Kabanata 43 : Chance
Kabanata 43 : Chance
"Papa, binigay ito sa akin ni Direk Dylan." sabi ni Astraea habang yakap ang isang paper bag na kinukuha ni Autumn sa anak.
"King, hayaan mo na." sabi ni Chhaya ng mapansin na nakakaagaw na naman sila ng atensyon.
"Hindi puwede bold movies iyan." galit na sabi ni Autumn na hindi niya pinapayagan manood ng bold movies ang mga anak na babae at nasa patakaran iyon ng buong grupo.
"Papa!" malakas na sigaw ni Astraea na tila ito bata habang yakap ang paper bag na ayaw ibigay kay Autumn, na ikinatawa ng mga pinsan nito na ilang upuan ang layo sa kanila.
"Hahaha! Ibigay mo na." sabi ni Laszlo.
"Ayoko! Gift sa akin ito!" sigaw ni Astraea sabay silip sa mga DVD at napangiti ito sa mga nakitang larawan ng videos.
"Hahaha! Amin na lang iyan." sabi ni Otto ng makita ang reaksyon ni Astraea sa pagsilip nito sa loob ng paper bag na alam nilang Video iyon ng mga bold movies ng director.
"Ayoko!" sigaw ni Astraea.
"King, bitawan mo na at mamaya mo na lang kunin." sabi ni Chhaya kay Autumn.
"Ayaw mong bitawan?" diin na sabi ni Autumn na hindi pinakinggan si Chhaya.
Napatigil si Astraea ng marinig ang napipikong boses ni Autumn pero kahit ganoon hindi niya bibitawan dahil buo ang loob niya sa kanya iyon, at ipaglalaban niya ang videos na iyon.
"Magkano ba iyan? Bibilhin ko na lang?"
Napatingin ang mag-ama at si Chhaya ng may nagsalita.
"Alin?" nakangusong sabi ni Astraea habang yakap ang paper bag nito ng makita si Jan Carl.
"Iyang hawak mo, nakakaistorbo kasi kayo sa event. Nakakahiya sa mga cast at director baka sabihin nagpapasok ng squatter dito" seryosong sabi ni Jan Carl na agad na lumapit ng makitang ayaw ni Astraea ibigay ang paper bag nito na hawak.
Napangisi naman si Autumn sa sinabi ni Jan Carl, hindi naman nalalayo ang edad niya sa lalaking nasa harapan niya pero wala siyang tiwala dito lalo na at iba ito makatingin sa anak niya na parang anak na nito kung tutuusin.
"Lolo." sabi ni Astraea na ikinakunot noo ni Jan Carl at ikinaatras nito sa pagtawag na lolo ng dalaga sa kanya, kaya sa pag-atras niya nasanggi niya ang paa ni Shaira na nasa likuran nito.
"Ay may pangit." naiusal na sabi ni Shaira ng magulat ito ng bahagyang matapakan ang paa niya at ng makita kung sino ang nakatapak sa kanya.
"Hahaha! Sabi ko sayo pangit ka eh." natawang reaksyon ni Astraea na ikinangisi ni Jan Carl.
"Ay sorry Sir." sabi ni Shaira saka ito lumayo para samahan ang anak niya na lumipat ng upuan.
"Magkano?" sabi muli ni Jan Carl kay Astraea.
Napangisi si Astraea saka ito napaisip.
"Isang milyong piso." sabi ni Astraea na ikinailing ni Chhaya sa anak.
"Okay." sabi ni Jan Carl saka nito inilahad ang kamay para kunin ang paper bag.
"Pera muna." sabi ni Astraea.
"Kukunin ko muna, dahil ako ang bibili at ganoon dapat." sabi ni Jan Carl na ikinangisi ni Autumn.
"Okay, bubugbugin kita kapag tinakbuhan mo ako." sabi ni Astraea na ikinangisi ni Jan Carl.
Binigay ni Astraea ang paper bag na inabot naman ni Jan Carl. Pagkaabot ng binata agad nito kinuha ang cellphone at nagtipa, at ilang segundo lang napatingin ito kay Astraea.
"Okay na." sabi ni Jan Carl na agad na tsinek ni Astraea at napangiti ito ng makita ang pumasok na pera.
"Okay. Paid ka na." nakangiting sabi ni Astraea.
Hindi nagsalita si Jan Carl at umalis ito ng walang paalam.
"Suplado, hindi naman bagay. Gurang." sabi ni Astraea na ikinangiti ni Autumn at Chhaya.
"Magbehave ka na at uuwi na tayo mamaya." sabi ni Chhaya sa anak na ikinatango nito.
"Mapapanood mo rin ito ng live." nakangising sabi ni Jan Carl sa isip ng makita ang nasa loob ng paper bag na binili kay Astraea ng isang milyon ng makaupo na uli ito sa puwesto.
................
"'tay." mahinang usal ni Franco ng makita ang ama na sinisimulan interbiyuhin ng mga reporter sa pelikula nito.
Nakaupo lang si Shaira habang katabi si Franco na nakatingin sa ama nito. Halatang proud at sabik ang anak habang nakamasid sa director.
"Direk, maganda ang movie at kakaiba sa mga nauna niyong nagawa at tiyak na kikita ito ng malaki. May inspirasyon ba kayo kung paano niyo nagawa ito?" tanong ng isang reporter.
"Oo." sabi ni Dylan
"Kayo po ang nasabing writer ng pelikula maaari ba namin malaman kung hango sa totoong buhay ang kuwento?" sabi ng isang reporter.
"Ahhmm. Ang totoo oo." sabi ni Dylan.
"Puwede ba namin malaman direk kung sino?" sabi ng reporter.
"O kaninong kuwento, direk?" sabi pa ng isang reporter.
"Sa akin." sabi ni Dylan na ikinaiwas ng tingin ni Shaira habang nakatingin lang si Gian mula sa malayo.
"Sa inyo Direk?" di makapaniwalang sabi ng reporter at nagsimula ang alingasngas sa paligid.
"Oo sa akin, may pagkakahawig. Ang totoo matagal ko ng naisip ito kaso nagdalawang isip akong isagawa at ngayon lang talaga ako nagkaroon ng malaking pagkakataon." sabi ni Dylan.
"Bakit naman direk?" sabi ng reporter.
"Siguro, dahil nagsasaya pa ako dati kaya hindi ko magawa-gawa at maituloy-tuloy." sabi ni Dylan.
"Anong ibig mong sabihin direk?" sabi ng reporter.
"Kapag nasa katayuan ka pala ng katanyagan pakiramdam mo lahat nasa iyo na. Ang akala mo hindi na matatapos at palagi kang nasa taas. Palaging masaya, palaging okay ang lahat...
.... pero hindi pala." sabi ni Dylan na ikinatahimik ng lahat.
"...ginawa ko iyong movie dahil ito na ang huli ko." sabi pa ni Dylan na ikinagulat ng lahat.
"Direk, huli po?" gulat na sabi ng reporter.
"Oo huli na at masaya ako, kasi nagampanan ng maayos ng mga lead characters ang mga papel nila sa pelikulang dinirek ko at sinulat ko." dagdag na sabi ng director.
"Direk, puwede po ba namin malaman ang dahilan kung bakit last movie niyo na ito?" sabi ng reporter.
Napangiti si Dylan saka napatingin sa lahat.
"May sakit ako." sabi ng director na ikinagulat uli ng lahat.
"Sakit? Ano pong sakit niyo direk?" sabi ng reporter
Napatingin sila Shaira at Fraco kay Dylan habang nakatingin ito sa mga reporter.
"Mukha naman hindi siya nagbibiro dahil walang saysay kung magbibiro siya ng ganoon para lang kumita ang pelikula niya." sabi ni Shaira sa isip.
"Aids." sabi ng director na ikinanlaki ng mga mata ni Shaira at ikinatahimik ng lahat pati ng buong cast ng pelikula.
"....at bibilang na lang ako ng ilang taon kaya gusto kong gamitin iyong taon na natitira ko sa mag-ina ko." sabi ni Dylan.
Napatingin si Gian kay Shaira na nakatitig kay Dylan, hindi niya mabasa ang nasa isip nito na ikinaiinis niya o dahil sa selos na nararamdaman niya.
"Mahirap ang kalaban ko." sabi ni Gian sa isip ng marinig ang sinabi ni Dylan.
"Mag-ina Direk?" sabi ng reporter.
"Hmmmn. Gusto ko humingi ng paumanhin sa mag-ina ko lalo na sa anak ko. Sa ilang ulit na pagtanggi ko sa kanya, pero kahit makailang ulit ko iyon ginawa sa kanya pinagbigyan niya pa rin ako." sabi ni Dylan.
"Nandito ba sila ngayon direk?" sabi ng reporter
"Oo inimbitahan ko sila." sabi ni Dylan sabay tingin sa puwesto nila Shaira at Franco na ikinatutok ng camera dito
Napatingin ang lahat sa puwesto nila Shaira ng hindi maitago ang gulat sa mukha ng mga ito ng makita at makilala si Shaira.
"Hindi ko inamin dati, kasi natatakot ako. Kasi hindi ako handa o dahil kasi sabi ko nga hindi pa ako sawa sa buhay ko.
Pero ng malaman ko a year ago na may sakit ako ang unang pumasok sa isip ko ay iyong anak ko. Narealize ko ng tamaan ako ng sakit ay ang parte ng buhay ko na binigyan ako ng chance magbago ni God pero hindi ko tinanggap iyon.
Ang bagay na, may nagyari sa amin ng taong magpapabago pala sa akin pero hindi ko kinuha." sabi ni Direk na ikinatahimik ng lahat.
Napaiwas ng tingin si Shaira at sa pag-iwas niya nakita niya si Gian na nakatitig sa kanya.
"Itong movie na ito ibinuhos ko na lahat dito. At nagpapasalamat ako sa mga artistang gumanap sa bawat karakter, kasi habang nakasilip ako sa camera at tinitingnan ang bawat anggulo nila, muli nalaman ko na sa buhay pala natin, may pagkakataon na binibigyan na tayo ng chance ni Lord.
Pero dala ng pera, pangalan, katanyagan at inaakalang higit na kaisyahan na inaasam natin, iyong pagkakataon na binigay ni Lord dinadaanan lang pala natin o winawalang bahala o isinasantabi." sabi ng director saka ito napangiti sa lahat.
"Gian." mahinang usal ni Shaira habang nakatitig kay Gian na nakatitig sa kanya bakas ang pag-aalala sa mukha nito sa maaaring maganap.
"Sayang kasi ang akala natin iyong pera, iyong kasikatan iyon ang pinaka-chance at opportunity natin. Hindi pala, kasi sangkap lang pala iyon para sana makabuo tayo ng isang maayos na buhay.
Kaya naman, ito iyong second chance, ang ulitin ko sa isip ko at igawa sa isang imahinasyon muli ang lahat. Salamat sa mga pumunta, nakinood, naging bahagi ng huling piyesa ko bilang director." napangiting sabi ni Dylan na ikinapalakpak ng lahat.
"Direk puwede po ba makita at ipakilala sa lahat ang naging inspirasyon niyo?" sabi ng reporter.
"Oo, at sa pagpunta nila mas lalo kong naunawaan at pinagsisihan kung bakit ko sila tinalikuran dati. Dahil sa kabila ng ginawa ko pinahintulutan pa rin nila ako na anyayahan sila na pumasok uli sa buhay at mundo ko na pinagpalit ko sa kanila." napapaluhang sabi ni Dylan sabay tingin kay Shaira at Franco.
"Sorry sa lahat lalo na sa dalawang taong sinaktan ko. Sa anak kong si Franco at sa babaeng pinakawalan ko matapos ibigay sa akin ng Diyos... si Shaira." sabi ni Direk na ikinatingin muli ng lahat sa mag-ina.
Napatiim ng bagang si Gian, pakiramdam niya ninanakaw sa kanya ang lahat lalo na ng mapatingin si Shaira kay Dylan.
"Nagpapasalamat ako kay Shadow Montemayor, nauna na siya sa atin sa kabilang buhay, pero iyong ginawa niya sa akin at kay Shaira sa pagpapakilala at pag iwan sa..." udlot na napangiting sabi ni Dylan.
".....huh! siya iyong naging daan para magawa ko iyong bunga na maiiwan ko pala sa mundo." napaluhang sabi ni Dylan.
"Direk, mukhang tanggap ka naman nila at may taon pa naman para magkasama kayo." sabi ng reporter habang pasimpleng pinupunasan ang luha nito.
"Sana nga kasi 'yon ang hiling ko." sabi ni Direk at napatingin ito sa media.
"....iyong cast naman ang interbiyuhin niyo. Magaling sila at hindi nila ako pinagod." sabi ni Dylan para maputol na ang tanong sa kanya.
Napatango naman ang media at nagsimula naman tanungin ang cast ng pelikula.
Napatingin si Dylan kay Shaira at Franco saka ito napangiti.
"Miss Agatha, ang galing ng karakter mo at ang husay mo gumanap kaya marami nagtatanong kung may nobyo ka na ba?" tanong ng reporter sa lead actress.
"Kami!" sigaw ng sixtuplets na ikinatawa ng lahat.
"Oo." nakangiting sabi ni Agatha.
"Puwede ba namin malaman kung sino?" tanong muli ng isang reporter.
"Kami nga. Ang kulit." sigaw muli ng sixtuplets na ikinatawa muli ng lahat.
"Hahaha! Nasaan ba si Wine?" sabi ni Blaze ng bumida na naman ang anak ni Wine na nang-aagaw ng eksena.
"Oo naman." napangiting sabi ni Agatha sabay tingin sa sixtuplets.
"Sino?" tanong ng reporter.
"Ay kami nga! Ang kulit talaga!" sigaw ng sixtuplets na muling ikinatawa ng lahat.
"Hahaha! Hindi rin masaway ni Wine kahit tawagin mo ang ama." sabi ni Heaven kay Blaze ng hindi mapigilan ang anim na nagtatawanan at halatang may kalokohan na gagawin ang mga ito.
"Si Jan Carl." sabi ng babae na ikinatingin nito sa Prinsipe na nakaupo sa harapan.
"Uyyyy! Salawahan!" sigaw ng anim na muling ikinatawa ng lahat.
"Ilang taon na kayo may relasyon?" sabi ng reporter.
"Days pa lang." sabi ni Agatha.
"Days? Maghihiwalay pa iyan mayroon nga dekada naghiwalay pa." sigaw ni Shiloh na ikinatawa ng mga kapatid nito.
"Puwede ba siyang kumaway kung nandito siya?" sabi ng reporter na halatang sanay ang mga ito sa sixtuplets na madalas naman laman ng media kahit hindi artista ang mga ito.
"Oo iyon siya." sabi ni Agatha ng kawayan si Jan Carl na nakaupo sa bandang unahan at nanonood.
"....kumaway ka daw." nakangiting sabi ni Agatha kay Jan Carl.
Napangiti si Jan Carl at akmang itataas nito ang kamay ng tumutok sa kanya ang spotlight ng may maulinigan ito.
"Astraea, saan ka na naman pupunta?" napalakas na sabi ni Autumn sa anak na kanina pa hindi mapakali.
"Papa, nandiyan si Crail." sabi ni Astraea.
"Hating gabi na." sabi ni Autumn sa anak
"Papa sa Skye Hotel lang kami." sabi ni Astraea.
"Hindi puwede." seryosong sabi ni Autumn.
"Papa, nandoon naman sila Lola Isaiah ngayon." sabi ni Astraea.
"Kahit na at hindi puwede." sabi ni Autumn.
"Papa!" napalakas na sabi ni Astaraea
"Anak uuwi na tayo." sabi ni Chhaya.
"Mama ayoko pa." sabi ni Astraea.
"Uuwi na." sabi ni Autumn
"Papa sayang iyong kikitain ko ngayong gabi." sabi ni Astraea.
Napakunot noo si Jan Carl ng marinig ang sinabi ni Astraea
"Hindi ka puwede sumama sa labas kasama ang kliyente lalo na sa hotel o bahay. Sa El Casa lang ang ruta mo at iyon ang nasa kontrata mo." sabi ni Autumn na kaya pinayagan niya ang suhestiyon ni AJ na si Astraea ang ilagay bilang tagapamahala ng negosyo niya, dahil sa vicinity lang ito ng Emperio magtatrabaho tulad ni Suri dati.
"Papa." sabi ni Astraea
"Uuwi na tayo." diin na sabi ni Autumn.
"Ayoko pa." sabi ni Astraea saka ito tumayo.
"Anak." sabi ni Chhaya.
"Mama, madali lang ako." sabi ni Astraea.
"Uuwi na tayo, ngayon na." sabi ni Autumn at tumayo ito.
"Papa." sabi ni Astraea sabay yakap sa ama.
"Uuwi na tayo." sabi ni Autumn.
"Papa, please date lang. Promise behave ako." sabi ni Astraea sabay titigan si Autumn.
Nakatingin si Jan Carl kay Astraea ng gamitan nito ng kapangyarihan ang ama nito.
"Papa, may tiwala ka sa akin di ba? Please, ngayon lang isang date lang." sabi ni Astraea na ikinahingang malalim ni Autumn.
"....doon lang kami sa Skye Hotel hindi kami aalis doon sa resto lang kami at hindi ako papasok sa kuwarto." sabi ni Astraea.
"Okay sige pero may sasama sayo." sabi ni Autumn.
"Sino?" namimilog na mga mata na sabi ni Astraea.
"Tito! Kami! Kami! Kami present." sigaw ng sixtuplets na ikinangisi ni Autumn dahil tsismoso talaga ang mga pamangkin niya at kahit malayo ang mga ito nadidinig sila.
"Uyyy, hindi puwede malakas iyan kumain." sabi ni Astraea.
"Ayaw mo?" sabi ni Autumn ng magsibabaan na ang sixtuplets ng marinig ang salitang kakain.
"Papa, naman sweet romantic date iyon." sabi ni Astraea na ikinakunot noo ni Jan Carl ng marinig ang sinabi nito.
"Okay." sabi ni Autumn sabay tingin sa ibang pamangkin.
"Uyyy! Sasama din tayo." sigaw ni Umiko ng senyasan sila ni Autumn.
"Papa!" sigaw ni Astraea ng magsibabaan din ang iba pang pinsan na lalaki.
"Ayaw mo pa rin? Okay." sabi ni Autumn saka nito senenyasan ang mga pinsan na lalaki na naroroon nanonood kanina pa.
"Uyyy! Sama daw tayo." sabi ni Bullet.
"LIbreng pagkain." sabi ni Heaven.
"Papa!" naiiyak sa inis na sabi ni Astraea na pati mga tiyuhin kasama na niya.
"Kada reklamo mo madagdagan ang kasama mo at hindi isa ang dagdag." seryosong sabi ni Autumn.
"Asar!" inis na sabi ni Astraea.
"Halika na. Gutom na kami." sabi ni Otto kay Astraea.
"Tsss. Sige na, sumama na kayong lahat." inis na sabi ni Astraea saka ito tumingin kay Autunn.
"Mag-ingat ka... hahaha! Iyong date mo pala mag-iingat." natawang sabi ni Autumn saka nito niyakap ang anak.
Napangiti si Chhaya sa ginawa ni Autumn.
"Papa naman." inis na sabi ni Astraea.
"Pinapayagan na nga kita magsuot ng daring outfit sa Casa at tama na iyon hanggang doon lang ako." sabi ni Autumn.
"Asar." inis na sabi ni Astraea.
"Sabay-sabay na tayo lumabas at baka hinahanap na tayo ni bunso." sabi ni Chhaya.
"Grabe talaga." sabi ni Astraea ng sabay-sabay silang umalis at talaga isang batalyon ang dala niya.
"Carl." tawag ni Agatha kay Jan Carl ng mawala ang atensyon ng lahat sa grupo ni Autumn.
Napangiti si Jan Carl at tinaas nito ang kamay na ikinahiyaw ng lahat.
Nang mawala ang atensyon kay Jan Carl ng lahat mabilis nitong tinawagan ni Crail.
"Hello." bungad ni Crail sa kabilang linya.
"Bakit mo niyaya?" seryosong sabi ni Jan Carl
"Sino?" sabi ni Crail.
"Bullshit! Si Astraea." mahina pero madiin na pagalit na sabi ni Jan Carl na ikinatahimik ni Crail.
"...magstick ka sa plano at kung hindi.... alam mo ang kalalagyan mo." diin ni Jan Carl saka nito pinatay ang cellphone at hindi na hinintay ang sasabihin ng kapatid.
Muli itong napasulyap sa exit area habang papalabas ang buong grupo ni Autumn na sasama kay Astraea.
July 29, 2022 10.04am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top