Kabanata 46 : Paglisan


Kabanata 46 : Paglisan


"Ohhh. Gian." malakas na ungol nasasarapang sabi ni Shaira.

Niyakap ni Gian si Shaira habang nakaibabaw ito sa dalaga.

Napadilat ang mga mata ni Shaira mahigpit siyang niyakap ni Gian ang mga kamay nito ay tila kadena sa katawan niya ang mga mga binti at hita ng binata ay nakaguwardiya sa ibaba niya habang umuulos ito sa sentro niya.

"Akin ka, pero tanggap ko na hindi ka para sa akin. Mahal kita, pero ngayon ko naunawaan sa loob ng dalawang linggong wala ka, naisip ko at na-realize ko na ang pagmamahal kailangan marunong ka rin magbigay para maramdaman mo ang kasiyahan ng mahal mo kahit masakit sayo." sabi ni Gian na ikinatitig ni Shaira sa binata habang patuloy ito sa paglabas masok sa sentro niya.

"Mahal kita, kasama ng lahat na meron ka.... at lahat ng pinili mo. Mahal kita kaya tanggap ko na, na hindi ka babalik kahit na nangako ka at naghintay ako." napahagulhol na sabi ni Gian habang umuulos ito na ikinaluha ni Shaira.

"Ito na ang last, mag-iingat ka at alam ko maaalagaan mo ang anak natin tulad ng tamang pag-aalaga mo kay Franco na hindi nakaramdam ng galit kahit kaunti sa tatay niya.

Masaya ako, kaya inaasahan ko rin kapag dumating ang araw na magkikita kami ng anak mo sana.... sana piliin din niya ako tulad ni Franco sa ama niya at tulad ko si ama ko.

Sa panahon na iyon, sana mapili mo na rin ako." umiiyak na sabi ni Gian saka nito diniin ang sarili na ikinapikit ni Shaira ng maaabot ang paraisong buhat kay Gian.

"Mahal kita, Shaira." sabi ni Gian habang dinidiin nito ang sarili at binubuhos lahat ng likido kay Shaira

"Aalis na ako, kasi naghihintay sila Jan Carl sa airport kasama ng mga pinsan at kapatid ko. Kapag hindi ako dumating at sumama sa kanila, dalawa na kayong mawawala sa akin. Ikaw at ang tatay ko." sabi ni Gian saka nito hinugot ang pagkalalaki na ikinasinghap ni Shaira.

Napalunok si Gian saka nito pinunasan ang luha. Napatingin si Shaira sa nobyo, ng mabilis itong tumayo at nagbihis.

Nanatiling nakahiga ng hubad sa kama si Shaira, hindi siya makapagsalita sa halo-halong emosyon na nadarama hanggang sa makabihis at makapag-ayos si Gian.

Hindi na nagsasalita si Gian habang pinagmamasdan siya ni Shaira, napahingang malalim ito ng sa huli walang nasabi ang nobya na sasama ito sa kanya.

Nang matapos magbihis at makapag-ayos napatingin si Gian kay Shaira at ngumiti ito.

"Bye. Ahmmnn. Salamat, kahit wala pa tayong isang taon maraming masasayang nangyari sa atin... sa akin, sa lugar niyo." napangiting sabi ni Gian at ng hindi pa rin nagsalita si Shaira na nanatiling nakaupo sa kama habang hubad ito muling nagsalita si Gian.

"Mahal kita... ikaw at si Franco, at ang baby natin. Lagi mo iyon tandaan hindi kita itatatwa kayo ng anak natin. Never ko iyon gagawin. Kapag nabalitaan mo ako sa socmed hindi ako magsisinungaling kapag tinanong ako, pangako hindi ko kalilimutan lahat pati ang bunga ng paraisong ginawa mo sa buhay ko." sabi ni Gian saka ito tumalikod at kinuha ang luggage bag at tuluyang umalis na ikinaluha ni Shaira na hindi na nakapagsalita.

....................

Hours later

C-Tower Manila

"Nanay, kakain na po tayo." sabi ni Franco ng makita ang ina na nakatulala habang nasa labas ng balcony na nakatanaw sa kawalan.

Hindi umimik si Shaira, na ikinatitig ni Franco sa ina. Mula kasi ng umuwi ito galing opisina tahimik na ito, maaga rin ito umuwi pero dumeretso ito agad sa balcony at nakatanaw lang doon.

"Nay." tawag muli ni Franco kay Shaira na ikinatingin ni Shaira sa anak.

"Mauna ka na." sabi ni Shaira sabay tingin sa langit. Makulimlim ang gabing iyon na tila nakikisama sa nararamdaman niya.

"Nay, alas syete na po ng gabi. Hindi ka na po nagmeryenda kanina pagdating mo kahit iyong gatas niyo ni baby hindi mo na ininum." nag-aalalang sabi ni Franco sa ina.

"Mamaya na." sabi ni Shaira.

"Nay, may problema po ba?" nag-aalalangang wika ni Franco.

"Wala anak." sabi ni Shaira na nanatiling nakatitig sa kawalan.

"Nay si Tito Gian po ba?" sabi ni Franco.

Hindi umimik si Shaira, sa mga oras na iyon baka nasa airport na si Gian. At ilang oras na lang tuluyan na niyang hindi makikita ang nobyo.

"Nay, puwede ka naman sumama kahit wala ako." sabi ni Franco na ikinatingin ni Shaira dito kaya muling nagsalita si Franco.

".....pinuntahan niya ako kaninang umaga. Nagpaalam siya sa akin, kaya alam kong aalis siya ngayon. Sinubukan niyang yayayain ako kung papayag akong sumama sa kanya na kasama mo pero..... tumanggi ako." dugtong na sabi ni Franco.

................

Flashback hours ago

C-Tower Manila

"Busy?" nakangiting bungad ni Gian ng makita si Franco nakaupo sa damuhan sa may park ng umagang iyon kasama si Diggie at ang asong bigay ng tatay nito na pinangalanan nitong Daggie

"Kuya Carlo.... ay este Tito Gian pala." napangiting sabi ni Franco ng makita ang binata.

"May pasalubong ako sayo." sabi ni Gian sabay bigay ng paper bag kay Franco.

"Wow." sabi ni Franco sabay kuha ng paper bag.

"Sana magustuhan mo." sabi ni Gian habang pinagmamasdan ng lihim ang batang lalaki na halatang masaya ito, kasiyahang ngayon lang niya nasilayan sa bata.

"Thank you po mamaya ko bubuksan sa unit." sabi ni Franco.

"Okay. Pero, kamusta?" sabi ni Gian sabay upo sa tabi ni Franco habang nasa tabi nito ang dalawang aso nito.

"Okay po. Salamat po pala at pinayagan niyo si nanay na sumama sa akin sa tatay ko. Natagalan po kami kasi hindi na lumalabas si tatay kaya sinamahan namin." sabi ni Franco na ikinatingin ni Gian dito.

Nang hindi umimik si Gian napatingin si Franco sa binata.

"Okay ka lang po ba?" sabi ni Franco

"Oo naman." sabi ni Gian saka ito umiwas ng tingin na ikinakunot noo ni Franco.

"Nagpaalam nga po ba talaga si nanay sa inyo? Ahmmm. Alam niyo po ba na sa bahay kami ni tatay at hindi kami uuwi ng hapon ng kinabukasan sa sinabi na oras ni nanay?" tanong ni Franco na kahit kasi siya nagdududa sa madaling pagpayag ni Gian.

"Hindi." sagot ni Gian na ikinatahimik ni Franco dahil halatang galit o may hinanakit ang nobyo ng nanay niya kung kanino malamang sa kanya kasi hindi naman sasama ang nanay niya sa kanya kung hindi siya nag-eexist sa buhay nito.

Ilang minutong katahimikan ang namayani, hindi makapagsalita si Franco dahil nahihiya siya at pakiramdam niya siya ang pumipigil sa kaligayahan ng nanay niya at nagnanakaw ng kaligayahan sa kaibigan niyang si Carlo.

"Pero okay lang." sabi ni Gian ng tumahimik na si Franco at hindi na nakapagsalita.

"...okay lang kahit na hindi kayo umuwi at nagbakasyon kayo sa tatay mo." sabi ni Gian saka ito tumingin kay Franco na ikinatitig ng batang lalaki dito.

"....basta masaya ka, masaya na rin ang nanay mo at siyempre masaya na rin ako." nakangiting sabi ni Gian na ikinatahimik ni Franco sa guilty na nadarama niya.

"Huwag kang malungkot dahil hindi ako galit." napangiting sabi ni Gian saka muling nagsalita.

"....Ang sabi ko sayo dati kapag may hindi ka nauunawaan tapos nagagalit ka, iyong sobrang galit ang nadarama mo, isuntok mo lang sa bagay na hindi ka makakasakit.

Kadalasan mas maganda na akuin mo iyong sakit kaysa makasakit ka ng iba dahil sa huli mare-realize mo kapag nakasakit ka, iyong nasaktan mo sinaktan mo rin pala ang nagmamahal sa kanya." sabi ni Gian saka nito pinakita ang kamao kay Franco na ikinalunok ng batang lalaki ng makitang namumula iyon.

"Walang magandang dulot kapag sinaktan mo ang taong nakakapanakit sayo, iyon ang sabi ko sayo dati at inaapply ko iyon sa akin dahil iyon ang turo ng nanay ko na gusto ko maibahagi sayo.... sa mga taong malapit sa akin at lalo na sa mga taong napamahal sa akin." sabi ni Gian saka ito umiwas ng tingin kay Franco

Napalunok si Franco ng makita ang naluluhang mga mata ni Gian.

"Aalis na ako mamayang gabi. Iyong dalawang linggo sana na ibinigay ng kapatid ko para mag-stay pa dito inilaan ko sana sa inyong mag-ina kaso nakuha na ng iba." napalunok sa pag pipigil sa pagluha ni Gian na ikinaiwas ng tingin ni Franco.

"Pero okay lang nakikita ko naman na masaya ka. Alam ko ang pakiramdam mo, dahil ganoon ang pakiramdam ko sa tatay ko kapag kasama niya ako. Alam ko ang pakiramdam...

... kasi sabi ko nga sayo dati malalaman ng tao ang pakiramdam ng isang tao kung pareho kayong nakatapak sa sitwasyon na iyon." sabi ni Gian sabay ngiti nito na ikinatingin ni Franco dito.

"....may sakit din ang tatay ko, at gusto ko man mag-stay pero tulad mo kailangan ko rin siya piliin kasi kaunti na lang ang buhay niya at ang mga araw na iyon gusto ko nasa tabi ko siya at nasa tabi niya ako. Katulad ng nararamdaman mo sa ama mo, kaya nauunawaan kita." sabi ni Gian na hindi napigilan tumulo ang luha na agad din nitong pinunanasan

"Tito, sorry." sabi ni Franco na napaiyak ng makita ang pagtulo ng luha ni Gian.

Napangiti si Gian saka nito niyakap si Franco


"Wala kang kasalanan, proud pa nga ako sayo kasi mabait kang anak. Ang bait mo sa tatay mo kahit na sinaktan ka niya, at ang totoo gusto kita gayahin kasi ang tapang mo."
sabi ni Gian.

"Isama mo na si nanay, tapos pangako susunod ako sa lugar mo." sabi ni Franco

"Salamat, pero hindi ko kukunin ang meron ka. Hindi ko nanakawin ang pagkakataon sayo. Gusto ko makasama mo ang nanay mo at kung sasama siya sa akin gusto ko kasama ka at kung pipilin man niya ako, gusto ko okay ka at okay siya." sabi ni Gian.

"Tito, sorry ha. Sorry talaga, hindi ko alam na hindi sinabi ni nanay sayo na hindi kami uuwi. Sorry kasi may plano ka pala sa huling linggong pag-stay mo pa dito." sabi ni Franco.

"Huwag kang magalit sa nanay mo, huwag kang ma-guilty at huwag kang magduda sa kanya kasi para sayo ang ginawa niya. Okay lang ako basta makita ko lang masaya ka... kayo ng nanay mo, at sa pagpunta ko nga dito ngayon natyempuhan kita.

Hmmn! Nandito kasi ako tuwing umaga sa loob ng dalawang linggo, kaso wala ka nga, pero okay lang iyon kasi ng makita kita kanina na masaya, iba iyong naramdaman ko.

Pakiramdam ko masaya na rin ako. At muli napatunayan ko, na kapag mahal mo pala ang isang tao magiging masaya kahit na nabigo ka sa pansarili mong kasiyahan." nakangiting sabi ni Gian saka nito niyakap si Franco

"Salamat sayo tinanggap mo akong kaibigan, kahit na may ginawa ako sayo na hindi maganda, pinapasok mo ako sa buhay mo. Ganoon ka kabait, na sana huwag kang magbago.

Isipin mo lahat ng tao hindi perpekto may bait at may sama sa pagkatao nila. Tingnan mo lang ang positive side nila para maunawaan mo iyong negative side nila.

Kapag naunawaan mo ang negative side nila, saka mo unti-unting baguhin sa paraan na mauunawaan ka rin nila kung bakit mo siya pinabago. Pagbabagong magdadala sa kanya ng higit na kasiyahan kasama ka." nakangiting sabi ni Gian habang yakap si Franco.

"Tito, salamat." sabi ni Franco.

"Okay pero gusto ko magtanong at gusto ko magmumula mismo sa bibig mo ang sagot." sabi ni Gian.

"Ano po iyon?" tanong ni Franco

"Gusto mo ba sumama sa akin kasama ng nanay mo? Sa lugar ko." sabi ni Gian.

"Tito." sabi ni Franco.

"Alam ko ang sagot pero gusto ko marinig ng malinaw ng sa ganoon makaalis ako ng hindi ako nag-iisip na sana tinanong ko pala o sana sinubukan ko." sabi ni Gian habang yakap si Franco.

Napatingin si Franco kay Gian saka ito nagsalita.

"Tito, sorry. Hindi ako sasama, dito lang ako kasama ng tatay ko." sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian saka nito pinakawalan sa pagkakayakap ang batang lalaki.

"Okay. Narinig ko na, hindi na ako magkakaroon ng tanong o panghihinayang na sana tinanong ko pala baka sa sakali." nakangiting sabi ni Gian saka ito nag-ayos at tumayo.

Napatingin si Franco kay Gian ng tumayo ito.

"Aalis na ako, salamat sayo." nakangiting sabi ni Gian saka ito tumalikod naa ikinatahimik lang ni Franco habang pinagmamasdan ang paglalakad palayo ni Gian.

Ilang minuto ang lumipas ng tuluyang maglaho sa paningin ni Franco si Gian napatingin si Franco sa paper bag na binigay ng binata

Binuksan iyon ni Franco at mula sa loob napangiti ito ng makita ang boxing gloves na ginamit niya dati. At ng ilabas niya iyon napaluha si Franco ng makita ang dog tag ni Doggie pero may kasama na iyong dalawa pang dog tag para sa dalawa niyang aso ngayon. Kay Diggie at kay Daggie.

Sa pagkuha ni Franco ng mga nasa loob ng paper bag, napaluha ito lalo ng makita nito ang isang kuwintas kung saan naroroon ang mukha niya at ang tatlong aso niya na sadyang naka engrave sa pendant ng kuwintas.

Sa likuran ng pendant lalo pang napaluha si Franco ng makita ang mukha ng nanay niya at ni Gian habang nasa gitna siya ng mga ito.

Isinuot ni Franco ang dog tag sa dalawang aso niya at ang kay Doggie hinawakan niya ng mahigpit. Napatingin si Franco sa boxing gloves at niyakap iyon pero napakunot ang noo niya ng may papel sa loob at ng kunin niya binasa niya ang nakasulat.

"Mahal kita at kasama ka sa paraisong binuo ko sa lugar na ito. Huwag mong hahayaan na maging pangit ang imahe mo dahil sa nakaraan mo o dahil kong paano ka nagawa o kung sino ang gumawa sayo.

Tandaan mo kaya tayo nasa mundo para magbigay ng saya sa lahat. Iyon ang kahulugan ng pagmamahal, ang maunawaan at matanggap kung anong papel mo sa buhay ng iba at kung bakit ka nabubuhay sa mundo."

- Kuya Carlo.

Napaiyak si Franco saka ito lumingon sa nilakaran papaalis ni Gian kanina.

..................


July 30, 2022 11.54am

Fifth Street



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top