Kabanata 33 : Gossip


Kabanata 33 : Gossip

Canmore Telecom Tower


"Good evening, Sir." sunod-sunod na bati ng mga empleyado na nadaanan nila Gian at Shaira.

Nakayuko si Shaira, alas sais na ng gabi, oras na ng uwian ng mga emplayado ng matapos din sila ni Gian sa pagtatalik. Kalalabas lang nila ng opisina ng binata at ngayon tila parang gusto niyang higupin na lamang siya ng lupa habang sa gilid ng mga mata niya nakikita niya ang pagtataka at kakaibang tingin ng mga empleyado sa kanila ni Gian.

"Iwan mo na ako." nakayukong mahinang sabi ni Shaira kay Gian ng makalapit na sila sa desk ng dalaga.

"Babalikan kita at sabay tayo umuwi." mahinang sabi ni Gian na tila wala lang dito ang tinginan ng mga empleyado na kapag naman tinitingnan ng binata ang mga ito ay umiiwas ang mga ito ng tingin.

"Okay. Sige na." sabi ni Shaira.

Napatitig si Gian kay Shaira kanina pa ito nakayuko mula ng lumabas sila ng kuwarto. Hindi rin ito tumitingin sa mga mata niya kaya naman nakaramdam siya ng inis.

"Okay ka lang ba?" sabi ni Gian sabay hawak sa mukha ni Shaira at itinaas iyon para makita niya ang mukha nito.

"Oo." sabi ni Shaira sabay iwas ng tingin ng hawakan ni Gian ang mukha niya.

"Hindi ka okay." hindi naitagong inis ni Gian.

"Okay ako. Napagod lang ako." pagdadahilan ni Shaira dahil sa gilid na naman ng mga mata niya nakatingin ang mga empleyado.

"Okay." sabi ni Gian na tila naniwala naman ito dahil ilang oras din sila nagtalik ni Shaira at pinakansel niya lahat ng meeting sa unang araw ng pag-upo niya bilang Presidente para lang makasama ito

"Umalis ka na." muling mahinang sabi ni Shaira na ikinatango ni Gian

Binitawan ni Gian si Shaira. Napaupo naman si Shaira ng bitawan ni Gian ang mukha niya at nagkunwari ng nag-aayos ng gamit.

Napahingang malalim si Gian saka ito tumalikod at naglakad patungo sa opisina nito.

"Hayss!" napahingang malalim na reaksyon ni Shaira ng makaalis si Gian.

Napasandal si Shaira sa upuan niya, hindi niya sukat akalain na ganoon katagal sila nagtalik at aminado naman siya nasarapan siya at kakaibang karanasan at kasiyahan iyon pero parang natatakot siya o kinakabahan na hindi niya alam kung bakit.

"Shaira."

Napalingon si Shaira ng may tumawag sa kanya at bahagya itong nagulat ng makita ang manager, isa sa big boss ng kompanya na naka-assign sa ibang departamento. Ito rin ang isa sa manager na nakasama niya sa Job Fare.

"Bakit ho?" sabi ni Shaira.

"Tsss. Maka-ho ka naman, parang hindi tayo nagkasama sa Emperio." sabi ng manager na si Bibeth saka ito umupo sa silya na nasa harapan ng mesa ni Shaira

Hindi nagsalita si Shaira, hindi naman talaga kasi niya kaclose lahat ng kasama niya sa Job Fare, nagkataon na nagkasama sila sa bar kaya para sa kanya hindi closeness ang tawag doon o friendship. Mababaw kasi ang rason sa kanya para maging kaibigan o kaclose mo ang isang tao dahil lang nakasama mo ito ng ilang oras.

"Ang suwerte mo ha." sabi muli ni Bibeth

"Bakit naman?" sabi ni Shaira habang nagkunwaring nag-aayos sa mesa niya.

"Biruin mo nabuntis ka ni Dave tapos mukhang sasaluin ni President GCC. Samantalang ako, hiniwalayan ng asawa ko." sabi ni Bibeth na ikinatingin ni Shaira dito dahil mukhang kakaiba talaga ang mga tsismosa kahit sa mataas at kilalang kompanya may mga ganoong tao.

"Bakit naman?" sabi ni Shaira.

"Buntis ako, at nakakaasar ang tutulis ng mga escort doon. Kahit si Jenny buntis, tapos iyong secretary ni GCC, asawa na nung escort na naka-table niya." sabi ni Bibeth

Napaiwas ng tingin si Shaira kilala niya rin ang Jenny na sinasabi nito ang isa pang manager na may nobyong AFAM.

"Ikaw, paano mo nabilog ang utak ni GCC? Turuan mo naman ako para magawa ko sa asawa ko at matanggap niya ang anak ko sa gagong escort na iyon." sabi ni Bibeth.

"Nabilog talaga?" napangiwing sabi ni Shaira dahil ang pangit ng dating ng salita sa kanya.

"Baka may gayuma ka, pahinge naman." Sabi ni Bibeth na ikinailing ni Shaira.

"Wala." sabi ni Shaira.

"Langya, ang tibay mo 'no? Talagang si GCC pa ang pinili mong ama para sumalo sa anak niyo ni Dave." sabi ni Bibeth na ikinamula ng mukha ni Shaira.

"Hindi naman." sabi ni Shaira.

"Alam mo lahat dito alam na si Dave ang nakalantari mo. Unlike me, hindi naman kasi nagsasalita ang asawa ko. Siguro takot na mapahiya, mayaman siya eh, negosyante at kaya hiniwalayan na lang niya ako. Pero buweset, ang arte niya. Si GCC nga may anak ka na sa una, naanakan ka pa uli inako ka pa rin niya." sabi ni Bibeth.

"Maam..." udlot na sabi ni Shaira ng titigan siya ni Bibeth at muli itong nagsalita.

"Kung ipaako ko kaya ang akin kay GCC tutal may nangyari naman sa amin dati." sabi ni Bibeth na ikinanlaki ng mga mata ni Shaira

"...ang totoo hindi ko alam kung iyong escort ba ang ama ng dinadala ko, kasi bago kami si GCC muna ang nakatalik ko." sabi pa ni Bibeth na ikinalunok ni Shaira.

"Iniisip ko nga siya ang ama nito, hindi naman imposible kasi ang pagtatalik namin pasok sa computation ko." sabi pa ni Bibeth.

Hindi nakapagsalita si Shaira kaya muling nagsalita si Bibeth.

"Try ko lang, tutal naman hindi kami kasal ng asawa ko dito at may divorce naman sa ibang bansa at madali lang iyon." nakangising sabi ni Bibeth na ikinaiwas ng tingin ni Shaira

"Kung ikaw nga pinatos niya, ako pa kaya na di hamak naman na mas okay kaysa sayo." sabi pa ni Bibeth.

"Sige try mo." sabi na lang ni Shaira dahil ayaw niyang makipag-away na alam niyang stress lang iyon na makakasama sa dinadala niya at sa kanya.

"Okay, sabi mo eh. Pero mas may puntos naman ako kasi may nangyari sa amin at posibleng anak niya itong dinadala ko kaysa sa dinadala mo na for sure naman na sa escort, kasi lahat kami nakita ka kasama si Dave na pumasok sa kuwarto." sabi ni Bibeth na napangiti.

Tumayo si Bibeth pero akmang sa pagtalikod nito nagulat ito ng makita ang namumulang mukha ni Gian na ikinaatras nito.

Napatingin si Shaira at umangat ang tingin niya ng umatras si Bibeth at umusog ang mesa niya at sa pagbaling niya ng tingin nagulat din ito ng makita ang galit na mukha ni Gian.

"Anong sabi mo?" nagtitimpi sa galit na sabi ni Gian kay Bibeth na ikinatingin ng mga empleyado na naghahanda sa pag-uwi.

Pabalik sana si Gian sa mesa ni Shaira dahil balak niya hintayin na lang ito ng makita niya si Bibeth sa mesa ni Shaira kaya napakunot noo siya sa pagtataka. Nilapitan niya ito at tama siya may mali sa ginagawa nito.

Hindi naman nakaimik sa gulat at takot si Bibeth lalo na ng lapitan siya ni Gian.

"Pakiulit nga ang lahat ng mga sinabi mo mula simula." sabi ni Gian na ang nahagip lang ng pandinig niya ay ang huling sinabi ni Bibeth at sigurado siya na may mas malala sa unang mga pahayag nito kay Shaira.

Napasulyap si Gian kay Shaira pero umiwas ng tingin ang dalaga pero halatang may pagdududa sa mata nito para sa kanya.

"GCC." napapiyok pang sabi ni BIbeth.

Hinawakan ni Gian ang braso ni Bibeth na ikinaigik ng dalaga.

"Hindi ko anak ang dinadala mo dahil walang nangyari sa atin. Isang pagkakamali mo pa idedemanda kita." sabi ni Gian kay Bibeth, na ikinatingin ni Shaira kay Gian at napalunok ito ng makitang mahigpit na nakahawak ang kamay ni Gian sa babae

"Meron." diin ng babae.

"Wala, kaya huwag mo akong gaguhin dahil hindi ako tanga." sabi ni Gian.

"Huh! Hindi! Pero sinalo mo ang anak ng escort sa disgrasyadang babaeng iyan." napalakas na sabi ni Bibeth na ikinasinghap ng mga empleyado na hindi maiwasan bumaling ang tingin sa dalawa.

Napatiim ng bagang si Gian saka ito tumingin sa paligid ng makita na lahat ng empleyado sa kanila na nga nakatingin na tila nasa dugo na nga ng mga ito ang pagiging tsismosa at tsismoso.

"Sayo ito." sabi ni Bibeth na tila sigurado ito kahit alam ng lahat na may asawa ito.

"Hindi. Walang naganap sa atin kahit kiss,s at ngayon lang kita nahawakan." sabi ni Gian sabay higpit ng hawak ng kamay niya sa braso ni Bibeth

"Ouch." napaigik na daing sa sakit ni Bibeth na ikinalunok ng lahat.

"Gian, buntis siya at nasasaktan mo siya." napatayong sabi ni Shaira ng makita ang mukha ni Bibeth na nasasaktan, na ikinatingin ng lahat dito.

"Sabihin mo muna na hindi ka naniniwala sa kanya." sabi ni Gian ng bumaling ang tingin nito kay Shaira

Hindi umimik si Shaira hindi naman kasi imposible iyon, lalaki si Gian iba din ang lahi nito at alam naman niya na ang lalaki ay may pangangailangan kaya hahanap ito ng babae at hindi malabong sa ilang buwan na pamamalagi ni Gian sa bansa wala itong nakatalik.

"Bullshit! Hindi ko anak ang dinadala niya. At ang sayo ay akin." inis na sigaw ni Gian na ikinanlaki ng mga mata ng empleyado.

"Hindi sayo ang dinadala ni Shaira, dahil marami kaming magpapatunay sa bagay na iyon kahit ang secretary mo alam na si Dave ang kasama ni Shaira at pumasok sila sa kuwarto.

Lumabas si Dave ng kuwarto nila na nakasuot lang ng boxer shorts. Nakita pa siya ni Jenny ng lumabas ng hubad sa kuwarto nila ni Shaira." sabi ni Bibeth na ikinahigpit ng hawak ni Gian sa braso nito.


"Ako ang ama ng dinadala ni Shaira at hindi ko kailangan magpaliwanag sayo o kahit kanino sa inyong lahat." sabi ni Gian.

"Ouch." mahinang nasasaktang sabi ni Bibeth na halos mamula na ang braso niya sa pagkakahawak ni Gian.

"Gian, bitawan mo na." sabi ni Shaira ng makitang namumula na ang braso ni Bibeth habang hawak ni Gian

"Ano kayang masasabi ng kuya mo at ng ama mo kapag nalaman nila na ang Prinispe nila umaako ng anak ng puta." sabi pa ni Bibeth na lalong ikinagalit ni Gian.


"Bitch."
mura ni Gian at akmang hahatakin nito si Bibeth sa galit niya ng mabilis na lumapit si Shaira dito para pigilan ang binata.

"Gian tama na." sabi ni Shaira habang hawak ang bisig ni Gian.

"Hindi mo anak ang dinadala ni Shaira kaya huwag mong lokohin ang sarili mo o huwag kang magpaloko sa babaeng iyan.

Tsss! Anong aasahan mo sa isang dalagang ina? Fuck! Ni ang director nga hindi rin naniwala na anak niya ang bata sa una at ang mga escort na rin ang nagsabi pinuntahan ni Shaira si Dave para sabihin na buntis siya at ito ang ama. Tapos ngayon ikaw na. Aba ang tindi!

Tapos pinatos mo naman." nakangising sabi ni Bibeth.

"Ayaw mong tumigil." tiim bagang na sabi ni Gian at akmang hihilahin nito si Bibeth ng yakapin ito ni Shaira.


"Tama na. Hayaan mo sila, sabi ko naman sayo. Hindi na ako buo, at kahit anong gawin mo o pag-amin mo walang maniniwala. Kasama iyon sa pagtanggap mo sa akin. Pero kung hindi mo kaya, malaya kang makakaalis." napaluhang sabi ni Shaira habang yakap si Gian.

Kumalma naman si Gian sa sinabi ni Shaira lalo na ng muli itong magsalita habang umiiyak ng pigil.

"Huwag mong ibaba ang sarili mo dahil lang sa tulad ko. Kung hindi mo kaya ang mga binabato nila sa akin, okay lang kahit layuan mo ako.

Dahil kahit kailan, lalo na sa bansa namin, hindi mo maaalis ang pagkakamli mo at dadalhin mo iyon hanggang kamatayan mo dahil ikakabit iyon sayo hanggat nabubuhay ka. At ididikit ang pagkakamali mo sa mga anak mo at sa taong mamahalin mo. Pati sa buong pamilya mo.

Ito kami, ito ang bansa namin, kung hindi ka sanay kakainin ka ng galit mo at iyon ang ikakasira mo." umiiyak na mahinang sabi ni Shaira habang ang mukha nito ay nakasubsub sa dibdib ni Gian.

Napahingang malalim si Gian saka nito binitawan si Bibet na pinipigilan magalit.

"Okay, kaya ko." sabi ni Gian sabay yakap kay Shaira.

"Kahit tanggap mo ako at kahit ikaw ang ama, buong buhay mo matitikman mo ang panghuhusga at ang pagdududa kapag dumikit ka sa taong tila krimen ang magkasala na magkaanak ng una na walang ama, na akala mo nakapatay ka." napasigok na sabi ni Shaira.

Hindi umimik si Gian, ngayon pa lang naiinis na siya dahil hindi naniniwala ang lahat na siya ang ama, at ayaw niyang isilang ang anak niya na may pagdududa ang lahat dito.

"Ako ang ama at sigurado ako doon." diin na sabi ni Gian.

"Hindi maaalis ang pagdududa. Kaya mo pa ba?" sabi ni Shaira saka ito tumingala at tiningnan si Gian na ikinatingin ni Gian sa dalaga.

"Oo. Kaya ko." sabi ni Gian.

"Ito ang lugar kung saan hindi ka titingnan sa ginawa mong mabuti dahil dito sa amin ito ang lugar kung saan nakatingin sila sa pagkakamali mo at sa susunod mo pang pagkakadapa. Mas marami ang titingin at tatawa sayo sa mali mong nagawa." sabi ni Shaira.

Napatiim ng bagang ni Gian dahil alam naman niya kahit may mga liberated na sa bansang iyon, nasa bansa pa rin siya kung saan konserbatibo ang pag-iisip ng mga tao, na ang pagkakamali mo buong buhay mo dadalhin lalo na sa babaeng hindi na buo at paulit-ulit na nagmahal at nasaktan. Kung saan importante pa rin sa nakakarami ang salitang pagpapahalaga sa sarili at ibibigay mo ang sarili mo sa taong kasal ka.

"Kaya ko. Huwag kang mag-alala para lang iyan mga bandido, mga makakaliwa na nag-aalsa sa palasyo. Mga taong walang kaligayahan at hindi nakikita ang katotohanan sa isang pagmamahalan." sabi ni Gian.

"Okay. Pero uulitin ko kapag hindi mo na kaya, ang mga naririnig mo, mga nakikita mo at ang galit sa puso mo puwede ka ng lumayo dahil ang kapayapaan ay higit sa pagmamahal. Para sa akin ang katahimikan ay makakamit mo kapag inalis mo ang mga taong makakasira at makakagulo sa buhay mo at kabilang ako doon." sabi ni Shaira.

"Hindi ka panggulo." sabi ni Gian saka nito hinawakan si Shaira at iginiya sa mesa nito pero bago iyon napatingin si Gian kay Bibeth na nakatingin sa kanya.

"Tanggal ka na, at subukan mong manggulo sa kulungan ang bagsak mo." sabi ni Gian kay Bibeth na ikinatiim ng bagang ng dalaga.

"Hindi mo anak ang dina.." udlot na sabi ni Bibeth ng biglang sumigaw nag malakas si Gian na ikinagulat at takot ng lahat ng dumagundong iyon sa buong palapag ng HR sakop ang ibang departamento na nasa palapag na iyon

"Anak ko ang dinadala ni Shaira, akin ito. At kung sinuman ang kumukuwestiyon sa bagay na iyon, sa husgado niyo ako harapin at kapag nanganak ang nobya ko makikita niyo ang ebidensya. Kaya lahat ng madidinig ko, at makikita ko na may sinasabi sa amin ni Shaira at sa anak namin maghanda kayo babalikan ko kayo." sabi ni Gian saka nito binunot ang laptop ni Shaira at kinuha ang gamit ng dalaga.

Napalunok si Shaira ng bitbitin ni Gian ang bag niya at laptop niya habang hawak siya nito sa isang kamay.

"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa inyong lahat dahil may kanya-kanya tayong buhay. Hindi kami artista o sikat na personalidad para sabihin ang lahat sa inyo." nakangising sabi ni Gian saka nito tiningnan si Shaira.

Napangiti si Gian ng tingnan si Shaira saka ito nagsalita.


"Mula sa araw na ito, doon ka sa opisina ko mag-oopisina."
napangiting sabi ni Gian na ikinapula ng mukha ni Shaira.

"...uuwi na tayo dahil mahamog na sa labas kawawa kayo ni baby." sabi pa ni Gian saka nito iginiya sa Shaira palayo sa lahat.

"Tingnan natin." sabi ni Bibeth sa isip habang nakasunod ng tingin kay Gian at Shaira

"Grabe! Ang suwerte niya, Prinsipe ang umako." sabi ng isang empleyado ng mawala sa paningin ng lahat sila Gian at Shaira.

"Higit pa sa Afam ni Jenny na pinagpalit niya sa escort lang." sabi pa ng isa.

"Tibay ni Shaira, iba din ang kamandag." sabi ng lalaking empleyado.

"Puta nga. Hahaha! Nagpapabuntis sa kilala at mayaman. Hahaha!" natawang sabi ng isa pang empleyado na ikinatawa ng mga kasama nito.

"Grabe ka hindi naman puta, pokpok lang. Hahaha!" natawang sabi ng isa pang babae.

"Gold digger, social climber at ang tibay ng sikmura." naiiling na sabi pa ng isa.

"Hoy!"

Napatigil ang lahat ng may sumigaw na ikinatingin ng lahat dito

"Itigil niyo iyang mga bunganga niyo, ang baho ng inilalabas. Iyong tipong ang pangit niyo na nga tapos ang lumalabas pa sa awra niyo ay ang tunay na kapangitan niyo." sabi ni Rio ng marinig ang usapan ng mga empleyado, na ikinatahimik ng lahat.

"Aissst! Ang awra talaga ng tao nakikita sa mukha, kapag pangit ang buka ng bibig pangit din ang lumalabas na mga awra.... parang kayo." sabi pa ni Rio sa grupo ng empleyado na nagtatawanan kanina.

"....itigil niyo at baka mademanda kayo, at ang tawa niyo maging hagulhol." nakangising sabi pa ni Rio saka ito umalis na ikinatingin lamang ng mga empleyado sa isa't isa.

"Tsss. Isa pa iyon, mukhang pera din. Pasalamat siya apo ni Orion Valiente ang jowa niya." nakangising sabi ni Bibeth.

"Maam, asawa na daw iyon ni Rio ayon sa tsismis." sabi ng isang empleyado ng makaalis si Rio.

"Naniwala naman kayo? Huh! Walang asawa ang Valiente na nananatiling dukha. Ang babaeng iyon forever operator dahil kung asawa niya iyon dapat wala na siya dito o di kaya nasa malamig na kuwarto na siya nag-oopisina at hindi sa elevator lang." sabi ni Bibeth saka ito umalis.

Napangisi si Rio ng marinig ang sinabi ni Bibeth na halatang pinadinig sa kanya habang naglalakad siya palayo sa mga ito.


July 25, 2022 2.00pm

Fifth Street


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top