Kabanata 36 : Batalyon


Kabanata 36 : Batalyon


"Good morning kuyas." nakangiting sabi ni Astraea kila Aj, Burn, Amon, Alex at Hades habang nakatutok ang mga baril nito sa ulo ni Jan Carl.

Napalunok si Rio isa siyang S.A pero kinabahan siya sa galit na pare-parehong bumalatay sa limang Valiente na tila kakalabas lang mental hospital o di kaya.... kulungan.

"Ibaba mo, kung hindi una kang paglalamayan kaysa sa tatay mo." diin na sabi ni AJ sabay diin ng dulo ng baril sa ulo ni Jan Carl.

Napatitig si Jan Carl kay Astraea nakangiti ang dalaga na halatang nanalo ito.

"Ibaba mo na ako, ang bagal mo kasi. Tsk tsk tsk! Ano ba 'yan? Magiging hari ka pa naman pero ang lampa mo. Nakakaawang bansa mo, dahil mas magaling pa ako sayo, na kung tutuusin pipitsuging lang ang kaharian ko." nakangising sabi ni Astraea habang nakatitig kay Jan Carl.

Nakuha pa ng dalaga higpitan ang yakap ng mga kamay nito sa leeg ni Jan Carl saka ito umusal ng mahina at malamyos.

"......hindi mo ako matatalo, dahil isang tao ko isang batalyon ang katumbas. Ganoon kami kalakas, at ganoon ako kagaling. Ako si Queenie the little Queen. Maliit pero mapanganib." malamyos na sabi ni Astraea kay Jan Carl.

Hindi umimik si Jan Carl habang nakatitig lang kay Astraea at hinahaplos nito ang hita ng dalaga.

"Ibaba mo na siya!" sigaw ni Burn kay Jan Carl, na ikinalunok ni Rio saka ito sumiksik sa elevator kung nasaan ang panel button sa takot.

Napangisi si Jan Carl ng sabay-sabay idiin ng limang lalaki ang baril sa ulo niya, saka nito binaba si Astraea.

Pagbaba ni Astraea nagulat ang lahat ng may tumawa.

"Hahahahaha! Buweset. It's a prank!" tumatawang sabi ng sixtuplets na nasa likuran pala ng lima ng makita ang pagbaba ni Astraea at umabot lang ang pinsan nila sa ilalim ng kili-kili ni Jan Carl.

"Hahahaha! Parang kabute lang." tumatawang sabi ni Laszlo na nakahawak pa sa tiyan sa kakatawa.

Napaiwas ng tingin si Rio kung kanina natatakot at kinakabahan siya ngayon natatawa siya at kailangan niya pigilan.

"Hahahaha! Mayaman naman si Tito Autumn pero bakit ganoon, walang epekto ang mamahaling vitamins sa mga anak niyang babae." natatawang sabi ni Otto na napayuko pa dahil nagmukhang bata si Astraea na nawawala ng binaba ito ni Jan Carl.

"Hahahaha! Hindi lang iyon, matangkad naman tayong lahat pero nagtataka ako kung bakit mga anak lang na babae ni Tito Autumn ang pandak." natatawang sabi ni Viggo sabay hampas kay Ezio.

"Aray! Siraulo ang sakit nun! Huwag kang maingay baka magalit ang nuno sa punso." sabi ni Ezio ng hampasin siya ni Viggo sa braso.

"Tabi-tabi po." sabay sabay na sabi ng sixtuplets habang namumula sa inis si Astraea at nakatitig naman si Jan Carl sa dalaga na nahaharangan niya dahil nasa gilid ito ng elevator.

Napatingin si Astraea kay Jan Carl, tumingala ito habang nakayuko ang binata sa kanya saka ito umusal ng nakakaakit o tila inosente.

"Bigyan mo ako ng pampaopera, ipapagawa ko na ang bakal sa tuhod ko para madugtong na at tumangkad na ako. Aabot iyon ng milyon pero kapag magandang klase na bakal bilyon ang aabutin."sabi ni Astraea.

"Bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon? Ang bigyan ka ng pampaopera?" seryosong sabi ni Jan Carl habang nakatitig sa mukha ng dalaga.

"Ayaw ng Papa ko magpaopera ako at ang sabi niya kumuha daw ako ng sponsor. Eh, ikaw ang naisip ko. Galante ka kasing kliyente. Aisssst! Hindi ko afford kahit na reyna na ako." sabi ni Astraea kay Jan Carl na ikinapigil ng tawa nila AJ at ng apat pa sabay baba ng mga baril nito.

Napalunok si Jan Carl habang nakatitig kay Astraea, nagagawa kasi ng dalaga maging inosente ang mukha nito at ang paraan ng pagsasalita nito ay tila inaapi na kailangan ng tagapagtanggol.

"Hahaha! Wala na iyang pag-asa. Sumakay na lang tayo." natatawang sabi ni Rollo sabay tulak ng anim sa limang pinsan na lalaki na nasa harapan nila paloob sa elevator para makasakay ang sixtuplets.


"Uyyyy, hindi tayo kakasya."
sabi ni Hades sa sixtuplets ng isiksik sila sa loob ng elevator ng anim.

"Kasya iyan, wala lang hihinga at saka si Astraea kamunggo lang ang weight niyan." natatawang sabi ni Shiloh.

Napayakap si Jan Carl sa likuran ni Astraea ng magitgit ito. Napalunok naman si Astraea puno ang elevator at hindi siya sanay sa masikip kaya napapikit siya ng makaramdam ng pagkahilo.

Napatitig pa lalo si Jan Carl kay Astraea ng mamutla ito at manlamig kahit siksikan sila.

"Sandali." sabi ni Aj na ikinahinto sa pagsara sana ng pintuan ng elevator.

Nanatiling nakatingin naman si Rio sa button panel habang nakaharap sa kanya ang isa sa limang lalaking unang pumasok. Ang mga kamay nito ay nakatungkod sa pader ng elevator para hindi siya magitgit at maiwasan na maipit siya ng mga naglalakihang lalaki.

"Bakit?" sabi ni Alex kay AJ ng pahintuin nito ang pagpindot niya sa elevator.

"May lalabas." nakangising sabi ni Amon na ikinahampas sa isa't isa ng sixtuplets ng napatingin sila kay Amon at sa kanila ito nakatingin.


"Hoy, hindi ako lalabas. Ang tagal pa ng isang elevator at ayoko doon. Cheap. Hahaha!"
natatawang sabi ni Shiloh na nasa bungad at siya ang tinutulak palabas ng limang kapatid nito pero mahigpit ang pagkakahawak ni Shiloh sa tarangkahan o pagitan ng pintuan para pigilan ang paglabas sa kanya ng mga ito.

"Cheap talaga? Baka ayaw mo lang makakita ng tulad ng ex mo." sabi ni Rollo.

"Siraulo! Ex natin iyon. Iyong hininga ng mga tao sa kabilang elevator mala Peso at ang buhok ng mga tao mala Peso din." sabi ni Shiloh na ikinatawa ng mga kapatid nito.

"Aissst! Lumabas muna kayo." sabi ni Alex sa sixtuplets na naghahampasan at mahigpit na nakahawak sa pintuan ng elevator ang isang kamay ng mga ito.

"Ayaw namin!" sigaw ng anim.

"Asar! Nakakapikon na." seryosong sabi ni AJ ng pagpawisan na ito sa sikip nila sa elevator.

"Hahahah! Walang bubulang kili-kili diyan. Kaya natin ito." sabi ni Otto ng makitang pinagpapawisan na ang lahat.

Napailing si Jan Carl sa gulo ng anim habang alam niyang nakatingin ng lihim ang lima sa kanya.

Nakatitig lang si Jan Carl kay Astraea na tumahimik na at nakahawak sa braso niya. Nanginginig ang mga paa nito na hindi niya alam kung bakit.

"Kuya, hindi ako makahinga." sabi ni Astraea na ikinatahimik ng anim.

"Labas muna kayo." sabi ni Hades sabay tulak ng lima sa sixtuplets na ikinabagsak ng mga ito sa sahig na may carpet.

"Aray ang kidney ko!" sigaw ni Shiloh na nasa ilalim ng limang kapatid nito ng matumba ang sixtuplets at nagkapatong patong ang mga ito kung saan si Shiloh ang pinakailalim.

"Hahaha! Iyong pilay ni Laszlo hindi na makakalaro iyan." natatawang sabi ni Viggo ng madaganan nila ang tuhod ni Laszlo na may injury sa basketball.

"Iyan bawas na tayo." sabi ni Burn, na ikinatingin ng anim sa mga nakasakay sa elevator.

"Uyyyy! Bawal umalis." sabi ni Ezio ng maiharang ng mga ito ang paa sa pintuan ng elevator kaya hindi iyon maisara.

"Ayaw." sabi ni Rio ng hindi niya maisara ang elevator dahil ang paa ng sixtuplets ay nagawang iharang ng mga ito kahit nakahiga pa ang mga ito sa sahig.

Mabilis na tumayo si Otto at umupo ito sa pagitan ng pintuan ng elevator para pigilan iyon sumara.

Mabilis rin nakatayo si Rollo at tinulungan ang apat na kapatid na tumayo mula sa sahig.

Pagkatayo ng lima habang nakaharang si Otto sa pintuan napatingin ang mga ito sa lahat ng sakay.

"Hahaha! Late na kami, huwag niyo ng pigilan ang elevator." natatawang sabi ni Burn sa sixtuplets na gusto na niyang mapikon sa anim pero natatawa siya dahil pursigido ang anim na makasakay na kasabay sila.

"Hindi kami ang aalis." sabi ni Laszlo

"Tama." sabi ni Otto.

"Bisita kami kaya dapat mauuna kami." sabi ni Viggo.

"Kung may aalis, hindi kami." sabi ni Ezio.

"Haysss! Kasya naman tayong lahat kaso may unanong hindi makahinga sa liit kaya magbabawas lang tayo." sabi ni Rollo na ikinailing ni Rio habang nakatingin sa sixtuplets na ilang minuto na ang sinayang sa oras niya at trabaho.

Pumasok si Shiloh sa loob ng elevator at nagulat si Jan Carl ng hawakan siya sa braso ni Shiloh.

"Lolo, pasensya ka na tutal mauuna ka naman mamamatay sa katandaan at mauuna ka sa langit so pagbigyan mo na kami. Ang matanda kailangan nagpapaubaya sa mga apo niya." sabi ni Shiloh na ikinatawa ng lahat.

"Hahaha! Ang harsh mo sa matanda." natawang sabi ni Otto kay Shiloh na lalong ikinatawa ng lahat.

Pigil ang tawa ni Astraea sa sinabi ni Shiloh na ikinangisi ni Jan Carl.

"Lolo, huwag kang mag-alala ipagdarasal ka namin." sabi pa ni Shiloh sabay tingin sa mga kapatid na ikinatawa nila Aj ng buhatin palabas ng anim si Jan Carl na hindi nakahuma.

Hawak sa magkabilang braso ng apat sa sixtuplets si Jan Carl at ang dalawa ay nakabuhat sa paa ng binata.

"Hahaha! Parang lang preso sa Ground Zero kung buhatin." natatawang sabi ni Hades.

"Ano ba?" sabi ni Jan Carl habang bitbit siya ng sixtuplets palabas ng elevator na tila hindi siya susunod na uupo sa hari. Binabastos siya sa lugar na iyon na doon lang niya naranasan.

"Lolo, baka mabali ang buto mo." sabi ng sixtuplets na ikinatawa nila Aj.

"Hahahaha! Ibaba niyo na." sabi ni Amon habang nakahawak ito sa tiyan sa kakatawa.

Binaba ng anim si Jan Carl sa labas ng elevator at pagkababa nito nagmano ang sixtuplets sa binata.

"Lolo, mano po. Isang mapayapang umaga." sabi ni Otto na ikinatawa ng lahat.

"Lolo, pang kape mo po." sabi ni Shiloh sabay kuha ng pipti pesos na ikinatawa ng sixtuplets.

"Hahaha! Laging may handang fifty." natawang sabi ni Rollo.

"Pumasok na kayo." sabi ni Alex sa anim.

"Sandali." sabi ni Ezio.

Pumuwesto naman si Astraea sa bandang unahan ng ilagay siya doon ni Aj at Burn. Napatingin si Jan Carl kay Astraea napapagitnaan ito ng kambal na kapatid nito, nasa bandang unahan na ito at halatang okay na ito at nakakahinga.

"Pasok na at late na kami." sabi ni Burn sa anim


"Atat ka talaga Burntot. Sandali kukuha lang kami ng tip."
sabi ni Viggo.

Napatingin ang anim kay Jan Carl na ikinaatras ni Jan Carl sa kakaibang tingin ng anim.

"Magbibigay ka o nanakawan ka namin?" seryosong sabi ni Rollo na ikinatawa ng limang pinsan ng mga ito.

"Ano?" sabi ni Jan Carl

Napangisi ang anim at muling hinawakan ng lima si Jan Carl na hindi nakapalag.

"Bilis." sabi ni Laszlo kay Shiloh na agad na kinuha ang wallet ni Jan Carl.

"Uyyy, masama iyan." naiusal na sigaw ni Rio ng nakawan ng anim si Jan Carl.

"Uyyy, bayad niya ito sa serbisyo ni Astraea kaya hindi nakaw ito." sabi ni Shiloh na ikinangisi ni Astraea.

Napatingin si Jan Carl sa dalaga at nakita nito ang pagngisi ni Astraea na tila natutuwa ito sa nakikitang paglalaro sa kanya ng grupo nito.

"Okay na ito 10k. Mababa pero sige, balato na namin sayo ang iba." sabi ni Shiloh ng makakuha ng sampung libo sa pitaka ni Jan Carl. Ibinalik nito ang wallet sa binata saka kinamayan ito.

"Sulit ka naman sa kanya sa ilang minuto. Mahal ang presyo niya at ang pagbubuhat sa kanya ay isang milyon ang halaga kaso wala kang sapat na cash at hindi ka na namin sisingilin dahil suki ka naman sa Casa." sabi ni Laszlo

"Reyna siya kaya ang isang minuto ay papatak ng libo ang rate niya, na alam namin na afford mo naman kaso kulang ang pera mo kaya....." sabi ni Rollo at nagulat ang lahat ng suntukin ng tig-iisa ng anim si Jan Carl.

"Ahhhh!" sigaw ni Rio at Astraea ng bumulagta si Jan Carl sa sahig.

"Huwag mong hahawakan dahil iba ang puta sa reyna." seryosong pagalit na sabi ni Shiloh na ikinatitig ni AJ at mga pinsan nito sa sixtuplets ng makita ang seryosong mukha ng anim.

"Huli na iyon, at huwag mo ng hahaplusin." seryosong sabi ni Laszlo ng makita nila kanina ang ginagawa ng kamay ni Jan Carl sa hita ng pinsan nila.

"Puputulin namin iyang kamay mo kapag lumandas iyan sa.... alam mo na." seryosong sabi ni Otto.

"Nakahalik ka na, nakayapos ka pa. Bitin pa ba?" sarkastikong sabi ni Viggo.

"Bayad kami sayo. At ang bayad mo ay kulang pa kaya may utang ka sa amin kahit na libre na ang iba." seryosong sabi ni Ezio.

Napatitig ang lahat sa anim pero nagulat ang mga ito ng tumawa ng malakas si Rollo.

"Hahahaha! Okay na quits na tayong lahat." natawang sabi ni Rollo na ikinatitig ni Rio at Jan Carl sa anim ng magpalit uli ang mood ang mga ito na ikinangisi ng lima pang Valiente na lalaki.

"Langya, may mga sayad. Ang tibay at tindi ng dugo kapag sinama-sama. Kakatakot." sabi ni Rio sa isip ng makitang okay na uli magtawanan ang sixtuplets.

"Sumakay na kayo." sabi ni Alex na ikinangisi ng sixtuplets habang naghahatian sa pera.

Nakatingin lang si Astraea kay Jan carl bakas ang galit sa mukha nito habang nakatitig sa kanya.

Nang makapasok at makasakay ang sixtuplets sa loob ng elevator, isinara iyon agad ni Rio sa takot na may baril si Jan Carl at pagbabarilin sila.

Sa pagsara ng elevator mabilis na kinuha ni Jan Carl ang nasa bulsa at sa nakatingin na si Astraea na nasa harapan at nasa gitna ng papasarang elevator mabilis na pinitik ni Jan Carl ang nakuha nito sa bulsa at sakto bago pa magsara ang elevator tumama iyon sa target.

"Lagot ka sa akin." pabulong at seryosong sabi ni Jan Carl habang nakatitig si Astraea sa kanya.

Nang sumara ang elevator napalunok si Astraea saka nito mabilis na inalis ang tumama sa dibdib niya na pinitik ni Jan Carl nabasa pa niya ang binigkas nito ng pabulong kanina na ikinalunok niya.

"Siraulo! Papatayin niya ako. Hahaha! Baka siya patayin ko." sabi ni Astraea sa isip habang hawak ang bagay na tumama sa dibdib niya na pinitik ni Jan Carl kanina.

"Bullseye siya nahabol niya ang pagsara. Tss! Kailangan ko pa galingan at baka matalo ako." sabi ni Astraea sa isip habang nakatingin ng pasimple ang limang Valiente dito.

"Magmeryenda muna tayo." sabi ni Laszlo habang hawak nito ang pera.

"Sa C-Tower na, at puntahan natin si Franco the dragon." sabi ni Viggo.

"Sige." sabi ni Laszlo.

"Ako magmamaneho." sabi ni Otto.

"Traffic, kung magchopper na tayo." sabi ni Ezio na ikinatingin nila Aj sa anim.

"Wala kayong magawa?" seryosong sabi ni Amon sa anim na pinsan.

"Meron kung bibigyan niyo kami." sabi ni Rollo sabay tawa ng sixtuplets.

"Okay." sabi ni Aj na ikinatingin ng anim dito.

"Anong okay?" sabi ni Laszlo.

"Kailangan kumbinsihin niyo si Franco na sumama kay Gian sa palasyo nila." sabi ni Aj na ikinatingin ng lahat dito.

"Tapos?" sabi ni Otto.

"May prinsesa doon na nakakulong, bantayan niya." sabi ni AJ na ikinatingin ng anim sa isa't isa.

"Anak ni Kyla?" seryosong sabi ni Shiloh.

"Kailangan makauwi ang pamilya niya dito dahil kailangan natin iyong bata na apo ng totoong hari." sabi ni AJ saka ito tumingin sa sixtuplets.

"Totoong anak?" sabi ni Viggo.

"Ang susunod na uupo sa trono ay reyna, hindi hari. Si Vladimir ang tunay na anak ng hari at sa kanila, babae man o lalaki ang anak ng susunod na hari ay siyang uupo sa trono. Kaya ang anak ni Vladimir at ni Kyla ay kailangan natin.

Dahil si Jan Carl, matindi siyang kalaban at nag-iipon lang siya ng galit para sumabog." sabi ni AJ na ikinalunok ni Astraea saka nito mahigpit na hinawakan ang bagay na pinitik ni Jan Carl papunta sa kanya kanina.

"Bakit si Franco?" sabi ni Rollo

"Babae ang dinadala ni Shaira, ang kapatid ni Franco na puwedeng sumama sa susunod na totoong reyna sa loob ng kulungan kung saan nakakuwarto sila Kyla at Vladimir.

Spy. Iyon ang gagawin ni Franco. Siya ang mata natin sa gagawin ni Jan Carl kapag nakaupo na ito." sabi ni Aj na ikinatahimik ng lahat.

"Mahihirapan kayo pero kung bibilisan niyo mas okay....." sabi ni Rio na ikinatingin ng lahat dito.

Napatingin si Rio kay Aj saka ito muling nagsalita.

"May kausap si Jan Carl, at tingin ko kumikilos na ito sa Heather Island at ang unang target... si Suri." sabi ni Rio na ikinatitig ng lahat sa dalaga.


July 26, 2022 12.45pm

Fifth Street


Pafollow po ang FB Page for next teasers.... tnx.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top