Kabanata 27 : Pagsalubong
Kabanata 27 : Pagsalubong
C-Tower Manila
Hours Later
"Sandali lang po."
Napangiti si Gian ng maulinigan malakas na boses ng batang lalaki mula sa unit na iyon. Napatingin si Gian sa wrist watch alas tres na ng hapon pero mukha naman sulit ang pagiging late niya sa oras na nasa isip niya kanina.
Nagpunta pa kasi siya sa mall para mamili ng pasalubong sa batang lalaki at sa tuta nito na mahigit isang buwan din niya hindi nakita.
"Uunahin muna kita para makuha ko ang nanay mo." sabi ni Gian sa isip ng mapabaling na ang tingin nito sa pintuan ng marinig ang pagbubukas ng doorknob.
"Sino po sila?" tanong ng batang lalaki habang nakasafety lock ang pintuan na wala pa sa kalahati ang bukas. Nakatingin ang batang lalaki sa tuta nitong karga na malaki laki na rin kaya hindi nito nakita ang nasa pintuan.
"Hindi mo na ako kilala?" birong sabi ni Gian na ikinatingin ng batang lalaki.
"Kuya Carlo?" di makapaniwalang sabi ng batang lalaki ng makita ang binata
"Ako nga, may iba pa bang Carlo na kilala mo?" sabi ni Gian na ikinangiti ng batang lalaki at ikinatahol ng aso at ikinawagwag ng buntot nito.
"Kuya!" masayang sabi ni Franco saka nito binuksan ang pintuan ng malaki.
"Akala ko hindi na ako welcome sa bahay mo." biro uli na sabi ni Gian na napahingang malalim dahil may kaunting kaba siyang naramdaman kanina sa pag-aakalang may tampo ang batang lalaki dahil iniwan niya ito sa Casa.
"Bakit naman po?" nakangiting sabi ni Franco.
"Kasi iniwan kita sa El Paradiso." sabi ni Gian.
"Ay, wala po iyon. Paggising ko po pinaliwanag ni ate Astraea at ang sabi niya pinatawag kayo ng daddy niyo." sabi ni Franco
"Kaya nga eh at nasaktuhan nasa El Paradiso na tayo." sabi ni Gian.
"Mabuti nga po doon tayo. Naisip ko kasi paano kung sa ibang isla. Nag-iisa ako kapag pinatawag ka baka maiwan ako." sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian.
"Hindi naman kita iiwan mag-isa." sabi ni Gian.
"Talaga?" sabi ni Franco
"Oo naman." sabi ni Gian
Napangiti si Franco sabay baling sa dala ni Gian.
"Ano po iyan?" tanong ni Franco.
"Ito? Ahhhm. Pasalubong." nakangiting sabi ni Gian sabay abot ng paper bags kay Franco.
"Para po sa akin?" tanong ni Franco.
"Oo at kay Diggie." nakangiting sabi ni Gian.
"Ang dami naman po nito." sabi ni Franco na nahihiyang kunin ang mga paper bags na alam niyang sa mall pa binili.
"Kasi mahigit isang buwan ako wala, so naipon." sabi ni Gian.
"Nakakahiya naman po." sabi ni Franco.
"Bakit ka naman mahihiya? Eh magkaibigan tayo." sabi ni Gian sabay kuha sa kamay ni Franco at ibinigay dito ang mga pinamili niya.
"Salamat po." nahihiyang sabi ni Franco.
"Walang anuman. Ahhmm. Hindi mo ba ako papapasukin?" sabi ni Gian ng nasa pintuan pa rin sila ni Franco.
"Ay! Sorry pasok po pala kayo." sabi ni Franco sabay yaya kay Gian sa loob ng unit.
Napangiti si Gian at pagkapasok sa loob ng unit napatingin ito ng pasimple sa lugar ng biglang mapakunot ang noo nito.
"Pasensya na po kayo, naglilinis po ako at hindi pa ako tapos. Maglalaba din po kasi ako." sabi ni Franco ng makita ang reaksyon ni Gian.
"Marami yata ang ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Gian.
"Ahhhm. Ahhhm kasi po." hindi maituloy na sabi ni Franco.
Naglakad si Franco at inilagay ang mga pinamili sa gilid ng sofa at inalis ang mga nakakalat sa sala.
"Kasi?" sabi ni Gian na ikinatingin ni Franco dito.
Napahingang malalim si Franco saka ito umiwas ng tingin kay Gian at naglakad para magligpit ng kalat.
Pinagmasdan ni Gian ang unit, makalat nga ang sala. Ang dining table may mga plato pa, may mga hugasan pa ang kusina, may mga kaldero pang hugasin at ng mapabaling siya sa gilid ng sala papunta sa kuwarto naroroon ang laundry basket na umaapaw sa labahin
Mukha naman nagliligpit ang bata dahil may walis at dustpan na nasa sala at may basahan sa tokador iyon nga lang mukhang nalilito ito kung ano ang sisimulan.
"Buntis si nanay nahihirapan siya kumilos, kaya sabi ko iwan na lang niya at ako ng bahala." biglang sabi ni Franco na ikinatingin ni Gian sa batang lalaki na noo'y nagpupunas na ng dining table.
Napatingin si Franco kay Gian saka ito napangiti.
"May kapatid na ako at kaparehas ko, ayaw din kilalanin ng tatay niya." sabi ni Franco na kahit na nakangiti ito nasa mata nito ang kalungkutan.
"Franco..." udlot na sabi ni Gian ng muling magsalita ang batang lalaki.
"Pero okay lang, mamahalin ko siya at sisiguraduhin ko na kung baby girl siya, hindi mauulit ang nangyari kay nanay at sinabi ko sa sarili ko kapag nakabuntis ako, aakuin ko kahit na hindi ito sinasadyang mabuo." sabi ni Franco saka ito pumunta sa lalabo at nilabhan ang basahan na ginamit nito sa mesa habang nakatingin lang si Gian dito.
"Galit ako sa kanila. Sa tatay ko at sa tatay ng kapatid ko, pero huwag kang mag-alala..." sabi ni Franco sabay tingin kay Gian na ikinatitig ng binata dito.
".....hindi ako nakipagsuntukan. Sa unan ko ginawa, at araw-araw kong ginagawa mula ng malaman kong buntis si nanay. Okay naman, at tama ka nakaka-release ng tensyon, galit at hinanakit ang pagsuntok sa bagay na hindi ako makakasakit ng tao." sabi ni Franco.
Napahingang malalim si Gian balak niya sabihin kay Franco sa siya ang ama ng kapatid nito kaso sa nakikita niya galit ito at delikado iyon na baka hindi na niya ito malapitan.
"Maglilinis po muna ako tapos maglaro tayo." napangiting sabi ni Franco ng hindi makapagsalita si Gian
Napatitig si Gian kay Franco nasa mukha nito na nahihiya ito o iwas na baka may masabi siyang iba sa nanay nito.
"Sandali lang po huhugasan ko lang po ito lahat." sabi ni Franco na ikinalunok ni Gian sa guilty na nararamdaman.
Napatingin si Gian sa paligid ng magsimulang maghugas si Franco.
"Kailangan ko mag-isip, at gumawa ng paraa,n iyong tipong makukuha ko siya para makuha ko ang ina." sabi ni Gian sa isip saka ito napatingin sa bahaging kuwarto. At ilang sandali lang napangisi ito sa naisip.
Napatingin si Franco ng maglakad si Gian sa loob ng unit at ng nasa kuwarto na ito napahinto ang binata.
"Ako na maglalaba, siguro naman may washing machine dito." nakangiting sabi ni Gian ng mapalingon kay Franco na saktong nakatingin sa kanya.
"Po?" gulat na sabi ni Franco.
"Dalawang salangan lang ito at mukhang nakahiwalay na ang puti sa de kolor kaya madali na lang." sabi ni Gian.
"Nakakahiya po." sabi ni Franco at akmang pupuntahan nito si Gian ng mabilis na kinuha ni Gian ang dalawang laundry basket na punong puno.
"Ako na maglalaba habang naghuhugas ka ng pinggan para mas mabilis matapos then makakapaglaro na tayo." sabi ni Gian na ikinangiti ni Franco.
Nagtungo si Gian sa laundry area at isinalang nito ang labahan napangiti pa siya dahil dalawa ang washing machine doon kaya mas mapapadali ang lahat sa kanya.
"Kuya iwan mo na lang po." sabi ni Franco
Napangiti si Gian ng masalang ang lahat at walang natira pero bago nito isara ang washing machine napangiti ito ng makita ang damit ni Shaira at ang panloob nito na naaalala pa niyang ginamit nito ng gabing iyon.
"Mamaya ka sa akin." nakangising pilyong sabi ni Gian sa isip sa panloob ni Shaira.
Lumabas si Gian ng magsimulang umikot ang dalawang washing machine. Paglabas nito dumeretso sa Gian sa sofa at nagsimula itong linisin ang kalat saka nagwalis.
"Kuya ako na po, malapit na po ako dito matapos sa paghuhugas ng pinggan." sabi ni Franco pero hindi nagpaawat si Gian sa paglilinis kahit nakasuot pa ito ng pormal na damit.
Nakuha pa ng binata tingnan ang paligid, masinop siya sa gamit at malinis kaya alam niya ang tamang linis, tamang bango na komportable.
Nakatingin lang si Franco kay Gian ng hindi siya nito pansinin, naglilinis ang binata at halatang marunong ito. Nakuha nitong punasan ang mga kasangkapan, mesa at pati ang sofa at tokador. Pati ang pagwawalis marunong ito at pagma-mop ng sahig.
"Sa kuwarto gusto mo linisin ko?" nakangiting sabi ni Gian na ikinailing ni Franco.
"Huwag na po. Tapos na po ako doon, iyon po ang kaninang ginawa ko." sabi ni Franco na nagpapasalamat sa sarili dahil nalinis niya ang kuwarto na sobrang kalat kanina, dahil kung hindi mukhang hindi niya mapipigilan maglinis ang binata sa paglilinis ng bahay nilang mag-ina.
"Ganoon ba? Very good." sabi ni Gian saka nito kinuha ang cellphone na ikinatingin ni Franco dito.
Nag-dial si Gian ng numero at may tinawagan ito. Ilang sandali lang ng may kausap na ito habang nakikinig lang si Franco.
Nakatitig si Franco kay Gian, umoorder ito at alam niyang pagkain iyon dahil naririnig niya iyon sa restaurant sa baba ng C- Tower, mga pagkaing kakaiba ang pangalan na alam niyang mamahalin.
Ilang saglit matapos kausapin ng binata ang kausap nito napatingin ito kay Franco saka nito binaba ang cellphone.
"Gusto mo pasiyahin ang nanay mo? Nang sa ganoon, mawala ang stress niya habang nagbubuntis siya." sabi ni Gian na ikinatango ni Franco
"Opo." sagot ni Franco
"Good. Nag-order ako ng pagkain at ang gagawin natin isusurpresa natin ang nanay mo." sabi ni Gian na ikinatitig ni Franco sa binata.
"Kuya." sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian
"Bakit?" sabi ni Gian.
"Hindi alam ni nanay na ikaw iyong Carlo na kaibigan ko." sabi ni Franco
"Ahhmm. And?" sabi ni Gian.
"Ayaw ko pong ipaalam kay nanay." sabi ni Franco na ikinawala ng ngiti sa labi ni Gian.
"Bakit naman?" sabi ni Gian.
"Ayoko kasi na mahulog ulit iyong loob ng nanay ko sa mga lalaki." sabi ni Franco na ikinatitig ni Gian dito.
".....ayoko makilala mo siya at maging close kayo sa isa't isa." sabi pa ni Franco.
"Bakit?" sabi ni Gian.
"Ayoko ng maloko siya uli." sabi ni Franco.
"Tingin mo ba lolokohin ko siya?" tanong ni Gian na ikinatitig ni Franco sa binata.
"Puwede." sagot ni Franco.
"Puwede? Paanong puwede?" sabi ni Gian.
"Nakadalawang anak na siya sa magkaibang lalaki, at alam ko naman hindi niya gusto iyon. Pero ayokong isipin na iba ang nanay ko. Ayoko magkamali siya uli kasi kapag nangyari iyon, baka iba ang maisip ko na hindi ko magugustuhan at ikakasakit ng dadamdamin ng nanay ko." sabi ni Franco.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Gian.
"Sa mga araw na lumilipas napapaisip ako, at ang iniisip ko bakit may mga babaeng nagagawang makipagtalik sa isang lalaking na wala naman silang relasyon.
Ang sabi nila kapag ang babae daw ay nakipagtalik kung kani-kanino hindi daw iyon maganda. Iniisip ko ang nanay ko ba isa sa kanila? Minsan iniisip ko, ang nanay ko ba kabilang sa mga babaeng okay lang makipagsex kung kani-kanino." sabi ni Franco na ikinatitig ni Gian sa bata
".....nagtatanong ako sa sarili ko, at habang lumalaki ako napapaisip ako. Si nanay ba, tulad ng ibang babae na.... na...." hindi maituloy na sabi ni Franco saka ito napalunok.
"....na liberated. Paano kung makahanap ako ng tulad niya paglaki ko? Matatanggap ko ba? Paano ko tatanggapin ang babaeng pinagpasa-pasahan na ng iba at pinagsawaan na?
Ang pangit po di ba ng naiisip ko? Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi ko na hahayaan na may makilala pa si nanay. Gusto ko pangalagaan ang tingin ko sa kanya at hindi maalis ang paggalang ko sa kanya bilang babae at bilang ina ko." sabi ni Franco na napaluha na ikinahingang malalim ni Gian saka ito nagsalita.
"Franco, hindi porque dumaan ang babae sa isang lalaki o kahit sa ilan pa masama na siya. Hindi porque nagkamali siya ng ilang ulit mababang uri na siya ng babae.
Ang mahalaga, hindi naman kumabit ang nanay mo. Ang isipin mo hindi naman niya ginawa ang isang bagay na may masasaktan siyang tao, makakawasak siya ng relasyon at higit sa lahat isipin mo hindi kasalanan ng babae na tulad ng nanay mo ang pumasok sa isang bagay, o sitwasyon na hindi naman masama kasi wala naman natapakan.
Lahat naman tayo nagkakamali, at hindi kasalanan ng babae na may matris sila at tayo wala. Darating ang araw maiisip mo, at matatanggap mo sa sarili mo kapag naramdaman mo na ang tunay na pagmamahal kahit sa babaeng hindi na buo." sabi ni Gian.
"Mahirap iyon, madaling sabihin pero parang ang hirap isipin at kapag nasa sitwasyon ka na, napaka-imposible na hindi mo maisip ang babaeng gusto mo dumaan sa iba." sabi ni Franco
"Hindi nasusukat sa kabuuan ng isang babae ang isang pagmamahalan. Sabi mo nga dati sa akin nasa pagtanggap iyon, at kapag tanggap mo bubuuin mo.
Ikaw ang bubuo, at sa pagbuo mo mararamdaman mo iyong kahalagahan ng kakulangan niya na ikaw ang bumuo." sabi pa ni Gian.
"Iyong Dave, tinanggi niya si nanay. Bakit may mga lalaking hindi marunong umako ng ginawa nila? Dahil ba hindi na buo si nanay dahil ba nandito ako? O dahil ba, pumayag si nanay kahit walang relasyon?" napaluhang sabi ni Franco
"Franco.... hindi si Dave ang tatay ng bata." sabi ni Gian na ikinakunot noo ni Franco.
"Po?" sabi ni Franco.
"Katulad ng mga babae, iba-iba din ang lalaki. May mga lalaking tumatanggi kahit alam nilang sila ang ama, at may mga lalaking tumatanggi dahil hindi naman sila. Iba-iba tayo.... at may mga lalaking umaako at umaamin ng ginawa nila....
.... at ako iyon. Ako ang tatay ng kapatid mo na dinadala ng nanay mo." sabi ni Gian na ikinanlaki ng mga mata ni Franco.
"Anong sabi mo?" sabi ni Franco na hindi makapaniwala sa narinig, na ikinangiti ni Gian.
"Ganyan din ang reaksyon ng nanay mo at ng mga kaopisina namin. Inaamin ko na nga na ako, kaso ayaw maniwala ng nanay mo. Hindi daw ako. Nakakainis. Alam mo iyon, ako na nga. Ako na kaso ayaw niya maniwala." sabi ni Gian.
"Ginalaw mo ang nanay ko." sabi ni Franco na bumakas ang galit sa mukha nito na ikinaatras ni Gian.
July 22, 2022 7.35pm
Fifth Street
Good night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top