Kabanata 37 : Selos

Kabanata 37 : Selos

President's Office

Canmore Telecom


"Sino iyong lalaki kanina?" tanong ni Shaira kay Gian habang inaayos ni Shaira ang gamit nito sa mesang pinalagay ni Gian kung saan siya mag-oopisina.

"Wala." seryosong sabi ni Gian na kanina pa tanong ng tanong si Shaira tungkol kay Crail.

"Iba kasi ang mukha niya sa inyo ni Jan Carl. Anak ba siya sa ibang lahi ng tatay niyo? Mukha kasi siyang Koreano." sabi ni Shaira na hindi kinakibo ni Gian habang nakaupo na ito sa mesa nito at nakatutok sa laptop nito.

"Guwapo din siya, para siyang K-Artist. Uso pa naman iyon ngayon, mga Koreano look." nakangiting sabi ni Shaira na ikinatiim ng bagang ni Gian habang nakatutok pa rin ito sa ginagawa.

"May kaibigan ako dati kapag buntis siya nakatitig siya sa Korean Artist, siguro totoo iyon kasi ang anak niya mukhang koreano. Napagkamalan tuloy na koreano ang tatay." napangiti pang sabi ni Shaira sabay upo nito sa silya, humarap sa mesa niya at binuksan ang laptop niya.

"....kung titigan ko kaya, malay natin maging koreano look at madiskubre maging artista tulad nila Harmony at Rhythm." sabi ni Shaira ng biglang tumayo si Gian na ikinatingin ni Shaira dito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Shaira na nawala ang ngiti sa labi at napalitan ng pagtataka sa pagtayo ng biglaan ni Gian na kanina pa hindi kumikibo.

Hindi umimik si Gian. Tumayo ito at kinuha ang cellphone saka ito nagdial na ikinatitig ni Shaira dito.

"Hello." sabi ni Gian ng may sumagot sa kabilang linya.

"Sino kayang kausap niya?" kuryusidad na tanong ni Shaira sa isip habang pinapakinggan si Gian at nakatitig sa binata.

"Myca, available ka ba?" tanong ni Gian na ikinakunot noo ni Shaira

"Okay, mag date tayo." sabi ni Gian na ikinanlaki ng mga mata ni Shaira saka ito napatayo at mabilis na pumunta kay Gian at hinablot ang cellphone nito.

"Ano ba?" seryosong sabi ni Gian ng hablutin ni Shaira ang cellphone niya.

"Sino si Myca? Bakit kayo magde-date?" sabi ni Shaira na ikinangisi ni Gian ng tumingin ito kay Shaira.

"Anong pakiramdam?" seryosong sabi ni Gian na ikinakunot noo ni Shaira.

"Nang alin? Nang ano?" sabi ni Shaira na bakas ang pagtataka at kaguluhan sa isip na bumakas sa mukha ng dalaga.

"Kasama mo ako pero ang bukambibig mo iyong kapatid ko. Okay sige siya si Crail Canmore, isa ring Prinsipe, half brother ko, may lahing koreano dahil ang nanay niya ay Korean Escort. Isang negosyante, sikat na football player din, single, babaero, guwapo, mayaman.... ano pa? Ano pang gusto mong malaman? Kung anong tipo niyang babae? Okay sige.... lahat tipo nun." nakangising sabi ni Gian na ikinatitig ni Shaira dito.

"Okay na. O kulang pa? Sige ito pa trenta anyos iyon, mas bata sa akin, nandito siya para mamahala sana ng Canmore Telecom, dahil iyon ang utos kanina ni Jan Carl pero dahil nadistract ang susunod na hari kaya iyon, nagbago ang isip niya.

Gusto mo pa ng karagdagan? Okay ito pa para masayahan ka, mukhang tipo ka rin niya kasi nga walang pinipili iyon, kahit buntis ka pa, kahit may nobyo ko at kahit may anak ka. Gusto mo subukan? Subukan mo, para malaman mo na totoo ang sinasabi ko tutal naman mukhang atat kang kilalanin din siya." seryosong sabi ni Gian na ikinatitig ni Shaira ng mabasa ang nasa isip ni Gian base sa kinikilos nito at paraan ng pagsasalita, sa timbre ng boses at sa hindi maitagong reaksyon ng mukha nito.

"Bakit kailangan mo gumanti sa bagay na wala naman?" seryosong sabi ni Shaira na ikinatigil ni Gian at ikinakalma nito ng makita ang naluluhang mga mata ni Shaira.

".....wala kang tiwala? Masama bang magtanong? Kapag nagtanong ba ang isang tao, may gusto na siya? Kapag curious ba ang isang tao type na niya o tingin mo ba puwedeng maging sila?" napapiyok na sabi pa ni Shaira na pigil ang pag-iyak. Mababaw ang luha niya dahil sa pagbubuntis niya at hindi niya mapigilan lalo na at pakiramdam niya sa kinikilos ni Gian may mali at ang mali ay kinakaba niya.

"Anong basehan mo ng loyalty? Anong basehan mo ng trust? Huh! Ang immature mo naman pala, sa kaunting bagay na nakikita mo gaganti ka." sabi ni Shaira na ikinatahimik ni Gian.

"Paano pa ako? May anak ako sa una, paano ko mabubuo ang tiwala mo sa akin kung sa una pa lang alam mong nagkamali ako. Baka kapag nagsama tayo at nag-away tayo o may makita kang mali sa akin, ibuwelta mo iyong nangyari sa akin bago mo ako makilala." napaluhang sabi ni Shaira na ikinalunok ni Gian.

"Nakakatakot ka naman pala, tanong pa lang iyon paano kung kasama ko na? Paano kung makita mo akong may kasamang iba kahit walang nagaganap?

Nakakaloka pala iyong sitwasyon ko, kung paano ko ipapaliwanag sayo kasi ang hirap pala baka ibato mo sa akin na nagawa ko na iyong una puwede kong gawin uli.

Nakakaba pala iyong katayuan ko, parang tuloy hindi ako puwede magtanong, magbiro, o humanga kahit na tumingin kasi kung ikaw nga nagdududa ano pa ang iba." napaiyak na sabi ni Shaira sabay iwas ng tingin kay Gian.

"Oh shit." napahingang malalim na sabi ni Gian sabay lapit kay Shaira pero tumayo si Shaira para umiwas

"Hindi ko pala mababago kung ano iyong tingin ko pagkakamali ko noong una. Nakakaba baka kapag nabuntis ulit ako sayo tapos nakita mo na may kasama akong iba, baka hindi ka maniwalang sayo. Alam mo iyon? Tinatak niyo sa mga tulad namin kung ano kami base sa unang pagkakamali namin.

Pero para sa akin, iyong pagkakamaling iyon naging tama at hindi ko pagsisisihan dahil sa anak ko. Kahit sabihin nilang si Franco ay ebidensya ng katangahan ko. Wala akong pakialam pero kung darating ang araw siya ang ituturo mo rin para bumuwelta sa akin. Ngayon pa lang hindi na ako sasama sayo." sabi ni Shaira saka nito mabilis na hinablot ang bag niya sa side table at nagmamadaling umalis.

"Shay!" sigaw ni Gian saka nito sinundan ang nobya.

Mabilis na nakalabas ng opisina ni Gian si Shaira saka ito nagmamadaling naglakad papunta sa elevator.

"Uuwi na lang ako, bahala na." umiiyak na sabi ni Shaira sa sarili habang ang mga mata ay hilam sa luha.

Pinagtitinginan na siya ng mga empleyado sa palapag na iyon at alam niya isang tsismis na naman ang kakalat na babasehan sa mga luha niya.

"Grabe, baka nanlalaki na." usal ng isang empleyado na ikinasimula ng alingasngas.

Napangisi ng lihim si Shaira dahil inaasahan na niya ang tsismis na iyon sa mga tulad niya.

"Tsss. Baka nagising sa bangungot si GCC." bulungan pa ng ibang nadadaanan niya.

"Iyan ang mahirap kapag nagising sa katotohanan ang lalaki." natawa pang sabi ng ikatlong empleyado.

"Kailan ba sila titigil sa akin?" lumuluhang sabi ni Shaira sa isip ng biglang may nabunggo ito dahil sa panlalabo ng paningin niya sa pagluha at hindi niya nakita ang nakasalubong.

"Oppps!" sabi ng lalaki ng maagapan ang paglagapak ni Shaira sa lapag.

Napahawak si Shaira sa braso ng lalaki ng magulat si Shaira sa muntikan ng pagkakaupo sa lapag

"Tsss Tumingin ka sa dadaanan mo." sabi ng lalaki pero natahimik ito ng makita ang luha sa mga mata ni Shaira.

"Sorry." sabi ni Shaira na agad bumitaw sa braso ng lalaki ng makatayo na siya.

"Patay." napangising bulungan ng mga empleyado na tila nakahanap ang mga ito ng senaryo.

"Lagot tayo diyan." sabi muli ng isa pang empleyado na tila nasilihan ang mga ito sa nagaganap o maaaring maganap.

"Okay ka lang?" sabi ng lalaki na ikinatingin ni Shaira dito dahil hindi pa siya binibitawan ng lalaki.

"Hi." nakagiting sabi ng lalaki na ikinatitig ni Shaira dito.

"Crail Canmore. Ikaw si Shaira di ba?" nakangiting sabi ni Crail na ikinatahimik ni Shaira dahil guwapo din ang lalaking kaharap at tama siya koreano look ito.

"Cut your togue?" nakangiting sabi ni Crail sabay punas ng palad nito sa luha sa mga mata at mukha ni Shaira na ikinamula ng mukha ni Shaira.

"Hahaha! Alam mo may nakilala din akong Pinay namumula din ang mukha niya kapag nahihiya o nagugulat siya, at dito lang talaga akong nakakita ng mga babaeng kahit morena namumula ang mukha. At kahit na sa kaunting bagay nagba-blush talaga ang mga Pinay at cute tingnan para sa akin." nakangiting sabi ni Crail na ikinalunok ni Shaira dahil mukhang babaero nga ang kaharap dahil kakaiba ito magsalita o siguro dahil sikat nga ang koreano look ngayon na nasa mukha ng lalaki.

Napatigil si Gian ng makita ang kapatid na hawak si Shaira. Nakangiti ito habang nakatitig ang nobya kay Crail.

"Shaira!" sigaw ni Gian.

Natahimik ang lahat at nagkunwaring nagtatrabaho habang nakahinto si Shaira sa tapat ng lalaki at nakatitig ito. Binilisan ni Gian ang paglalakad patungo kay Shaira at makarating sa puwesto ni Shaira napahingang malalim ito.

"Shay." mahinang sabi ni Gian na pinipigilan ang sarili na magselos.

Hindi kumibo si Shaira nanatili siyang nakatingin sa binata.

"Sorry na. Nagselos lang ako, sabi ko naman sayo seloso ako." sabi ni Gian na ikinatingin ni Crail dito

"Kanino ka naman nagselos?" nakangiting sabi ni Crail kay Gian.

Napatiim ng bagang si Gian, ilang nobya na niya ang napunta dito kahit sabihin pang break na siya sa mga dating nobya. Ganoon si Crail lahat ng nobya nilang magkakapatid tinutuhog nito. Sa kanilang lahat magkakapatid si Crail ang fuck boy at pinaninindigan iyon ng kapatid niya dahil ang rason naman nito break na sa kanila at wala ng kaso iyon.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ni Jan Carl umalis ka na daw." sabi ni Gian.

"Tumawag si Jan Carl ang sabi niya bumalik ako." sabi ni Crail na ikinakunot noo ni Gian.

"Bakit daw?" sabi ni Gian sabay hila ng kamay ni Crail na nakahawak pa rin kay Shaira habang nakatitig si Shaira sa mukha ni Crail na ikinatiim ng bagang ni Gian at ikinangiti naman ni Crail sa ginawa ni Gian sa kamay niya.

"Ewan ko. Hintayin ko daw siya dito kasi nagbago daw kasi ang isip niya." sabi ni Crail na ikinakaba ni Gian.

"Anong nagbago?" sabi ni Gian kahit alam na iya ang posibilidad na magaganap.

"Basta ang sabi niya, may plane ticket ka na pauwi sa atin." sabi ni Crail

"Damn it." inis na mahinang sabi ni Gian dahil hindi siya makakatanggi kapag pinauwi siya ng kapatid tulad ng dati.

Napatingin si Crail kay Shaira na nakatitig pa rin sa kanya at muli itong nagsalita.

"Hi. Okay ka lang? Puwede mo akong titigan kahit hanggang mamaya sa lunch natin." sabi ni Crail na ikinapula uli ng mukha ni Shaira.

"Nobya ko iyan." inis na sabi ni Gian at akmang susuntukin nito ang kapatid ng magbukas ang employee's elevator na ikinatingin nila Gian at Crail dito pero hindi si Shaira na halatang naglilihi ito dahil nakuha pa nitong hawakan ang ilong at mata ni Crail.

"Ang init." inis na sabi ni Jan Carl ng bumungad ito kasama ng ibang empleyado na palabas ng elevator.

"Bakit ka diyan sumakay?" gulat na sabi ni Gian na nawala ang selos at napalitan iyon ng pagtataka ng makita ang pawisang si Jan Carl.

"Ayaw akong pasakayin ng operator sa private elevator." inis na sabi ni Jan Carl.

"Ano? Bakit gagawin ni Rio iyon? At saka bakit may pasa ka sa mukha?" sabi ni Gian sa kapatid.

"Ang mga batang iyon, spoiled. Aisst! Kung nasa palasyo lang sila hindi puwede iyon. Nakakaasar nasobrahan sa kaangasan sinuntok ako ng sixtuplets na iyon. Walang galang sa hari." napasigaw na pagalit na sabi ni Jan Carl.

"At sa matanda." nakangiting sabi ni Crail na ikinatingin ni Jan Carl sa kapatid.

Nang mapatingin si Jan Carl kay Crail napangisi ito ng makitang nakatitig si Shaira sa kapatid na ilang taon din ang bata sa kanila ni Gian.

"Hi Shaira." nakangising sabi ni Jan Carl na ikinatingin ni Shaira dito.

Pagtingin ni Shaira ang kaninang mukhang nakangiti ay sumimangot ng makita nito si Jan Carl.

Napakunot noo naman sila Gian at Crail ng magbago ang ekspresyon ni Shaira ng tingnan si Jan Carl.

"Hello. Kamusta ka?" sabi ni Jan Carl na napakunot noo habang nakatingin si Shaira sa kanya na parang galit ito.

"Ang pangit mo!" napalakas na sabi ni Shaira na ikinapigil ng tawa nila Gian at Crail at ikinatiim ng bagang ni Jan Carl dahil ito ang ikalawang babaeng nagsabing pangit siya.

"Anong sabi mo?" sabi ni Jan Carl na sumeryoso dahil kanina pa siya binabastos na ikinaiinis na niya ng todo.

"Aissst! Ayaw kita makita, hindi ka guwapo. Pangit." sabi ni Shaira na ikinayuko ni Gian at Crail sa pagpigil ng pagtawa.

"Ulitin mo pa." pagbabantang sabi ni Jan Carl.

Natahimik naman si Shaira ng mahinuha ang sinabi saka ito yumuko.

"Aaaa- ahhmm--- so--- sorry Sir. Iyon kasi ang sabi ng utak ko na pangit ka tapos pumintig iyon puson ko parang sumang-ayon na pangit ka nga." sabi ni Shaira na ikinatawa ni Gian na hindi napigilan ang sarili.

"Hahaha!" natawang reaksyon ni Gian na lalong ikinatiim ng bagang ni Jan Carl.

"Ulit-ulit talaga at talagang diniinan mo pa talaga na pangit ako?" inis na sabi Jan Carl.

"Sorry po." sabi ni Shaira sabay hawak sa puson niya na ikinatahimik sa pagtawa ni Gian.

"Buntis siya. Huwag mong personalin." sabi ni Gian kay Jan Carl saka nito niyakap si Shaira.

"Bakit ganoon? Ang pangit niya?" mahinang sabi ni Shaira sabay yakap kay Gian na ikinatawa nila Crail at Gian.

"Hahaha!" sabay na tawang reaksyon nila Gian at Crail na ikinamula sa galit ni Jan Carl.


July 27, 2022 3.02pm

Fifth Street


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top