Kabanata 40 : Unang Pagtatagpo


Kabanata 40 : Unang Pagtatagpo

C-Mall Movie Theatre, El Paradiso

Days Later


Napatingin si Shaira sa paligid, maraming tao sa lugar at hindi niya akalain na dadagsain ang araw na iyon, ang akala niya simpleng premier night lang iyon pero tila nagkamali siya dahil ang ginamit na Cinema Theatre sa C-Mall ay ang ang pinakamalaking Movie Theatre nito.

Samantalang pinagmamasdan ni Gian ang lugar, unang beses niyang pumunta sa C-Mall na nasa El Paradiso at hindi niya akalain na may malaki at magandang mall sa islang iyon. At ng nasa chopper nga sila ni Shaira kasama si Franco, napansin niya na marami ng naglalakihang gusali sa isla na tila nasa city ka na. Ang pagkakaiba nga lang halatang inaalagaan pa rin ang yamang kalikasan ng lugar, dahil ang mga bundok at kagubatan mula sa taas ng himpapawid na natatanaw niya kanina ay mayayabong pa rin.

Nakamasid si Franco sa paligid, hindi ito ang unang beses na pumunta siya sa Premier night dahil ang una ay ng ipakilala siya ng nanay niya sa unang pagkakataon sa tatay niya, ang araw din na unang rejection na natanggap niya sa buhay niya.

....................

Years ago

Manila Cinema Theatre

"Anak, ipapakilala na kita sa tatay mo." masayang sabi ni Shaira sa noo'y apat na taong gulang na si Franco

"Opo." masayang sabi ni Franco habang karga ito ng nanay niya.

Napatingin si Franco sa paligid, sa batang isip niya alam niyang masaya ang lugar dahil ang mga tao ay may ngiti sa mga labi. May mga nakikita siyang artista na ngayon lang niya nakita sa personal. Mahilig siya sa mga artista kahit na nga ba lalaki siya. At ang paborito niyang panoorin ay mga pelikulang madalas manalo sa mga awards o humahakot ng award pati sa ibang bansa.

Pero ngayon sa nakikita niyang mga poster, hindi niya iyon matiyak kung anong klase bang pelikula meron. Namulat kasi siya sa nanay niya na mahilig sa artista, telenovela, lahat ng palabas sa tv, sitcome, at mga pelikula na kahit luma pinapanood nila ng nanay niya na may katuturan.... bukod sa nakikita ng batang mga mata niya ngayon sa paligid.

"Iyan na ang tatay mo." sabi ni Shaira habang nakikipagsiksikan ito sa mga tao.

Napatingin naman si Franco, kilala niya ang tatay niya kaso sa tv nga lang. Sikat kasi itong director at proud siya doon, ni hindi nga niya iniisip kung bakit wala ito sa tabi niya dahil ang mahalaga sa kanya masaya ito at sikat ito, na halata ngayon sa nakikita niya sa mga taong naroroon na pinagkakaguluhan ang sinasabing dinirek ng tatay niyang pelikula.

"Direk." masayang tawag ng nanay niya habang ang lahat ay nakapokos sa mga bidang artista ng bold movie na ginawa ng director na tatay ni Franco.

Napalingon ang lahat kasama ang director at napakunot noo ito ng makita si Shaira na ilang taon din niya hindi nakita matapos na una niyang itatwa ang anak nito habang nagdadalantao ito.

Napatingin si Franco at napangiti ng tumingin ang tatay niya, kasiyahan sa isang kasabikan na kakaiba sa pakiramdam.

"Direk! Congrats mukhang tumabo at tatabo na naman sa takilya ang pelikula mo.

Oo, nga pala si Franco ang anak natin." deretsahang sabi ni Shaira habang hindi pa siya kinakabahan na ikinaingay ng lahat.

Napatiim ng bagang ang director dahil sa pangalawang pagkakataon na nag-attempt si Shaira na ipakilala ang anak niya, ang una kasi noong buntis ito at ang ngayon mukhang may ebidensya ito dahil kamukha niya ang batang lalaki na karga nito.

"Hello tatay." masayang sabi ni Franco na ikinatingin ng lahat dito at ikinasimula ng pagflash ng camera, na ikinangiti naman ni Franco kung bakit hindi niya alam

Napayuko si Shaira kahit ilang taon din siyang P.A ni Harmony at nakasalamuha ang lahat ng artista sikat man o hindi, hindi pa rin siya sanay sa ilaw ng showbiz. Pero ng tumingin siya kay Franco napangiti siya dahil mukhang nakuha ni Franco ang hilig ng ama nito.

"Hindi kita anak." biglang sabi ni Direk na ikinawala ng ngiti sa labi ni Franco at ikinatingin ni Shaira kay Direk ng makita ang unang rejection ng anak niya at ng bumalatay ang sakit sa mukha ng apat na taong gulang na batang lalaki.

"Direk, huwag naman ganoon." sabi ni Shaira na nasaktan hindi para sa sarili niya kundi para kay Franco na namuo ang luha.

Napalunok si Franco, bata pa siya pero siguro kakapanood ng kung ano anong pelikula at palabas sa tv maaga nagmature ang utak niya. Bukod sa mga pelikula mahilig din siya manood ng mga balita, documentary at kahit ang national geographic at educational shows pinapanood niya wala siyang pinapalagpas maliban sa nakikita niya ngayon ng mga poster at tarpaulin na nakadikit kahit saan na halos wala ng damit ang dalawang nilalang na nakamodelo roon.

"Shaira, huwag naman kayo manggulo. Hindi ko anak iyan at hindi naging tayo. Puwede ba, huwag mo rin hayaan na maglaho ang career ni Harmony ng dahil sayo.

Kinakaladkad mo hindi lang ang pangalan ko kundi pangalan ng idolo niyo. Sa ginagawa mo sampal sa idolo mo ang kasinungalingan mo na buong buhay niya na kasama ka na...

....isa ka pa lang sinungaling." sabi ni Direk na ikinatitig ni Franco sa ama at ng maramdaman ni Franco ang panginginig ng ina sa galit, habag at lungkot napayuko si Franco.

"Anak natin siya. Huwag mo naman itatwa dahil halata naman eh." napaluhang sabi ni Shaira habang nakatutok ang camera sa kanila.

"Shay, hindi ka nakakatulong sa pag-usad ng pelikula ko. Maawa ka naman, hindi lang ako ang binabagsak mo kundi ang buong cast. Nagtatrabaho din sila at kailangan nila kumita." sabi ni Direk.


"Ano po bang pelikula mo?"
mahinang sabi ni Franco na ikinatingin ni Direk at Shaira sa batang lalaki.

".....sabi ni nanay director ka pero kahit kailan hindi ko napanood ang isa sa mga pelikula mo. Bakit kaya? Iyon ang iniisip ko lagi. Ano po bang pelikulang ginagawa mo?" lumuluhang sabi ni Franco na ikinaiwas ng tingin ng lahat.

"Tsss. Nag-aapply ka bang artista? Huh! Sa agency ka mag-apply." sabi ni Direk na ikinatitig ni Franco sa ama.

"Idolo kita, kahit hindi ko napapanood ang movie mo. Kasi sa mga balita sikat ka, kahit ni hindi ko alam kung bakit. Hindi mo ba ako mahal?" biglang sabi ni Franco na ikinangisi ni Direk at lumapit ito sa mag-ina.

"Shaira, umuwi na kayo nakakasira kayo." mahinang sabi ni Direk.

"Kapag umuwi ba kami, hindi ka masisira? Iyong kasikatan mo ba hindi titigil?" mahinang sabi ni Franco habang lumuluha si Shaira.

"Umuwi na kayo." sabi ni Direk ng biglang may lumapit dito na lalaki.

"Dylan." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Franco sa lalaki ng lumapit sa ama niya at akbayan ito ng lalaki.

"Nanggugulo sila." sabi ni Direk sa tumawag sa kanya ng Dylan.

"Dylan... uuwi kami kung sasabihin mo iyong buo at totoong pangalan mo." sabi ni Franco kay Direk.

"Ang kulit ng dalawang ito. Okay Dylan Mateo." sabi ni Direk na ikinangiti ni Franco kahit walang bakas siyang nakitang pagmamahal sa ama niya para sa kanya.

"Sino ba sila?" sabi ng lalaki kay Direk.

"Wala hon." sabi ni Direk na ikinakunot noo ni Franco dahil alam niya ang tawag na ganoon na naririnig niya sa tv.... sa mag-asawa.

"Kamukha mo iyong bata." sabi ng lalaki kay Direk habang nakatingin ito sa batang lalaki.

"Tsss, selos ka." mahinang sabi ni Direk na ikinaiwas ng tingin ni Shaira ng mahinuha na karelasyon iyon ni Direk.

"Halika na anak, umalis na tayo." sabi ni Shaira at akmang aalis ito ng magsalita si Franco.

"Siya po ang asawa mo?" sabi ni Franco na ikinatingin ng tatlo dito.

".....lalaki? Silahis ka po?" inosentenag tanong ng batang lalaki kay Direk.

"...hmmnn, napanood ko kapag may anak ang bakla, silahis siya." sabi ni Franco

"Hindi kita anak." sabi ni Direk na ikinaluha ng batang lalaki


"Direk tama na aalis na kami."
sabi ni Shaira ng makita ang pagluha ni Franco habang nakatingin kay Direk at sa lalaking kasama nito.

"Okay, umalis na kayo." sabi ni Direk sabay iwas ng tingin kay Franco na bakas ang sakit na bumalatay sa mukha nito habang salitan silang tinititigan ng kasama niyang lalaki.

"Halika na Franco." sabi ni Shaira na hindi napigilan lumuha.

"Bye 'tay. Kapag dumating ang araw na kailangan mo ako pupuntahan kita." nakangiting sabi ni Franco kay Direk at bigla napahagulhol ang batang lalaki at niyakap nito si Shaira.

Napaiyak naman si Shaira saka nagmamadali lumisan sa lugar na iyon.

.................

Present Day

"Franco!"

Napatingin si Franco ng may tumawag sa pangalan niya na nakapagbalik sa hinaharap na diwa niya.

"Ate Astraea. Ano pong ginagawa niyo dito?" sabi ni Franco na nagulat pero napangiti ito ng makita ang isa sa nagbigay ng saya sa kanya.

"Sponsor ang Casa ng movie at saka ang ibang escort at entertainer nasa pelikula ni Direk." sabi ni Astraea.

"Ang galing." sabi ni Franco.

"Umupo na tayo, sa harapan tayo uupo." sabi ni Astraea ng biglang may namataan ito kaya akmang maglalakad na ang apat ng mapahinto ang mga ito ng huminto si Astraea.

"Tsss. Bakit nandito yan?" sabi ni Astraea na ikinatingin ni Gian at ng sundan niya ang tiitingnan ni Astraea napakunot din ang noo niya

"Umupo na tayo." sabi ni Astraea na umiwas na ng tingin sa tinitingnan saka ito iginiya sila Shaira sa upuan nila.

"Ang dami pong tao nanay." sabi ni Franco.

"Premier night kasi tapos may mga reporter na magtatanong sa cast ng pelikula after mapanood ng lahat ang unang salang ng movie." sabi ni Shaira.

Napangiti si Franco at hindi na nagsalita. Pinagmasdan na lamang niya ang paligid. Siya lamang ang bata pero kahit ganoon masaya siya. Kahit nagtataka siya dahil hanggang ngayon wala siyang alam sa pelikulang ginagawa ng tatay niya mula ng pinagbawalan siya ng nanay niya manood ng mga palabas sa Pinas. Nanonood siya ng tv pero Korean or American ang tipong palabas na puwede niyang panoorin.

"Umupo na tayo." sabi ni Autumn na siyang producer ng pelikula habang hawak nito sa kamay si Chhaya.

"Papa, gitna niyo ako ni Mama." sabi ni Astraea ng makalapit ang ama at ina niya sa kanila.

Tumayo si Astraea at pumagitna ito sa upuan mga magulang.

"Nasaan ang mga kuya mo?" tanong ni Autumn kay Astraea ng makaupo na sila.

"Nasa Heather Island." sabi ni Astraea.

"Sinong kasama mong pumunta dito?" tanong ni Autumn na mula ng humawak ng Casa si Astraea naging independent na ito lalo.

"Sixtuplets, nasa llabas sila at kumakain." sabi ni Astraea sabay yakap sa braso ng ama.

Napangiti si Chhaya ng yakapin ni Astraea ang braso ni Autumn dahil alam niya ang susunod na sasabihin nito.

"Papa..." malambing na sabi ni Astraea.

"Ano iyon?" nakangising sabi ni Autumn dahil alam na niya ang susunod.

"May date ako kay Crail, payagan mo na ako. Pupunta kami ng palasyo nila, at gusto ko rin makapunta doon. Nandoon naman sila Ate Kyla at ang pamilya niya." naglalambing na sabi ni Astraea.

"Hindi ka puwede doon, dahil wala kang madadalang bodyguard." sabi ni Autumn.

"Papa, kasama ko si Crail at hindi naman siya masamang tao. Babalik ako huwag kang mag-alala. Gusto ko lang makarating sa tunay na palasyo at makatapak sa kaharian ng totoong hari." sabi ni Astraea na ikinatingin ni Autumn dito.

"Hindi ka ba masaya sa Emperio?" sabi ni Autumn.

"Papa, masaya ako." sabi ni Astraea sabay tingin sa paligid at ng walang nakatingin bumulong ito kay Autumn.

".....pupunta ako doon para gayahin ang ibang lugar na meron sa loob ng palasyo. Pupunta ako doon para sa negosyo na ikakaangat ng Emperio. At pupunta ako doon para makita ang mga lugar sa malaking palasyong iyon." bulong ni Astraea na ikinaseryoso ni Autumn.

...............

Samantalang lihim na nakamasid si Jan Carl, kanina pa niya pinagmamasdan si Astraea mula ng dumating ito. Nakaupo na ang dalaga ngayon sa pagitan ng mga magulang nito at tila ito batang musmos habang binubulungan ang ama nito na seryosong nakikinig dito.

"Alam ko ang plano mo, isasama ka ni Crail sa palasyo. Oras na para makaganti ako. Tumapak ka lang sa lugar ko, pare-pareho ko kayong ikukulong. Pero ikaw doon ka sa kuwartong hindi ka makakalabas kahit kailan." nakangising sabi ni Jan Carl sa isip habang lihim na nakamasid kay Astraea.

Nasa event siya ng araw na iyon, dahil sponsor ang Canmore Telecom na siya na ang may hawak mula ng ibigay ito ni Aj sa kanya kahapon ng ganoong kabilis.

"Prince Jan, nilalamig ako." sabi ng babae na kasama ni Jan Carl na ikinangisi ng binata.

"Okay." sabi ni Jan Carl saka nito inalis ang suot na amerikana at inilagay sa balikat ng babae.

"Kulang pa." sabi ng babae ikinangiti ni Jan Carl saka nito inakabayan ang babae at bahagyang hinaplos ang braso nito.

"Okay na ba?"  bulong ni Jan Carl.

"Oo." sabi ng babae na ikinangiti ng binata saka muling tiningnan ng palihim si Astraea na kausap pa rin ang ama nito.

Napangiti si Jan Carl, nakasuot si Astraea ng long dress at ito lang ang nakita niyang maliit na babae na binagayan ng long dress na suot.

.............


July 28, 2022 12.54pm

Fifth Street

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top