Kabanata 2 : Apat na Araw na Paraiso 1
Kabanata 2 : Apat na araw na Paraiso 1
Kinabukasan
"Good morning Maam Shaira." bati ng security kay Shaira ng umagang iyon na ikinangiti niya.
"Good morning po." sabi ni Shaira habang papasok na sa loob ng gusali.
"Maam Shaira."
Napalingon si Shaira ng tawagin siya ng isang receptionist.
"Bakit?" nakangiting sabi ni Shaira.
"Flowers po." sabi ng receptionist na ikinangiti ni Shaira.
"Wow! Ang ganda naman ng flowers mo." nakangiting sabi ni Shaira na ikinatawa ng tatlong receptionist.
"Hahaha! Maam Shaira hindi po para sa akin ito." sabi ng receptionist.
"Ha?" sabi ni Shaira.
"Para sa inyo po. Ipinabibigay po." sabi ng receptionist na si Claudia.
"Sa akin? Para sa akin?" nagtatakang sabi ni Shaira sabay tingin sa bulaklak na halatang mamahalin dahil mga ganoong klaseng bulaklak ang ibinibigay dati sa idolo niyang si Harmony ng mga manliligaw nito.
"Kay President Canmore po galing." sabi ni Claudia.
"Canmore?" naguguluhang sabi ni Shaira.
"Kay President Gian Carlo." sabi ni Claudia sabay abot ng bulaklak kay Shaira.
"Ha? Ahhmmn. Baka nagkakamali ka." sabi ni Shaira saka ito umatras palayo sa reception area.
"Maam Shaira hindi po." sabi ni Claudia sabay tingin sa mga kasamahan nito na ikinatingin ni Shaira dito.
"Maam, totoo ang sinabi ni Claudia ang akala nga namin para sa kanya. Kasi single siya at pinakamaganda sa amin pero mukhang iba ang tipo ni President." sabi ng isa sa receptionist.
"Baka nga sayo iyan." sabi ni Shaira kay Claudia na hindi pinansin ang pasaring ng isang receptionist na si Hanna.
"Maam sa inyo..." udlot na sabi ni Claudia ng magsalita si Shaira.
"Hindi para sa akin iyan. Sige na mauuna na ako." sabi ni Shaira at nagmamadali itong naglakad palayo.
"Tsss. Choosy pa." sabi ni Hanna ng magmadaling umalis si Shaira na hindi tinanggap ang bulaklak, na ikinatawa ang iba habang nakatingin naman si Claudia sa bulaklak na hindi tinanggap ni Shaira.
"Sayo na iyan Claudia mas may K ka naman kaysa doon." sabi pa ni Hanna.
Napangiti si Claudia at akmang aamuyin nito ang bulaklak ng may humatak sa bulaklak na ikinatingin ng lahat.
"Sabi ko ibigay mo." sabi ni Gian Carlo na ikinatingin sa bawat isa ng mga empleyado sa reception area.
"Sir, hindi tinanggap." sabi ni Claudia.
"Kung anong inutos ko iyon ang gagawin mo." seryosong sabi ni Gian Carlo.
"Sir.." sabi ni Claudia ng biglang hugutin ng lalaki ang nametag niya.
"Sesante ka na." sabi ni Gian Carlo na ikinanlaki ng mga mata ng mga empleyadong naroroon pati ang security at utility na nakarinig sa sinabi ng Presidente ng kompanya.
"Pero sir hindi po niya tinanggap. Binigay ko naman po." sabi ni Claudia na nabigla sa sinabi ng amo.
"Kung anong inutos ko, iyon ang gagawin niyo kapag hindi niyo nagawa... umalis kayo sa kaharian ko." sabi ni Gian Carlo saka ito tumalikod at hinabol ang elevator pero napahinto ito ng sundan ito ni Claudia.
"Sir, sandali. Hindi naman po ako may kasalanan, binigay ko pero siya ang umayaw. Hindi niya tinanggap." sabi ni Claudia.
"Kung anong inutos ko gagawin niyo!" sigaw ni Gian Carlo na ikinaigtad ng lahat na ikinaatras naman ni Claudia.
"Yes Sir." sabi ni Claudia.
"Umalis ka sa harapan ko, at ayoko na kita makita." sabi ni Gian Carlo saka ito naglakad papunta sa elevator.
..............
Samantalang nagmamadali naman si Shaira na pumasok sa elevator na tila may humahabol dito.
"Uyyy. Dahan dahan naman." sabi ni Rio kay Shaira ng mabilis itong sumakay sa bukas na elevator.
"Tss. Sorry, may gagawin pa kasi ako sa opisina." sabi ni Shaira na hindi makatingin kay Rio.
"Okay ka lang?" sabi ni Rio ng makitang tila may kakaiba kay Shaira.
"Oo." sabi ni Shaira at napatingin ito kay Rio na hindi pa sinasara ang pintuan ng elevator.
"Mukhang hindi." sabi ni Rio habang pinupunasan nito ang puwesto nito ng basahan.
"Okay ako. Isara mo na." sabi ni Shaira saka nito mabilis na pinindot ang elevator na ikinanlaki ng mga mata ni Rio.
"Uyyy. Huwag." sigaw ni Rio at bago pa man iyon maisara may kamay na may hawak ng bulaklak na pumaloob sa elevator na pumigil sa pagsasara nito.
Napalunok si Shaira ng makita ang bulaklak na hawak ng isang kamay, ang bulaklak na ibibinigay kanina sa kanya ni Claudia.
"Sir. Good Morning. Hindi po ako ang nagsara." sabi bigla ni Rio ng bumukas ang pintuan ng elevator at bumungad doon si Gian Carlo na may hawak ng bulaklak.
Napaiwas ng tingin si Shaira ng hindi pinansin ni Gian carlo si Rio dahil nakatitig lang ito sa kanya.
"Para sayo." sabi ni Gian Carlo na ikinataas ng kilay ni Rio habang hawak nito ang open button ng elevator.
Umatras si Shaira ng iabot ni Gian Carlo ang bulaklak sa kanya.
"Kunin mo." sabi ni Gian Carlo.
"Ayoko." sabi ni Shaira.
"Bakit?" sabi ng binata.
"Ayoko." ulit ni Shaira.
"Bakit nga." sabi ni Gian Carlo.
Hindi sumagot si Shaira at mabilis itong lumabas ng elevator na ikinatingin ni Rio dito.
"Saan ka pupunta?" sabi ni Gian Carlo ng sundan si Shaira.
"Sir, please sumakay na kayo. Mamaya na ako." sabi ni Shaira.
"Ayoko." sabi ni Gian Carlo.
"Asar." usal ni Shaira alam niyang mangungulit ang lalaki na hindi naman niya alam kung anong nakain nito at siya talaga ang nakita nito. Mula ng makita niya ito isang linggo ang nakakaraan lagi na niya ito nakakasakay ng elevator pero hindi naman siya pinapansin nito na tila siya hangin kaya ngayon nagtataka siya kung bakit nagbago ito.
"Okay." sabi ni Shaira ng mapansin na pinagtitinginan na sila ng mga empleyado sa labas ng private elevator kung saan may sumasakay din patungo sa public elevator na katapat lamang ng pribadong elevator.
"Pasok." sabi ni Gian Carlo saka ito gumilid para makapasok muli si Shaira sa private elevator.
Napatingin si Shaira sa paligid at ng makitang bukas ang isang public elevator mabilis itong nagtungo doon na ikinasunod ng binata dito
"Sir. Aakyat na po ako." sabi ni Shaira ng sundan siya ni Gian Carlo sa loob ng public elevator.
"Ayoko." sabi ni Gian Carlo saka nito isinara ang elevator.
"Sir." sabi ni Shaira ng maisara ang pintuan.
"Tanggapin mo." sabi ni Gian Carlo saka nito inabot muli ang bulaklak.
"Sir, hindi naman po sa pag.... ano bang tawag doon. Ano kasi sir, hindi po kasi ako tumatanggap ng bulaklak saka po kasi... Sir please." sabi ni Shaira na mailang ng lapitan siya ni Gian Carlo.
"Call me Gian." sabi ni Gian
"Sir." sabi ni Shaira.
"Then I call you Shay." sabi ni Gian.
"Hahaha! Ang korny. Buweset." natawang sabi ni Shaira na para sa kanya tapos na siya sa ganoong parte ng buhay niya mula ng mabuntis siya at magkaanak.
"Bakit ka natatawa?" tanong ni Gian.
"Sir, hahaha! Nakakatawa ka." sabi ni Shaira na hindi niya akalain matatawa siya dahil hindi niya inaasahan na mangyayari pa ang ganoong eksena sa kanya. Sa edad niya at sa estado niya sa buhay.
"Anong nakakatawa?" seryosong sabi ni Gian saka nito inipit sa katawan nito si Shaira na nasukol sa elevator.
"Hahaha! Sir, gawin niyo iyan sa iba mas sweet tingnan promise. Mas nakakakilig, huwag sa akin." natatawang sabi ni Shaira na ikinakunot noo ni Gian.
"Anong masama kung bigyan kita ng bulaklak?" sabi ni Gian
"Anong okasyon at binibigyan niyo po ako ng bulaklak?" balik tanong ni Shaira.
"Gusto kita." sabi ni Gian.
"Ha?" sabi ni Shaira.
"Gusto kita makilala." sabi ni Gian.
"Sir, ako po si Shaira." sabi ni Shaira.
"Alam ko." sabi ni Gian sabay yuko nito at inilapit ang mukha kay Shaira pero nagulat ito ng tumatawa ng malakas ang babae.
"Hahaha!" reaskyon ni Shaira sabay takip sa mukha nito sa kakatawa.
"Langya, parang pelikula lang. Ang korny." sabi ni Shaira sa isip.
"Isa." inis na napipikong sabi ni Gian na nagawang ihinto ang elevator sa pagkapikon sa kakatawa ni Shaira.
"Ano po iyon Sir?" natatawang sabi ni Shaira.
"Date. Mag date tayo." sabi ni Gian na ikinatawa ng malakas lalo ni Shaira
"Hahaha. Okay ka lang Sir? Hindi ka ba pinayagan ni Sir Vladimir na pumunta sa El Casa. Kaya dito ka naghahanap ng babae?" natatawang sabi ni Shaira.
"Bakit ka ganyan magsalita?" sabi ni Gian.
"Kasi po alam kong naboboring ka." sabi ni Shaira na kahit naman mahirap siya alam niya ang kalakaran sa taas dahil ilang taon niyang naging kaibigan si Harmony kung saan mga mayayaman, kilala at matataas na tao ang nakapalibot dito.
Bukod doon lumaki siya sa entertainemnt world kung saan isa siyang alalay na nakikita ang mundo ng kaartehan, kajologan at pagpapanggap. Iyon nga lang isa siya sa nahulog sa patibong.
"Okay naboboring nga ako kasi hindi ako makapunta sa Casa kaya noong nakita kita tingin ko okay ng sayo muna ako mag-enjoy." sabi ni Gian.
"Bakit naman po sa akin?" sabi ni Shaira.
"Mukha ka kasing game." sabi ni Gian na ikinatahimik ni Shaira.
"Ah ganoon. Okay sige. Game pala ha." napangising sabi ni Shaira sa isip.
"Dating. Malay mo maging tayo nga." sabi ni Gian.
"Okay sige." nakangiting sabi ni Shaira na ikinangiti ni Gian.
"Okay. So tanggapin mo na ito." sabi ni Gian.
"Okay." sabi ni Shaira saka nito tinanggap ang bulaklak.
"So, official dating na tayo." sabi ni Gian.
"Sure." sabi ni Shaira.
"Okay." sabi ni Gian saka nito inakbayan si Shaira.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal mo." nakangising sabi ni Shaira sa isip.
Napatingin si Shaira sa lalaki, dito na rin nanggaling na naboboring ito kaya siya nakita nito kaya pagbibigyan niya ito.
Hinawakan ni Shaira ang braso ni Gian na ikinangiti ng binata saka nito pinindot ang elevator.
Wala pa sila sa kalagitnaan ng palapag ng huminto ang elevator at may mga sumakay na ikinatingin ng mga ito kila Shaira at Gian.
Hindi umimik si Shaira alam naman niyang kilala siya ng mga sumakay ng elevator na nag-oopisina sa 30th floor ng gusaling iyon.
Samantalang nanatiling nakaakbay si Gian sa inaakala nitong dalaga. Wala itong kamalay malay regarding kay Shaira.
"Halika na. Lumipat tayo sa kabila." sabi ni Gian kay Shaira ng huminto sa 15th floor ang elevator para lumipat sila sa elevator na patungo naman sa 30th floor.
"Good morning Sir." bati kay Gian ng mga empleyadong pasakay ng magbukas ang elevator sa palapag na iyon.
Hindi umimik si Gian at kahit ngiti hindi nito ginawa na ikinangisi ni Shaira.
"Suplado." sabi ni Shaira sa isip na tila nga natripan lang siya ng lalaki kaya napansin siya nito.
Hinawakan ni Gian sa baywang si Shaira at iginiya papunta sa kabilang elevator na ikinabulungan ng mga empleyado.
"Ang bilis mo naman. At saka napaka-clingy mo." bulong na sabi ni Shaira kay Gian ng hawakan siya nito sa baywang.
"Ayoko ng mabagal." sabi ni Gian na ikinatahimik ni Shaira.
"Sabagay ayoko din ng mabagal, may anak na nga ako. Biruin mo anak muna." nakangising sabi ni Shaira sa isip.
"Paano mamaya? Sabay tayo mag lunch." sabi ni Gian.
"Oo ba." sabi ni Shaira na para sa kanya isa lamang iyon tipikal na lunch. Nakarecord na kasi sa utak niya na walang seseryoso sa kanya lalo at mayaman at amo pa niya.
"Okay." sabi ni Gian saka nito inakbayan si Shaira na ikinatingin ng pasimple ng mga empleyado sa naturang elevator.
Nanatili namang tahimik si Shaira, sanay na siya sa ganoong tinginan dahil ang mga kapitbahay nila dati ganoon kung makatingin ng mabuntis siya ng walang ama. Tipong nakapatay ang kasalanan niya.
Napatingin si Shaira si Gian at sa pagbaling nito ng tingin sa binata nagulat ito ng bahagya ng nakatitig sa kanya ang binata at hindi niya alam kung kanina pa ito nakatitig sa kanya.
"Bakit?" sabi ni Shaira.
"Wala lang." sabi ni Gian ng makaramdam ng kakaiba kanina pa mula ng akbayan niya at hawakan sa baywang si Shaira.
"Salamat sa bulaklak." sabi ni Shaira sabay amoy sa bulaklak na ikinangiti ni Gian.
Napatingin muli si Shaira sa numero ng elevator kung nasaan na sila at ilang sandali lang huminto na iyon sa 30th floor.
"Halika na." sabi ni Gian ng paunahin sila ng mga empleyado sakay nun na lumabas ng elevator.
Napangiti si Shaira, ilang taon niyang hindi naranasan ang ganoong paggalang.
Bago pa siya nabuntis nagkaroon naman siya ng nobyo, may artista pa nga at lahat ng iyon naging smooth ang relasyon niya. May paggalang, siguro dahil hindi naman siya liberated na babae. Hindi siya iyong tipong kumakama kapag may relasyon pero ng mabuntis siya nagbago ang tingin sa kanya ng lahat pati ng mga dati niyang naging nobyo. Pagbabagong hindi niya ginusto pero naganap. Isang pagkakamaling naging tama sa kanya ng masilayan niya ang anak niya.
"Dito na ako." sabi ni Shaira ng makalabas sila ng elevator ni Gian.
"Ihahatid na kita." sabi ni Gian.
Napangiti si Shaira dahil pakiramdam niya Prinsesa siya, iyong tipong sa kanya umiikot ang lahat para sa lalaking nasa harap niya pero muli napangisi siya dahil alam niyang dala lang iyon ng kuryusidad sa kanya.
"Hahaha!" natawang reaksyon ni Shaira.
"Asar Bakit ka ba natatawa?" sabi ni Gian.
"Wala lang. Ang bilis mo kasi, parang kakikita lang natin, tapos nagpakilala ka... ahmm hindi nga eh kasi hindi ka naman nagpakilala nagbigay ka kaagad ng bulaklak. Hahaha! para kang timang. Hahaha." natawang sabi ni Shaira.
"Para mas maraming saya." sabi ni Gian.
"Anong saya?" sabi ni Shaira.
"Sayo at sa akin." sabi ni Gian saka nito mabilis na dinampian ng halik sa labi si Shaira na ikinatingin ng lahat sa kanila.
Napalunok si Shaira habang napatitig ito kay Gian. Ilang taon ng walang humahalik sa kanya mula ng mabuntis siya o mula ng maibigay niya ang lahat sa ama ng anak niya.
"Kita mo, para masaya agad. Huwag kang mag-alala, masaya akong kasama." sabi ni Gian na ikinatitig ni Shaira sa lalaki dahil pakiramdam niya escort ang tingin sa kanya ng binata.
"Okay." naibulalas na sabi ni Shaira.
"Tingnan natin." sabi ni Shaira sa isip.
"Okay. Paano mamaya? Lunch date tayo." sabi ni Gian saka nito niyakap si Shaira kahit na maraming tao sa lugar na iyon.
"O----okay." sabi ni Shaira.
Bumitaw si Gian saka ito ngumiti bago tumalikod at umalis sa lugar na iyon.
Napahingang malalim naman si Shaira dahil sa mabilis na naganap.
..........
July 15, 2022 5.51am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top