon. Hindi niya maiwan ito pero dahil may nurse na naawa sa kanila mag-ina kaya nakaalis siya sa hospital

"Dalawang oras. Aissst! 1st offense iyon." sabi ni Shaira dahil hindi siya nakatawag sa boss niya ng maaga at kapag ganoon automatic violation iyon.

"Asar." sabi ni Shaira na bakit ba hindi niya malilimutan. Aligaga siya kagabi at uunahin pa ba niya ang pagtawag kaysa asikasuhin ang anak niya nagkukumbulsyon.

"Bahala na." sabi ni Shaira habang naglalakad ng mabilis pero sa kakamadali nito nabunggo nito ang isang babae.

"Aray!" sigaw ng isang babae na halatang nasaktan at nagulat ito sa impact ng pagkakabangga sa katawan nito.

"Opppss." sigaw pa ng isang tinig na naagapan ang pagkakabuwal ng babae.

"Sorry Maam Hestia." sabi ni Shaira ng mabunggo ang asawa ni Aj na agad na nasalo ng lalaki.

"Ang sakit nun? Nagmamadali ka? May lakad? May emergency ba? End of the world? O grand sale?" sabi ni Hestia ng mamukhaan si Shaira na ikinangiti ni AJ sa dami ng sinabi ni Hestia.

"Wala po." sabi ni Shaira.

"Okay, ingat ka sa susunod." sabi ni Hestia habang yakap ito ni Aj.

"Sorry maam sorry po Sir." sabi ni Shaira na hindi na nagulat na tila wala lang sa dalawa ang pagkakabangga niya sa mga ito. Mabait kasi ang mag-asawa at tila wala sa mga ito ang maliliit na bagay.

"Okay lang. Ingat ka." sabi ni Aj.

Nagmamadaling umalis si Shaira na ikinasunod ng tingin ni Aj dito

"Uyyy, mata mo." inis na sabi ni Hestia ng sundan ng tingin ni Aj si Shaira na ikinatawa ni Aj ng hawakan pa ni Hestia ang mukha niya at ibilanggo iyon sa mga kamay nito habang magkatitigan sila.

"Hahahaha! Uuwi na tayo." sabi ni Aj.

"Tsss. Kaya ayoko dito, ang dami mong tinitingnan." inis na sabi ni Hestia.

"Hahaha! Kahit naman saan ganyan ang sinasabi mo." sabi ni AJ.

"Sa isla na lang tayo." sabi ni Hestia na ikinatawa ni AJ ng malakas sabay buhat kay Hestia na ikinatingin ng lahat ng tao sa palapag na iyon.

"Hahaha! May pupuntahan muna tayo bago tayo umuwi sa isla." sabi ni AJ habang buhat na si Hestia palabas ng gusali.

.........................

Pagdating naman ni Shaira sa mesa niya, napahingang malalim ito ng makita agad ang memo niya at galing iyon kay Gian. Nasa policy ng kompanya na kahit si Autumn ang nag hire sa kanya si Gian ang magbababa ng memo kapag may violation siya at iyon ang una, kaso big deal iyon dahil malaki ang mawawala sa kanya. 50% ng Incentive niya na inaasahan niya para mabuhay silang mag-ina at para sana sa pambayad ng hospital bill na kahit may medical card sila na provided ng kompanya hindi sapat iyon dahil may iba pa naman sila babayaran.

Napaupo si Shaira at napaluha ito ng makita ang memo niya. Pakiramdam niya sampung beses ang pagod niya mula sa dalawang araw na may sakit ang anak at ngayon nga'y nasa hospital ito.

Sabado ng magkasakit si Franco at hindi nga siya pumasok, okay lang naman iyon dahil hindi naman compulsory ang pagpasok ng Sabado pero ang ngayon ibang usapan na dahil may bawas iyon sa kinikita niya.

"Maam excuse me po."

Pinunasan ni Shaira ng panyo ang mukha saka ito napatingin sa nagsalita.

"Bakit iyon?"sabi ni Shaira ng makita ang staff.

"Pinapatawag ka po sa opisina ni President GCC." sabi ng isang staff na lumapit kay Shaira na kakaupo pa lang.

"Okay." sabi ni Shaira.


"Maam, regarding yata sa tinanggap mong aplikante last last Saturday, may tama po sa NBI hindi mo daw nakita, then hindi ka pumasok noong Sabado which is nandito iyong legal lawyer ng kompanya. May nagsabing ikaw ang nagbigay ng papers sa kaso sa labor na isinampa ng tatlong utility sa kompanya." bulong ng isang staff kay Shaira na ikinatingin niya dito.

"Okay salamat sa info." sabi ni Shaira.

"Okay lang po iyon." nakangiting sabi ng staff saka ito umalis.

Tumayo si Shaira saka ito pumunta sa opisina ni Gian. Pagdating sa opisina nito kumatok ito at marahan binuksan ang pintuan.

"Good morning Sir." sabi ni Shaira

"Tanghali na." seryosong sabi ni Gian.

"Sorry, na late po ako." sabi ni Shaira sabay suklay ng daliri nito sa buhok sa pagod at tensyon.

Napatingin si Gian sa dalaga saka ito napakunot noo.

"Late?" sabi ni Gian.

"Nasa hospital anak ko Sir." sabi ni Shaira.


"So?"
sabi ni Gian habang pinagmamasdan si Shaira na tila maiiyak na halatang pagod pa ito at hinihingal. Halata ding wala pa itong tulog dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata nito at kita iyon sa walang make up na mukha nito.

"Wala po. Sorry." sabi ni Shaira na napayuko dahil muli wala naman makakaunawa sa kanya at sawa na siya sa kakasalita. At muli trabahador siya at hindi saklaw ng kompanya ang wala niyang kuwentang personal na buhay.

Pinagmasdan ni Gian si Shaira, nakayuko ito at halatang malalim ang iniisip.


"Lumabas ka na."
biglang sabi ni Gian na ayaw niya makaramdam ng awa dahil pakiramdam niya isa iyong kalokohan.

"Okay Sir. Thank you." sabi ni Shaira saka ito lumabas ng kuwarto na ikinahingang malalim ni Gian.

.................

Hours later

"Tapos na ako." sabi ni Shaira saka nito tiningnan ang oras alas singko na ng hapon bawi naman niya ang eight hours at tinapos niya ang lahat ng trabaho niya kaya naisip na niya umuwi.

Nagmamadaling inayos ni Shaira ang mesa saka ito umalis. Sumakay ito ng elevator at napaatras ito ng sumakay ang ibang empleyado kasama si Gian.

Nakatitig lang si Shaira sa relo, kailangan niya magmadali dahil baka hindi pa kumakain ang anak niya na malamang hindi pa nga. Isama pa na wala naman bantay ang anak sa hospital.

Lihim na pinakikiramdaman ni Gian si Shaira tahimik lang ito at nakatingin sa relo nito sa bisig halatang hindi rin ito mapakali base sa paggalaw ng mga daliri nito.

Pagbukas ng elevator at paglabas ng mga tao, mabilis at nagmamadaling naglakad si Shaira na ikinatingin ni Gian dito dahil muli tila walang tao sa paligid ng dumaan si Shaira na parang hangin lang ang lahat sa paligid nito dahil nasa isip nito ang anak nito.

"Ate Shaira!" sigaw ni Hestia na ikinahinto ni Shaira at ikinatingin ni Gian sa magandang babaeng tila Prinsesa kung maglakad habang kasama nito si Aj.

"Sumabay ka na sa amin." sabi ni Aj kay Shaira ng makalapit ang mga ito kay Shaira.

"Ha?" sabi ni Shaira.

"Pumunta kami ng hospital, dinalaw namin si Franco. Pero sabi namin babalik kami kukunin ka lang namin." sabi ni Hestia na ikinagulat ni Shaira dahil wala siyang sinasabihan bukod kay Gian na imposibleng magsalita na nasa hospital ang anak niya.

"Kami ang nagbantay sa kanya. At huwag kang mag-alala, habang nasa hospital siya kami muna bahala." sabi ni Aj sabay kindat kay Shaira na ikinayakap ni Hestia kay Aj.

"Hahaha!" natawa si Aj sa selos na nakikita niya sa asawa kapag ginagawa niya ang pagkindat sa babae.

"Susundutin ko na iyang mga mata mo." sabi ni Hestia kay Aj na ikinangiti ni Shaira.

"Hahaha! Aalis na tayo kapag sinundot mo ang mga mata ko wala na ako makikita kapag nagmaneho ako." sabi ni Aj kay Hestia na ikinairap nito kaya lalo natawa si Aj.

Napatingin si Hestia kay Shaira saka ito ngumiti.

"Halika na Ate. Huwag kang mag-alala marunong ako mag-alaga ng bata." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Shaira dahil hindi naman nalalayo ang edad ng anak niya sa panganay nila Hestia at Aj na si Laurent kay Franco.

"Bibili pa sana ako ng prutas niya." sabi ni Shaira.

"May prutas na sa hospital marami." sabi ni Hestia.

"Ahh, ganoon ba? Salamat, nag-abala pa kayo." sabi ni Shaira.

"Hindi kami nagbigay kundi iyong company." sabi ni Hestia.

"Ha? Talaga?" sabi ni Shaira saka ito napatingin sa likuran.

Umiwas ng tingin si Gian saka ito sumunod sa mga kasamahan para umalis.

"Halika na po baka matraffic tayo." sabi ni Hestia na ikinatango ni Shaira.

Napangiti si Shaira, hindi niya inaasahan iyon.

"Tsss. Walang istorbo kanina." napangiting sabi ni Shaira sa isip ng mahinuha na wala ni isa man lang na umistorbo kanina sa kanya sa pagtatarabaho at ni hindi na siya sinita at kinausap ni Gian tungkol sa mga pagkakamali niya ng mga nagkaraang Sabado.


July 16, 2022 3.21pm

Fifth Street

Try ko pa mag-isang chapter not so sure.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top