Kabanata 26 : Akin Iyan
Kabanata 26 : Akin Iyan
Napatingin si Gian kay Shaira ng biglang sumuka pa ito, hindi siya nakapagsalita o nakakilos dahil saktong ang pagkakasuka ng dalaga sa dibdib niya at nakuha pa nitong tumungkod sa dibdib niya na tila siya pader.
"Bleeurrk!"
Nahihiya man si Shaira hindi naman niya matiis at mapahinto ang pagsusuka sa harap ni Gian na ikinaingay ng paligid sa bulungan sa ginawa niya sa amo nila.
Pinagmasdan ni Gian ang dalaga, nanghihina ito sa inilabas ng tiyan nito, at muli nagulat ang lahat ng hawakan ni Gian ang likuran ni Shaira at haplusin iyon.
Mabilis na kinuha ni Gian ang basurahan sa ilalim ng mesa ng dalaga at inilagay iyon sa lapag. Nang makita ng dalaga ang basurahan doon pinagpatuloy ni Shaira ang pagsusuka kahit puro na lamang iyon mapait na laway.
Napaluhod si Shaira habang walang tigil ito sa pagsuka. Napahingang malalim naman si Gian, tinanggal nito ang amerikanang suot at nagulat ang lahat ng gawin basahan iyon ni Gian ng linisin nito ang suka ni Shaira.
Napatingin si Shaira kay Gian at ng tingnan siya ng binata napangiti iyon sa kanya.
"Okay ka na?" nakangiting sabi ni Gian na ikinalunok ni Shaira ng hindi na seryoso ang tinig ng binata na ikinatuwa ng sarili niya na tila masarap iyon sa pakiramdam niya.
Nang hindi umimik si Shaira tinubis ni Gian ang kalat ng dalaga habang pinupunas sa lapag ang amerikana nito at ng matubis ang kalat inilagay iyon ni Gian sa basurahan na ikinatingin ng mga empleyado sa isa't isa.
Nakatitig lang si Shaira kay Gian hindi niya alam kung alam ba nito na buntis siya at kung tanungin man siya nito hindi naman niya itatatwa ang bagay na iyon.
Kinuha ni Gian ang panyo nito at muling napasinghap ang lahat at nagulat ng punasan ni Gian ang mukha ni Shaira na puro pawis at may bahid pa ng suka nito.
"Gusto mo kumain?" sabi ni Gian na ikinalunok ni Shaira.
"A-ayaw." nautal na sabi ni Shaira.
"Kung isang utos iyon mula sa akin, susunod ka ba?" masuyong sabi ni Gian na ikinalunok muli ni Shaira.
"Hi—hindi." nautal na sabi ni Shaira at ng tumingin ito sa paligid namula ang mukha nito sa kahihiyan ng makitang nakatingin sa kanya ang lahat.
"Okay." sabi ni Gian na sumeryoso saka ito tumayo na ikinamula lalo ng mukha ni Shaira sa pagkapahiya.
"Sir." mahinang tawag ni Shaira na ikinayuko ni Gian para tingnan ang dalaga na nakaluhod sa lapag katabi ng basurahan.
Nang tingnan si Shaira ni Gian napalunok muli ito at sa namumulang mukha nito sa kahihiyan muli itong nagsalita.
"....huwag mo po akong lapitan ng ganyan kalapit o di kaya tulungan." sabi ni Shaira.
"Bakit naman?" seryosong napakunot noo na tanong ni Gian.
"Bu-buntis ako at ayokongpag tsis...." udlot na sabi ni Shaira na hininto ang sinasabi ng maalala na mabilis magtanggal ng trabahador si Gian at delikado iyon kapag tinuloy niya ang sinasabi.
Napatiim ng bagang si Gian ng hindi tinuloy ni Shaira ang sinasabi saka ito tumingin sa lahat na hindi nakuhang umiwas ng tingin at tama siya pinagtsitsismisan nga si Shaira ng lahat at ang anak niya sa dalaga.
"Huh!" napangising reaksyon ni Gian sabay tingin sa lahat.
"Sir. Okay na ako, salamat po at sorry nasukahan kita." sabi ni Shaira at akmang tatayo ito mula sa pagkakaluhod ng bigla siyang hawakan ni Gian para itayo na ikinaiwas ng tingin ng mga emplayado.
"Salamat." sabi muli ni Shaira saka ito umupo sa upuan para kalmahin ang sarili dala ng pagod at stress na nararamdaman.
"Okay ka na?" sabi ni Gian na ikinatango ni Shaira.
Napangiti si Gian saka ito tumalikod pero napatigil ito ng marinig ang paghikbi ni Shaira kaya napalingon muli ito.
Napayuko si Shaira at pigil ang pag-iyak. Isa sa nahihirapan siya iyakin siya, pakiramdam niya lagi siyang iiyak at hindi niya mapigilan ang pagluha kaya naman yumuko siya at pasimpleng pinunanasan ang luha niya,
"Makakasama sayo ang pagpipigil mong umiyak." inis na sabi ni Gian na ikinatingin ng pasimple ng lahat dito.
Hindi umimik si Shaira, dahil pakiramdam niya sa ginagawa ni Gian lalo nitong pinamumukha ang katangahan niya.
Napatiim ng bagang si Gian sa inis balak sana niya matapos makatalik si Shaira ay yayain ito magpakasal kaso sinundo siya ng kapatid at umuwi sila.
"Ako ang ama niyan, okay ka na?" sigaw ni Gian na ikinatingin ng lahat dito at ni Shaira.
"....ako ang tatay niyan kaya huwag kang umiyak." inis na sabi ni Gian ng tingnan siya ni Shaira ng may pagdududa at halatang hindi ito naniniwala.
"Umalis ka na. Langya! Dinagdagan mo pa ang iniisip ko." sabi ni Shaira kay Gian na pakiramdam ng dalaga lalo siyang pagtsitsismisan ng lahat.
"Aissst! Ako nga ang ama niyan." sabi muli ni Gian pero napakunot noo ito ng makita ang mukha ni Shaira at hindi talaga ito naniniwala at ng tingnan niya ang lahat napatiim ng bagang siya dahil hindi rin naniniwala ang lahat sa kanya.
"Sir, kakaupo mo lang baka masesante ka. False information at scandalous report." sabi ni Shaira na napangisi dahil hindi talaga siya naniniwala. Malabo iyon para sa kanya dahil si Dave ang huli niyang kasama at nasa kamalayan siya bago siya mahimatay ay nakahubad na si Dave.
"Akin iyan." inis na sabi ni Gian.
"Sir, okay na po ako no need ng ikalma para sa mga tsismoso at tsismosa sa kompnayang ito." sabi ni Shaira na ikinaiwas ng tingin ng mga empleyado sa kanya.
"Akin nga iyang dindala mo. Baby ko iyan.... natin." diin na seryosong sabi ni Gian pero lalo siyang nainis ng hindi pa rin naniniwala si Shaira at ang lahat.
Napangalumbaba si Shaira kay Gian saka ito napangiti
"Sir, may jetlag ka pa yata. Hingi ka kaya muna ng one day leave kay Sir AJ para makapagpahinga ka." sabi ni Shaira.
"Hindi ako nagbibiro." sabi ni Gian pero ng mapatingin ito sa lahat nakita niya sa mga mata ng empleyado na walang naniniwala sa kanya.
"Sir, nagreshuffle si Sir Aj ng mga empleyado mula ng nawala ka sa puwesto mo at sa nakikita ko ang loyalty nila ay sa saabihin lang ni Sir AJ." sabi ni Shaira na ikinatiim ng bagang ni Gian.
"Pati ikaw?" sabi ni Gian.
"Ahhhmm. Dati pa naman nasa Valiente na ang loyalty ko dahil sila ang amo ko." sabi ni Shaira na iknatiim ng bagang ni Gian saka ito lumapit sa mesa ni Shaira sabay hawak sa braso ng dalaga.
"Akin talaga iyan. Maniwala man kayo o hindi.... akin iyang dindala mo." sabi ni Gian kay Shaira.
"May sakit ka ba? O dala ng naalis ka sa puwesto? Pinagalitan ka ba ng ama mo ng matanggal ka? Huwag kang mag-alala kung anuman ang rason ng lahat, tingin ko naman sa pagbabalik mo at pagtanggap ni Sir AJ sayo bilang Presidente ng kompanya maibabalik mo ang tiwala ng lahat sayo." sabi ni Shaira.
Napatiim ng bagang si Gian saka nito tiningan ang lahat ng empleyadong naroroon na alam niyang nakikinig ang mga ito.
"Sinong naniniwala sa akin?" sabi ni Gian na ikinatingin ng lahat sa kanya
"Anong ginagawa mo?" sabi ni Shaira kay Gian.
"...uulitin ko. Sino ang naniniwala sa akin?" seryosong sabi ni Gian at ng walang nagsalita napangisi ang binata saka ito lumapit sa mga empleyado at nagulat ang lahat ng paghihilahin ni Gian ang mga ID ng mga ito.
"Uyyyy. Huwag! Wala na ngang tao sa kompanyang ito." sigaw ni Shaira na napatayo ng pagkukuhanin ni Gian ang lahat ng ID na di bababa sa kinseng katao na naroroon.
"Lahat kayo huling araw niyo na." seryosong sabi ni Gian saka ito tumalikod na ikinabulungan ng lahat.
"Sir, ibalik mo. Hindi puwede sinala na iyan ni Sir Aj." sabi ni Shaira habang sinusundan si Gian sa paglalakad.
"Ako na ang Presidente kaya ako ang masusunod." sabi ni Gian habang hawak nito ang mga ID at naglalakad
"Sir, masama sa labor code iyan. Bawal, at madedemanda ang kompanya." sabi ni Shaira ng biglang lumingon si AJ na ikinaatras at hinto sa pagsunod ni Shaira dito.
"Pasalamat ka under ka ng agency ng mga Valiente dahil kung hindi isa ka sa matatanggal." seryosong sabi ni Gian.
"Sir, ibalik mo iyan sa kanila." sabi ni Shaira.
"Ayoko." sabi ni Gian saka ito tumalikod at mabilis na naglakad paalis na ikinahingang malalim ni Shaira.
......................
Hours Later
"Kumain ka na."
Napatingin si Shaira ng may naglapag ng pagkain sa mesa niya habang nagtitipa siya sa laptop niya at ng tingnan niya ito napakunot ang noo niya.
"Kumain na kayo ng baby ko. Alas dose na." sabi ni Gian sabay upo sa ibaba ng mesa ni Shaira.
"Mamaya na lang." sabi ni Shaira. Tanghalian na at hindi niya napansin ang oras may baon naman siya kaso pakiramdam niya busog siya o siguro busy lang talaga siya.
"Kakain na kayo." sabi muli ni Gian sabay kuha ng mga pagkain sa loob ng paper bag ng mamahaling restaurant.
Napatingin si Shaira kay Gian ng ilapag nito ang pagkain. Natakam siya sa amoy pero hindi puwede dahil alam niyang hindi ito ang ama ng anak niya at pakiramdam niya naaawa lang ito sa kanya.
"Sir...." udlot na sabi ni Shaira ng tumayo si Gian saka nito kinuha ang paper bag ni Shaira kung saan nakalagay ang baon nito.
"Uyyy sir." napasigaw na sabi ni Shaira na ikinatingin ng mga empleyado pero umiwas din ng tingin ang mga ito ng makitang si Gian ang kausap niya.
"Pakpak na naman ang ulam mo. Alam mo bang masama o delikadong parte ng manok ito?" inis na sabi ni Gian saka nito kinuha ang baunan ni Shaira.
"Ha? Bakit naman?" sabi ni Shaira
"Dito madalas iturok ang pampalaki sa manok na may chemicals." seryosong sabi ni Gian saka ito umupo sa silya na nasa harapan ng mesa ni Shaira.
"Anong ginagawa mo diyan?" sabi ni Shaira ng umupo pa si Gian sa harapan niya.
"Sasamahan kita kumain. At araw-araw sabay tayo kumain." sabi ni Gian saka nito pinaghandaan si Shaira.
"Uyyy, nakakahiya at saka baka makita ka ni Sir AJ." sabi ni Shaira.
"Tsss. Umuwi na iyon sa kanila at saka ako ang Presidente." sabi ni Gian sabay kuha ng pagkain sa kutsara at iwinestra iyon kay Shaira.
"...kumain na kayo." sabi ni Gian habang nasa bibig ni Shaira ng kutsara.
"Ano..." udlot na sabi ni Shaira ng mabilis na isinubo ni Gian ang kutsara sa bibig ng dalaga.
Napatitig si Gian sa labi ni Shaira ng biglang nakaramdam siya ng kakaibang init.
"Tsss. May hindi pa tayo nagagawa, hayaan mo gagawin natin." nakangising pilyong sabi ni Gian habang nakatingin sa labi ni Shaira na ikinakunot noo ng dalaga.
Napatitig si Gian sa dalaga, mukhang wala nga itong natatandaan na siya ang lalaki nakatalik nito, siguro dahil lasing talaga ito ng magtalik sila, ni hindi nga niya ito nakita nakabukas ang mga mata kahit may malay itong nakikipagtalik sa kanya.
"Anong gagawin?" nagtatakang tanong ni Shaira na ikinangiti ni Gian.
"Kapag ginawa natin sa susunod iyong hindi ka lasing, o wala kang sakit. Sisiguraduhin ko na hindi ka lang masasarapan sa inaakala mong panaginip. I make sure na nasa huwisyo ang buong pagkatao mo at ang presensya mo ay nasa akin lang." pilyong sabi ni Gian na ikinapula ng mukha ni Shaira ng iba ang dating ng sinasabi ni Gian sa kanya.
"Hahaha! Kumain ka pa." sabi ni Gian sabay subo kay Shaira na agad na sinubo ng dalaga.
"Sa susunod iba ang isusubo ko sayo." pilyong sabi pa ni Gian na ikinayuko ni Shaira.
"Huwag kang magbiro at baka maniwala si Franco." sabi ni Shaira na ikinatahimik ni Gian.
".... haysss! Galit siya kay Dave ng itanggi ako ni Dave. Huwag kang makikipagflirt sa akin kasi baka hindi na ako tuluyang galangin ng anak ko" dagdag na sabi ni Shaira.
Napatingin si Shaira kay Gian saka ito muling nagsalita.
"Nahihiya ako sa anak ko. Huwag mo ng dagdagan kasi kapag naisip niya at pinatos niya ang mga sinasabi mo o paniwalaan niya mas lalo siyang magagalit kasi alam mo naman di ba? Nireject mo rin siya." sabi ni Shaira na ikinatitig ni Gian dito.
"Hindi pa niya alam." sabi ni Gian sa isip. Madalas siya pumunta kay Franco at kasama ito pero ang ipinagtataka niya hindi kinukuwento o sinasabi ng bata sa ina nito ang pagpunta niya o pagiging close nila.
"Tama na ang rejection dahil quota na ako, pati ang mga anak ko. Huwag mo ng dagdagan ang problema lalo na alam kong nagbibiro ka lang at gumaganti sa akin." sabi ni Shaira saka ito napahingang malalim.
"Okay." sabi bigla ni Gian ng may maisip ito.
"Mabuti." sabi ni Shaira saka nito inilayo ang pagkain pero biglang tumayo si Gian at tumalikod ito na ikinasunod ng tingin ni Shaira dito.
"Sir, iyong pagkain mo." sabi ni Shaira.
"Sayo na iyan." sabi ni Gian na hindi man lang lumingon.
""Naku naman! Pero mukhang titigil na siya at mabuti naman." sabi ni Shaira sa isip saka ito bumalik sa mesa niya.
Napangisi si Gian at imbes na pumunta ito sa opisina dumeretso sa elevator.
"Okay. Anak mo na bago ina." napangiting sabi ni Gian sa isip saka nito pinindot ang elevator pababa.
Ilang sandali lang ng magbukas iyon at napatitig ito kay Rio na nakatingin sa button panel ng elevator habang nasa sulok ng elevator ang lalaking pasahero nito.
"Down." sabi ni Rio na hindi siya tinitingnan.
Pumasok si Gian sa loob ng elevator at ng maisara ang elevator biglang nagsalita ang lalaking sakay nito.
"Ihinto mo sa 3rd floor." sabi ng lalaki kay Rio.
Napatingin ng pasimple si Gian sa button panel dahil isa lang ang nakapindot doon ang 1st floor kung saan ang ruta nun.
"3rd floor." ulit ng lalaki pero si Rio tinakpan lang ang button panel.
"3rd." sabi muli ng lalaki at ng hindi sumagot si Rio nagulat si Gian at napagilid ito ng hatakin ng lalaki si Rio palayo sa puwesto nito saka ng lalaki pinagsusuntok ang button panel na ikinasira nito.
"Asar! Kapapagawa lang niyan." naiinis na sabi ni Rio ng pagsusuntukin ng lalaki ang panel at nawarak iyon.
Hindi umimik ang lalaki saka nito hinatak ang board na nakatakip sa panel na ikinatingin ni Gian dahil kinabahan siya at baka bumagsak muli ang elevator.
"Sabi sa 3rd floor." sabi g lalaki na halatang bad trip din ito na mas bad trip pa kay Gian.
"Uyyyy!" sigaw ni Rio ng hatakin ng lalaki ang ibang button at tila gamay nito ang ginagawa at ilang sandali lang umilaw ang 3rd floor button.
"Asar!" sabi ni Rio saka nito hiantak ang lalaki at pumalit sa puwesto nito pero napaiyak ito sa inis ng hindi na gumana ang ibang button at nakastock iyon sa 3rd floor.
Napatingin ng pasimple si Gian sa lalaki nakatingin na ito sa pag-andar ng numero sa elevator hanggang sa marating nila ang 3rd floor habang si Rio bubulong bulong habang kinakalikot ang panel button.
"Final destination wala ng 1st floor wala ng ground floor." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Gian kay Rio.
"Sir sorry, maghagdan na lang po kayo. Sira na." sabi ni Rio kay Gian na naiiyak at halatang naiinis na ito.
Napahingang malalim si Gian saka ito umalis ng elevator at naiwan ang dalawa.
"Umalis ka na at hindi ako sasama sayo." naulinigan pa ni Gian na sabi ni Rio sa lalaki.
"Ang kulit mo talaga eh no. Puwes hindi tayo aalis, at dito lang tayo." sabi ng lalaki at ng lumingon si Gian sumarado na ang elevator at ng tingnan niya ang numero kung umaandar iyon napailing ito.
"Baliw din." nakangising sabi ni Gian ng hindi gumalaw ang elevator na nanatili lang nakaclose habang nasa 3rd floor iyon.
Napailing si Gian saka ito dumaan sa fire exit dahil matagal pa ang ibang elevator kaung hihintayin pa niya.
July 22, 2022 12.28pm
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top