Kabanata 4 : Apat na Araw na Paraiso 3
Kabanata 4: Apat na Araw na Paraiso 3
Hours Later
"Gian?" tawag ni Shaira na nasa pintuan na ito ng opisina ni Gian kumatok ito kahit sinabi ng secretary nito na nasa loob ang binata.
Tanghali ng araw na iyon, ng pumunta si Shaira sa opisina ni Gian ng sabihin nito kaninang umaga na sa opisina sila nito maglulunch.
"Pasok." sabi ni Gian ng umawang ng bahagya ang pintuan at marinig ang boses ni Shaira.
Pagpasok ni Shaira nagulat ito ng makita ang nakahandang pagkain, dahil muli para siyang espesyal na babae, isang Prinsesa dahil sa magandang preperasyon ng nakahandang pagkain na nasa mesa na halatang pinahanda pa ng binata sa paraan na tila nasa restaurant sila.
"Hello. Kamusta?" sabi ni Gian sabay lapit kay Shaira at niyakap ito,
Napatingin si Shaira kay Gian at napalunok ito ng dampian siya uli sa labi ng halik ni Gian. Mula ng maging sila ang halik na ginagawa ng binata ay dampi lang na para kay Shaira napaka gentleman at sweet tingnan. May paggalang at kakaiba iyon sa lahat ng mga naging nobyo niya. Bukod doon kahit dampi lang ang halik na ginagawa ng binata may dating iyon na nakakakilig.
"Kumain na tayo." sabi ni Gian sabay haplos ng kamay nito sa likuran ni Shaira na ikinahilig ni Shaira sa dibdib ng binata.
"Salamat." mahinang sabi ni Shaira.
"Babawi ako mamaya. Sa yate uli tayo." masuyong sabi ni Gian habang yakap si Shaira.
Napalunok si Shaira, tuwing uwian sa yate siya tinutuloy ni Gian. Isang lugar na muli una niyang nasilayan at napuntahan. Isang karanasan para sa kanya kakaiba, sweet, at higit sa lahat isang Paraiso na sa panaginip lang magaganap para sa ordinaryong taong tulad niya lalo na sa isang single parent na mahirap makahanap ng totoong karelasyon sa kalagayan niya.
Napangiti naman si Gian, noong Lunes pinag-aralan niya ang lahat kung itutuloy niya ang plano. Isang linggo din kasi niya nakasabay sa elevator si Shaira na hindi ito pinapansin at hindi tulad ng ibang babae, tahimik lang ang dalaga hindi maglaw, hindi maingay, o in short hindi ito papansin. Kaya noong Lunes naisipan niyang subukan ang lahat. Tutal hindi siya puwede sa Casa pumunta kaya naisipan niyang maghanap na lang ng Pinay na aasawahin niya tutal iyon din naman ang balak niya ang gayahin ang kapatid at pinsan niya.
"Baka busy ka. Saka nakakahiya." sabi ni Shaira.
"Busy ako sayo." sabi ni Gian at bago muli makatanggi si Shaira niyakap niya ito ng mahigpit na ikinapikit ng dalaga.
..................
Biyernes
"Si Shai?" tanong ni Gian sa isang staff sa Hr Department ng puntahan si Shaira doon ng tanghali ng araw na iyon.
"Sir nasa interview room, may kausap lang po na aplikante." sabi ng isang HR staff.
"Okay." sabi ni Gian saka ito nagtungo sa kuwarto kung saan iniestima ang mga aplikanteng iniinterview.
Napatingin ang lahat kay Gian, madalas kasi ang binata sa department na iyon at alam ng lahat na magkasintahan na ang dalawa.
Nang makita ni Gian si Shaira sa loob ng kuwarto na iyon na salamin lamang ang pader kung saan kita ang kaganapan sa loob naghintay ito sa labas habang nakatayo at pinagmamasdan si Shaira.
Napangiti si Gian, simple lang ang ganda ng babae pero nakuha nito ang atensyon niya siguro dahil probinsiyana ang awra nito na madalas idescribe ng mga pinsan niya sa kanya na babae o Pinay na nasa Casa nagtatrabaho.
At tama siya, iba ang awra ng mga babaeng probinsiyana kaysa mga lumaki sa siyudad. At isa si Shaira sa gandang sinasabi ng mga pinsan at kapatid niya.
Hindi pa siya nakakapunta sa El Casa, pinagbabawalan kasi siya doon at ayaw naman niyang sumuway dahil nag eenjoy pa siya sa buhay niya sa Pinas. Pakiramdam niya kasi Pinoy din siya, iba kasi ang bansa kung nasaan siya. Madaling matanggap ng mga mamamayan doon ang tulad niya, o siguro dahil sinasabing may banyagang mentalidad ang mga Pinoy o hindi naman kaya ang tinatawag na hospitality o magaling at masayahin ang mga mamamayan sa bansa kung nasaan siya ngayon.
"Salamat po Maam." nakangiting sabi ng aplikante ng nasa pintuan na ito at muling nagpasalamat kay Shaira ng matanggap ito sa trabaho bilang utility.
"Galingan mo ha." nakangiting sabi ni Shaira sa aplikante at sa pagbaling nito ng tingin nakita nito si Gian na nakatayo at halatang hinhintay siya.
"Okay na? Tapos na ba?" nakangiting sabi ni Gian kay Shaira ng mapatingin ito sa direksyon niya.
Lumapit si Gian kay Shaira at niyakap ito at tulad ng mga nagdaang araw isang dampi ng halik sa labi ang iginawad nito sa kanya at kahit na nga ba maraming empleyado na nakatingin sa dalawa hindi nakuhang mailang o mahiya ni Gian sa ginagawang paghalik sa kanya sa harap ng lahat.
"Oo. Pero sandali bakit ka nandito?" sabi ni Shaira.
"Lunch na." sabi ni Gian.
Napangiti si Shaira mula ng Martes lagi sila magkasama ni Gian, wala din palya ito magbigay ng bulaklak, chocolates kahit sa harap ng mga empleyado at big bosses niya. Hindi rin ito nahihiyang yakapin siya, halikan o tawagin ng may lambing tulad ngayon. Ang sweetness ng binata ay natural, hindi pilit na tipong nasa k-drama siya na cloud nine ang dating. Siguro dahil din, hindi naman ito tipikal na Pinoy na para sa kanya over acting minsan ang kasweetan o di kaya may angas kapag pinoy.
"Sandali lang maghahanda lang ako." sabi ni Shaira.
"Okay." sabi ni Gian saka hinawakan sa kamay si Shaira at nagtungo sa mesa nito.
"Kung hintayin mo na lang ako sa opisina mo." natawang sabi ni Shaira ng umupo pa si Gian sa mesa niya habang nakatitig sa kanya at hinhintay siya makapag-ayos.
"Sa labas tayo kakain." sabi ni Gian.
"Sa labas? Akala ko ba may meeting ka?" sabi ni Shaira na sa tuwing nasa opisina niya ang binata tila siya lang ang tao o bagay na naroroon. Titig na titig kasi ito sa kanya, nakapokos ika nga na hindi man lang nito maibaling ang tingin sa lugar, tao o sa bagay na nasa paligid nito.
"Pinakansel ko." sabi ni Gian.
"Pinakansel mo? Di ba si Sir Autumn ang kameeing mo?" sabi ni Shaira na hindi naitago ang gulat o pagtataka.
"Oo, kaso tinanong ko hanggang anong oras. Tsss! Ang sagot ba naman hanggang bukas. Kaya sabi ko sa secretary ko cancel mo na. Kasi kung hanggang bukas so hindi kita makakasama ngayong lunch at mamayang dinner." sabi ni Gian.
"Sira ka talaga. Baka magalit iyon. Iba magalit si King." sabi ni Shaira dahil alam niyang kahit si Vladimir hindi nagpapakansel ng meeting ni Autumn.
"Ako may-ari ng kompanya at kasosyo ko lang siya. 80% ng kompanya ay sa Canmore at 20% lang ang sa kanya. Kami ang may hawak ng malaking porsyento at ng puwesto, so ako dapat ang masusunod." sabi ni Gian.
"Sus. Lagot ka kay Sir Vladimir." sabi ni Shaira na tila siya ang na-stress dahil kilala niya si Autumn sa lahat ng ayaw nito ang nasa baba o minamanduhan. Nasa dugo nito ang pagiging leader, mataas at siyang sinusunod ng lahat, na kahit nga sa schedule ng shooting ng pelikula dati nila Harmony at Rhythm ay nasunod sa takot ng mga staff at director na masisante silang lahat.
"Hayaan mo iyon. Ang pagiging King niya sa pangalan lang, walang pinagbasehan. Hindi titulo at higit sa lahat wala sa dugo." sabi ni Gian na ikinalunok ni Shaira dahil alam niyang iba si Autumn. Ibang iba.
"Okay bahala ka." sabi ni Shaira saka nito kinuha ang cellphone niya at iniwan ang bag sa drawer.
"Hindi na tayo babalik." sabi ni Gian sabay kuha ng bag ni Shaira at kinuha ang susi nito para ilock ang cabinet ng dalaga.
"Ano?" sabi ni Shaira, na muli lihim niyang pinagmasdan si Gian dahil ang mata nito sa kanya talaga nakabaling o nakapokos ni hindi talaga nito nakikita ang mga nasa mesa niya.
"Official special date." sabi ni Gian at wala itong hiya na binitbit sa balikat ang bag ni Shaira saka nito hinawakan sa kamay ang babae at hinila.
"May pasok pa ako." sabi ni Shaira.
"Ako ang Presidente ng kompanya kaya walang sisita sayo... sa atin." sabi ni Gian saka ito napatingin sa paligid na ikinayuko ng mga empleyado na kanina pa nakamasid sa kanila ni Shaira.
"Pero may rules sa kompanya at kasama ako doon." sabi ni Shaira.
"Ako ang rules, ako ang gumagawa, ako ang pinuno, kaya ako magdedesisyon kung ano ang dapat gawin." sabi ni Gian sabay akbay kay Shaira.
Napatingin si Shaira kay Gian at napapikit si Shaira ng dampian siya uli ng halik sa labi ni Gian.
"Huwag kang mag-alala, akong bahala sayo." sabi ni Gian
"Okay." sabi ni Shaira.
"Halika na. Naghihintay ang chopper." sabi ni Gian na ikinatingin muli ni Shaira dito at ng mga empleyado.
"Ano chopper talaga?" gulat na sabi ni Shaira sa sinabi ni Gian. May helipad sa taas ng tower at hindi naman bago sa kanya kung may chopper na pag-aari ang isang totoong Prinsipe .
"Maglulunch tayo sa ibang lugar. At naisip kong dalhin ka sa amin." sabi ni Gian na ikinanlaki ng mga mata ni Shaira.
"Anong sa inyo?" sabi ni Shaira.
"Hahaha! Hindi sa bansa ko, kundi sa King's Palace." sabi ni Gian saka nito iginiya paalis ng lugar na iyon si Shaira habang nakatingin sa bawat isa ang mga empleyado na naiwan sa opisinang iyon.
"Ayos ha. Nakakuha ng bigasan." sabi ng isang empleyado ng makaalis si Shaira at Gian
"Afam lang ang dating. Hahaha! Tipikal Pinay para makahango sa hirap." sabi pa ng isang empleyado.
"Wala naman kasing papatos sa disgrasyada." sabi pa ng isa.
"Pagsasawaan lang siya niyan. Wala ng seseryoso diyan. Kapag minsan ng naloko, malamang maloloko uli iyan." sabi ng ikalawang empleyado.
"Happy happy lang kapag ganyang relasyon para makaraos." natawang sabi ng isa na ikinatawa ng lahat sa opisinang iyon.
.................
Hours Later
King's Palace
"Bahay namin." sabi ni Gian ng makapasok ang mga ito sa isang may kalakihang gusali.
Napatingin si Shaira sa paligid malaki ang lugar, at kakaiba ang desenyo na halatang hindi Pinoy ang may-ari.
"Doon tayo sa kuwarto." sabi ni Gian na ikinaatras ni Shaira.
"Anong kuwarto? Ayoko nga." sabi ni Shaira.
"Hahahaha! Hindi kita gagalawin." sabi ni Gian na ikinalunok ni Shaira at umatras pa ito.
"Tsss. Sabi ko naman sayo seryoso ako sayo, at kapag seryoso ang mga tulad naming mga Prinsipe ang pagtatalik ay ginagawa namin na may pagsang-ayon ng babae o kaya kapag kasal. Ang pagtatalik sa amin ay may go signal ng babae bago namin gawin." sabi ni Gian saka ito lumapit kay Shaira.
"....trust me. Wala akong gagawin sayo, gusto ko lang makasama ka at ililibot kita sa little Palace." sabi ni Gian.
Napatitig si Shaira kay Gian mukha naman nagsasabi ito ng totoo, dahil kung tutuusin kung may balak ito noong unang araw pa lang ng date nila at sa yate puwede naman nitong gawin iyon.
"Okay." sabi ni Shaira ng makaramdam ng totoo ang sinasabi ni Gian.
"Okay, doon tayo sa bulwagan. Gold Room ang tawag namin, gawa kasi sa ginto ang mga pader kaso nasira kasi mukhang ginawang minahan ng isang grupo." napangising sabi ni Gian Carlo.
Nagpatianod si Shaira ng pumunta sila ng Gold Room at sa pagbukas ni Gian ng pintuan, namangha si Shaira ng makita ang kuwarto dahil ginto nga ang pader at ceiling nun literal kaso kita ang bunge ng naturang kuwarto.
"Hahaha! Napansin mo, ginawang minahan. Nang matapos ang party at nagsiuwian ang lahat sa wedding nila Vladimir at Kyla nakita iyan ng mga tauhan. Halatang pinatripan ba. Wala naman cctv dito kasi ang pumupunta dito mayayaman lang kaso hindi namin akalain may mayayaman palang magnanakaw." sabi ni Gian Carlo.
Nilapitan ni Shaira ang naturang may bunge... bunge dahil natipak na ang ibang ginto roon.
"Marami-rami nakuha ang gumawa niyan. At siguro ginawa nilang souvenir o trip lang ba." sabi ni Gian.
Napangisi si Shaira at pigil ang tawa ng makita ang nakasulat na pentel pen sa naturang bunge. L.O.V.E.R.S na malapit na magfade kaya hindi halata ang pagkakasulat. Pinagmasdan pa ni Shaira ang mga nabungeng parte ng mapangisi ito uli.
"Mukha ngang pinatripan.." sabi ni Shaira na pigil ang tawa dahil may sign na malilit na aakalain mong nakaskas lang pero ang malilit na shortpenmanship na iyon ay nakita na niya minsan sa cellphone ni Harmony ng ipakita nito sa kanya ang larawan ng grupo ng asawa nito na may maliliit na pirma sa larawan. Kaya alam niyang grupo ni Autumn at mga anak nito ang gumawa ng pagnanakaw at alam naman niyang maloko talaga ng grupo nito lalo na at may nakita pa siyang pinta na alam niyang galing naman sa grupo ni Orion Valiente. Isang heart shape na kahalintulad sa birthmark sa likuran ng mga babaeng Valiente na madalas gawing pananda ng grupo ni Orion sa mga socmed account ng mga ito.
"Mga dukha na nagtatago sa damit pangmayaman. Ganoon ang mayayaman, kalimitan akala mo mayaman pero hampas lupa pa rin," sabi ni Gian na pigil na ikinatawa ni Shaira.
"Arrhhmm. Dito ba tayo kakain?" sabi ni Shaira na maisip na kailangan na niyang umalis sa lugar dahil bukod sa natatawa siya may tendency na magnakaw din siya ng ginto na kailangan niyang timpiin na huwag gawin.
"Ililibot muna kita then kakain tayo sa tabing dagat." sabi ni Gian na ikinangiti ni Shaira.
.....................
Two Hours Later
"Napagod ka?" sabi ni Gian matapos ang dalawang oras na paglilibot nil ani Shaira sa King's Palace.
"Grabe, ang laki pala ng lugar." sabi ni Shaira na hindi niya inaasahan na talagang ililibot siya ni Gian sa buong lugar at mabilisan pa iyon dahil dinaanan lang nila lahat.
"Pinagod talaga kita." sabi ni Gian habang naglalakad na ang dalawa palabas ng gusali.
"Nag-enjoy naman ako kahit pinagod mo ako." sabi ni Shaira na talagang nag-enjoy siya dahil kakaiba ang lugar na tila nasa palasyo ka nga, na sa ibang bansa mo lang makikita.
"Nag-enjoy ka? Mabuti, at sana lalo ka pang mag-enjoy." sabi ni Gian sabay turo sa dadaanan nila ni Shaira.
Napangiti si Shaira dahil hindi niya inaasahan na sa mismong dagat sila kakain. Ang akala niya sa baybayin iyong tipong beach date.
May tulay na patungo sa dagat at sa dulo ng tulay may open cottage na nakatayo. At mula sa kinatatayuan ni Shaira nakikita niya ang magandang ambiance ng lugar.
Ang paghampas ng hangin sa telang nakadesign sa naturang cottage ay nakakapag bigay ng yumi at lamyos ng lugar. Isama pa na puro bulaklak ang nasa paligid ng cottage.
"Napapagod ka na, kaya..." udlot na sabi ni Gian saka nito binuhat si Shaira na ikinatili nito.
"Ahhhh!" napatiling reaksyon ni Shaira ng buhatin siya ni Gian.
"Ako ang sasakyan mo papunta sa lugar na iyon. Ang special date natin sa isang Paraiso na bagay sayo at deserved mo." sabi ni Gian saka ito nagsimulang maglakad buhat si Shaira.
Hindi nakaimik si Shaira pakiramdam niya kalabisan ang lahat, panaginip, o tila bangungot. Magandang bangungot na ayaw niyang gumising. Ang ilang araw na kasama niya ang binata ay nagsilbing isang pangarap na akala niya hindi niya mararamdaman dahil sa sitwasyon niya.
"Franco." biglang naiusal ni Shaira ng maalala ang anak.
"Ha?" sabi ni Gian ng maulinigan ang isang pangalan na binigkas ni Shaira.
"Anong oras na?" sabi ni Shaira na hindi pinansin ang pagtataka ni Gian sa sinabi niyang pangalan.
"Bakit?" sabi ni Gian habang naglalakad na ito sa tulay buhat si Shaira.
Tiningnan ni Shaira ang relo, alas singko na ng hapon. Ilang oras din kasi ang biniyahe nila sa chopper papunta sa lugar na iyon.
"Ahhmm. Puwede bang pagkakain natin umuwi na tayo?" sabi ni Shaira
"Bakit?" sabi ni Gian na ikinatitig ni Shaira sa binata.
"Kasi gabi na" sabi ni Shaira.
"Hahahaha! Oo nga pala. Okay sige." sabi ni Gian.
Hindi umimik si Shaira hanggang sa marating nila ang cottage. Naupo ang dalawa habang ninanamnam ni Shaira ang lugar. Ang lamig ng simoy ng sariwang hangin, ang amoy ng dagat, ang ganda ng kapaligiran.
"Okay ba?" sabi ni Gian ng maramdaman na kanina pa tahimik si Shaira simula ng kumain sila.
"Oo, perfect paradise." sabi ni Shaira ng masiyahan sa lugar na ngayon lang niya natikman at hindi inaasahan na mararamdaman o mararanasan.
Nagsimula kumain ang dalawa habang panaka-nakang sinusubuan ni Gian si Shaira. Napangiti si Shaira dahil pati pagkain special na ngayon lang niya natikman. Isang dream date na hindi niya lubos maisip na nakuha niya at naranasan, at sa lalaking Prinsipe pa.
"Happy?" sabi ni Gian
"Oo, salamat." sabi ni Shaira.
"Basta ikaw, lahat gagawin kong maganda. Paraiso para sa aking Prinsesa." sabi ni Gian na napangiti.
"Ahhmm. Gian?" sabi ni Shaira.
"Ano iyon?" sabi ni Gian.
"Gusto mo ba talaga ako?" sabi ni Shaira.
"Oo. O baka nga mahal na kita. Ang bilis pero, masaya kasi ako at ngayon ko lang naramdaman ito." sabi ni Gian.
Napangiti si Shaira ng may tumunog sa bag niya na agad iyang tiningnan. Napangiti si Shaira ng makita ang mensahe ng anak. Napatingin si Shaira kay Gian saka ito nagsalita.
"Puwede bang umalis na tayo?" sabi ni Shaira
"Ahhmm. Bakit? Pangit ba? Nakakaboring ba?" sabi ni Gian na ikinangiti ni Shaira
Tumayo si Shaira saka ito lumapit sa upuan ni Gian. Yumuko si Shaira saka nito hinawakan ang mukha ni Gian.
"Perfect, lahat perfect. Thank you. Sa isang paraiso sa piling mo." nakangiting sabi ni Shaira saka nito idinampi ang labi sa labi ni Gian at hinalikan ang binata.
Napapikit si Shaira ng hindi tumugon si Gian kaya kusa siyang humalik at gumalaw ng labi. Ninamnam ni Shaira ang lower lip ni Gian saka nito kinagat ng bahagya iyon at inulit sa upper lip ng binata. Hindi tumugon si Gian kaya sinimulan ni Shaira na halikan sa labi ang binata at ng umawang ang bibig nito ipinasok ni Shaira ang dila sa loob ng bibig ni Gian.
"Hmmmn." ungol ni Gian ng magsimulang gumalaw ang dila ni Shaira at manaliksik iyon kaya naman mabilis na niyakap niya ang dalaga at pinaupo ito sa kandungan niya
Iniyakap ni Shaira ang mga kamay sa leeg ni Gian ng magsimulang tumugon ang binata sa halik niya.
"Hmmmn." nakawalang ungol ni Shaira ng magpaligsahan ang mga dila nila ni Gian.
Hinawakan ni Gian ang batok ni Shaira habang ang isang kamay nito ay humahaplos sa likuran ng dalaga.
"Ohhh." ungol na nakaalpas na reaksyon ni Shaira ng mag-init siya.
"Stop." masuyong sabi ni Gian ng tumigil ito sa paghalik na ikinamulat ng mga mata ni Shaira
".....gusto ko makuha ka ng buo kapag kasal na tayo." sabi ni Gian na ikinatitig ni Shaira sa binata
".....maghihintay ako." nakangiting sabi ni Gian na tila excited ito sa raw na iyon na ikinaiwas ng tingin ni Shaira na hindi naman nahalata ng binata.
"Uuwi na ako." sabi ni Shaira.
"Okay." sabi ni Gian saka nito inayos ang dalaga.
Nang makatayo si Shaira napatingin ito kay Gian ng hawakan siya nito sa kamay ng makatayo din ito mula sa pagkakaupo.
"Tsss! Matatawa silang lahat kapag pinakilala kita. Wala pa akong buwan sa bansang ito pero nakasungkit na ako. At sa lahat ng Prinsipe at Prinsesa na pumunta sa bansa mo, masasabi kong ako ang pinakamasuwerte dahil nabeat ko ang record. A love story na hindi ko inaasahan." sabi ni Gian saka nito niyakap si Shaira saka ito hinalikan pero sa ngayon hindi dampi dahil nakuhang namnamin ng may pagmamahal ang halik na ibinigay ni Gian kay Shaira.
"Magigising ka rin... magigising din ako.... matatauhan din tayo dahil hindi totoo ang fairytale at ang paraisong nakapaloob sa kuwento nito." sabi ni Shaira sa isip habang ninanamnam ang masuyong halik ni Gian sa labi niya.
July 15, 2022 7.47 am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top