Kabanata 17 : Aruga


Kabanata 17 : Aruga

Hours Later


"Good morning, President." sabi ng mga empleyado na ikinatingin ng pasimple ni Shaira at ng makita ang oras sa laptop niya napakunot noo ito dahil alas singko na ng hapon.

"Ano kaya minimiting nito?" nagtatakang tanong ni Shaira sa isip dahil kung tutuusin uwian na ng mga empleyado ng dumating pa si Gian.

"Si Shaira?" tanong ni Gian sa isang staff na ikinaiwas ng tingin ni Shaira at nagkunwaring nagtitipa sa laptop nito.

"Nasa mesa niya po Sir." sabi ng staff na ikinatingin ni Gian sa puwesto ni Shaira

"Sabihin mo pumunta sa opisina ko." sabi ni Gian.

"Yes Sir." sabi ng staff saka tumalikod si Gian at pumunta sa opisina nito.

"Maam Shaira, hinahanap po kayo ni Presidente GCC pumunta daw po kayo sa opisina niya." sabi ng staff ng makalapit kay Shaira.

"Okay." sabi ni Shaira.

Tumayo si Shaira at tulad ng dati pasimpleng nakatingin sa kanya ang lahat ang kaibahan nga lang wala ng nagsasalita o wala na siyang naririnig na mga komento sa mga ito na alam ng mga ito na ikakatanggal nila sa trabaho.

"Sa wakas walang violent reaction mula sa lahat." nakangiting sabi ni Shaira sa isip.

Pinatay muna ni Shaira ang laptop niya at kinuha ang cellphone niya saka ito umalis at nagtungo sa opisina ni Gian.

Habang naglalakad na si Shaira napatingin ito sa cellphone niya, dahil kanina pa nagtetext si Franco at nagtataka siya ang sinasabi lang naman nito ay okay ito at nasa maayos na kalagayan. Hindi naman kasi ganoon magtext ang anak, kalimitan nagtatanong ito sa kanya kung okay siya pero ngayon ito ang nagsasabi na okay ito. Na tila binabalita ng anak ang kalagayn nito kada oras.

"Pumasok ka na lang." sabi ng secretary ni Gian ng dumaan sa harapan nito si Shaira na nakatungo at nagtetext na naman na ikinailing na lamang ng secretary ni Gian.

Hindi naman narinig ni Shaira ang sinabi ng secretary ni Gian, dere-deretso ito naglakad at binuksan ang pintuan habang nagtitipa sa mumurahin niyang cellphone.

Pagbukas naman ng pintuan napatingin si Gian dito pero napakunot ang noo nito ng nakayuko si Shaira at nagtitipa na naman sa cellphone nito na mumurahin.

"Kumain ka na kaya?" sabi ni Shaira na napalakas ang sabi.

"Aissst. Ano ba itong cellphone na ito hindi ako sanay pindutin. Hahaha! Akala ko touchscreen." natawa pang sabi ni Shaira, ng mabasag kasi at masira o tuluyang namaalam ang cellphone niya bumili lang siya ng hindi touchscreen na cellphone o android, old school ika nga iyong may keypad na literal at may snake pang laro.

Nanatiling nakatingin si Gian kay Shaira ng matawa pa ang dalaga sa cellphone nito na ikinangisi ni Gian dahil si Shaira na lang yata ang nakikita niyang gumagamit ng ganoong klaseng cellphone.

"Aissst! Ano ba iyan napindot ko na naman ang screen. Sabi ng hindi ka touch screen." inis na sabi ni Shaira ng biglang matigil ito ng may maalala.

"Arhhm." tikhim ni Gian na ikinalunok ni Shaira habang nakayuko ito at hawak ang cellphone niya.

"Oh God nasa loob na pala ako ng opisina niya." sabi ni Shaira sa isip ng marinig ang tikhim ni Gian.

Dahan-dahan tumingin si Shaira at napangiti ito ng makita si Gian na nakatingin sa kanya ng seryoso.

"Good evening, Sir." nakangiting sabi ni Shaira sa among nakaupo sa silya nito at nakasandal roon.

"Second warning." seryosong sabi ni Gian na ikinalunok ni Shaira.

"Isa na lang." sabi pa ni Gian na ikinatango ni Shaira.


"Sorry po."
sabi ni Shaira sabay tago ng cellphone sa bulsa nito.

"Maupo ka." sabi ni Gian.

"Yes Sir. Thank you." sabi ni Shaira. Lumapit ito at naupo sa silya sa harap ng mesa ni Gian.

"Tutal may second warning ka, isasama ko na sa trabaho mo ang parusa mo." sabi ni Gian.

"Ano po iyon?" mahinang sabi ni Shaira sabay hawak sa ID niya sa takot na baka kunin ni Gian.

"Twelve hours na ang pasok mo araw-araw." sabi ni Gian na ikinagulat ni Shaira.

"Po? Ano ito factory?" nabiglang sagot ni Shaira na ikinaseryoso ng mukha lalo ni Gian kaya natahimik ang dalaga.

"Hindi nga ito factory pero sa ginagawa mo pagcecellphone tingin ko sa walong oras mong trabaho at dalawang oras na OT sa araw-araw kalahati roon napupunta sa pagcecellphone mo." sabi ni Gian.

"Kalahati talaga? Grabe naman ito ibig sabihin five hours ang ninanakaw ko daw sa kompanya niya. Eh, kakatingin ko lang ng cellphone ko at naglalakad naman ako. Tssss. Hindi naman ako nagcecellphone ng hindi break. May pagkagagsi din ang lalaking ito" bubulong bulong na sabi ni Shaira.

"Anong sabi mo?" sabi ni Gian ng bubulong bulong ang dalaga, na ikinailing ni Shaira.


"Wala po."
sabi ni Shaira na todo iling.

"Lakasan mo ng marinig ko naman." sabi ni Gian.

"Wala po Sir, masakit lang ang panga ko at ini-exercise ko lang po." sabi ni Shaira.

Napangisi si Gian at napailing ito saka nito kinuha ang folder sa drawer nito at inilapag sa harap ni Shaira.

Napatingin si Shaira sa folder pero hindi niya iyon hinawakan.

"Kunin mo, basahin mo tapos gawin mo." sabi ni Gian.

Kinuha ni Shaira ang folder at binuklat iyon saka pahapyaw na binasa.

"Magkakaroon ng job fair ang kompanya, kasama ng ibang company at isa ka sa ipapadala ko para mamili ng puwedeng maging empleyado ng telecome." sabi ni Gian.

Napalunok si Shaira dahil hindi lang basta Job Fair ang nakalagay doon tila iyon isang business trip at sa malayong lugar.

"Sir, ahhmm." sabi ni Shaira sabay tingin kay Gian.

"Bakit?" sabi ni Gian na inaasahan na niyang tatanggi si Shaira.

"Puwedeng iba na lang po. I mean, hindi naman kasi ako recruitment specialist na nakabase sa empleyado na nasa mataas na katungkulan o kahit staff. Ang hawak ko po ay mga Utility or Maintenance Personnel ng kompanya, mga janitor, operator mga ganoon po. So, baka puwede ang ipadala niyo iyong nasa tamang puwesto." sabi ni Shaira.

"Mas marunong ka pa sa akin. Ikaw ba ang amo?" seryosong sabi ni Gian na ikinamula ng mukha ni Shaira sa pagkapahiya.

"Hi-hindi naman po." napayukong sabi ni Shaira na ikinangisi ni Gian.

"Asar! Hindi ko na nga nakakasama ang anak ko tapos aalis pa ako ng three days, tapos sa El Paradiso pa ako pupunta." sabi ni Shaira sa isip

Nakatitig si Gian sa dalaga, nababasa niya ang nasa isip nito o isa lang naman iyon at iyon ang anak nitong si Franco na maiiwan nito.

"Sa Lunes na iyan, at sa Sunday kasama ang ibang nakatokang empleyado diyan sa event aalis tayo." sabi ni Gian na ikinatingin muli ni Shaira dito.

Napahingang malalim si Shaira saka ito muling nagsalita.

"Sir, kasi po may anak ako at hindi ko iyon maiiwan. Iniiwan ko na nga tuwing umaga tapos ngayon tatlong araw pa. Baka naman po puwedeng iba na lang." sabi ni Shaira na bakas ang pag-aalala.

"Isama mo." biglang sabi ni Gian na ikinabuntung hininga ni Shaira dahil ayaw ni Franco sa El Paradiso kaya nga sila umuwi dahil laging nakikipag-away ang anak niya sa mga kabataan roon. Hindi rin nakikipag-usap sa grupo ng mga anak ng grupo ni Autumn ang anak niya dahil naiilang ito.

"Sir, hindi niya kasi gusto doon." sabi ni Shaira.

"Trabaho iyan hindi naman puwedeng ipasa mo sa iba lalo na at ikaw ang nakatoka diyan." sabi ni Gian.

Napatingin si Shaira sa folder ng muling magsalita si Gian.

"...lahat ng pabor nasa sayo sa kompanyang ito. Kung tutuusin hindi ka qualified sa puwesto mo base sa nakita kong record mo at educational background mo kahit mga job experiences mo hindi tugma sa trabaho mo kung nasaan ka ngayon." sabi ni Gian.

Napangisi si Shaira alam naman niya iyon kaya napahingang malalim ito saka nagsalita

"Iyon naman po pala Sir, so bakit kasali ako sa ipapadala mo?" sabi ni Shaira

"Dahil gusto ko makita kung bakit inilagay ka diyan ni Autumn." sabi ni Gian

Hindi nakapagsalita si Shaira dahil alam niyang marami naman talagang nagdududa sa kanya at kay Autumn. At alam din niyang mas inaasahan ng mga tao o nasa isip ng mga tao na sa El Casa siya nababagay magtrabaho.

"Tatlong araw lang iyan at mukha naman malaki na ang anak mo na puwede mo ng iwan." sabi ni Gian na ikinatingin ni Shaira dito.

Hindi nagkomento si Shaira, hindi niya masasama ang anak pero nakikita naman niyang kaya na nga nito mag-isa iyon nga lang tatlong araw iyon na puwedeng maraming mangyari.

"Umalis ka na, sa Linggo aalis tayo kasama ang iba." sabi ni Gian.

Napatango ni Shaira dahil gustuhin man niya magresign at tanggihan ang trabaho hindi naman puwede dahil wala siyang mahahanap na trabaho, na kung si Kyla nga college graduate at naging supervisor ng Casa nauwi sa pagiging operator at janitress lang.

Eh, siya pa kaya na highschool grad lang at kakaisang taon lang yata niya sa kompanya kung nasaan siya ngayon nagtatrabaho, at isa pa kapag nagresign siya baka paalisin din sila ni Franco sa C-Tower at kapag nangyari iyon mas mahihirapan siyang bantayan ang anak o kapag bumalik sila sa lugar na maaaring ikapariwara at ikapahamak ng anak niya.

"You may go." ulit ni Gian kay Shaira ng tahimik lang ang dalaga at halatang nag-iisip ito kung saan o kanino... siyempre sa anak nito na sumakop na naman sa isip ng Shaira.

"Okay, thank you Sir." mahinang sabi ni Shaira saka ito tumayo hawak ang folder at umalis.

.....................

Hours later

C-Tower Manila

"'nay nakapagluto na po ako. Natutulog na rin si Diggie." sabi ni Franco ng bumungad ang ina sa pintuan ng unit nila.

Napatingin si Shaira sa anak saka siya napangiti dahil mula ng may bago itong aso naging masayahin ito uli na ayaw na niyang mawala sa mukha at labi ng mga anak. Ang kasiyahan na lagi niyang pinanabikan makita kaya nagmamadali siya lagi umuwi sa bahay.

"Niluto ko po iyong chicken, kaya fried chicken ang ulam natin." sabi ni Franco na ikinakunot noo ni Shaira sa pagtataka.

"Marunong ka na magluto? Iyong kalan nasara mo ba? Iyong mantika hindi ka ba natalsikan?" sunod sunod na tanong ni Shaira sabay check sa buong katawan ng anak.

"Hahaha! Si Nanay talaga. Okay po ako, marunong na po ako." sabi ni Franco.

"Sino nagturo sayo?" sabi ni Shaira dahil wala nga siyang oras turuan si Gian sa pagbukas man lang ng kalan at ayaw din naman kasi niya at baka makasunog sila ng building o unit.

"Si Kuya Carlo." sabi ni Gian na ikinakunot noo lalo ni Shaira.


"Carlo? Sino iyon?"
sabi ni Shaira.

"Iyong kaibigan ko po." sabi ni Franco sabay iwas ng tingin kay Shaira.

Napatitig si Shaira sa anak kapag umiiwas ng tingin si Franco ibig sabihin nun ayaw nito pag-usapan o dapat tigilan niya ang pagtatanong at kung hindi niya gagawin hindi na ito magsasalita. Kaya naman napahingang malalim si Shaira saka muling nagwika.

"Mabait ba siya? Baka mapahamak ka o baka saktan ka niya?" sabi ni Shaira na nasa isip kaedaran ng anak si Carlo dahil bukod sa kanila may mga nakatirang empleyado sa ibang palapag, mga empleyado ang mga iyon sa kompanya ng mga Cheung na may-ari ng C-Tower kung saan sila nanunuluyan ngayon ni Franco. May mga katulad siya na single mother na doon din nakatira ang mga anak.

"Hindi po ako mapapahamak, mabait po siya." sabi ni Franco.

"Anak." sabi ni Shaira na naudlot ang pagsasalita ng lumapit na sa mesa si Franco

"Kain na po tayo, tikman niya ang niluto ko." sabi ni Franco na halatang iwas na ito magkuwento.

Napatango na lamang si Shaira dahil habang lumalaki si Franco may mga bagay na inililihim ito na kinakatakutan ni Shaira at ayaw naman niyang lumayo ang loob ng anak niya sa kanya lalo na at lalaki ito na mas kailangan nito ang agapay ng isang ama na hindi niya mabibigay.

Naupo si Shaira sa harap ng mesa at ganoon din si Franco. Napangiti pa si Shaira ng yumuko ang anak para magdasal at matapos iyon saka sila kumain.

"Kain na po tayo." nakangiting sabi ni Franco.

"Okay anak, kain na tayo." nakangiting sabi ni Shaira saka nagsimulang kumain ang mag-ina.

Lihim na pinagmamasdan ni Shaira ang anak, masigla itong kumain at halatang masaya ito.

"Sino kaya iyong Carlo?" kuryusidad na sabi ni Shaira sa isip habang nakatitig sa anak.

"Napasaya ka niya, okay kaya siya. Hindi ka kaya mapahamak sa kanya." sabi pa ni Shaira sa isip.

...................


July 20, 2022 9.29am

Fifth Street

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top