Kabanata 50 : The Shadow
Kabanata 50 : The Shadow
Direk's House, Manila
"Tatay!" sigaw ni Franco.
"Huwag kang matakot, mabait ako." sabi ng lalaki.
Napatitig si Franco sa lalaki, namumukhaan niya ito. Ito ang lalaking kasama ng tatay niya sa Canmore Telecom ng araw na itinatwa siya ng ama.
"Huwag kang lalapit." sabi ni Franco.
"Ano ba? Hindi ako masamang tao." sabi ng lalaki.
"Basta huwag kang lalapit." sabi ni Franco na kahit bata pa siya aware naman siya sa salitang child molestation at nagaganap iyon kadalasan sa pagitan ng bakla at sa batang lalaki.
"Tsss. Okay sige. Dito lang at hindi ako lalapit. Magpapakilala muna ako sayo kasi mukhang natakot kita." sabi ng lalaki na huminto sa paglalakad.
"Tatay!" sigaw muli ni Franco
"Aiissst! Huwag kang sigaw ng sigaw na parang may ginagawa akong masama." sabi ng lalaki.
"Hindi ka kinuwento ni tatay sa akin." sabi ni Franco.
"Hahaha! Inaasahan ko iyon dahil alam niyang hindi ka sasama sa kanya." sabi ng lalaki.
Pinagmasdan ni Franco ang lalaking nasa harapan niya, hindi naman ito mukhang bakla kung hindi mo tititigan kasi sa ilang linggong kasama niya ang tatay niya nakuha niya ang mga lihim na galaw ng isang lalaki kung bakla ito at iyon ay kapareho ng nasa harapan niya.
Pero ang tatay niya, never itong nagpakita sa kanya sa ikalawang katauhan nito.
"Okay, ako si Mitsui. Isang modelo, at asawa ni Dylan. Kasal kami sa ibang bansa kung saan legal ang pagpapakasal ng parehong gender. Wala kaming anak kaya balak namin sana umampon kaso nagback out siya kasi naisip ka niya at pumayag ako na kunin ka.
Lumayo ako para makapag-isip siya kung paano ka niya kukunin. Ginawa niya iyong pelikula para ma-hook ang atensyon mo sa kanya. Na sa totoo lang.... huh! I hate that movie, nakakainis na sa lahat ng ginawa niyang pelikula iyon ang kinaiinisan ko kasi nandoon ang nanay mo na... tsss." hindi naituloy na sinasabi ni Mitsui na ikinatitig ni Franco sa mukha nito na bakas ang selos o insecurity na hindi nito naitago.
"Bakit ka galit sa nanay ko? Wala naman siyang ginagawa sayo." sabi ni Franco.
"Wala lang." napangising sabi ni Mitsui at naglakad muli ito para lapitan si Franco.
"Tatay!" muling sigaw ni Franco ng muling lumapit si Mitsui sa kanya.
"Franco, umalis ang tatay mo. Tulog ka pa kanina kaya hindi ka niya ginising." sabi ng katulong na ikinangisi ni Mitsui at ikinakaba ni Franco
"Aling Meding, kilala mo ako di ba?" sabi ni Mitsui na ikinatango ng katulong.
"Yes Sir." sabi ng katulong na halatang kilala nga nito ang lalaki.
"Saan ako nakatira?" sabi ni Mitsui
"Dito po Sir." sabi ng katulong na ikinangiti ni Mitsui.
"Kita mo, kilala niya ako kasi dito ako nakatira." sabi ni Mitsui saka nito senenyasan ang katulong na umalis.
Nakaramdam ng kaba si Franco. Ilang linggo mula ng umalis ang nanay niya nag-aadjust pa siya at ang totoo namimiss niya ito, nagtatawagan naman sila dalawang beses sa isang araw o kahit kailan niya gustuhin dahil libre naman ang tumawag sa nanay niya. May cellphone siya na bigay ng tatay niya at may internet naman iyon na sarili kaya wala siyang problema.
"Hindi pa ako kumakain baka gusto mong samahan ako." sabi ni Mitsui.
Hindi umimik si Franco kaya muling nagtangkang lumapit si Mitsui pero sa paglapit nito at sa takot ni Franco tumakbo ito palabas ng bahay.
"Franco!" sigaw ni Mitsui saka nito sinundan ang bata.
Mabilis na kumaripas nag takbo si Franco, iba ang pakiramdam niya sa lalaki at ayaw niya ng ganoon pakiramdam..... panganib.
"Uyyy!!!" isang malakas na sigaw at pagpreno ang umalingawngaw na ikinatigil ni Franco sa pagtakbo at napapikit ito ng may papalapit na motor.
"Ohhhhh!" sigaw ng driver ng motor sabay break nito at baling ng manibela para hindi masagasaan ang batang lalaki.
"Muntik na iyon." sabi ng lalaki na ikinamulat ng dahan-dahan ng mga mata ni Franco.
Napatingin ang lalaki kay Franco at agad itong bumaba para makita kung okay ang bata.
"Nanay." naluluhang sabi ni Franco sa muntikan niyang pagkamatay dahil alam niyang sa bilis ng motor dead on arrival siya kung hindi magaling ang driver kumambiyo o umiwas.
"Okay ka lang?" sabi ng lalaki na napatitig kay Franco.
Napatingin si Franco sa lalaki nakasuot pa rin ito ng helmet pero ang bahaging mata nito ay bukas ang helmet kaya tanging mata lamang nito ang nakikita niya.
"Salamat, hindi mo ako pinatay." sabi ni Franco na ikinatawa ng lalaki.
"Hahahaha! Ano ako killer? At ako talaga ang killer? Hahaha!" natawang sabi ng lalaki na ikinatitig ni Franco dito.
Napatitig si Franco sa lalaki ng tumawa ito may kakaiba siyang nararamdaman dito o napaparanoid lang siya dahil mula ng umalis ang nanay niya pakiramdam niya nagduda siya sa lahat o natuto siyang makiramdam kung sino ang nakakahalubilo niya.
"Tsss. Bakit ka ba tumatakbo?" sabi ng lalaki.
"May baklang humahabol sa akin." biglang sabi ni Franco na ikinatawa lalo ng lalaki.
"Hahahaha! Natatawa ako, ano ba iyan? Muntik na akong makadisgrasya pero natatawa talaga ako, Lord." tumatawang sabi ng lalaki na ikinatitig lalo ni Franco sa lalaki.
"Gusto ko upakan para hindi makalapit sa akin baka kasi hawakan ang birdie ko." sabi pa ni Franco na muling ikinatawa ng lalaki.
"Hahahha! May naaalala ako." natawang sabi ng lalaki pero natigil iyon ng sa pagtingin nito sa likuran ni Franco may paparating at kilala niya iyon
"Asawa ng tatay ko." sabi ni Franco at ng tingnan ng lalaki si Franco napangisi ito ng may maalala sa ganoong itsura.
"Okay, gusto mo matuto ng self defense para hindi ka ganyan, na takot sa isang adan na may puso ng eba. Sa taong nagtatago sa malaking katawan at mapanganib." sabi ng lalaki
"Makakasama ko siya sa bahay." napaluhang sabi ni Franco na ikinatitig ni lalaki sa mukha nito.
"Okay, akong bahala." sabi ng lalaki.
"Franco, bakit ka tumakbo?" sabi ni Mitsui na ikinatingin ng lalaki dito dahil kahit na lalaki ang boses nito alam niya ang ganoong mga awra. Napatingin din si Franco kay Mitsui pero umatras ito sa kabang nadarama.
"Teacher niya ako sa Judo Class at sakto susunduin ko sana siya ng makita ko siya." sabi bigla ng lalaki.
Napatingin si Mitsui sa lalaking nakahelmet at napakunot ang noo nito sa boses nito na tila pamilyar sa kanya.
Napatingin muli si Franco sa lalaki sa sinabi nito tungkol sa kanya.
"Okay, magpapakilala ako." sabi ng lalaki.
Itinaas ng lalaki ang helmet na ikinatitig ni Mitsui at Franco dito.
Sa pagtaas ng helmet nalantad ang mukha ng lalaki saka ito napangiti na ikinakunot noo lalo ni Mitsui sa ngiting iyon na may katulad.
"Ako si Monty.... Monty Ana. Hahahaha!" natawang sabi ni Monty na ikinatitig ni Mitsui dito dahil iisa lang ang kilala niyang ganoon tumawa pero patay na.
"Sir Monty." sabi ni Franco sabay hawak kamay ni Monty ng makaramdam siya ng kapanatagan hindi tulad kanina.
"Oo, nga pala tuturuan pa kita." sabi ni Monty kay Franco ng hawakan siya nito at maalala ang anak niya, sabay tingin muli kay Mitsui.
"....aalis na muna kami, tatawagan ko na lang si Direk Dylan." sabi ni Monty na hindi ikinaimik ni Mitsui.
"Halika na po." sabi ni Franco sa takot na maiwan siya na nag-iisa kasama ni Mitsui.
"Okay." sabi ni Monty saka nito kinuha ang motor at isinakay doon si Monty.
"Mabuti may helmet ako na pambata. Sakto." bulong na sabi ni Monty na ikinangiti ni Franco.
"Bye, Misu." nakangiting paalam ni Monty ng bumaling uli ang tingin kay Mitsui.
Pinaandar ni Monty ang motor habang nakayakap ang batang lalaki sa likuran niya at naiwang nagtataka ang bakla sa nickname na tinawag sa kanya ng lalaki dahil isa lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon.
"Saan mo po ako dadalhin? Saan tayo pupunta?" sabi ni Franco habang umaandar na ang motor.
"Sa lugar na maeensayo ka, kasama mo ang anak ko." sabi ni Monty.
"Ano po?" sabi ni Franco.
"Takot ka sa bakla at naaalala ko ang grupo, mga macho at matatapang pero kapag bakla na ang nasa harapan, nasa likuran kami lahat ni King. Hahaha! Naaalala ko rin ang sixtuplets sayo na halos magwala kapag nilalapitan ng bakla." natatawang sabi ni Monty,
"Sino po ba kayo?" sabi ni Franco ng marinig ang salitang sixtuplets.
"Isa akong S.A at may sarili akong grupo. At kabilang sa grupo ay mga S.A na galing sa Ground Zero, mga nag-alsa kaya kinuha ko. Nagtayo ako ng isang Secret Group, isang grupo na tatapos sa mga kasong hindi masulusyunan at isang grupo na naglalayon na patibayin ang grupo ko, na ipapasa ko sa anak ko." sabi ni Monty saka ito tumingin sa side mirror ng motor kung saan nakatingin si Franco
Naktitig si Franco sa lalaki nakataas ang helmet nito kaya nakikita niya ang buong mukha nito.
".....ako si Shadow Montemayor ang lalaking naging dahilan kung bakit ka nabuo." nakangiting sabi ni Shadow na ikinanlaki ng mga mata ni Franco dahil alam niya patay na ang pangalan na iyon kasama ng asawa nito.
"Hahahaha! Sakto ang plano ko, mahahasa kita tulad ng iba. Tsss! Sino makakapagsabi na buhay ako? Isa akong anino, at kung hindi ko nagawa ang misyon ko dati magagawa ko iyon sa inyo." sabi pa ni Shadow saka nito binaba ang helmet at mabilis na pinatakbo ang motor.
"Plano niya? So pinalano niyang umalis si nanay at iwan ako. Pinalano din kaya niya..." udlot na sabi ni Franco sa isip ng magsalita ng malakas si Shaddow.
"Hindi lahat ng plano sumusunod sa ayon o gusto mo, pero may mga planong tumatama base sa kapalaran. Mahal ka ng tatay mo ganoon din ng nanay mo. Huwag mong hayaan masira ng negatibong iniisip mo ang mga bagay na ikakasiya mo dahil doon ka masisira. Kilala ko Mistsui dahil modelo siya ng lola ko." sabi ni Shadow saka huminto ang motor ng magred ang stoplight.
Tumingin ito sa sidemirror kung saan nakatingin si Franco.
"Huwag kang mag-alala makakasama mo ang nanay mo, pero bago iyon makakaramdam ka ng sakit at ng lungkot pero huwag kang mag-alala dahil patitibayin ka ng mga damdaming iyon." nakangiting sabi ni Shadow na ikinatango ni Franco.
"Si tatay, may sakit ba talaga siya?" sabi ni Franco.
"Hindi ako makakapagsabi sa bagay na iyon, nandito lang ako para gawin kang matibay. Tibay na nakulangan ako dati." nakangiting sabi ni Shadow saka nito pinaandar ang motor.
......................
Headquarters
Hours Later
"Pumasok na tayo." sabi ni Shadow ng makababa sila ni Franco sa motor.
Napatingin si Franco sa lugar, alam niyang nasa labas na sila ng Manila dahil ang lugar ay liblib. Wala silang dinaanang mga bahay kanina, at ngayon nasa isang three storey building sila ng nagpakilalang si Monty o Shadow
"Oo nga pala, Monty itawag mo sa akin. At kapag pumasok ka sa loob lahat ng sinabi ko ay hindi mo puwede sabihin sa iba o kapag lumabas ka lahat ng narinig mo nakita mo mula sa loob sarilinin mo lang." sabi ni Monty na ikinatango ni Franco.
Naglakad ang dalawa papasok ng gusali ng magsalita uli si Monty.
"Alam kong nag-aral ka ng sef-defense pero dito, mas marami kang pag-aaralan." sabi ni Monty.
Pagpasok sa vicinity area ng gusali napaatras si Franco dahil ang lugar na nakikita niya ay isang training ground na sa pelikula lang niya nakikita at hindi niya inaasahan na may mga bata rin na naroroon.
"Ito ang pinalawig na Ground Zero." nakangiting sabi ni Shadow.
"....ako ang bumuo ng lugar na ito." dagdag na sabi ni Shadow na ikinalunok ni Franco dahil training ground iyon kung paano ka matuto bumaril, o tila ka isang sundalo dahil sa mga lalaking nakikita niya na nakauniporme at pare-pareho ang itsura ng buhok.
"Matututo ka dito makipaglaban ng patas, at isipin mo nabuhay ka kasi may halaga ka, may rason at iyon ay makapagbigay ng saya at pag-asa sa iba." sabi ni Shadow.
"Tatay!" sigaw ng batang lalaki na ikinatingin ni Franco at nagulat ito ng halos kasing edad niya ang bata.
"Anak ko si Laurent." bulong na sabi ni Shadow na ikinatitig ni Franco kay Shadow dahil anak iyon ni Hestia at AJ.
"Huwag kang maingay, sabi ko nga kanina lahat ng sasabihin ko sayo sa atin lang dalawa." bulong ni Shadow nga makita ang kaguluhan at pagtataka sa mat ani Franco.
"Okay." sabi ni Franco na napatango pa.
"Tatay, turuan mo po ako." sabi ni Laurent kay Shadow.
"Pero bakit po tatay ang tawag niya sa inyo?" sabi ni Franco na bakas ang kalituhan.
"Kasi ako ang tagapamahala ng Rancho nila Aj at Hestia na pag-aari ko rin at sa amin si Laurent lumaki ng asawa ko." bulong ni Shadow na ikinatango ni Franco kahit na naguguluhan siya
"Tatay, marunong na ako gumamit ng baril." sabi ni Laurent sabay tingin kay Franco.
"Very good, so turuan mo rin siya." sabi ni Shadow sa anak na ikinatango nito.
"Halika, nandodoon sila Lorenzo." sabi ni Laurent saka nito hinila si Franco na ikinangiti ng batang lalaki.
Napalingon si Franco habang tumatakbo na siya kasabay ni Laurent at ng makita niya si Shadow napangiti siya ng makitang nakangiti ito sa kanya.
"Kailangan ko patibayin ang samahan para maprotektahan ang anak namin ni Adira." sabi ni Shadow sa isip habang nakatingin sa papalayong anak at si Franco.
July 31, 2022 10.26am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top