Kabanata 5 : Paggising sa Reyalidad
Kabanata 5 : Paggising sa Reyalidad
Sabado
Canmore Telecom Tower
"Nanay, okay na po ako dito." mahinang sabi ni Franco kay Shaira ng isama niya ito sa opisina ng araw na iyon.
"Huwag kang maingay at magulo ha. Magtatrabaho lang si nanay." nakangiting sabi ni Shaira sa anak.
Araw ng Sabado ng panahon na iyon kung saan half day lang sila sa opisina at kapag ganoong araw isinasama niya ang anak niyang si Franco sa opisina dahil wala naman itong klase at wala rin itong kasama sa bahay nila.
"Opo nanay." sabi ni Franco.
Napangiti si Shaira, habang pinagmamasdan ang anak kamukha ito ng tatay nito kahit saan anggulo, pero kahit ganoon tinanggi pa rin ang anak niya ng ama nito.
"Kapag nagugutom ka sabihin mo sa akin." sabi pa ni Shaira habang nakatitig sa anak dahil walang araw na hindi nawawaglit sa isip niya ang ama ng anak niya siguro nga dahil kamukha ito ni Franco na araw-araw niyang nakikita.
"Opo nanay." sabi ni Franco habang nakaupo ito sa gilid niya na pinaglagyan niya ng upuan.
"Be a good boy." nakangiting sabi ni Shaira na nasa mesa nito at nagsimula ng magtrabaho.
...................
Canmore Telecom President's Office
"Pinaghintay mo ako tapos pinakansel mo. Nakipag date ka kapalit ng meeting natin?" seryosong sabi ni Autumn ng bumungad ito sa opisina ni Gian.
"Autumn, sabi ko cancel. Hindi ba puwede iyon?" sabi ni Gian sa lalaking simula pa lang naaangasan na siya iba kasi ang awra nito, na nakakainis pakiramdam kasi ng lalaki sa harap niya hari ito. Ang awra kasi ni Autumn ay tila nga isang hari kahit wala naman dugong bughaw o hindi ito totoong hari. Iba ito kumilos, na lahat ay tila kailangan yumukod dito bagay na para sa lehitimong Prinsipeng na tulad niya ay walang saysay at isang kalokohan.
"Never pinacancel ni Vladimir ang lahat ng meeting ko sa kanya." sabi ni Autumn na nagpipigil sa galit.
"Hahaha! So, natapakan ko ba ang ego mo? Ang pride mo?" sabi ni Gian na ikinangisi ni Autumn.
"Ang meeting natin ay tungkol sa mga tauhan mo. Wala ka pang isang buwan nakakaupo, hindi mo nga inaalam kung sino ang mga tauhan mo. Nakapagsimula ka ng hindi mo alam ang mga bala mo." sabi ni Autumn.
"Hahaha! Autumn. Lumaki ako sa totoong hari kaya huwag mo akong maliitin." sabi ni Gian.
"Okay, sabi mo eh. Puwes hindi kita pakikialamanan tutal naman wala si Vladimir na siyang kausap ko ng matino. Pagbibigyan kita pamahalaan ang kompanya niyong nilakad ng grupo ko." sabi ni Autumn
"Hahaha! Tama ka nilakad niyo lang pero ang pera sa amin galing, ang serbisyo sa amin." sabi ni Gian.
"Okay. Prince Gian Carlo, hahayaan kita dahil mukhang ang utak mo ay kaparehas sa katukayo mo. Sige, hindi ako makikialam." nakangising sabi ni Autumn saka ito tumalikod para umalis ng opisina ni Gian pero muling nagsalita si Gian.
"Kaya kong pamahalaan ito, dahil anak ako ng lehitimong hari. Hindi ako peke, hindi rin ako mangmang na dating hampas lupa tulad ng mga ninuno mong alipin lang ng mga banyaga." sabi ni Gian na ikinatingin ni Autumn dito.
Napangisi si Autumn sa sinabi ni Gian dahil alam naman niya na kahit mayaman siya at kilala sa buong mundo, sa likod ng katanyagan na natatamasa niya nakaukit at nakadugtong ang pinanggalingan niya.
"Tama ka, ang dugo ko ay base sa alipin lamang mula sa mga ninuno kong tagapunas lang ng puwet niyo. Pero tandaan mo, sa kasaysayan ng bansa ko ang mga banyaga ay natalo hindi dahil sa armas na pumapatay kundi dahil sa plumang isinusulat." sabi ni Autumn na ikinatitig ni Gian dito.
".....huwag kang mayabang dahil nasa bansa kita at kahit ang mga banyagang tulad mo ay kusang naglaho dito, dahil sa katotohanan na mas magaling kami magtago. At sa pagtatago namin ng mga salitang makahulugan natalo namin kayo. Iyon ang wala kayo na meron ang lipi ko, marunong kaming umikot at..... MAGPA-IKOT." diin na sabi ni Autumn sa huling salita saka ito tumalikod at umalis sa lugar.
"Huh! Ang yabang." sabi ni Gian ng maglaho si Autumn sa harapan niya saka ito napangisi.
.....................
Hours later
"Si Shay?" tanong ni Gian sa staff pero napatingin ito sa batang nasa mesa ni Shaira na nagsusulat.
"Sir, may kausap lang po na aplikante." sabi ng staff.
Hindi pinansin ni Gian ang babae dahil natuon ang pansin nito sa batang lalaki.
"Sino ka?" sabi ni Gian na ikinatingin ng batang lalaki dito.
"Good morning po. My name is Franco H. Hernandez." sabi ng batang lalaki sabay pakita ng picture frame na ikinagulat ni Gian dahil hindi niya nakuhang tingnan ang mesa ni Shaira sa loob ng ilang araw na pabalik balik siya doon.
"Nanay ko po si Shaira Hernandez." nakangiting sabi ng batang lalaki na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Nanay mo?" sabi ni Gian sa batang lalaki na nasa edad anim o walo na nga yata ito.
"Opo." nakangiting sabi ng batang lalaki
"Bawal ang bata dito." sabi ni Gian na nakaramdam ng inis, selos, galit, at panloloko.
"Puwede po, pinayagan po ako ni Sir Vladimir dati. Every Saturday po nandito ako kasi wala po akong school at pinayagan din po ako ni Tito Autumn." sabi ni Franco na ikinahingang malalim ni Gian sa pagpipigil ng galit.
"Hindi mo kilala ang mga tauhan mo, paano ka nakakapagtrabaho na hindi mo alam ang mga bala mo." umaalingawngaw na tinig na sabi ni Autumn kani-kanina lang sa kanya.
"Hello po. Kamusta po kayo?" sabi pa ng batang lalaki kay Gian na ikinatitig ni Gian sa bata.
"Hindi ka puwede dito." diin na sabi ni Gian sa batang lalaki na ikinawala ng ngiti ng bata ng makita ang nakakatakot at seryosong tinig at mukha ni Gian.
"....marunong kami umikot at magpaikot." sabi pa ng umaalingawngaw na boses ni Autumn sa isip ni Gian.
"Anak, tapos na ako uuwi na tayo." sabi ni Shaira pero napahinto ito ng makita si Gian na nasa mesa niya at nakatingin sa anak niya.
"Nanay, pinapalis niya po ako. Bawal daw po ako dito." sumbong ng batang lalaki na ikinatiim ng bagang ni Gian dahil buong buhay niya may kahati siya sa pagmamahal.
"Gian." sabi ni Shaira na napalunok lalo na at pinagtitinginan na sila ng lahat ng empleyado sa opisinang iyon.
"Bawal ang bata dito." sabi ni Gian.
"Gian, wala siyang kasama kapag Sabado." sabi ni Shaira pero nagulat ito ng sumigaw si Gian.
"Bawal ang bata dito! At President Gian Carlo ang itatawag mo sa akin," sigaw ni Gian na ikinaluha ng batang lalaki sa takot
"Nanay." napaiyak na sabi ni Franco na ikinalapit ni Shaira dito pero naudlot ang paglapit nito ng hawakan siya ni Gian sa braso na ikinaigik niya.
"President." sabi ni Shaira na nakaramdam ng takot kahit alam iyang ganoon talaga ang ugali ng magkapatid na Canmore lalo na si Gian na nagpaalis ng trabahador kahit kauupo lang nito bilang Pangulo ng kompanya.
"Mag-uusap tayo." sabi ni Gian saka nito hinila si Shaira paalis ng lugar.
Nagpatianod si Shaira sa takot na matrauma ang anak niya at mapahiya ng tuluyan.
"Nanay!" sigaw ng batang lalaki at ng tingnan ito ni Shaira napakunot noo ito ng naroon si Rio at dinaluhan ang anak niya na umiiyak sa takot habang ang lahat ay nakatingin sa kanya na hawak ni Gian sa braso niya.
"Dito tayo." sabi ni Gian ng buksan ang pintuan ng opisina at isalya doon papasok si Shaira na agad na nakabuwelo sa pagkakatipalok.
"Sir.. President, uuwi na po kami ng anak ko." sabi ni Shaira na inaasahan naman niya ang araw na iyon dahil wala naman talagang seseryoso sa kanya at wala siyang balak itago ang anak niya.
"Pinagtatatawanan mo ako dahil napaikot mo ako. May anak ka pala. Niloko mo ako. Kaya pala natatawa ka. Fuck!" galit na sabi ni Gian.
"Wala naman akong sinabing wala." sabi ni Shaira.
"Sabi mo single ka. Shit! Ginawa mo akong tanga, habang ang lahat pinagtatawanan din ako." galit na sabi ni Gian.
"Sandali lang, hindi ko naman sinabing ligawan mo ako o i-date mo ako. Ikaw ang lumapit." sabi ni Shaira
"Tsss. Tama nga sila, ang pinay ay mga babaeng mukhang pera. Tipong magpapansin sa isang lalaki lalo na sa foreigner para lang mahango sa kahirapan at iyon ang ginawa mo sa akin." mapanuyang sabi ni Gian
"Siraulo ka. Hindi ko sinabing lapitan mo ako. Ikaw ang lumapit." sabi ni Shaira.
"Pero hindi ka nagpakilala ng maayos." sabi ni Gian
"Bakit kapag sinabi ko bang may anak ako? Titigil ka?" sabi ni Shaira.
"Hindi." sarkastiong sagot ni Gian.
"Hindi?" sabi ni Shaira na tila alam na niya ang susunod na sagot nito.
"Hindi... kasi ibang level ka." sabi ni Gian saka ito lumapit at tinumbok ng kamay nito ang pagababae ni Shaira.
"Gago!" sigaw ni Shaira sabay sampal ng malakas kay Gian ng hawakan bahagya ni Gian ang sentro niya.
Napatitig si Gian siya babae ng sampalin siya ni Shaira.
"Hindi ako ang lumapit sayo, ikaw ang lumapit. Hindi ako nagpaligaw sayo at hindi ako ang tipo ng babaeng kukuha ng lalaking mayaman para mahango ako sa hirap." inis na sabi ni Shaira.
"Talaga lang ha." mapanuyang sabi ni Gian.
"Uulitin ko hindi ako ang lumapit kundi ikaw." sabi ni Shaira.
"Okay. So ilalayo kita." sabi ni Gian.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Shaiara.
"You are fired." diin na sabi ni Gian.
"Hahaha! Hindi mo magagawa iyan." sabi ni Shaira na natawa.
"At bakit hindi? Ako ang may ari." sabi ni Gian na napikon muli sa pagtawa ni Shaira na pakiramdam niya lahat ng pagtawa nito ngayon ay isang pang-iinsulto sa kanya.
"Dahil may rules ang kompanya, ang lahat ng kinuha at pinasok ni Autumn Valiente at ang anak nitong si Aj sa kompanyang ito ay walang makakapag-alis kundi sila lang." sabi ni Shaira na ikinakunot noo ni Gian dahil ang totoo hindi niya pa nababasa ang tungkol sa policy ng mga empleyado ng kompanya.
".....aalis lang ako kung si Sir Autumn ang magpapaalis sa akin. Hindi mo rin puwede baguhin ang policy dahil nakapirma si Sir Vladimir at ang ama niyo sa kontratang iyon. At kapag gumawa ka ng labag sa kasunduan ang buong pamamahala ng Canmore Telecom ay mapupunta kay Autumn Valiente." sabi ni Shaira na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Okay, so ibang parusa na lang ang gagawin ko sayo." sabi ni Gian at akmang lalapit ito kay Shaira ng muling magsalita si Shaira.
"May isa pang nakapaloob sa policy." sabi ni Shaira.
"Shit! ano iyon?" inis na sigaw na sabi ni Gian na pakiramdam niya ginigisa siya at pinaglalaruan ng sarili niyang kompanya.
"Bawal ako hawakan at ang mga taong inilagay ni King sa kompanya. Kapag ginalaw mo ako madedeport ka at hindi ka nila tutulungan tulad ng ginawa nila sa pagtulong kay Sir Vladimir ng maideport ito at mabalik dito." sabi ni Shaira na ikinatiim ng bagang ni Gian saka ito nilapitan si Shaira at hinawakan sa braso.
"Puta ka, hindi ka dapat dito. Bakit hindi ka nag-apply sa El Casa ni Autumn? Doon ka nababagay." sabi ni Gian na ikinalunok ni Shsira dahil tila iyon punyal na tumarak sa dibdib niya.
"Kasi may anak ako, at ayokong mabahiran lalo ng pangit na imahe kung ano ako sa paningin niyo." sabi ni Shaira na napaiwas ng tingin na ikinangisi ni Gian.
"Kaya ka pala inanakan lang, kasi..." udlot na sabi ni Gian ng magsalita si Shaira.
"....tatanggapin ko ang mga sinasabi mo, pero sana huwag sa harap ng anak ko. Hindi siya nararapat na makadinig na pangit dahil hindi niya kasalanan na nabuo siya sa sinapupunan ko at ako ang maging ina niya.
Okay tanggap ko naman, bumigay ako. Mahina ako, nasarapan ako at hindi ako nakapag-isip habang binabayo ako. Pero sa akin na lang huwag sa harap ng anak ko. Kung may galit ka ako na lang." sabi ni Shsira na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Sinungaling ka, manloloko ka, mang-aagaw, magnanakaw. At wala kang pinagkaiba sa mga taong nagnakaw at nagpsulit ng ginto sa palasyo," sabi ni Gian.
"Oo. Siguro nga tama lahat ng sinabi mo. Kaya nga sana huwag mo na akong patulan kasi mababa ako sayo. Huwag mong hayaan na bumaba lalo ang tingin nila sayo, dahil kapag ganyan ka magsalita sa akin pinapakita mo na mababaw ka lang na tao. Huwag kang kikilos ng mali na lalo mong ikababaon. Huwag mo akong patulan...
... at isipin mo alikabok lang ako.
Itago mo ang galit mo, dahil ikaw ang Presidente dito dapat kalmado ka kahit na niloko ka, at pag-aralan mo kung paano kontrolin ang sarili mo na hindi ka lalabas na mababang uring tulad ko." sabi ni Shaira na pigil ang luha saka ito napangiti.
"Bitch!" diin na sabi ni Gian sa sinabi ni Shaira.
"Okay. Accepted." sabi ni Shaira.
"Lumayas ka sa harapan ko." diin na sabi ni Gian na ikinatango ni Shaira.
Lumabas si Shaira at nagmamadali itong pinuntahan ang anak.
"Iyan na ng nanay mo." sabi ni Rio kay Franco ng makita si Shaira.
"Nanay!" sigaw na sabi ng umiiyak na batang lalaki.
"Huwag ka ng umiyak uuwi na tayo." sabi ni Shaira sa anak at ng mapatingin ito sa paligid naroroon pa ang mga empleyado, o mga staff ng departamentong iyon.
"Ingat kayo." sabi ni Rio.
"Okay. Salamat ha." sabi ni Shaira kay Rio. Inayos ni Shaira ang gamit at ng mabilis nakapag-ayos kinuha nito ang bag.
"Halika na Franco." sabi ni Shaira at akmang aalis na ito ng mapatigil ito ng dumating ang secretary ni Gian at pinagkukuha lahat ng ID ng natirang empleyado na hindi pa umuuwi mula kaninang may komosyon sa pagitan nila ni Gian.
"Maam, anong gagawin niyo po sa ID namin?" sabi ng isang staff sa secretary ni Gian.
"Lahat kayo terminated. Pagnanakaw ng oras sa kompanya at iyon ay utos ni President GCC." sabi ng secretary ni Gian na ikinanlaki ng mga mata ni Shaira at Rio.
.................
Minutes later
"Manloloko. Bitch." inis na sabi ni Gian habang binabasa nito ang papel ni Shaira.
"Sir, ayon sa balita sinasabing nabuntis si Miss Hernandez ng isang director. Pero pinabulaanan at tinanggi si Shaira ng director pati ang dinadala nito. Minsan din natsismis na anak ni Shadow Montemayor ang bata kaya hindi talaga alam kung sino ang ama. May witness kasi na nagsabi nakita si Shadow Montemayor at si Shaira Hernandez sa isang kuwarto sa La Secrretos ang araw na may shooting ang amo ni Shaira na si Harmony, isang artist/singer na ngayon ay asawa nitong si Rhythm Gonzalez." sabi ng tauhan ni Gian.
"...sa pagkakalaam ko Sir iyong mag-ina lang nakatira sa bahay nila. Kapag nasa opisina si Miss Shaira nasa school ang bata at kapag hapon may pinagkakaabalahan ito, music class, taekwando. O kahit na ano basta makatama sa oras ng paglabas ng opisina ni Miss Shaira." sabi ng lalaki kay Gian.
"Alas singko ng umaga nandito na siya." sabi ni Gian.
"Sir iyong bata, pumapasok sa isang school kung saan may iwanan. Parang isang institusyon na puwede mong iwan ang bata at babalikan mo kapag hapon. Doon din nag enrol ang anak ni Miss Shaira ng ibang pagkakaabalahan nito. Ayon sa files niya patay na ang mga magulang niya, at ang mga kapatid naman niya tinakwil siya ng hindi niya masuportahan ang mga ito. Sa report na dating pinaimbestiga nila King ayon sa personal na buhay ni Shaira may mga naging nobyo ito at... ." udlot na sabi ng lalaki habang nakatitig si Gian sa mga larawan na naroroon.
"Okay tama na." sabi ni Gian.
"Okay na Sir?" sabi ng lalaki.
"Oo, iyong ibang files ng lahat ng empleyado kunin mo at titingnan ko." seryosong sabi ni Gian na ikinatango ng tauhan nito.
"Yes Sir." sabi ng lalaki at akmang kukunin nito ang folder ni Shaira ng magsalita muli si Gian.
"Umalis ka na, iwan mo sa akin ito." sabi ni Gian na ikianatango ng lalaki,
"Okay Sir." sabi ng lalaki saka ito umalis ng opisinang iyon.
Napatingin si Gian sa papel ni Shaira at napangisi ito.
"Sayang lang isang linggo ko sayo." sabi ni Gian sa isip saka nito kinuha ang larawan ni Shaira at tinitigan pero ilang sandali lang napabuntung hininga ito.
...............
"Hindi man lang isang linggong pag-ibig. Langya! Apat na araw na pag-ibig. Pati araw ng pag-ibig shortcutting. Ganito na kahirap sa Pinas pati pagmamahalan tinitipid." napangising sabi ni Shaira habang sakay ng elevator pababa ng gusali kasama ng anak niya.
July 15, 2022 8.32am
Fifth Street
Plagiarism is a CRIME
Do NOT Copy
original written by Rose Chua
Sulit na kayo ang dami na... rest muna ako sakit sa ulo...
Salamat sa mga nagkokomento malaking tulong kahit ang mga comment niyo sa mga fb page natin. nababasa ko po iyon maraming salamat kayo ang inspirasyon ko kaya nakakapagsulat ako ng marami. promise laking tulong sa isang writer. kaya kung gusto niyo ganahan ang mga writer na binabasa niyong nobela try niyo magcomment nakakaboost iyon sa manunulat na tulad ko.
God bless everyone.
Lahat ng name na suhestiyon niyo gagamitin ko sa mga tauhan na may kahalagahan sa kuwento...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top