Kabanata 34 : Kontrabida
Kabanata 34 : Kontrabida
C-Tower Manila
Hours Later
"Salamat sa paghatid." sabi ni Shaira ng nasa bungad na sila ng C-Tower habang sakay ng kotse ni Gian.
Napatingin si Gian kay Shaira, tahimik ito buong biyahe at alam niyang malalim ang iniisip nito na makakasama sa magiging anak nila.
"Huwag kang mag-alala. Tatanggalin ko lahat ng makakadistract sayo." sabi ni Gian na ikinatitig ni Shaira dito.
"Gian huwag. Kung binabalak mong tanggalin sa trabaho ang lahat ng trabahador o empleyado na makakaringgan mo ng pangit o makikitaan mo ng hindi maganda kahit tingin lang nila hindi iyon tama." sabi ni Shaira.
"Mali iyon sa kompanya at nasa batas naman iyon." sabi ni Gian
"Hindi mo maaalis sa isang tao ang magduda o makaramdam ng kuryusidad dahil kasama iyon sa damdamin ng bawat isa. Kahit ako o ikaw nakakaramdam nun, isa iyong tipikal na damdamin na nasa ating lahat." sabi ni Shaira
"Okay, kung ayaw mo magreresign ka." sabi ni Gian na ikinagulat ni Shaira.
"Gian, hi---hindi puwede may anak ako na binubuhay." sabi ni Shaira
"Na magiging anak ko." sabi ni Gian.
"Gian, hindi. Hindi mo naman anak si Franco at hindi ko ipapaako ang respondibilidad ko at ng ama niya sayo." sabi ni Shaira
"Aakuin ko kahit ayaw mo." sabi ni Gian
"Gian, hindi mo maunawaan." sabi ni Shaira
"Alin ang hindi ko maunawaan? Na may tatay pa si Franco, na umaasa kang kakausapin ka pa rin at magkakaayos kayo?" inis na sabi ni Gian
"Gian, hindi iyon sa ganoon. May responsibilidad siya sa anak ko at kung tinanggihan niya o inayawan niya, bale ako ang sasalo ng lahat at may tungkulin sa lahat sa anak namin at hindi ikaw." sabi ni Shaira.
"Pakakasalan kita at kapag naging isa tayo kasama si Franco doon. Aakuin ko siya at ako ang magiging tatay niya. Wala akong pakialam kung hindi ko siya kadugo, ang akin tatanggapin ko siya dahil kasama mo siya at anak mo siya." sabi ni Gian.
"Salamat pero..." udlot na sabi ni Shaira ng muling magalita si Gian.
"Ako na ang tatay ni Franco kaya hindi mo kailangan magdahilan. At saka tayong dalawa ang magsasama sa iisang bahay, ikaw, ako at ang mga anak natin kaya hindi natin kailangan intindihin ang mga sinasabi nila tungkol sayo at tungkol sa akin." sabi ni Gian.
Napahingang malalim si Shaira at hindi na lang ito umimik. Sa tulad niya alam niyang hindi ganoon kadali tanggapin ang sitwasyon niya kahit naman kasi na hindi niya intindihin ang sinasabi ng iba, may epekto pa rin iyon sa kanya at sa anak niya na tiyak na makakasakit ng damdamin ng bawat isa.
"Ihahatid na kita sa loob." sabi ni Gian at akmang bababa ito para pabuksan ng pintuan si Shaira ng hawakan ito ng dalaga sa kamay para pigilan.
"Gian, huwag na kaya ko na." sabi ni Shaira
"Ihahatid na kita." sabi ni Gian na ikinabuntung hininga ni Shaira dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang binata.
"Okay sige pero uuwi ka sa inyo." sabi ni Shaira na ikinatango ni Gian.
Lumabas si Gian ng kotse at pinagbuksan nito si Shaira ng pintuan. Lumabas si Shaira sa kotse at inalalayan ito ni Gian.
"Teka, aakyat ka pa ba talaga?" sabi ni Shaira ng makalabas na sila ng kotse ni Gian.
Napahinto si Shaira sa akmang paglalakad at tiningnan si Gian.
"Oo, ihahatid kita." sabi ni Gian.
"Kung huwag na lang kaya." sabi ni Shaira dahil gusto sana niya makapag-isip pero pakiramdam niya nakadikit na si Gian sa kanya.
"Bakit ba ayaw mo? Siguro naman wala ng mga pakialamera at tsismosa sa loob niyan." sabi ni Gian sabay turo sa building.
"Haissst! Sige na nga." sabi ni Shaira na ikinangiti ni Gian saka nito hinawakan ang kamay ng dalaga at pumasok sa loob ng gusali.
........................
"Hahaha! Tama na kuya Hades!" hindi makahingang sa kakatawa na sigaw ni Franco habang nakikipagharutan ito kay Hades.
"Loko ka, ang dugas mo." sabi ni Hades habang nasa sofa ang mga ito at patuloy na kinikiliti si Franco
"Hahahaha! Hindi ka kasi marunong maglaro." sabi ni Franco.
Nasa ganoong tagpo ang dalawa ng biglang magbukas ang pintuan.
"Hahaha! May magnanakaw. Hala! Nagbukas ang pintuan. Tama na." tumatawang sabi ni Franco habang kinikiliti pa rin ito ni Gian at ang tuta ay yakap ni Franco.
Eksaktong pagbukas ng pintuan ng mamataan ni Gian si Franco na masaya at ng makita nito si Hades napakunot ang noo nito.
Samantalang napangiti si Shaira ng makita ang anak na masaya habang nakikipagharutan kay Hades. Madalas iyon gawin ni Hades lately kapag nasa bahay ito nakikitulog at nilalaro ang anak niya.
"Nanay! Si kuya. hahaha!" tumatawang sabi ni Franco ng makita si Shaira.
"Nagsumbong ka pa ha. Kilitiin ko rin ang nanay mo eh." sabi ni Hades na nakatalikod sa pintuan ang puwesto nito kaya hindi pa nito nakikita na may kasama si Shaira.
Napaiwas ng tingin si Gian ng makaramdam ng selos sa nakikitang closeness nila Hades at Franco na kahit naman close sila ng bata never na umabot sa ganoon ang pagiging close nila.
"Sir Gian!!! Hahaha! Gabi na po bakit nandito ka pa?" tumatawang sabi ni Franco na ikinatigil sa pagkikiiti ni Hades sa bata sabay napabaling ang tingin nito sa pintuan.
"Ang saya niyo naman, nakakainggit. Hahaha!" natawang sabi ni Shaira na ikinangiti ni Hades sa ina ni Franco.
Napangiti si Shaira ng makita ang paghanga sa mga mata ni Hades. Napatiim ng bagang naman si Gian dahil hindi naitago ng binata ang paghanga nito kay Shaira.
"Kumain na po kayo, nagluto si Kuya Hades." sabi ni Franco ng makatakas kay Hades at nakatayo na ito.
"Aalis na si Gian." sabi ni Shaira.
"Kakain ako." sabi bigla ni Gian na ikinangisi ni Hades ng bumaling ang tingin sa binata.
"Okay, maghahanda na po ako." sabi ni Franco saka ito umalis at nagtungo sa kusina.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Shaira kay Hades na ikinatingin ni Gian dito.
"Hindi pa. Hinihintay ka namin ni Franco." sabi ni Hades sabay ayos nito ng pagkakaupo sa sofa.
"Dito ka ba makikitulog?" tanong ni Shaira sabay upo sa kabilang sofa.
"Oo, may ginagawa kasi ako kaya mapapadalas ako dito." sabi ni Hades sabay tingin kay Gian na nanatling nakatayo.
"....ikaw makikitulog ka rin ba? Okay lang na tabi tayo." napangising sabi ni Hades kay Gian na ikinangiti ni Shaira at ikinatitig ng seryoso ni Gian kay Hades.
"Dito ako makikitulog pero katabi mo si Franco at katabi ko si Shaira." sabi ni Gian na ikinatingin ng lahat dito.
"Bakit kayo magtatabi ng nanay ko?" sabi ni Franco na naulinigan ang sinabi ni Gian.
"Kasi naalala na niya ako at ako ang ama ng kapatid mo. And magpapakasal na kami ng nanay mo." sabi ni Gian kay Franco na ikinatingin ng batang lalaki kay Shaira.
"Nay?" sabi ni Franco.
"Anak." sabi ni Shaira.
"Siya ba?" sabi ni Franco.
"Oo." sabi ni Shaira.
"Bakit hindi mo naalala dati?" sabi ni Franco.
"Kasi lasing ako noon." sabi ni Shaira na bahagyang nailang at nahiya sa anak,
"Hindi ba galit iyan sayo dati kasi dinadala mo ako sa opisina mo." sabi ni Franco na ikinatingin ni Gian kay Franco.
Napatingin si Shaira sa anak at hindi nito alam ang isasagot
"....bakit mo siya nagustuhan kung ayaw niya sa akin? O gusto mo ba talaga siya o baka nabuntis ka lang niya kaya ganoon.... na sumang-ayon ka na kayong dalawa." sabi pa ni Franco habang nakatitig si Gian sa batang lalaki na hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksyon ni Franco
"Natatakot ka ba na wala ulit tatay ang anak mo? Kasi kung iyon lang ang rason bakit ka magpapakasal kung hindi mo mahal? Mahal mo ba? Bakit ang bilis? O bakit ngayon lang, dahil ba nabuntis ka?" sabi pa ni Franco na ikinangiti ni Hades sa batang lalaki at napayuko ito para itago ang pagngiti.
"Anak..." udlot na sabi ni Shaira ng lumapit si Franco at tingnan si Gian.
"Anong nagustuhan mo sa nanay ko? Bakit nagustuhan mo siya agad? Hindi ba ayaw mo sa kanya, sa akin. Hindi ba noong nasa opisina mo ako, galit ka sa amin... sa akin." sabi ni Franco kay Gian.
Lumapit si Gian kay Franco saka ito yumuko at bumulong.
"Ang akala ko ba kapag okay na sa nanay mo, okay na sayo? Bakit parang ayaw mo?" bulong ni Gian sa batang lalaki.
"Hindi mo naman siya niligawan. Grabe! Talagang binuntis mo na. Walang ligaw? Bakit kasi may anak na siya at hindi na niya deserved ang maligawan? Sabi mo sa akin naging kayo ng apat na araw, na malamang niligawan mo ang nanay ko ng hindi mo pa alam na may anak siya. Tatanungin kita may pagkakaiba ba?" bulong ni Franco kay Gian habang nakatingin lang si Shaira sa pagbubulungan ng dalawa.
Hindi umimik si Gian kaya muling nagsalita si Franco.
"Meron di ba. Kasi iba ang trato ng mga lalaki sa may anak na babae o naanakan ng iba sa babaeng walang sabit." bulong ni Franco.
"Tsss. Mahal ko ang nanay mo, at bata ka pa kaya hindi mo mauunawaan. Sa una siyempre kahit sino maiinis kung ang nililigawan mo may anak pala na hindi niya sinabi." pabulong na sabi ni Gian kay Franco.
"Okay, so tatanungin kita uli. Bakit mo siya nagustuhan pa rin kahit na may anak na siya?" bulong ni Franco kay Gian.
"Tulad ng mahirap ipaliwanag kung bakit nagkagustuhan ang dalawang tao sa isa't isa. Ganoon ko maihahambing ang naramdaman ko.
Tsss! Huwag ka ng umangal, at huwag kang mag-alala ituturing kitang anak pero uunahan kita seloso ako at selfish pagdating sa anak at asawa. At ayoko ng nakikita kang kaclose ang iba." sabi ni Gian na kinatitig ni Franco dito.
"......pero sige pagbibigyan kita maging close iyang Herodes na iyan pero huwag kang magkakamali na gustuhin siyang maging tatay mo kasi aawayin kita... at siya." bulong pa ni Gian na ikinatingin ni Franco kay Hades.
"Magtabi muna kayo sa kabilang kuwarto para tabi kami ng nanay mo. Hindi ako aalis kung paaalisin mo ako kasi babantayan ko na ang nanay mo." sabi pa ni Gian.
"Anak, okay ka lang?" sabi ni Shaira ng nainip sa bulungan ng dalawa.
Napatingin ng bahagya si Gian kay Shaira pero muli itong bumaling kay Franco at muling nagsalita.
"Aminin mo na sa nanay mo na ako si Carlo." bulong pa ni Gian kay Franco.
"Ayoko pa." sabi ni Franco
"Bakit?" sabi ni Gian.
"Aaminin ko lang kapag nakita kong love ka rin ng nanay ko." pabulong na sabi ni Franco saka nito tinalikuran si Gian na ikinahingang malalim ni Gian.
"Kumain na tayo." nakangiting sabi ni Hades na ikinatingin ni Gian sa binata.
"Magkatabi kayong dalawa at huwag kang lalapit kay Shaira." sabi ni Gian kay Hades na ikinangisi ni Hades.
"Tsss. Bahala ka mag-isip diyan." sabi ni Hades saka ito nagtungo ng kusina.
"Haisst! Ikaw talaga." sabi ni Shaira kay Gian.
"Hindi ako uuwi. Dito talaga ako makikitulog at hindi ka makakatanggi dahil kung siya nga pinapatulog mo dito. Bakit hindi ako." sabi ni Gian.
"Hahaha! Kumain na nga tayo. Gutom lang iyan." sabi ni Shaira at hinila nito si Gian sa dining area.
....................
One week Later
Canmore Telecom Tower
"Sir, nandiyan ang kapatid niyo." sabi ng secretary ni Gian ng salubungin siya nito.
"Kapatid? Sino sa kanila?" sabi ni Gian na sa dami nila magkakapatid hindi niya malaman kung sino ang sinasabi ng secretary niya.
"Si Sir Jan Carl." sabi ng secretary na ikinaunot noo ni Gian at akmang ibabaling nito ang tingin sa pintuan ng opisina ng bumukas iyon.
"Dumating ka rin." seryosong sabi ni Jan Carl na ikinatitig ni Gian sa kapatid.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Gian.
"Hindi ka pumunta dito at pinabalik para makipaglandian sa babaeng naanakan ng director at ng escort." sabi ni Jan Carl na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Anak ko ang dinadala ni Shaira." sabi ni Gian.
"Huh! Paano mo napatunayan? Hindi ba nakita mo si Dave na hubad din sa kuwartong iyon." sabi ni Jan Carl
"Si Dave pero hindi si Shaira." sabi ni Gian.
"Hahaha! Huwag kang tanga, alam kong kaya mong ipasok ang pagkalalaki mo sa babae kahit may damit ito at alam din iyon ng lahat ng lalaki." sabi ni Jan Carl.
"Akin iyon, at sigurado ako doon." sabi ni Gian.
"Paano kung hindi?" sabi ni Jan Carl.
"Wala ka na doon." sabi ni Gian.
"Hindi puwede at hindi ko papayagan na peke ang anak mo. Hindi ako papayag na ang anak ng babaeng iyon na kikilalanin mo at ipapasok sa palasyo ay magiging Prinsipe o Prinsesa ay walang dugo natin." seryosong sabi ni Jan Carl.
".....uuwi ka na sa atin kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo, at may papalit na sayo." sabi pa ni Jan Carl.
Napatingin si Gian ng bumungad ang isa pa nilang kapatid ani Jan Carl.
"Hi bro." nakangiting sabi ng lalaki na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Langya, dagdag kontra sa buhay ko." sabi ni Gian sa isip habang nakatingin sa mga kapatid.
July 26, 2022 7.00am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top