Kabanata 29 : Bisita


Kabanata 29 : Bisita


"Nanay, tapos na po sila maghanda. Kumain na po tayo. Nagugutom na ako, kasi ang bango ng mga pagkain." masayang sabi ni Franco na hindi nahahalata ang pag-iyak ni Shaira.

"Halika na." bulong ni Gian saka nito pasimpleng inihiwalay si Shaira sa yakap niya at pinunasan nito ang luha ng dalaga.

"Hindi kasi ikaw. Ang kulit mo naman." sabi ni Shaira na ikinatiim ng bagang ni Gian.

"Kakain muna tayo, tapos mag-uusap tayo mamaya." bulong ni Gian na kanina pa siya nagtitimpi sa galit sa pangungumbinsi kay Shaira.

"Okay. Nagugutom na ako.... hmmmn! kami pala." sabi ni Shaira sabay haplos sa puson niya na ikinangiti ni Gian.

"Nay, may soup bibigyan po kita." nakangiting sabi ni Franco na ikinangiti ni Shaira sa kakaibang saya ng anak.

Naupo ang lahat ng umalis at nagpaalam na ang mga waiter. Pinaghandaan nila Gian at Franco si Shaira ng pagkain na ikinatingin ni Shaira sa anak habang nakatingin sa dalawa.

"Nay kain na po tayo." sabi ni Franco.

"Magdasal muna tayo." sabi ni Shaira na ikinatango ni Franco saka ito nagdasal na ikinayuko ng lahat.

Matapos ang pagdadasal nagsimula masayang kumain si Franco habang nakatingin si Shaira dito, kakaiba ang saya ng anak niya. Kakaiba sa mga naggdaang araw ng umuwi sila galing El Paradiso.

"Anak." mahinang sabi ni Shaira ng magsimula ito sumubo.

"Bakit po?" sabi ni Franco

"Iyong kaibigan mo, nakauwi na ba sa bakasyon niya?" sabi ni Shaira na ikinatingin ni Gian kay Franco.

"Kaibigan po?" sabi ni Franco na napatigil sa pagkain.

"Iyong nagbigay kay Diggie at sumasama sayo sa park." sabi ni Shaira habang nakayuko ito at ninanamnam ang pagkain.

Natahimik si Franco, hindi niya kasi sinasabi sa nanay niya na si Gian din iyon. Wala kasi siya balak sabihin sa ina, kung bakit siguro dahil ayaw nga niyang may makilala ang ina na kaedaran nito na puwedeng manligaw dito o magustuhan ng nanay niya.

Napatingin si Shaira sa anak ng hindi ito sumagot. Napakunot ang noo ni Shaira ng mapansin na tahimik si Gian kaya napatingin din ito sa binata.

"Si Carlo? Umuwi na ba?" sabi ni Shaira kay Franco pero hindi pa man nakakasagot si Franco ng mapakunot noo si Shaira habang nakatingin kay Gian.

".....teka lang. Ang galing ha. Di ba Gian Carlo ka, tapos iyong kaibigan ng anak ko Carlo. Ang dami talagang Carlo. Iyong kapatid mo Carl naman. Walastik gasgas na gasgas na ang pangalan na iyon. Tapos papalitan ng Caloy pero Carlo pa rin, tapos kapag babae Carla. Hahaha! Parang lalaki lang 'no na maraming babae." natawang birong sabi ni Shaira na ikinatingin ni Franco at Gian sa isa't isa.

"Ano anak, umuwi na ba?" tanong muli ni Shaira.


"Hindi pa po."
mabilis na sabi ni Franco na ikinatingin ni Gian sa batang lalaki.

"Hindi pa?" sabi ni Shaira.

Tumingin naman si Franco sa ina at napangiti itong muling nagsalita.

"Hindi pa po." nakangiting sabi ni Franco.

"Ahh. Baka kasama ng parents niya. Mayaman siguro, at baka nagbakasyon sa US." sabi ni Shaira sabay tigil nito sa pagkain ng makaramdam ng pagkairita sa suot niya.

"Siguro po." sabi ni Franco.

"Ahhhm. Sana makilala ko siya." sabi ni Shaira ng mapatayo ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Gian ng tumayo si Shaira.

"Naiinitan ako, nakasuot pa kasi ako ng uniform. Magbibihis lang ako sa kuwarto, mabilis lang." sabi ni Shaira saka ito nagtungo sa kuwarto at hindi na hinintay ang sasabihin ni Gian.

Nang umalis si Shaira napatingin si Gian kay Franco.

"Bakit hindi mo sinasabi na ako si Carlo?" sabi ni Gian.

"Ang sabi ko nga sayo kanina kapag natanggap ng nanay ko na ikaw ang lalaki o naalala niya saka ko lang sasabihin sa kanya na ikaw si Carlo na kaibigan ko.

Ayoko kasi na tanggapin ka niya dahil lang close ako sayo. Hindi ako ganoong tao, ayokong gumawa ang nanay ko ng isang bagay ng dahil lang sa akin o dahil lang okay ako sayo. Ayoko na ang kasiyahan niya ay nakapokos sa akin kahit na hindi ka pala niya gusto. Alam mo po ang ibig kong sabihin?" sabi ni Franco na ikinatahimik ni Gian.

".....mahal ko ang nanay ko pero never ko siyang ilalagay sa isang sitwasyon na pinilit lang niya ang sarili niya. Sa nakikita ko mukhang hindi ka niya gusto kasi hindi ka niya naalala o kahit ako nagdududa kung ikaw nga ba ang nakatalik ng nanay ko." sabi pa ni Franco.

"Okay sige. Ipapakita ko sayo na ako ang lalaking iyon at papatunayan ko sayo na gusto rin ako ng nanay mo dahil ang totoo naging kami ng apat na araw noong hindi pa kita nakikilala na anak niya." sabi ni Gian na ikinatitig ni Franco sa binata.

"Talaga?" sabi ni Franco na nagulat.

"Oo, apat na araw. Ang pinakamablis na relasyon ko sa tanang buhay ko. At hindi ko hahayaan na mas bibilis pa doon kapag hindi ako naalala ng nanay mo. Biruin mo siyam na oras lang ang mas mabilis kapag hindi niya inamin sa sarili niya na ako ang lalaking kasama niya sa kama na iyon." inis na sabi ni Gian.

"Siyam na oras? Aba! Cool!" napangising sabi ni Franco na hindi naman siya nasaktan na may nakarelasyon ang nanay niya ng apat na araw dahil alam niyang siya pa rin ang priority nito at tama siya wala itong pakialam kung hiniwalayan nito si Gian. Hindi naman kasi siya itatatwa ng nanay niya.

"Cool? Langya, hindi cool sa akin iyon kasi dalawang beses akong niloko ng nanay mo. Ang una, ng hindi niya sabihin na anak ka niya at ang rason niya hindi ko naman daw tinanong at ng sasabihin na daw niya pinutol ko daw ang sasabihin niya.

At ang ikalawa, na hindi ko hahayaan may pangalawa ay iyong hindi niya ako maalala matapos niya akong pagsawaan." inis na sabi ni Gian na ikinabilog ng mga mata ni Franco.

"Grabe! Lalaki ka at babae ang nanay ko. Baka ikaw ang pinagsawaan siya." sabi ni Franco.

"Tsss! Kapag ganyang usapin laging lalaki ang masama pero hindi nila alam may lalaking agrabyado at isa ako doon. Ang akala ng iba kapag kumama ang babae at lalaki, ang lalaki ang laging panalo pero ang hindi nila alam may mga lalaking talo lalo na kapag iniwan sila ng babae o tinatwa." sabi ni Gian.

"Tsss! Bahala ka. Basta hindi ko sasabihin kay nanay na ikaw si Carlo hanggat hindi niya sabihin na ikaw nga ang ama ng kapatid ko." sabi ni Franco saka ito nagpatuloy sa kumain.

Napahingang malalim si Gian halatang hindi pa maunawaan ni Franco ang lahat ng sinasabi niya kaya naman tumigil na siya dahil baka mabad trip ang bata sa kanya na mas lalo niyang ikakahirap.

"Sa wakas, nakapagpalit din." sabi ni Shaira ng makalabas ito ng kuwarto na ikinatingin ni Gian.

"Naligo ka po?" sabi ni Franco ng makitang basa ang buhok ng ina habang papalapit na ito sa kanila.

"Oo anak, ang init. Pakramdam ko doble ang init mula ng mabuntis ako uli. Ganito ako dati sayo, ng ipinagdadalantao kita, na mabuti na lang ngayon may aircon na tayo kaya nakakaginhawa kahit paano." sabi ni Shaira ng nasa harap na uli ito ng hapagkainan at naupo roon.

Napalunok si Gian, mabango ang sabon na gamit ni Shaira pati shampoo nito na ikinainit niya.

"Okay ka lang po?" tanong ni Franco kay Gian ng makitang pinagpapawisan ito kahit naka-aircon ang buong bahay.

"Mainit nga dito, baka sira ang aircon." sabi ni Gian sabay punas ng pawis sa noo niya.

"Malamig naman po, masarap nga po dito. At ang bait ni Kuya Burn kasi lagi niya pinapacheck sa maintenance ang aircon namin. Tumatawag pa siya kung okay ang lamig o kung may problema kami." sabi ni Franco.

Napalunok si Gian, dahil malamig naman talaga ang buga kaso ibang init ang nararamdaman niya.

"Ikain mo lang iyan, baka gutom lang iyan." nakangising sabi ni Shaira kay Gian na ikinangiti ni Gian.

"Oo ba." pilyong sabi ni Gian habang pinagmamasdan si Shaira, nakasuot lang ang dalaga ng pambahay na sando at short na terno. Umumbok na ang puson nito dala ng pagbubuntis. Ang dibdib ng dalaga ay tila nagbabago na rin. Nagkakalaman na rin ito base sa nagkakalaman na ang hita nito at braso.

"Itigil mo iyan kakatingin sa akin, hindi effective." sabi ni Shaira habang kumakain na ito at mapansin na pinagmamasdan siya ni Gian.

"Puwede bang makitulog dito sa inyo?" sabi ni Gian.

"Puwede naman kasi nakikitira nga lang kami dito." natawang sabi ni Shaira na ikinatitig lalo ng lalaki sa dalaga dahil pakiramdam niya may kakaiba dito. Kahit buntis ito iba ang awra nito hindi tulad ng iba na tila ngarag tingnan o stress ang itsura na tila hirap sa pagbubuntis.

"Ang ganda ko ba?" natawa pang sabi ni Shaira habang nakatingin lang si Gian sa kanya.

"Tsss. Maganda ka nga, makakalimutin ka naman." sabi ni Gian.

"Hindi kaya." sabi ni Shaira habang nakatitig si Gian sa dalaga.

"Maaga pa pero anong oras kayo natutulog?" nakangising sabi ni Gian.

"Kapag tulog na po ako saka natutulog si nanay. Magkatabi po kami sa kuwarto." sabi ni Franco na hindi nakakahalata sa usapan ng dalawa kanina pa.

Namilog naman ang mata ni Gian sa sinabi ni Franco na ikinangiti ni Shaira.

"Magkatabi kayo ng nanay mo?" sabi ni Gian.

"Opo." sabi ni Franco habang puno pa ang bibig nito na sarap na sarap sa pagkain na nilalantakan nito.

"Malaki ka na Big boy ka na." sabi ni Gian na pakiramdam niya matatalo siya sa laban.

"Bata pa po ako. Ang sabi nila kapag wala pa sa eighteen bata pa po." sabi ni Franco.

"Hindi. Big boy ka na kaya dapat nakahiwalay ka na ng bed sa nanay mo." pilit na sabi ni Gian na ikinailing ni Shaira.

"Bata pa po ako." diin ni Franco.

"Langya, mana talaga sa ina. Mapagpilit." sabi ni Gian sa isip ng ipilit ni Franco na bata pa ito at kapag pinilit niyang hindi na ito bata baka mabad trip ito, at lagot siya kapag nagalit ito sa kanya dahil tiyak na hindi na siya welcome sa bahay ng mga ito na alam niyang ito ang kakampihan ni Shaira.

"Okay sige. Bata ka pa." sabi ni Gian na ikinangiti ni Franco.

"Kung makikitulog ka sa guest room okay na ang kuwartong iyon." sabi ni Shaira sabay turo sa pintuan ng guest room.

"Nalinis ko na po iyon kanina pag-alis ni Kuya Hades." sabi ni Franco na ikinatingin ni Gian dito.


"Sinong Herodes?"
sabi ni Gian sa narinig na lalaking pangalan na ikinatawa ni Shaira.


"Hahaha! Si Hades hindi Herodes."
natawang sabi ni Shaira.

"Hahaha! Si Kuya Ca.... ay Sir Gian talaga." biglang bawing sabi ni Franco na ikinatingin nito at ni Gian kay Shaira, na hindi naman nahalata ng nanay niya sa muntikan na niyang maitawag kay Gian kaya natawa siya lalo.

"Sino iyon?" tanong muli ni Gian.

"Pinsan nila kuya Burn. Dito po siya nakikitulog kapag nasa Manila siya." sabi ni Franco.

"Bakit dito? Dukha ba siya?" sabi ni Gian.

"Hahaha! Mayaman iyon." sabi ni Shaira na takam na takam habang kumakain.

"Mayaman? Bakit nakikitulog dito?" sabi ni Gian.

"Kasi, dito po talaga siya nakatira kapag nasa Manila nasanay na siya dito. Kasi dito po ang bahay niya noong kumuha siya ng unit sa isang university." sabi ni Franco.

"Kahit na, mayaman dapat may sariling bahay." sabi ni Gian.

"Hahaha! Minsan lang iyon nandito. Once a month." sabi ni Shaira.

"Pero nitong last month dalawang linggo po siya nandito." sabi ni Franco.

"Ano?" sabi ni Gian na napasigaw na ikinagulat ng mag-ina.

"Ano ba iyan nakakagulat naman." sabi ni Shaira ng magulat kay Gian.

"Huwag kayong magpapatulog ng ibang tao dito." sabi ni Gian.


"Bakit naman?"
sabi ni Shaira.

"Kasi hindi niyo alam ang ugali ng mga iyan." sabi ni Gian.

"Ganoon ba?" sabi ni Shaira


"Oo."
sabi ni Gian.

"Okay. So hindi ka puwede matulog dito." sabi ni Shaira na ikinatawa ni Franco at ikinanlaki ng mga mata ni Gian.

"Hahaha! Bawal pala ah." natawang sabi ni Franco.


"Bakit hindi puwede?"
sabi ni Gian

"Kasi hindi namin alam ang ugali mo, hindi ka namin kaano-ano tulad ni Hades at hindi ka namin kilala." sabi ni Shaira.

"Aissst! Nag-anuhan na tayo hindi mo pa ako kilala?" inis na sabi ni Gian na ikinatingin ni Franco dito.

"Iyong bunganga mo. Aissst! Talaga naman naturingan kang Prinisipe ang bastos ng bunganga mo." sabi ni Shaira

"Makikitulog ako dito." sabi ni Gian sabay tayo nito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Shaira ng tumayo si Gian.

"Pupunta na ako sa guest room at baka magbago pa ang isip niyo na patulugin ako dito." sabi ni Gian.

"Nagbago na nga di ba. Nang sabihin mo bawal kami magpatulog dito ng lalaki." sabi ni Shaira.

"Ako lang puwede." sabi ni Gian saka ito naglakad papunta sa guest room.

"Kumain ka po muna." sabi ni Franco.

"Mamaya ako kakain." sabi ni Gian


"Hala! Uubusin ko na ang mga ito hindi na kita matitirahan kasi masarap at ayoko nabibitin."
sabi ni Franco.


"Ubusin mo, iba ang kakainin ko mamaya."
sabi ni Gian na ikinapula ng mukha ni Shaira sa ibang pakahulugan sa kanya sa sinabi ni Gian.

Napalingon pa si Gian saka nito tiningnan si Shaira.

"Magpapahinga ako, matutulog at mag-iipon ng lakas para sa laban ko mamaya." sabi ni Gian na pilyong ngumiti na lalong ikinapula ng mukha ni Shaira na hindi nakapagsalita

".....good night." sabi ni Gian saka ito pumasok sa loob ng guest room.


"Hala! Alas sais pa lang ng hapon. Matutulog na siya."
sabi ni Franco na nagtataka.

"Baka pagod. Hayaan mo siya, huwag mong gigisingin at hayaan mo matulog para bukas na ang gising niya pag-alis niya." sabi ni Shaira na ikinatango naman ni Franco.

Napatingin si Shaira sa pintuan na pinasukan ni Gian saka ito nakaramdam ng kaba.

"Siraulo iyon, mapilit na siya. Eh hindi nga siya. Ngayon matutulog ka at bukas na ang gising mo pag-lumayas ka na sa bahay namin." sabi ni Shaira sa isip.


July 23, 2022 2.17pm

Fifth Street

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top