Kabanata 7 : Unwanted
Kabanata 7 : Unwanted
"Uuwi na po ako nanay, hindi na ako pupunta dito. Ayaw niya sa akin. Nagtataka ako bakit ba ayaw nila sa akin? Bad po ba ako?" malungkot na sabi ng batang lalaki.
Napakunot naman ang noo ni Gian sa sinabi ng batang lalaki pero nanatili siyang nakatalikod sa mag-ina.
"Ahhmmm. Huwag kang magsalita ng ganyan. Ganito na lang tatapusin lang ni nanay iyong trabaho niya." sabi ni Shaira saka nito niyakap ang anak ng mahigpit.
"Malapit na po ba matapos ang trabaho mo?" sabi ni Franco na ikinalingon ni Gian sa mag-ina sa sinabi ng batang lalaki.
"Hindi minamadali ang trabaho. Opisina ito kung saan isang trabaho ang ginagawa at hindi laro." seryosong sabi ni Gian ng humarap ito at ng magkasalubong ang mga mata nila ng batang lalaki agad na yumakap ang bata sa ina nito na halatang takot ito.
"Sorry po." sabi ni Shaira kay Gian sabay yakap sa anak.
"Kaya ayaw ko ng bata sa kompanya ko dahil imbes ang concentration ng empleyado nasa trabaho napupunta pa sa bata. Eh kung magdadala ka ng bata, dapat nagbabysitter ka na lang." sabi ni Gian na ikinahingang malalim ni Shaira dahil alam naman niya may mga tao talagang hindi nakakaunawa sa sitwasyon niya lalo na ang mga taong nakukuha ang lahat, suwerte at mga taong wala sa mga paa niya.
"Nanay, sa baba na lang po ako." sabi ni Franco na ikinatango ni Shaira dahil sa isip niya hindi niya kailangan ipaliwanag lagi ang sitwasyon niya na sa huli lalabas siyang masama at makakarinig ng mga salitang ikakasakit ng dibdib niya at ng batang puso ng anak niya, na talagang iniiwasan niya hanggat maaari ang bigyan ng kalungkutan at pagtataka na mauuwi sa galit para sa isang bata na tulad ng kalagayan ni Franco.
Napatingin si Shaira kay Gian, saka ito yumuko para humingi ng paumanhin.
"Sorry. Ibababa ko na lang siya." sabi ni Shaira habang nakayuko kay Gian. Nang hindi nagsalita ang amo tumalikod si Shaira kasama ang anak at nagtungo ang mga ito sa elevator para ibaba ang anak.
Napatingin si Gian sa mag-ina ng sumakay ang mga iyon ng elevator.
"Huh!" sabi ni Gian na naiiling saka ito umalis.
....................
"Dito na lang po ako nanay." sabi ni Franco ng mapili nito sa labas ng gusali umupo para hintayin ang ina.
Napatingin si Shaira sa paligid, labas na iyon ng building at daanan ng mga tao. May guard naman na malapit pero siyempre hindi naman niya aasahan iyon na tingnan ang anak niya dahil ang trabaho nun magbantay ng gusaling pinagtatrabahuan nito.
"Nanay okay na po ako dito." sabi ni Franco sabay upo sa nakausling semento sa gilid ng building.
Napatingin si Shaira sa anak, natatakot siya mawala o makidnap ito roon kaya nagdadalawang isip siya umakyat at iwan ito na kahit sino naman sigurong ina hindi mapapanatag na iwanan ang anak kahit sandali lalo na kung isang oras mahigit pa ang hihintayin ni Franco bago siya matapos sa trabaho.
"Nanay, okay na po ako baka pagalitan ka po at mawalan ka ng trabaho dahil sa akin." sabi ni Franco na ikinatitig lalo ni Shaira sa anak.
"Nay, okay po ako. Akyat ka na po." sabi ni Franco na napayuko at pigil lumuha.
Napalunok si Shaira, ang totoo mula ng ipinanganak niya si Franco nahirapan siya budgetin ang oras. Single mother siya, literal, at wala siyang maaasahan na mag-aalaga dito. Kaya nga sinasama niya ito kahit noong baby pa lang ito sa trabaho na lagi niyang ikinatatanggal sa trabaho. Ayaw din naman kasi niya iwan ito kung kani-kanino at ipagkatiwala basta-basta.
"Nanay okay po ako, big boy na po ako. Hindi po ako aalis dito at hindi rin ako sasama sa iba." sabi ni Franco.
Napaluha si Shaira, na kung tutuusin pakiramdam niya napakasama niyang ina kasi araw-araw dinadasal niya na sana lumaki na ang anak niya kaya pakiramdam din niya hindi niya naenjoy ang pagiging baby nito dahil gusto niya hilain lahat ang oras at panahon para lumaki na ito at makatayo mag-isa kahit wala siya.
"Nanay, okay po ako." sabi ni Franco sabay tingin kay Shaira na nakangiti para hindi mag-alala ang nanay niya na iwan siya sa gilid ng gusali.
"Huwag kang aalis dito." sabi ni Shaira sa anak ng makitang nakangiti ang anak na madalas nitong gawin kapag iiwanan niya ito mag-isa.
Napangiti si Shaira, mabait na bata si Franco bagay na nagpapasalamat siya dahil iyon ang pinanghuhugutan niya ng lakas para maitawid ang pang-araw araw na hirap. Isang mahirap na sitwasyon para sa kanya dahil sa pag-iisip at pag-aalala sa araw-araw dito, isang malaking impact iyon sa single parent na tulad niya. Pakiramdam niya kasi stress at depress siya sa kakaisip lagi sa anak kung okay ito, o buhay pa ba ito kapag nahihiwalay siya dito.
Mga bagay na, gusto niya minsan hatiin ang sarili kung puwede lang mapagsabay lang ang buhayin ito kapag nasa trabaho siya para kumita ng pera at maalagaan ito ng personal.
"Nay, okay po ako. Dito lang po ako. Pangako." sabi ni Franco habang hawak pa rin nito ang baunan na walang laman na tubig.
Pigil ang luha ni Shaira, ayaw niyang gawing madrama ang buhay nilang mag-ina pero kahit anong gawin niya ganoon ang buhay niya. Mahirap. Sobrang hirap kapag nag-iisa kang nagpapalaki ng anak mo.
"Alis ka na po, kasi baka lalo ka pong matagalan sa taas kapag tumagal ka dito sa akin. Ikaw din mas lalo akong matatagalan maghintay at mas lalo ka pong mag-aalala." nakangiting sabi ni Franco para mapasaya ang ina at makapag-isip na rin ito dahil mula ng lumaki siya namulat siyang nakatitig sa kanya lagi ang nanay niya sa kanya, minsan natatakot nga siya baka namamaalam na ito dahil ang titig ng ina niya ay kakaiba sa lahat na tila ayaw nitong ialis ang atensyon sa kanya.
"Okay, mabilis lang ako." sabi ni Shaira.
"Nay." sabi ni Franco sabay hawak sa kamay ng ina.
"Bakit iyon?" sabi ni Shaira.
"Huwag mong bilisan, baka magkamali ka. Huwag kang mag-alala nandito lang ako at hihintayin po kita. Huwag ka rin po mag-alala hindi ako mapapahamak dito, aalagaan ko po ang sarili ko." sabi ni Franco na ikinangiti ni Shaira,
"Okay." napangiting sabi ni Shaira saka nito niyakap ang anak at hinalikan sa noo.
"I love you nay." sabi ni Franco na ikinaluha ni Shaira pero agad na iyon pinunasan para hindi makita ng anak.
"I love you anak. Aalis na ako ha. Ingat ka dito." sabi ni Shaira na ikinatango ni Franco.
Hirap man sa pag-alis pinilit ni Shaira itapak palayo ang mga paa kay Franco.
................
"Ground Floor." sabi ni Rio ng magbukas ang elevator.
Tumabi si Shaira ng magbukas ang elevator para bigyan daan ang mga lalabas. Napayuko ito ng isa roon si Gian kasama ang mataas na empleyado at ang secretary nito.
Samantalang pagbukas ng elevator bumungad si Shaira na ikinatingin ng pasimple ni Gian sa dalaga. Ilang minuto din ito nawala sa taas mula ng ihatid ang anak sa kung saan lumalop. Gumilid ang dalagang ina habang nakayuko ito.
Dumaan si Gian sa harapan ni Shaira peri sinadya nitong sanggiin ng braso niya ang braso ng dalaga na ikinatingin ni Shaira sa kanya.
Napatingin naman si Shaira kay Gian ng masanggi siya ng braso nito pero ang binata mukhang hindi naman alam ang ginawa o tila pangkaraniwang pangyayari lang iyon sa mga nagkakasalubong.
Napayuko si Shaira ng deretsong naglakad si Gian na tila hindi siya nakita.
"Pasok na po." sabi ni Rio sa mga naghihintay.
Pumasok si Shaira at tulad ng dati sa sulok siya ng elevator pumuwesto dahil may mga kasabay siyang matataas ang katungkulan sa kompanya at siya ay tila sisiw lang.
Ilang sandali pa ng mapansin ni Shaira na may nakatingin sa kanya habang nakayuko lang siya na madalas naman niyang gawin. Pero ng maramdaman na may nakatitig sa kanya napatingala siya at hindi na rin siya nagulat ng nakatingin sa kanya ang ibang empleyado na sakay ng elevator na halatang pinagbubulungan siya. Nakataas pa ang kilay ng mga babae na hindi na lamang niya pinansin.
Dati pa naman kasi isang malaking question mark na siya sa lahat, paanong hindi. Hindi naman kasi siya tapos ng kolehiyo. Dalagang ina siya, at nakapasok siya under kay Autumn Valiente na kung titingnan ang tingin ng halos lahat sa kanya galing siya sa Casa ni Autumn at isa siya sa babaeng natipuhan ng mga kagrupo nito kaya siya hinanay sa mataas na posisyon ng kompanya.
Napahingang malalim si Shaira, sanay na siya sa ganoong bagay dahil ganoon ang mundo at kalakaran ngayon sa mundo, karamihan sa mga tao nakikita ka kung sa kung anong pangit na imahe meron ka at hindi lang naman siya ang nkakaranas nun, marami sila.
"30th floor." sabi ni Rio na ikinatingin ng lahat dito.
"30th floor." muling sabi ni Rio ng tingnan siya ng lahat.
Napangiti ng lihim si Shaira, dahil alam ng lahat ng empleyado na si Rio under ng Valiente kaya ni isa walang makapagsalita dito.
"Tsss." napangising taas kilay na sabi ng mga babaeng empleyado saka lumabas ang mga ito.
Napailing naman ang mga lalaking empleyado kay Rio na ikinangisi ni Rio at ikinangiti naman ni Shaira dahil sa paglabas ng huling babae sa elevator napataas kilay pa ito at bigla itong nagreact.
"Pareho kasing manggagamit kaya nasa nakapuwesto. Mga gold digger." sabi pa ng babae na ikinangiti lang ni Rio sa sinabi ng babae.
Napatingin naman si Shaira kay Rio dahil ang totoo wala siyang alam kung sino ang babaeng operator bukod sa pangalan nito at mabait ito sa kanya.
"30th floor." muling sabi ni Rio na ikinangiti ni Shaira ng siya ang sabihan nito.
"Loka ka alam ko. Hahaha!" natawang sabi ni Shaira saka ito lumabas pero sa paglabas nito may sumakay na isang lalaki na ikinalingon ni Shaira dahil nakasuot iyon ng puting damit. Puting longsleeve polo, puting pantalon at pati sapatos ng lalaki ay puti.
"Parking." nakangiting sabi ng lalaki kay Rio.
"Wala pong Parking, Sir. Ground Floor lang." sabi ni Rio na hindi pa sinasara ang pintuan dahil wala naman kasi talagang Parking sa naturang button o palapag sa elevator na iyon. Helipad meron at ang parking naman ay nasa ibang elevator na pribado.
"Sira, hahaha! Parking. I mean isara mo tapos ipark mo sa third floor." natatawang sabi ng lalaki kay Rio.
Mabagal lang maglakad si Shaira dahil sinumpong ang pagiging tsismosa niya sa kung sino ang lalaki na kausap ni Rio
"3rd floor?" napakunot na noo na sabi ni Rio sa lalaki habang nanatiling bukas ang elevator.
"Langya ka talaga. Ang ibig kong sabihin ay itigil mo sa 3rd floor doon mo ipark ang elevator mo dahil...." udlot na sabi ng lalaki saka ito yumuko na ikinatingin ni Rio dito.
"Tsss. GR, 1 at 30th floor lang ang tigil ko, Sir." sabi ni Rio sa lalaki.
"Hahahaha! Titigil ka sa 3rd floor dahil..." udlot muli na sabi ng lalaki at akmang magsasalita si Rio ng unahan ito ng lalaki.
"....Happy 3rd anniversary Mrs Valiente." sabi ng lalaki na ikinanlaki ng mga mata ni Shaira, at dahil sa pagiging tsismosa niya napalingon siya pero papasara na ang elevator.
Sa papasarang elevator nakita pa nito ang kamay ng lalaki na siyang pumindot ng elevator button at ang isang kamay ng lalaki ay nakahapit sa baywang ni Rio, habang hinahalikan nito si Rio.
"Ohhh. Kabogera ang operator. Langya Valiente ang nobyo pero... Oh shocks! Mrs daw." sabi ni Shaira at nagmamadali itong pumunta sa mesa niya.
........................
Samantalang papalabas ng gusali si Gian kasama ang secretary nito at ibang big bosses ng kompanya para sa dadaluhang meeting ng mapansin ni Gian ang isang bata na nakaupo sa labas ng gusali sa may gilid.
Napatigil si Gian sa paglalakad ng mapagmasdan ang bata, tinutungga nito ang lalagyanan ng tubig at halatang uhaw ito. Hindi naman kasi ito nakapaglagay ng tubig sa pantry. Walang laman ang tubigan nito pero pilit iyon tinutungga ng bata na tila magkakahimala na magkakaroon ng tubig ang lalagyanan nito.
"Ang init." malakas na sabi ng bata na ikinakunot noo ni Gian dahil kahit malilim ang puwesto ng batang lalaki ang klima ng araw na iyon ay maaraw isama pa na magtatanghaling tapat na.
Tagaktak ng pawis ang batang lalaki, pinapaypay nito ang sariling damit sa katawan nito para malamigan.
"Sir, sakay na po tayo." sabi ng security ng huminto ang kotse ni Gian sa harap niya kung saan siya nakatayo habang pinagmamasdan ang batang lalaki.
Napahingang malalim si Gian pero akmang tatalikod ito ng maudlot iyon ng makita ang batang lalaki.
...............
Samanatalang ilang minuto pa lang si Franco sa labas ng gusali mainit ang klima at wala na siyang tubig ng may dumaang lalaking nagbebenta ng tubig na nasa bote.
"Manong, pabili po ako." sabi ni Franco sabay kuha ng bente pesos sa bulsa nito.
"Ito oh." sabi ng lalaki sabay bigay ng halagang bente pesos na tubig na nasa bote sa bata saka ito umalis,
Agad na binuksan ni Franco ang bote, malaki laki iyon pero sa uhaw niya kulang iyon tiyak sa kanya. Tinutungga na ni Franco ang bote ng tubig ng maudlot ito sa pag-inom ng may nakitang aso sa matao at magandang lugar na iyon ng siyudad.
Lumapit ang aso kay Franco na ikinatigil ng bata sa pag-inom. Kumawag ang buntot ng aso na ikinangiti ni Franco at kahit kalahati pa lang ang naiinom nito sa tubig umupo ito at pinainom nito ang aso na agad na uminom sa bote ng tubig niya.
"May amo ka?" tanong ni Franco sa aso na halata namang gala ang aso o sadyang niligaw.
"Aspin ka, ako naman tapin. Taong pinoy." nakangiting sabi ni Franco hang pinapainom ng tubig ang aso na kumakawag ang buntot na walang tigil.
"Uyyy uhaw ka rin, pareho tayo. Gusto mo akin ka na lang para may kasama ako kapag wala si nanay." sabi ni Franco. Pinaubos nito ang tubig sa aso at ng matapos uminom ang aso, ang akala ni Franco aalis na ang aso pero umupo ito sa tabi niya na ikinangiti ng batang lalaki.
"Sama ka sa akin? Akin ka na lang iuuwi kita. Mukhang pareho tayong ayaw nila." sabi ni Franco sabay yakap sa aso.
Samantalang nakatitig lang si Gian sa batang lalaki, hindi man lang natakot ang bata kung may rabies ang aso isama pa na halatang asong gala iyon dahil may kadumihan at halatang gutom.
"Sir." sabi ng security na ikinatango ni Gian saka ito sumakay ng kotse pero sa pagsakay nito napatingin uli ito sa batang lalaki na kinakausap ang asong katabi na nito.
Napangiti si Gian, tila nagkakaunawaan ang bata at ang aso dahil kumakawag ang buntot ng aso at tumatahol ito habang nakatingin kay Franco na tila sumasagot sa tanong ng batang lalaki.
...................
July 16, 2022 2.33pm
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top