Kabanata 6 : Unwelcome


Kabanata 6 : Unwelcome

One week later

Canmore Telecom Tower


"Good morning po." nakangiting sabi ni Franco kay Rio habang papasok ito ng elevator kasama si Shaira ng umagang iyon ng Sabado.

"Good morning, Franco the Dragon." masayang bati na sabi ni Rio na nagmuwestra pa na tila dragon ito na ikinatawa ng batang lalaki

"Hahaha! Ang galing niyo po ate Rio." natawang sabi ng batang lalaki.

"Mas magaling ka kasi ikaw ay isang dragon." masayang sabi ni Rio kay Franco sabay tingin kay Shaira na nakatitig sa anak nito.

"....ang aga mo yata? Sabado ngayon." sabi ni Rio kay Shaira.

"May tatapusin akong papeles, kaya inagahan ko kasi may date kami ni Franco." sabi ni Shaira na napangiti.

"Ahmm. Sabagay, baka mainip. Atleast ngayon makakatulog pa iyan sa taas dahil wala pang masyadong empleyado." sabi ni Rio.

"Kaya nga eh." nakangiting sabi ni Shaira.

"Ate Rio, bakit po hindi mo pa sinasara ang elevator?" nagtatakang tanong ng batang lalaki.

Napangiti si Shaira, ngayon lang kasi niya naisama si Franco ng Sabado na maaga sila kapag ganoong araw kasi alas syete siya pumapasok at uuwi sila ng alas dose ng tanghali pero dahil may hinahabol siyang report na kailangan tapusin kaya inagahan niya ang araw na iyon.

"Kasi..." udlot na sabi ni Rio ng dumating ang hinihintay nito.

"Anak, umurong tayo." sabi ni Shaira ng pumasok ang dalawang security at sumunod si Gian.

Napaatras pa sila Shaira sabay yakap sa anak ng pumasok din sa loob ang dalawa pang security bukod sa unang dalawa na kasama ni Gian.

Napatingin naman si Rio sa elevator panel button ng hindi humihinga dahil pakiramdam niya tutunog iyon sa bigat ng limang lalaking sumakay.

"Weeww!" napahingang malalim na sabi ni Rio ng hindi naman tumunog ang naturang elevator kahit ramdam niya ang bigat ng mga sumakay.

"Ako na lang kaya ang aalis." napangising sabi ni Rio sa isip ng mailang sa dambuhalang mga security ni Gian.

"Nanay." sabi ni Franco na ikinatingin ni Shaira sa anak, maliit pa ang anak niya kaya tila mga naglalakihang puno ang mga katabi nito isama pa na malalaki ang katawan ng mga nasa unahan nila.

"Usog pa tayo." sabi ni Shaira sabay yakap sa anak at ginitgit nito ang sarili sa gilid habang pinoprotektahan ang anak nito na halatang natatakot sa malalaking lalaki.

"Nanay, hindi po ako makahinga." mahinang sabi ni Franco.

Napatitig si Shaira sa anak, bata pa ito at maliit pa kaya alam naman niya ang pakiramdam ng nasa gitna ng maraming tao na tila ka pusang anytime puwede matapakan.

"Malapit na tayo." sabi ni Shaira ng biglang may humawak sa kanya na ikinatingin niya.

Samantalang pagpasok ni Gian kanina ng elevator hindi niya inaasahan na naroroon ang mag-ina, ang alam niyang schedule ni Shaira tuwing Sabado ay alas syete ng umaga kaya naman sinama niya ang mga bodyguard niya. Kaya naman nagulat siya kanina ng maaga ito pumasok at hindi naman niya intension na isuffocate ang mag-ina na alam niyang iyon ang nararamdaman ng dalawa sa gilid habang sinisiksik ng mga ito ang sarili.

Napatingin naman si Shaira sa kamay na humawak sa braso niya.

"Maam dito na po kayo." sabi ng isang security ni Gian na pinapagitna silang mag-ina, na ikinangiti ni Shaira.

"Hindi na po." sabi ni Shaira habang nakikiramdam lang si Gian.

"Mahihirapan po makahinga ang anak niyo, baka mahimatay iyan." sabi ng security at akmang sasagot si Shaira ng magsalita si Franco.

"Manong, karga." sabi ni Franco sa lalaki na ikinanlaki ng mga mata ni Shaira.

"Anak, nakakahiya." sabi ni Shaira.

"Okay lang Maam. Baka mapaano ang anak niyo mababa at mahina ang hangin kapag ganyan kaliit pa baka pagmulan po ng phobia sa kulob na lugar." sabi ng security saka nito kinarga ang batang lalaki na hindi naman ganoon kalakihan siguro kasi bata pa ito or mabagal ang development sa pagtangkad.

"Salamat kuya." sabi ni Shaira ng kargahin ng security si Franco.

"Okay lang po Maam." sabi ng Security habang karga na nito ang bata.

"Manong, masarap pala ng karga. Hindi na po kasi ako nakakarga ni nanay." sabi ni Franco sa lalaki.

"Big boy ka na." sabi ni Shaira na nangangamba na baka pagalitan ni Gian ang anak niya. Tipikal na bata kasi si Franco, madaldal at curious sa lahat.

"Kapag may tatay sana ako, may kakarga sa akin kaso wala. Pero okay lang may nanay naman ako." sabi ni Franco na ikinatahimik ni Shaira.

Napangiti lang ang Security habang karga si Franco, malaking tao naman kasi ito kaya balewala ang bigat ng bata sa kanya.

"Manong, salamat." sabi pa ni Franco na ikinangiti lang ng lalaki pero nagulat si Shaira ng yakapin ni Franco ang security pero sa paglahad ng kamay ni Franco sa pagyakap sa lalaki nasanggi nito ang ulo ni Gian na tila iyon binatukan.

"Sir." sabi ng Security na may karga kay Franco ng masagi ng bata ang ulo ni Gian.

"Sorry po." sabi ni Franco kay Gian sa nagawa nito.

Hindi umimik si Gian kaya naman mabilis na kinuha ni Shaira ang anak na kahit mabigat na si Franco pinilit iyon kargahin ni Shaira.

"Kuya ako na kakarga." sabi ni Shaira na natakot na baka sesantehin ang security sa kusang pagkarga kay Franco na naging dahilan ng hindi sinasadyang pananakit ng anak sa may-ari ng kompanya

"Sorry po." sabi uli ni Franco ng hindi marinig ang boses ni Gian kung okay ba ito o tanggap ang sorry niya.

"Behave na tayo." nakangiting sabi ni Shaira na pilit kinakaya ang pagkakabuhat sa anak na may kabigatan sa takot na baka maguluhan ang anak niya.

"30th floor." sabi ni Rio.

Bumukas ang elevator at naunang lumabas ang dalawang security na sinundan ni Gian saka naman lumabas ang dalawa pa.

Napahingang malalim si Shaira ng makaalis ang limang lalaki na ikinangisi ni Rio.

"Grabe. Intense." sabi ni Shaira na tila siya nabunutan ng tinik sa kaba na baka sigawan ang anak niya ni Gian.

"Sus. Napakababaw kapag pinatulan niya ang bata." sabi ni Rio.

"Tama ka. Paano aalis na kami. Salamat sa pagsakay." sabi ni Shaira saka ito lumabas karga si Franco.

"Ibaba mo na iyan." pahabol na sabi ni Rio habang karga pa rin ni Shaira si Franco.

"Mamaya na sa opisina namiss ko ang pagkarga sa baby ko." sabi ni Shaira habang karga pa rin si Franco saka ito naglakad palayo.

"Sir, breakfast meeting." sabi ng secretary ni Gian na ikinabilis ng paglalakad ni Shaira ng maabutan pa sa hallway ang amo kung saan sinalubong ito tiyak ng secretary nito para sa narinig na meeting.

"Nanay, baba mo na po ako." sabi ni Franco ng makitang nahihirapan na ang ina sa pagkarga sa kanya.

"Malapit na tayo." nakangiting sabi ni Shaira pero nagulat ito ng masalubong si Gian kasama ang secretary nito.

"Uyyy. Nanay mahuhulog po ako." sabi ni Franco at ilang segundo lang ng mapadaosdos si Franco habang buhat ni Shaira.

"Ibababa na kita." sabi ni Shaira na sa kaba ng masalubong si Gian pakiramdam niyo bumigat lalo ang anak na karga niya.

Napatingin si Gian sa mag-ina at ng sa pagbaba ni Franco mula sa pagkakarga biglang sumungaw ang panloob na bra ni Shaira.

Pasimpleng lumapit si Gian at tinakpan nito si Shaira na ikinatingin ng dalagang ina sa binata.

"Nanay, nakikitaan ka po." sabi ni Franco sabay yakap sa ina na ikinangiti ni Shaira na nawala ang atensyon sa paglapit ni Gian.

"Salamat." sabi ni Shaira sa anak sabay ayos ng damit nito.

"Sir, kay Mr Lopez po ang meeting nasa restaurant na po siya. Mamaya din kasi ang alis niya pabalik ng Heather Island." sabi ng secretary ni Gian.

"Okay." sabi ni Gian, at ng pasimpleng makita nakaayos na si Shaira saka ito umalis.

Napatingin naman si Shaira kay Gian, isang linggo mula ng mangyari ang insidente hindi pa sila nag-uusap ni Gian o dahil iba na ngayon. Tipikal na empleyado na lamang siya sa mata nito.

"Nanay halika na po." sabi ni Franco ng mapatigil ang ina.

"Okay sige." sabi ni Shaira na napangiti.

...................

Hours later

"Anak, dito ka lang ha may kakausapin lang si nanay na employee." sabi ni Shaira na ikinatango ni Franco.

Napangiti si Shaira at hinalikan muna sa ulo ang anak saka ito tumayo at pumunta ng interview room para kausapin ang isang empleyado na tinanggal na naman ni Gian na nakabase sa Utility Department.

Pagkaalis naman ni Shaira napatingin ang batang lalaki sa paligid, nasa mukha nito ang pagtataka hindi kasi tulad ng dati ang mga nakikita niyang empleyado, mga bago na iyon. Isama pa na kakaunti ang pumasok ngayon kumpara noong nakaraan Sabado kung saan sinita siya ng nabatukan niya kanina sa elevator na lalaki na hindi naman niya kilala pero alam niyang may posisyon ito dahil kamukha iyon ng kilala niyang may-ari na si Vladimir Canmore.

Nakaupo lang si Franco sa mesa ng ina, maaga sila umalis ng bahay pero kahit ganoon hindi siya nakakaramdam ng antok.

"Naboboring ako." sabi ni Franco sa sarili na dahil isang bata madali itong mabagot lalo na at nasa edad ito ng paglalaro at malakas ang adrenaline sa katawan.

Napatingin muli si Franco sa paligid, hindi naman niya puwede galawin ang laptop ng nanay niya dahil baka masira niya o may mabura siya doon. Isama pa na kabilin bilinan ng ina na huwag gagalawin iyon at magsulat lang siya.

"Nauuhaw ako." sabi ni Franco sa sarili saka nito kinuha ang baunan ng tubig pero wala na iyon laman.

"Ubos na. Hmmmn. Kukuha na lang ako. Alam ko naman ang pantry." sabi ni Franco saka ito tumayo para pumunta sa pantry area.

......................

"Sir, isa pa pong meeting." sabi ng secretary ni Gian na kakaakyat lang matapos dalawang oras na meeting sa isang abogado ng kompanya na si Wine Lopez.

"Okay. Papasok lang ako sa loob." sabi ni Gian na ang gusto niya sana maupo muna sa loob ng opisina pero puro meeting siya ng araw na iyon.

"Yes Sir." sabi ng secretary na kasa-kasama ni Gian sa mga meeting niya.

Ilang sandali lang sa paglalakad sa hallway patungo sa opisina niya napansin nito ang isang bata na papunta sa pantry may bitbit itong baunan na lalagyanan ng tubigan.

"Mauna ka na." sabi ni Gian sa secretary niya na ikinatango nito.

"Yes Sir." sabi ng babae at nauna itong pumunta sa opisina.

Nang makaalis ang secretary niya tumingin si Gian sa paligid at ng masigurong walang tao dahil sinadya niyang kakaunti lang ang papasok tuwing Sabado di tulad ng dati. Binago niya kasi ang schedule ng lahat at nagtanggal siya ng mga empleyado na pakiramdam niya ginagamit lang ang kompanya para sa kitang pangmadalian. May mga empleyado kasi siyang nadiskubre na nagko-conduct ng OT kapag Saturday pero wala naman nagagawang trabaho.

"Ayaw mabuksan." sabi ng batang lalaki sa sarili na ikinatingin ni Gian habang pilit na binubuksan ng bata ang salaming pintuan ng pantry.

"Bakit ayaw?" nagtatakang sabi ni Franco sa sarili na ikinatingin ni Gian sa batang lalaki.

Kung tutuusin hindi siya pabor na may batang tumatambay sa kompanya dahil para sa kanya, panggulo lamang ang mga iyon. Distraction sa trabaho tulad ngayon, malakas ang boses ng bata at dahil kaunti ang tao tila umeecho pa iyon sa lugar.

"Ayaw talaga." sabi ni Franco sa sarili ng hindi niya talaga mabuksan ang pintuan.

Napangisi si Gian saka nito nilapitan ang bata na pilit binubuksan ang pintuan.

"Nauuhaw na ako." sabi ni Franco sa sarili, may kaunting tubig pa naman ang dala niyang baunan pero hindi iyon sapat sa kanya.

Napahingang malalim ang bata ng hindi talaga nito mabuksan ang pintuan ng pantry kaya napaisip ito at ilang saglit lang saka nito binuksan ang tubigan niya, tumingala at tinungga iyon na malayo sa bibig nito.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong sabi ni Gian na ikinagulat ng bata kaya imbes na sa bibig nito naitutok ang tubigan nitong baunan sa mukha nito naitutok at sumaboy iyon sa mukha ng bata.

Napatigil si Gian sa nangyari sa bata tila ito nalulunod sa nangyari. Napakiling naman ang ulo ng bata ng mabasa ang mukha at dumaosdos ang tubig sa katawan nito na naging dahilan ng pagkabasa ng damit nitong suot.

Napatingin si Franco sa sumita sa kanya at ng makita ang lalaking inis sa kanya napaatras ito sa takot.

"Hindi ito playground. Opisina ito." seryosong sabi ni Gian habang nakatitig sa batang lalaki na halatang natakot sa kanya.

"Nauuhaw po ako." sabi ni Franco sabay tago sa likuran nito ng baunang tubigan.

"Umalis ka sa harapan ko." seryosong sabi ni Gian na ikinalunok at ikinaputla ng batang lalaki.

"Sorry po." sabi ni Franco sabay luha nito sa pagkapahiya at tumakbo ito paalis sa harapan ni Gian na ikinalunok ni Gian ng makita napaiyak niya ang bata.

"Nanay!" sigaw na umiiyak ng batang lalaki na hindi napigilan ang pagluha ng makita si Shaira na tila ito nakahanap ng kakampi.

Hindi lumingon si Gian ng marinig ang sinabi ng batang lalaki.

"Saan ka pumunta? Sabi ko huwag kang aalis sa mesa ko." sabi ni Shaira na mabilis hinanap ang anak kanina ng mapalingon siya mula sa interview room papunta sa mesa niya at mapansin wala ang anak niya sa mesa niya agad siya lumabas ng interview room para hanapin ito.

"Nanay." sabi ni Franco sabay yakap sa ina.

"Teka, bakit basa ka?" sabi ni Shaira na ramdam ang pag-aalala sa tinig nito para sa anak.

"Uwi na ako." sabi ni Franco sabay punas ng luha.

"Bakit?" sabi ni Shaira ng makitang umiiyak ang anak.

"Uwi na ako nanay, doon na lang kita hihintayin sa bahay natin." sabi ni Franco na napasigok dala ng takot.

Napatingin si Shaira sa pinaggalingan ni Franco at ng makita nito si Gian na nakatalikod napahingang malalim si Shaira.

"Doon tayo sa upuan ko." sabi ni Shaira.

"Nanay uwi na ako." umiiyak na sabi ng batang lalaki na ikinatitig ni Shaira sa anak.

Nakaramdam si Shaira ng awa sa anak dahil lagi itong nabubully sa school. Tahimik kasi si Franco sa school, siguro dahil pakiramdam ng bata kulang ito kahit na ibinibigay naman niya ang lahat ng pagmamahal sa anak. Isama pa na may mga bata na grabe talaga mambully kaya ang tendency naging tahimik lang ang anak niya kapag nasa school para siguro hindi ito mapansin ng iba. Isa sa ginagawa ng mga batang nabubully para hindi matuunan ng pansin ng iba.

"Uwi na ako, hindi rin ako welcome dito." sabi ni Franco na ikinalunok ni Shaira sa sinabi ng anak.


July 16, 2022 2.10pm

Fifth Street


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top