Kabanata 3 : Apat na Araw a Paraiso 2


Kabanata 3 : Apat na Araw na Paraiso 2

Hours Later


"Tama na iyan." sabi ni Gian ng puntahan nito sa opisina nito si Shaira ng tanghaling iyon.

Mabilis na tumayo si Shaira saka nito nilapitan si Gian sa kung anong dahilan hindi niya alam.

"Saan ba tayo?" sabi ni Shaira na bahagya pa rin nagulat dahil hindi niya uli inaasahan na magde-date talaga sila ni Gian.


"Sa Blaze hotel."
sabi ni Gian na ikinangiti ni Shaira dahil may Restaurant na mamahalin doon at hindi niya inaasahan na galante ang binata.

"Okay." nakangiting sabi ni Shaira.

Napangiti si Gian saka nito hinawakan sa kamay si Shaira na ikinangiti nito.

"Sandali bago iyon." sabi ni Gian saka nito tinawag ang bodyguard nito at nagulat si Shaira ng makita ang isang bouquet ng bulaklak na ikinatingin ng mga empleyado.

"Kakabigay mo lang ng flowers." sabi ni Shaira sabay baling sa tingin ng bulaklak na nasa side table ng mesa niya.

"Ano naman ngayon? May oras ba ng pagbibigay ng bulaklak? May bilang ba kung hanggang ilan lang dapat sa isang araw?" sabi ni Gian.


"Wala naman."
sabi ni Shaira sabay titig sa binata dahil nakaramdam siya ng kaba.

"Wala naman pala. Tanggapin mo na." sabi ni Gian sabay abot ng bulaklak kay Shaira .

Napatingin si Shaira sa bulaklak mamahalin iyon tulad ng nauna, at maganda.

"Salamat." sabi ni Shaira sabay kuha sa bulaklak.

"Halika na." sabi ni Gian saka nito niyagak si Shaira.

Napatingin ang lahat sa dalawa ng hawakan ni Gian ang baywang ni Shaira paalis ng opisinang iyon.

...................

Blaze Hotel Resto

"Sure ka na dito talaga tayo kakain?" sabi ni Shaira ng ang inaasahan isang ordinaryong lunch date lang pero nasa isang private room sila ni Gian na may romantic candlelight.

"Anong sure ako? Nandito na nga tayo. Hahaha!" natawang sabi ni Gian habang inaalalayan si Shaira na maupo

Hindi umimik si Shaira pero nagpatianod ito sa nagaganap.

"Kumain na tayo." sabi ni Gian kay Shaira na ikinatango nito.

Nagsimula kumain ang dalawa habang may musika pang pumapainlang.

"Puwede ka ba mamaya?" biglang sabi ni Gian habang nagsisimula na sila kumain.

"Ha?" sabi ni Shaira na tahimik lang kanina pa.

"Mamayang uwian date tayo." sabi ni Gian.

"Mamaya?" sabi ni Shaira.

"Oo." sabi ni Gian.

Napatitig si Shaira kay Gian saka ito natawa.

"Hahaha! Sure ka?" sabi ni Shaira na natawa dahil kakaiba ang lalaki sa harapan niya.

"Oo. Bakit ka ba lagi natatawa?" sabi ni Gian

"Kasi nga ang bilis mo mag-isip at kumilos." sabi ni Shaira

"Para mabilis din natin makilala ang isa't isa." sabi ni Gian

"Naboboring ka nga at halata iyon sayo." sabi ni Shaira.

"Boring pero ngayon may kausap na ako, kaya okay na ako." sabi ni Gian.

"Alam mo baka Casa ang kailangan mo at hindi ako." sabi ni Shaira.

"Ahhmm. Iyan din ang naisip ko kaso nagbago isip ko." sabi ni Gian.

"Anong nagbago?" sabi ni Shaira.

"Naisip kong subukan ang ginawa ng pinsan ko at kapatid ko na manligaw ng Pinoy baka Pinoy din ang destiny ko." sabi ni Gian.

"Hahaha! Ayos ka lang?" sabi ni Shaira.

"Oo naman. Alam mo natuto akong walang pasikot sikot. Ang ama ko ay isang hari at naturuan kami kung paano magdesisyon ng mabilis na walang inaaksayang sandali." sabi ni Gian.

"So tingin mo hindi ako aksayado sa oras mo?" sabi ni Shaira.

"Hindi naman. Kasi kung Vladimir nga ilang taon ang hinintay kay Kyla. Biruin mo rin hindi pa namin inaasahan na magkakagusto siya sa kapalit ng escort na si Kim. Kaya naisip ko, dalian ko para naman hindi magtagal ng taon kung sakaling tayo nga." sabi ni Gian na ikinatawa muli ni Shaira.

"Hahaha! May sayad ka ba?" sabi ni Shaira

"Aissst. Sweet lang naman talaga ako, wala kang makukuwestiyon sa akin. Loyal din naman ako, gusto ko lang talaga mag-asawa at..." udlot na sabi ni Gian.

"Makatikim ng Pinay?" sabi ni Shaira.

"Parang ganoon na rin. Hahaha! Pero aasawahin naman kita kasi hindi ka naman escort na pinagsawaan ng iba." sabi ni Gian na ikinangisi ni Shaira.

"Bahala ka." sabi ni Shaira na ang nasa isip boring lang ang Prinisipeng nasa harapan nya.

"Ano ngayon?" sabi ni Gian.

"Ha?" sabi ni Shaira.


"Anong araw ngayon?"
sabi ni Gian.

"Martes." sabi ni Shaira.

"Tsss Tuesday." sabi ni Gian.

"So?" sabi ni Shaira.

"Tayo na." sabi ni Gian.

"Ha?" gulat na di makapaniwalang sabi ni Shaira.

"Hahaha! Hindi ako pinoy sa amin walang paligoy ligoy." sabi ni Gian.

"Hindi ka pinoy pero iyong asta mo at pananalita mo." sabi ni Shaira.


"Hahaha! Ganito kami, kapag gusto namin ang isang bagay o bansang pinupuntahan namin nag-aaral kami ng salita nila, ng kilos, ng galaw para naman hindi kami outcast." sabi ni Gian.

"Ano ba talaga ang gusto mo?" sabi ni Shaira.

"Isang babaeng seseryosohin ko at bibigyan ko ng paraisong hindi niya pa natitikman." sabi ni Gian na ikinatitig ni Shaira dito dahil ngayon pa nga lang kakaibang karanasan na ang binigay sa kanya ni Gian. Ang bigyan ng bulaklak na magkasunuran sa loob ng isang araw at i-date sa mamahaling resto o hotel na nasa pribadong kuwarto at may tumutugtog ng love song habang nagtitipa sa piano ang singer.

"Kung ayoko?" sabi ni Shaira.


"Try mo lang, malay mo magustuhan mo."
sabi ni Gian.

"Paano kung hindi?" sabi ni Shaira na nakaramdam ng kilig kahit paano.

"Imposible, kasi sayo ko lang gagawin ang pangarap kong ibigay na kasiyahan sa isang babae at isang opportunity para sayo na makarelasyon at maramdaman ang Paraiso sa buhay ng tunay na Prinsipe." sabi ni Gian.

Napaisip si Shaira lunes kahapon at tipikal ang araw na iyon sa kanila ni Gian ni hindi nga siya tiningnan nito ng magkasabay sila ng elevator, kaya akmang tatanggi siya ng mabilis na nakalapit si Gian sa kinauupuan niya.

"Hindi ka mag-sisisi." sabi ni Gian at nagulat si Shaira ng may pumasok sa kuwarto na iyon na may dalang bulaklak muli.

"Maraming bulaklak isang katibayan na seryoso ako. Araw araw kahit ilang beses sa isang araw ipaparamdam ko sayo na seryoso ako." sabi ni Gian na hindi na ikinaimik ni Shaira sa excitement at kakaibang pakiramdam na ngayon lang niya nadama.

.....................

Miyerkules

"Uyy." gulat na sabi ni Shaira ng may humawak sa kamay niya habang naglalakad siya papuntang Canmore Telecom Tower ng umagang iyon.

"Sabay na tayo pumasok." sabi ni Gian na ikinatingin ni Shaira dito. Kagabi lang magkasama sila ni Gian at totoo naman kakaiba ang date na ibinigay nito sa isang yate na nakadaong sa kilalang pribadong pantalan sa Manila.

"Hindi ka pa nauna." sabi ni Shaira habang hawak siya sa kamay ni Gian.

"Sabay nga tayo di ba." natawang sabi ni Gian.

"Gian." sabi ni Shaira sabay tingin sa binata.


"Seryoso ako, mukha lang hindi."
sabi ni Gian.

Napatitig si Shaira sa binata, hanggang ngayon kasi hindi siya makapaniwala na seryoso nga ito. Pangalawang araw pa lang ngayon mula ng sabihin nito na sila na, at wala naman siya sinabi regarding doon o sinagot.

"Ano kasi." sabi ni Shaira.

"Enjoyin mo lang. Huwag kang mag-alala ibibigay ko sayo lahat." sabi ni Gian na ikinatitig ni Shaira sa binata

"Why not? Enjoyin ko lang." sabi ni Shaira sa isip na para sa kanya wala naman siguro masama dahil hindi naman siya ang lumapit kundi ang binata sa harapan niya.

"Okay." sabi ni Shaira saka nito ginantihan ng hawak ang nakahawak na kamay ni Gian sa kamay niya.

"Mamaya sa office tayo." sabi ni Gian na ikinahinto ni Shaira sa paglalakad.

"Hahaha! Wala akong gagawin sayo. Alam ko naman kung anong ikikilos ko ng tama." sabi ni Gian na ikinatango ni Shaira.

Naglakad ang dalawa papasok ng building habang pinagtitinginan ang mga ito ng mga empleyado ng pasimple. Napatingin si Shaira kay Gian, seryoso ito naglakad at halatang istrikto ito. Kung tutuusin nga nakakatakot ang itsura nito. Ang awra kasi nito ay tila matapang, lalo na kapag nagsalubong ang makakapal na kilay ng binata.

"Good morning." bati ni Shaira ng hindi siya binati ng security na tila nakalimutan ng mga ito sa takot kay Gian.

"Good morning President. Good morning Maam Shaira." sabi ng dalawang Security.

Ganoon din bumati si Shaira sa mga utility na tila nalunok ang mga dila ng makita si Gian. Nabalitaan niya rin kasi na tinanggal nito si Claudia ng araw na hindi nito binigay ang bulaklak sa kanya.

"Sumakay na tayo." sabi ni Gian sabay hawak sa baywang ni Shaira.

Napangiti si Shaira nakaramdam siya ng special na trato na ngayon lang niya naramdaman. Pakiramdam niya naboboost ang ego niya o confidence niya sa ginagawa ni Gian na pagtrato sa kanya. Ilag sa kanya ang lahat pati ang mga empleyadong kung dati ay tinataasan siya ng kilay.

"Good morning." masayang bati ni Rio kay Gian at Shaira.

"Good morning." sabi ni Shaira na sa lahat ng empleyado si Rio talaga ang kakaiba na tila hindi ito takot o siguro dahil si Aj ang nag-hire dito.

"Checking muna tayo." sabi ni Rio na ikinakunot noo ni Shaira ng tingnan ni Rio si Gian na ikinakunot din ng binata dahil ang checking na sinasabi ni Rio ay pagtingin mula ulo hanggang paa kay Gian na araw araw nitong ginagawa.

"Gusto mo sesantehin kita?" sabi ni Gian ng tingnan siya mula ulo hanggang pa ani Rio, na ikinangiti lang ni Rio kaya muli napakunot noo si Shaira sa reaksyon ng operator.

"Si Sir talaga. Aakyat na tayo." sabi ni Rio pero akmang isasara nito ang pintuan ng may pumigil doon.

"Wait." sabi ng babae pero tinapik ni Rio ang kamay ng babae na papasok at pumigil sa elevator sa pagsara.

"Overload na. Sorry maam." sabi ni Rio na ikinatingin nila Shaira at Gian sa operator ng mabilis nitong isinara ang pintuan ng elevator.

"Anong overload na?" sabi ni Gian sa operator.

"May training ako Sir mahirap ipaliwanag pero huwag kayong mag-alala tantyado ko iyan." sabi ni Rio na ikinatingin ni Shaira kay Gian.

Napatingin si Gian kay Shaira ng mapakunot ang noo nito.

"Bakit?" sabi ni Shaira ng kumunot ang noo ni Gian ng tingnan din siya nito.

Hindi nagsalita si Gian pero nagulat si Shaira ng ilagay ni Gian ang daliri nito sa labi niya at punasan iyon.


"Namumuo ang lipstick mo, alam mo bang masama ang ganyang klaseng cosmetics or lipstick."
sabi ni Gian habang pinupunasan ng daliri nito ang labi ni Shaira.

"Salamat." sabi ni Shaira na nailang at akmang iiwas ito ng hawakan ni Gian ang mukha niya saka nito hinaplos ang mukha niya.

"Huwag kang gagamit ng make up na nakakasira ng skin. Okay ng mahal basta sure ka naman. Kaysa sa make up na magkakaroon ka ng rushes o pimples." sabi ni Gian sabay kuha ng panyo nito sa bulsa at pinunasan ang mukha ni Shaira hanggang mawala ang make up nito sa mukha.

Napalunok si Shaira ng makita sa salamin ng elevator na nawala na ang make up niya.

"Iyan, mas maganda ka kapag walang make up. Huwag kang mag-alala hindi ako istrikto sa make up pagdating sa nobya ko. Mas prefer kong walang make up para makita ko iyong natural na ganda." sabi ni Gian na ikinatikhim ni Rio.

"Arhhmm. Di ba mas okay na walang ibang sakay." sabi ni Rio habang nakatingin ito sa pindutan ng elevator.

Napangiti sila Gian at Shaira sa sinabi ni Rio pero muli nagulat si Shaira ng yakapin siya ni Gian at dampian ng halik sa labi niya.

Napahawak si Shaira sa dibdib ng binata para pigilan ito sa kung ano pang halik ang gagawin nito sa kanya.

Napangiti si Gian at hinawakan ang kamay ni Shaira na nasa dibdib niya saka iyon hinalikan.

"Magiging masaya ka, tulad ng mga naging asawa ng pinsan ko at kapatid ko sa kanila." sabi ni Gian saka ito pumikit at inilagay ang kamay ni Shaira sa labi nito at hinalikan muli iyon.


"Grabe. Oh God. Ang bilis nito. Kasing bilis ng mawala ang virginity ko at mabuntis ako."
sabi ni Shaira sa isip.

..............

Huwebes

"Para sa akin ito?" napangiting sabi ni Shaira ng makatanggap uli ng bulaklak pero ang kaibahan flower chocolate iyon na isang dosena. Aakalain mong totoong bulaklak pero ang isang dosenang bulaklak ay chocolate na halatang mamahalin.

"Yes." nakangiting sabi ni Gian. Naabutan niya si Shaira sa elevator ng umagang iyon kaya wala siyang inaksayang sandali para ibigay ang pinagawa niyang flower chocolate.

"Hindi ka nagsasawa magbigay ng ganito sa akin?" sabi ni Shaira sabay tingin sa bulaklak.


"Bakit naman ako magsasawa?"
sabi ni Gian.


"Sa isang araw ilang beses mo ako binibigyan ng flowers at ngayon talagang flower chocolate talaga."
sabi ni Shaira na nakaramdam ng kilig dahil todo effort si Gian na kahit sila na consistent ito sa tila panliligaw nito.

"Hindi. At gagawin ko iyan kahit kasal na tayo." sabi ni Gian.


"Ahhmm. Alam mo parang nagayuma ka sa mga pinagsasabi mo."
sabi ni Shaira.

"Hahaha! Hindi naman, kasi una. Una kitang nakita so paano mo ako magagayuma." sabi ni Gian.


"Talaga? Una mo akong nakita?"
sabi ni Shaira habang nasa elevator ang dalawa at papaakyat iyon sa 30th floor.

"Oo noong unang dating ko dito nakita n akita at iyon ang araw ng makita ko si Kyla sa reception area. Nauna ka lang sa akin ng kaunti pero hindi kita sinundan kasi..." udlot na sabi ni Gian.


"Mas nakuha ng atensyon mo si Kyla?"
sabi ni Shaira na nakaramdam ng selos at inggit.

"Hahaha! Nagseselos ka?" sabi ni Gian ng mabosesan ang selos sa tinig ni Shaira.

"Uyyy hindi ah." sabi ni Shaira na namula ang mukha.


"Hahaha! Wala kang make up kaya mas gusto ko talaga sa babae ang walang make up dahil mas nakikita ko ang reaksyon ng mukha nila, tulad ngayon namumula ang pisnge mo."
sabi ni Gian na natawa.

"Uyyy, hindi ako nagseselos mainit kasi kaya ako namula." sabi ni Shaira sabay tingin kay Rio na tila wala naman ito naririnig na nakatingin lang sa button ng elevator.

"Okay. Ang pangalawa, hindi ako tinatalaban ng gayuma kasi hindi kami naniniwala doon o siguro may pangontra kami. At pangatlo, hindi naman ako tanga para magkagusto sa hindi ko gusto." sabi ni Gian.

Hindi umimik si Shaira kaya inakbayan ito ni Gian.

"Noong Lunes tinantya ko lahat kung sino ka ba sa akin, habang kasakay kita sa elevator. Aminado ako crush ko si Kyla pero mas trip ko iyong hindi pansinin." sabi ni Gian.

"Grabe ka ha." sabi ni Shaira, na totoo naman kasi hindi naman kasi pansinin ang ganda niya. Tipikal lang kasi siya.

"Hahaha! Iyon ka. Kaya nakuha mo ako doon. Para sa akin kasi ang babaeng hindi pansinin mas hindi prone sa pangangalunya. Bagay na mahalaga sa akin... loyalty at honesty." sabi ni Gian saka nito dinampian sa labi ng halik si Shaira.

"...mamaya pumunta ka uli sa opisina ko. Doon tayo maglunch. Busy ako kaya hindi tayo makakalabas, oorder na lang ako." sabi ni Gian na ikinatango ni Shaira na hindi na nakaimik uli sa ginagawa ni Gian sa kanya.


July 15, 2022 6.16am

Fifth Street


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top