Kabanata 28 : Ebidensya
Kabanata 28 : Ebidensya
C-Tower Manila
"Tsss! Umaamin na nga ako Bakit ba ganyan ang mga reaksyon niyo?" sabi ni Gian ng makita ang galit na reaksyon ni Franco.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" sabi ni Franco.
"Dahil pinauwi ako ng tatay ko, at kapag hindi naman ako umuwi mapapahamak ang dinadala ng nanay mo. Kailangan ko sumunod para sa kaligtasan nila... niyo." sabi ni Gian na ikinatitig ng bata sa kanya.
"Kung siya ang tatay, imposible naman na hindi alam ni nanay. Baka manloloko ito, o baka may tililing ito. Kahit ako hindi ako naniniwala, kasi kahit bata pa naman ako imposible naman na nagkiss kayo hindi mo alam kung sino." sabi ni Franco sa isip.
"Baka hindi nga ikaw ang tatay kaya hindi naniniwala si nanay sayo." sabi ni Franco na bakas sa mukha na hindi nga ito naniniwala na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Ako nga ang ama. Ano ba? Maniwala naman kayo." sabi ni Gian.
"Kung ikaw dapat alam ni nanay dahil imposible na hindi niya alam." sabi ni Franco.
"Lasing siya kaya siguro hindi niya maalala." sabi ni Gian
"Kahit na, kung ikaw iyon hindi niya iyon malilimutan. Ang sabi nila kapag nagbunga ang pagtatalik ibig sabihin special iyon kaya hindi iyon malilimutan ng babae, pero kung hindi ka niya maalala so hindi nga ikaw." sabi ni Franco
"Asar! Paano mo ba paniniwalaan ang sinasabi ko?" sabi ni Gian na kanina pang umaga napipikon.
"Ang hirap naman kumbinsihin ng mga Pinoy na ito. Nakakainis na. Inaako ko na nga, ayaw pa." sabi ni Gian sa isip.
"Kapag sinabi na ni nanay na ikaw ang ama saka lang ako maniniwala." sabi ni Franco.
"Ano? Eh hindi nga niya maalala." sabi ni Gian na nagulat at bakas ang pagkainis sa mukha.
"Kasi nga baka hindi ikaw." sabi ni Franco.
"Asar!" sabi ni Gian.
"Maniniwala lang ako kapag sinabi ni nanay pero hanggat si Dave ang sinasabi niyang ama iyon ang paniniwalaan ko." sabi ni Franco.
"Okay pero kapag sinabi niyang ako nga ang tatay, wala ka bang tutol?" sabi ni Gian.
Natahimik si Franco, noong una nagalit siya ng inako ni Gian pero sa isip niya umako na ito at iyon ang mahalaga pero hindi naman kasi ito ang tinuturo ng nanay niya kaya siguro nawala ang inis niya kanina.
Napatitig si Franco kay Gian at napakunot noo ang batang lalaki.
"Pero kung siya ang ama, okay na siguro mukha naman mabait saka mukhang matino. Ang importante responsible, at saka close naman kami. Kaso paano kung magbago ito sa akin. Hala! Baka itsapwera ako nito o baka may balak talaga ito kay nanay tapos ginagamit ako. Hmmnn! Loko ito ha baka kapag ito ang ama tapos umokey sila ni nanay baka...." udlot na sabi ni Franco sa isip ng magsalita si Gian.
"Lahat ng naiisip mo may mali at may tama." sabi ni Gian ng mabasa ang halo-halong emosyon na bumakas sa mukha ng batang lalaki na hindi ni Franco naitago.
Umiwas ng tingin ni Franco, isa sa ayaw niya at kinatatakutan niya ay mawala ang atensyon ng nanay niya sa kanya. Ayaw nga niya ito nag-asawa dahil pakiramdam niya maiitsapwera siya sa bago nitong pamilya.
"Hindi ako ganoong lalaki dahil siguro nakatayo ako sa lugar mo. Alam mo ba nang isilang ako at nagkaisip ako, sinabi ko sa sarili ko na kapag may bago bang anak ang tatay ko saan ako nakapuwesto?
Ano bang pakiramdam ng mga nauna sa akin nang dumating ako sa mundo? Pakiramdam ba nila aagawan ko sila o ang nararamdaman ko ba ng may nabuntis ang tatay ko ganito rin ba ang nararamdaman nila, pakiramdam na nasa tabi o sulok na lang ako?" sabi ni Gian at ng hindi sumagot si Franco napangiti si Gian.
"......pero lahat iyon nawala. Lahat ng iniisip ko, lahat ng katanungan ko. Alam mo kung bakit? Kung paano?" sabi pa ni Gian na ikinailing ni Franco
"Hindi." sabi ni Franco na may pag-iling.
"Kasi doon lalabas ang power ng isang ina. Alam mo ba kung anong power iyon?" sabi ni Gian na muling ikinailing ni Franco.
"Hindi." iling na sabi ni Franco
"Love, iyong pagmamahal ng nanay ko hindi nagbago kahit na may anak na uli si tatay o kahit na nagkaanak siya sa iba.
Ang pagmamahal ng ina hindi iyan nasusukat, hindi nahahati, hindi may malaki, may maliit. Kahit imposible paniwalaan pero totoo, na ang ina pantay-pantay magmahal sa anak nila. At tulad ng isang relasyon ng dalawang tao. Pinupuno ng nanay ang kakulangan ng anak niya sa paraan na nakikita niya kung ano bang kulang sa anak niya.
Kakulangan na sanhi ng doubt ng isang anak, alam ng nanay iyon kaya ang nanay may power iyan kung paano mapunuan ang akala mong kulang." nakangiting sabi ni Gian na ikinangiti ni Franco.
".....hindi ko maipapangako na magiging the best akong tatay sayo, pero tandaan mo kapag nagkamali ako sayo sa pagiging tatay ko, o maramdaman mo na kakaiba ako sa inaasahan mo bilang tatay. Tandaan mo nandiyan ang nanay mo, hindi iyan magbabago sa anak niya kahit na isang dosena pa kayo." sabi ni Gian na muling ikinangiti ni Franco
"Ngayon tatanungin kita uli, kapag umamin ba ang nanay mo na ako ang ama ng kapatid mo, na dinadala niya papayag ka ba? Wala ka bang tutol sa akin?" tanong ni Gian na ikinangiti ni Franco.
"Opo, eh ikaw anong magagawa ko. At saka umamin ka naman at iyon ang mahalaga sa akin may tatay ang kapatid ko." sabi ni Franco.
"Sabi mo iyan ha at walang bawian." sabi ni Gian.
"Opo." sabi ni Franco.
"Okay." sabi ni Gian na napangiti.
"Anak!"
Napatigil ang dalawa ng maulinigan ang boses ni Shaira. Napatingin si Gian sa oras alas kuwatro y media pa lang ng hapon kaya nagtataka siya at maaga dumating si Shaira.
"Bakit ang aga niya dumating?" tanong ni Gian.
"Binago ni Sir AJ ang oras ni nanay sa pagpasok bale eight hours na lang ang pasok niya sa opisina kasama na ang break niya." sabi ni Franco.
"May puso din pala." napangising sabi ni Gian sa isip.
"Anak!" tawag muli ni Shaira.
"Bubuksan ko lang po." sabi ni Franco.
"Sandali, doon ako sa laundry baka tapos na ang nilalabhan ko." sabi ni Gian na napangisi sa naisip.
"Okay." sabi ni Franco at nagmamadaling pumunta sa laundry area si Gian.
Binuksan naman ni Franco ang pintuan at bumungad si Shaira
"Ang tagal mo magbukas." sabi ni Shaira at ng mapatingin sa paligid napangiti ito dahil malinis na, natutulog din ang tuta sa gilid na may sariling kulungan.
"Okay na pala, tapos na ang nilalabhan ko." sabi ng isang tinig na ikinakunot noo ni Shaira.
Napatingin si Shaira ng magbukas ang laundry area at nagulat ito ng nandodoon si Gian.
"Anong ginagawa mo dito, Sir?" sabi ni Shaira na ikinangiti ni Gian.
"Tumutulong sa kuya ng anak ko." nakangiting sabi ni Gian na ikinakunot noo lalo ni Shaira.
"Sinong anak?" sabi ni Shaira na ikinangiti ni Franco at ikinawala ng ngiti ni Gian.
"Iyong dinadala mo, akin iyan." seryosong sabi ni Gian kay Shaira.
"Hindi sayo ito." sabi ni Shaira.
"Akin iyan." sabi ni Gian habang bitbit nito ang laundry basket.
"Hindi nga sayo ito." diin na sabi ni Shaira.
"Asar!" inis na sabi ni Gian at napayuko ito sabay hawak sa batok sa pagkapikon dahil mukhang hindi nga naaalala ni Shaira ang nakatalik nito.
"Umalis ka na." sabi ni Shaira.
Napangisi si Gian ng may makita ito sa laundry basket saka iyon kinuha.
"Akin iyan." sabi ni Gian.
"Hindi nga." sabi ni Shaira ng biglang may kinuha si Gian sa laundry basket na ikinamula ng mukha ni Shaira sabay takip sa mata ng anak.
"Akin iyan at ito iyong suot mo noong madaling araw na nag-anuhan tayo." nakangiting sabi ni Gian na ikinalunok ni Shaira dahil paborito niya ang panty na iyon.
"Bastos ka! Siguro sinilipan mo ako 'no? Sabi nila ikaw ang naghatid kay Franco sa Casa at siguro habang may ka-table kang babae sa bar nasilipan mo ako." sabi ni Shaira na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Hindi kita sinilipan." inis na sabi ni Gian.
"Bakit alam mo na iyan ang suot ko? Eh si Dave ang kasama ko nang gabing iyon." sabi ni Shaira.
"Naiinis na ako, paulit-ulit." sabi ni Gian sabay tingin sa puson ni Shaira.
"....siguro babae iyang anak natin na dinadala mo, ang kulit mo eh. Kanina pa tayo paulit-ulit." sabi pa ni Gian habang nakaturo sa puson ni Shaira.
"Kasi nga hindi ikaw, nakita ko si Dave nakahubad na siya at ako. Kaya si Dave iyon." sabi ni Shaira na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Okay, akin na itong panty mo. At hindi ko ibibigay itong panty mo hanggat hindi mo naaalala. At puwede ba, mas malaki ako kay Dave." inis na sabi ni Gian na ikinamula ng mukha ni Shaira.
"Bastos ka! Iyong bibig mo may bata dito." sabi ni Shaira akmang sasagot si Gian ng may magdoorbell na ikinatingin ni Shaira sa pintuan.
"Baka iyan na ang pagkain natin." sabi ni Gian na ikinabaling ng tingin ni Shaira dito ng maglakad si Gian palapit sa pintuan kung nasaan malapit siya.
Pagkadaan ni Gian sa harapan ni Shaira napangisi ito saka nito pilyong tinaas ang panty ni Shaira na hawak niya.
"Akin na iyan." sabi ni Shaira pero isinuksuk iyon ni Gian sa bulsa ng pantalon nito.
"Akin ito hanggat hindi mo naaalala na ako ang nakatalik mo. Ebidensya ko ito." sabi ni Gian saka nito binuksan ang pintuan.
Napatingin si Shaira at napakunot ang noo nito ng maraming deliver na pagkain galing sa restaurant na nasa baba ng tower. Nakacart pa iyon at mga waiter ang nagdala
"Ano iyan?" sabi ni Shaira.
Napangiti si Gian saka ito sumagot.
"Hindi mo nakikita? Ano ba iyan pag-iisip mo ngayon? Makakalimutin ka na, bulag ka pa. Pagkain iyan, hindi mo nakikita?" nakangising sabi ni Gian na ikinainis ni Shaira.
"Aissst! Alam kong pagkain iyan. Ang ibig kong sabihin para saan iyan? Anong okasyon? Bakit may pagkain na marami?" naiinis na sabi ni Shaira na ikinangiti ni Gian.
"Date, first date." sabi ni Gian na ikinalunok ni Shaira ng ipasok ang mga pagkain na alam niyang malaking halaga.
"Wow." sabi ni Franco ng mabitawan ni Shaira ang mga mata niya at makita ang mamahaling pagkain, marami iyon at mabango.
"Ang first family date natin." nakangiting sabi ni Gian na ikinangiti ni Franco at ikinakunot noo ni Shaira.
"Hindi ikaw iyon." muling sabi ni Shaira na ikinangisi ni Gian.
"Ang kulit mo talaga, mamaya ka lang." napipikong sabi ni Gian kay Shaira, saka nito pinaayos ang pagkain na inorder sa mga waiter na pinalagay niya sa dining area.
Napatitig si Shaira kay Gian at ng lingunin siya nito muli siyang umusal.
"Hindi ikaw iyon." muling sabi ni Shaira na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Ipapasok ko sayo para malaman mong ako iyon." mahinang sabi ni Gian na ikinapula ng mukha ni Shaira.
"Bastos!" naiusal na sabi ni Shaira.
"Hahahaha! Oo mamaya kakain lang tayo." sabi ni Gian saka nito pasimpleng kinuha sa bulsa ang underwear ni Shaira at inamoy iyon.
Namula ang mukha ni Shaira sa hiya pero nakaramdam siya ng init na ikinatawa lalo ni Gian.
"Hahaha! Mas mainit mamaya." sabi pa ni Gian saka nito muling sinuksuk ang underwear sa bulsa nito.
"Hinayupak ka! Bastos!" inis na sabi ni Shaira na ikinatawa ni Gian.
"Sige lang. Mamaya tayong dalawa." nakangiting sabi ni Gian.
"Umuwi ka na." sabi ni Shaira ng lapitan nito si Gian.
Napatingin si Gian ng seryoso kay Shaira saka ito seryoso nagsalita.
"Bigyan mo ako ng pagkakataon na pasukin ka tapos kapag hindi nga ako aalis ako." mahinang sabi ni Gian na ikinamula ng mukha ni Shaira.
"Baboy!" diin na mahinang inis na sabi ni Shaira.
"Ako ang nakatalik mo. Subukan natin mamaya, para malaman mong ako nga iyon." mahinang sabi ni Gian
"Manyak ka." mahinang sabi ni Shaira habang patingin tingin ito kay Franco sa takot na marinig ng anak niya ang usapan nila. Busy ang anak sa kakatingin sa pagkain na inaayos sa mesa ng mga waiter.
"Hindi ako manyak, kundi ikaw ang manyak. Kasi ayaw mo akong patigilin ng araw na iyon. Langya, alas diez na ng umaga tayo natapos. Mauubusan ako ng tamod sayo." nakangising sabi ni Gian na ikinalunok ni Shaira.
".....mamaya kakain lang ako, kasi alam ko grabe ka sa kama. Mabuti na lang at inisang beses ka lang ng nauna at iyon ang sinasabi mo sa akin noong nagtatalik tayo. Kaya naman sinulit ko pero mas lalo mo akong sinulit. Ganoon ka sa kama at ang suwerte ko, dahil iyon ang gusto. Mainit ka." sabi ni Gian na ikinaluha ni Shaira kaya napahinto si Gian ng makitang iba ang nasa isip ni Shaira sa mga sinabi niya dito.
"Nanay." masayang tawag ni Franco.
Napatingin si Gian sa bata at ng makitang papalingon ito mabilis na niyakap ni Gian sa Shaira para hindi nito makita ang pagluha ng ina.
"Shhh. Gusto kita, pero iba na naman ang nasa isip mo. Tsss. Mana sayo ang anak mo, huwag kang iiyak at baka sabihin niya inaaway kita." bulong at masuyong sabi ni Gian kay Shaira habang yakap si Shaira na impit na umiiyak.
...................
July 23, 2022 8.09am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top