Kabanata 49 : Panganib


Kabanata 49 : Panganib

Minutes Later


"Uyyy, Gian." sigaw ni Shaira matapos maihatid si Astraea sa kuwarto nito mabilis sila nagtungo sa kuwarto ni Gian na akala niya magkatabi lang o malapit lang pero sa tantya ni Shaira limang kuwartong malalaki ang katumbas ng pagitan ng dalawang kuwarto. Bukod doon makakapal ang mga sementong nakaharang o nakapagitan na mga pader.

"Maliligo na tayo, tapos dito na tayo kumain then after that matutulog muna tayo." sabi ni Gian habang buhat na si Shaira sa loob ng kuwarto

"Gian." sabi ni Shaira ng mapatingin ito sa paligid at namangha ito dahil kakaibang klase ang kuwartong iyon. Pinaghalo ang makaluma at makabagong style na hindi mo akalain nag-eexist dahil kadalasan mo lang ito nakikita sa mga pelikulang luma ang tema o mababasa sa mga kuwento ng libro.

Malaki at malawak ang lugar at ang mismong banyo ay nakikita dahil wala iyong harang kundi salamin lamang at ang bathtub ay tila nasa unang panahon ka.

"Welcome to Canmore Palace, my Princesss." nakangiting sabi ni Gian ng makita ang pagkamangha sa mga mata ni Shaira

"Saan tayo muna?" sabi ni Shaira.

"Maliligo nga." sabi ni Gian na pilyong napangisi saka nito dinala si Shaira sa nakahandang bathtub na ginawa pa noong unang panahon ang style.

Binaba ni Gian si Shaira na ikinatayo ng dalaga sa lapag.

"Honeymoon muna then ang kasal bukas na." sabi ni Gian na ikinanlaki ng mga mata ni Shaira.

"Ano?" sabi ni Shaira.

"Huwag kang mag-alala, uulitin natin ang kasal kapag pumunta na dito sa Franco. Nahingi ko na rin ang kamay mo sa kanya at pumayag siya." sabi ni Gian na ikinalunok ni Shaira.

"So... honeymoon muna?" sabi ni Shaira.

"Yes." sabi ni Gian at napasigaw si Shaira ng punitin ni Gian ang lahat ng damit niya.

"Ahhhh!" sigaw ni Shaira ng ilang segundo lang wala na siyang suot na damit.

"Sa palasyong ito, may ritual kami para sa mga asawa namin o mapapangasawa." sabi ni Gian.

"Anong ritwal? Iaalay mo ako? Buntis ako?" nanlalaking mata sa takot na sabi ni Shaira na ikinatawa ni Gian ng hawakan pa ni Shaira ang puson nito.

"Hahaha! Anong palagay mo sa amin kulto?" natawang sabi ni Gian saka ito naghubad ng lahat ng damit hanggang mahubad nito ang lahat.

Napatitig si Shaira sa kabuuan ni Gian na para sa kanya perpekto ang hulma ng katawan nito.

Lumapit si Gian kay Shaira saka nito niyakap ang dalaga na ikinapikit ni Shaira ng magkiskisan ang mga hubad na katawan nila ni Gian at nagsimula ang init sa pagitan nila.

"Itatali mo ako at ikaw ang gagawa para paligayahin ang Prinsipe." masuyong bulong ni Gian habang yakap nito ang hubad na katawan ni Gian na ikinatitig ni Shaira sa binata.

"Tapos?" sabi ni Shaira.

"Dapat masiyahan ako." sabi ni Gian.

"Paano kung hindi?" sabi ni Shaira na ikinamulat ng mga mata ni Gian saka nito tinitigan si Shaira.

"Kukunin ko ang anak natin, at ilalagay ka sa kuwarto kasama ang mga Murafaga Albaghaya o sa ibang salita mga babae ng hari." sabi ni Gian na ikinayakap ni Shaira kay Gian at ikinapikit ng dalaga sa takot.

"Anong gusto mong pagpapaligaya? Gagawin ko na. Nasaan ba ang tali at matalian ka na." sabi ni Shaira na halatang kinabahan ito at natakot kaya napangisi si Gian ng lihim.

Napalunok si Shaira habang nakayakap ng mahigpit kay Gian, alam niya ang salitang iyon dahil nasabi iyon ni Harmony sa kanya dati.

...................

Guest Room

"Ang laki naman ng kuwarto. Maliit pa rin pala ang Emperyo. Haysss! Iyong upuan na lang ang kukunin ko. Ipapakuha ko sa sixtuplets." sabi ni Astraea saka ito nahiga sa kama at muling pinagmasdan ang kuwarto na higit sa laki ng mga kuwarto sa Emperyo. Maihahambing sa laki ng limang master's bedroom ng isang mansiyon.

"Akala ko magagaya ko ito sa Emperyo, malabo pala. Ang laki-laki nito, imposibleng mapagaya ko. Itong kuwarto pa lang parang limang kuwarto na yata ang katumbas nito. Ang taas pa ng ceiling." sabi pa ni Astraea.

"Haisst! Napagod ako ang layo pala nito. Lagot pa ko kay Papa nito, hindi na ako nagpaalam. Madadamay pa ang sixtuplets." sabi ni Astraea saka ito napapikit at akmang lalamunin na ito ng antok dala ng pagod ng may narinig siyang pagbukas ng kung anong bagay na narinig na niya kung saan.

"Huli ka ngayon."

Napadilat ng mga mata ang dalaga at napabalikwas ng bangon si Astraea ng may narinig na boses at sa pagbaling nito sa nagsalita napalunok ito ng makita si Jan Carl na nakatayo na sa harapan niya.

"Payback time." nakangising sabi ni Jan Carl pero akmang lalapit ito ng mapatigil ito ng mamutla si Astraea.

"May sakit ako sa puso, kaya huwag mo akong gugulatin." nanghihinang sabi ni Astraea saka ito nahimatay na ikinagulat ni Jan Carl ng matumba si Astraea at mabuti na lang sa kama ito saktong napahiga.

"Oh shit." sabi ni Jan Carl na agad dinaluhan ang dalaga at tiningnan ang pulso nito.

"Ow, naniwala. Tsss! Bahala ka diyan matutulog na ako." napangiting sabi ni Astraea sa isip ng maramdaman ang pagkataranta ni Jan Carl.

"Hindi puwede dahil mawawala ako sa trono." sabi ni Jan Carl na napatiim ng bagang habang inaayos si Astraea na nakuha na ngang makatulog na inaakala nitong nahimatay.

....................

King's Place

"Ito iyong upuan." sabi ni Shiloh sabay upo nito sa upuan ng hari na nasa malaking kuwartong iyon na pinasok nila base sa nakita nilang parehong pattern ng mga lagusan ng Cheung Mansion.

"Ang galing talaga ni Ralph Cheung biruin mo ang nasa Piamonte na pattern ng mga lagusan ay hango pala dito." sabi ni Otto na ikinangisi ng sixtuplets.

Ang Piamonte ang gumagawa ng lahat ng buildings, mansion at lahat ng imprastraktura ng buong Cheung Clan kung saan may mga lagusan ito. Ang lahat ng blueprints ng mga gusali na pag-aari ng mga Cheung ay nasa pamamahala ng Piamonte na nasa El Paradiso.

"Ang mga kuwarto ay may lagusan at ang suwerte natin dahil alam natin iyon." sabi ni Laszlo.

"Kukunin ko ito dahil mukhang hindi natin makukuha ang buong upuan." sabi ni Ezio habang pinagmamasdan kanina pa ang upuan ng hari na may nakaukit at desenyo ng mga ginto at diyamante.

"Ipalit natin ito." sabi ni Viggo sabay lagay ng pekeng diyamante at ginto sa upuan.

"Okay na na-picturan ko na, madali lang magpagawa niyan ang mahalaga ang hawak mo." sabi ni Otto kay Ezio na ikinatawa ng sixtuplets.

"Hahaha! Magugulat si King Jan Carl kapag ang upuan niya ay ang upuan ni Astraea." natawang sabi ni Shiloh.

....................

Samantalang nakatitig si Jan Carl kay Astraea na tingin niya nakatulog na ito at okay na base sa payapang paghinga ng dalaga.

"Hay naku! Ang liit mo kasi kaya madali kang mapagod." napangising sabi ni Jan Carl habang pinagmamasdan si Astraea.

Hindi rin biro ang ilang oras na biyahe sa ere, isama pa na sa liit ng katawan ni Astraea bibigay ito sa mahabang biyahe.

"Kinabahan ako doon ha. May sakit siya, pero imposible bakit siya hinayaan humawak ng Emperyo at magtrabaho ng magdamagan hanggang madaling araw kung may sakit talaga siya?" sabi ni Jan Carl sa isip

"Pinaglalaruan mo ako, sa barahang hindi ko makita." napatiim na bagang na sabi ni Jan Carl.

"Hmmmn. Mama." malamyos na tinig ni Astraea na ikinatitig pa lalo ni Jan Carl dito ng magsalita ang dalaga habang tulog ito.

"Tito Atlas." muling usal ni Astraea na ikinakunot noo ni Jan Carl saka ito umupo sa kama at itinapat ang tenga malapit sa labi ni Astraea para marinig ang sinasabi nito habang tulog.

"....may panget akong kasama. Pabaril ko kaya kay Papa." muling usal ni Astraea na saktong malinaw na nakarating kay Jan Carl.

Namula ang mukha ni Jan Carl sa narinig at sa pagkapikon mabilis nitong dinaganan si Astraea

"Anong sabi mo? Sinong pangit?" inis na sabi ni Jan Carl ng biglang takpan ng natutulog na si Astraea ang bibig nito at muling umusal ng pangungo.

".....ang baho ng hininga ng Kapre." usal na pangungong sabi ni Astraea habang natutulog ito nakuha pang takpan ang ilong at bibig ng kamay nito na lalong ikinapikon ni Jan Carl

"Buweset kang ondin ka, tulog ka na nang-aasar ka pa." napipikong sabi ni Jan Carl saka nito dinaganan ng buong katawan nito si Astraea.

"Ano may sasabihin ka pa? Langya ka, saan ka kaya nagmana ng galing mo sa pang-aasar? Iyong liit mong iyan talagang ang tibay mong mang-asar." inis na sabi ni Jan Carl habang nakapatong ang buong bigat ng katawan nito sa liit ng katawan ni Astraea.

Pero ilang saglit lang ng magulat Si Jan Carl ng mapadilat si Astraea at namutla ang dalaga na tila hindi ito makahinga kaya mabilis na umalis sa pagkakadagan nito si Jan Carl at umupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Astraea.

"Hindi ako makahinga." usal ni Astraea ng makita malaking kuwarto na pakiramdam niya kakainin siya ng buo.

"Oh shit." muling kinabahang sabi ni Jan Carl ng sunod sunod ang paghinga ni Astraea na tila hindi ito nagbibiro.

Tumayo si Jan Carl saka ito tumingin sa paligid at ng makita ang pakay mabilis nito pinindot iyon at bumukas ang pader na ikinatingin ni Astraea.

Sa paghawi ng pader napatingin si Astraea at ng masilayan ang kagandahang tinatakpan kanina ng pader napangiti ito.

"Wow. Ang ganda naman." napangiting sabi ni Astraea ng masilayan ang ganda ng lugar ng mahawi ang pader sa parteng iyon ng kuwarto.

"Okay na?" sabi ni Jan Carl pero natahimik ito ng inosenteng nakatingin lamang si Astraea at hindi nagsalita habang nakahiga ang dalaga sa kama at nakatanaw sa labas ng palasyo.

Napalunok si Jan Carl habang nakatitig kay Astraea, na kahit nakatitig si Astraea sa tanawing natatanaw nito tila naghihipnotismo pa rin ang mga mata dalaga hindi sa tao kundi sa kalikasan na pinagmamasdan nito.

Ilang saglit lang ng pumikit uli si Astraea at nakatulog uli ito na ikinabuntung hininga ni Jan Carl.

"Mamaya ka na, babalikan kita. Sige magpahinga ka muna para pantay ang laban." seryosong sabi ni Jan Carl saka nito isinara ang pader at sinigurong maganda ang ventilation ng hangin sa kuwartong iyon bago ito lumabas.

.................

Gian's Room

"Okay parang gusto ko ito." nakangiting sabi ni Shaira ng matalian si Gian sa kama.

Napatingin si Gian kay Shaira, hindi niya akalain na papatusin nito ang sinabi niya at ngayon nagsisisi siya dahil hindi niya mahawakan ang nobya habang nakababad ito sa bathtub at mag-isang nagkukuskus sa katawan nito.

"Ang sarap pala dito, magugustuhan ko dito. Nakakarelax, tapos iyong baby natin hindi naninigas sa tyan ko ibig sabihin hindi siya stress." napangiting sabi ni Shaira habang pinaglalaro ang bula sa katawan nito.

"Kalagan mo ako." sabi ni Gian na ikinatingin ni Shaira dito.

Ilang minuto ng nakatali si Gian, at wala siyang balak pakawalan ito.

"Ayoko." sabi ni Shaira sabay higa sa bathtub na nakuha pang itaas ang mga paa.

"Wala ka naman ginagawa? Hindi masaya." sabi ni Gian na ikinatingin ni Shaira sa nobyo dahil iyon nga ang problema hindi niya alam kung anong gagawin para mapasaya ito. Natatakot siya na baka mali ang gawin niya at maparusahan siya.

"Nag-iisip ako ng magpapasaya sayo." sabi ni Shaira sabay pikit nito habang nakababad sa bathtub.

"Huwag kang matulog, kasi naiinis na ako." sabi ni Gian ng makitang pagod na si Shaira at anytime makakatulog ito at mahirap iyon kung sa bathtub ito makatulog at nakatali siya.

"Masarap dito sa bathtub, at alam mo sa pelikula ko lang nakikita ito. Iyong nasa labas ng banyo ang bathtub.

Hmmn. Mukhang dinala mo na naman ako sa kakaibang lugar pero ayoko sa sinabi mo" sabi ni Shaira habang nakatingin si Gian sa nobya.

"Saan?" sabi ni Gian na kailangan niyang kausapin si Shaira dahil pumipikit pikit na ito sa pagkapagod sa biyahe nila kanina.

"Ibibigay mo ako sa sinabi mo." sabi ni Shaira saka ito napapikit.

"Uyyy! Huwag kang matulog." sigaw ni Gian na ikinaigtad ni Shaira.

Napatingin si Shaira kay Gian, tinalian niya ito sa paa at kamay sa kama kaya hindi ito makaalis. Hinigpitan niya iyon.

"Asar. Istorbo ka." sabi ni Shaira saka ito tumayo kahit na basa ito na ikinalunok ni Gian ng makita ang hubad na katawan ng nobya habang umaagos ang tubig sa katawan nito.

"Naaantok na ako." sabi ni Shaira saka ito lumapit kay Gian kahit basa pa ito na hindi na nakuhang magtapis o magpunas sa tuwalya.

"Tabi na tayo." sabi ni Shaira saka ito humiga sa kama at niyakap si Gian habang nakatali pa rin ang binata.

"Kalagan mo ako." masuyong sabi ni Gian.


"Ayoko."
sabi ni Shaira sabay yakap kay Gian.

"Joke lang iyon kanina." masuyong sabi ni Gian na ikinatingin ng naaantok na mga mata ni Shaira.

"Joke lang? Biro lang?" sabi ni Shaira.

"Oo." sabi ni Gian.

"Okay." sabi ni Shaira saka ito umupo at kinalagan si Gian.

Nang makawala si Gian mabilis itong tumayo at binuhat si Shaira na ikinasigaw ng dalaga.

"Huwag mo akong dalhin doon!" sigaw ni Shaira na ikinangisi ni Gian

"Bakit kita dadalhin doon? Akin ka lang." sabi ni Gian saka ito nagtungo sa bathtub kasama si Shaira.

"Naligo na ako." sabi ni Shaira.

"Dito tayo matutulog." sabi ni Gian habang nasa likuran ito ni Shaira at nakasandal ang dalaga sa kanya.

"Malulunod tayo." sabi ni Shaira.

"Hindi iyan." sabi ni Gian saka nito niyakap si Shaira na ikinahilig ni Shaira sa dibdib ng binata.

"Kamusta na kaya siya?" mahinang sabi ni Shaira na ikinatitig ni Gian sa nobya habang ang kamay ng binata ay nakayakap dito.

"Si Franco? Okay siya huwag kag mag-alala." sabi ni Gian na ikinangiti ni Shaira.

.................

Manila

"Sino ka?" sabi ni Franco ng bumungad ang isang lalaki sa bahay ng ama niya kung nasaan siya nakatira.

"Asawa ni Dylan," sabi ng lalaki.

"Ano po?" sabi ni Franco. Nasa taas ang tatay niya habang busy ang mga katulong ng dumating ang lalaki na halatang gamay nito ang bahay na tila doon ito nakatira.

"Kasal kami ni Dylan sa ibang bansa." sabi ng lalaki.

"Lalaki ka po." sabi ni Franco na ikinatawa ng lalaki,

"Hahaha! May kinakasal na parehong lalaki." sabi ng lalaki na ikinatitig ni Franco dito

"Dito ka po nakatira?" sabi ni Franco.

"Oo, at mukhang nakuha ka na niya so may anak na kami." sabi ng lalaki na ikinakunot noo ni Franco.

"Anong pong ibig mong sabihin?" sabi ni Franco.

"Walang sakit si Dylan, front lang niya iyon para kumita at para makuha ka." sabi ng lalaki na ikinanlaki ng mga mata ni Franco ssa gulat.

"Hindi totoo iyan." di makapaniwalang sabi ni Franco.

"Huwag kang mag-alala, mabait ako lalo na sa batang lalaki." napangiting sabi ng lalaki na ikinatakot ni Franco saka ito napaatras.


July 30, 2022 7.45pm

Fifth Street


Author's note :


Habol ito na ang panglimang chapter sa araw na ito. Nakarami ako, kaya asahan bukas late ako gagawa or baka unti lang. Busy kasi ako bukas kaya sinagad ko na ngayon.

Good night na talaga. Enjoy to read chap 45 to 49 done for this day.

Naaantok na ako


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top