Kabanata 16 : Perfect and Imperfect
Kabanata 16 : Perfect and Imperfect
Canmore Tower
Hours later
"Nakita mo ba si President GCC?" mahinang tanong ni Rio kay Shaira ng hapong iyon habang sakay siya ng elevator.
"Hindi." napailing na sabi ni Shaira.
"Hindi siya pumasok?" sabi ni Rio.
"Hindi ko alam." sabi ni Shaira dahil hindi naman din niya napansin ang binata at saka hindi rin niya nakasabay sa elevator kaninang umaga ang binata na para sa kanya hindi niya trabaho pakialaman kung nasaan ito.
"Tsss. Saan kaya iyon?" sabi ni Rio na ikinakibit balikat ni Shaira kaya hindi na ito nagsalita pa.
Nang makarating si Shaira sa unang palapag at mabuksan ang pintuan ng elevator agad siyang lumabas.
"Uy, ingat ka sa pag-uwi." sigaw pa ni Rio na ikinangiti ni Shaira
"Ikaw din." sabi ni Shaira.
"Hala! Parang nagpapasuso lang ng anak, kung makapamadali umuwi parang sampu ang sanggol sa bahay na padededein." naiiling na sabi ni Rio sa isip habang nakatingin kay Shaira na lakad takbo ang ginagawa.
....................
2hours later
C-Tower, Manila
"Nay!" sigaw ni Franco na ikinalingon ni Shaira.
Sa park si Shaira dumadaan sa may likod ng gusali para masilip o macheck niya kung nandodoon si Franco, doon kasi tumatambay ang anak niya at nagbabakasakali siyang naroroon ito kapag umuuwi siya dahil wala naman itong kasama sa unit nila.
"Uyyy." nagulat na sigaw ni Shaira ng may mahihinang tahol na lumapit din sa kanya habang papalapit sa kanya si Franco at tumatakbo ito.
"Hahaha. Diggie si nanay iyan." masayang sabi ni Franco na ikinatingin ni Shaira sa tuta na puti, na kung tumahol halatang baby pa.
"Saan mo nakuha iyan? Napulot mo?" nagtatakang sabi ni Shaira kay Franco habang nakatitig siya sa tuta na naglalaro at nagpapakagulong sa damuhan ng park.
"Hahaha! Inampon ko po, galing siya sa dog organiztion na namumulot ng mga asong gala at sumasagip sa kanila." masayang sabi ni Franco na ikinangiti ni Shaira ng makita ang kakaibang saya sa mukha ni Franco.
"Baby pa iyan? Kumain na ba iyan? Baka hinahanap iyan ng nanay niya." sabi ni Shaira
"Pinadede ko na siya nanay, marunong na siya dumila ng milk sa lalagyanan niya at wala na po siyang nanay kaya akin na siya." sabi ni Franco sabay karga sa tuta na nilalaro ang paa nito kanina pa.
"May bakuna na ba iyan?" tanong ni Shaira
"Meron na daw po, kahit baby pa ito. Pero kulang pa kaya puwede po ba patingnan natin uli sa vet?" masayang sabi ni Franco
"Oo naman." sabi ni Shaira
"Bukas po?" sabi ni Franco na ikinatahimik ni Shaira dahil may pasok siya sa opisina bukas.
Napatigil naman si Franco sa nasabi.
"Ahh, may pasok po pala kayo. Hmmn! Sige kahit sa Sabado na lang po ng hapon pag-uwi niyo." sabi ni Franco na ikinangiti ni Shaira.
"Sige pero huwag mo muna siya masyado ilalabas kasi baka magkasakit siya, wala pa siyang proteksyon." sabi ni Shaira.
"Sige po. O kaya po oorasan ko na lang ang paglabas po namin... hmmmn mga isang oras okay na po ba 'yon?" sabi ni Franco.
"Oo, okay iyon." masayang sabi ni Shaira.
"Halik ka na po nay. Akyat na po tayo." sabi ni Franco na muling ikinatangiti at tango ni Shaira.
.....................
Days later
Canmore tower
"May event ba ang kompanya? Or may mga bisita o bagong product?" sabi ni Rio ng umagang iyon habang sakay sila ni Shaira sa elevator pataas.
"Wala naman." sabi ni Shaira.
"Nakikita mo pa ba si President?" tanong muli ni Rio
Hindi umimik si Shaira ilang araw na rin niya napapansin na hindi ito pumapasok pero ayon naman sa mga nasasagap niyang balita may meeting ito lagi sa labas ng opisina.
"Baka ikakasal na, busy eh." sabi pa ni Rio na ikinatingin ni Shaira dito.
"Siguro." sabi ni Shaira na sa loob niya bahagya siyang nasaktan na hindi niya alam kong bakit.
"Ganoon kasi kapag kinakasal ang mayayaman o naghahanda sa kasal, kunwari meeting, busy pero makikita mo tapos ng ikasal." sabi ni Rio.
"Personal na buhay niya iyon na hindi natin sakop." sabi ni Shaira.
"Sabagay, pero si Franco kamusta?" tanong ni Rio na ikinangiti ni Shaira.
"Okay naman siya, may napulot siyang tuta at iyon busy siya sa bahay." sabi ni Shaira
"Talaga? Ayos ha. Sa C-tower vicinity niya napulot?" tanong ni Rio.
"Siguro, hindi ko na tinanong kasi baka maalala pa niya pa si Doggo. Iwas akong kausapin siya at magtanong na ikakalungkot niya. Sa ngayon mas okay na siya ang kusang nagkukuwento tapos ako makikinig lang at magtatanong ng iwas sa mga bagay na magpapaalala sa kanya sa maungkot na pangyayari sa buhay niya.. namin." sabi ni Shaira
"Sabagay, kahit ako ganoon ang gagawin ko. Tsss. Mahirap na nga tayo, malungkot pa tayo. Ano iyon? Lahat nasa atin ang hirap, kaya no no no dapat maging masaya tayo." sabi ni Rio na ikinangiti ni Shaira.
"Tama. Sa Sabado nga dadalhin namin sa vet si Diggie, iyong tuta niya, kaya excited ako." sabi ni Shaira
"Okay iyan dapat maging masaya habang bata pa si Franco at ikaw din. At masaya ako para sa inyo, kaya huwag ka ng iiyak oras na para magsaya naman." sabi ni Rio na ikinatango ni Shaira.
..................
C-Tower. Manila
"Handa ka na?" tanong ni Gian kay Franco ng araw na iyon ng hintayin niya ito sa baba ng C-Tower.
"Alas otso pa lang po, bukas na po ba iyon?" tanong ni Franco.
"Oo. At kung hindi naman kumain muna tayo." sabi ni Gian.
"Nakakahiya." sabi ni Franco habang hawak nito ang tuta na bigay ni Gian.
Napangiti naman si Gian, ilang araw na niya pinupuntahan si Franco at enjoy naman siya kasama ito. After kasi ng meeting niya sa C-Tower pinupuntahan niya ito sa park kung saan nilalaro nito ang tuta na binigay niya dito.
"Nahiya ka pa? Ilang araw na tayo naglalaro, iyong tuta mo nga kilala na ako." sabi ni Gian sabay haplos sa ulo ng tuta na kumakawag ang buntot sa kanya.
"Sasamahan mo na nga po ako, lilibre mo pa ako." sabi ni Franco.
"Hahaha! Sino may sabi ililibre kita? Ikaw nga ang sasamahan ko kaya ako ang ililibre mo at pakakainin." sabi ni Gian, na para maalis ang pagkailang ng bata kailangan niyang bumaba sa level nito.
"Hahahaha! Ang kapal ko. Oo nga naman. Sige po may pera naman ako dito pero po ang ililibre ko sayo iyong kaya ko lang po bilhin." sabi ni Franco.
"Oo ba." sabi ni Gian na napangiti dahil habang tumatagal napapalapit siya sa bata, kakaiba kasi ito. Siguro dahil kailangan nito ng atensyon na hindi ito makakaisip ng bagay na ikakapahamak nito.
"Halika na po." sabi ni Franco pero akmang maglalakad ito ng muli itong mapahinto.
"Bakit?" sabi ni Gian.
"Kuya Carlo, hindi ko po alam saan may vet?" sabi ni Franco.
"Hahaha! Ako ng bahala basta pakainin mo muna ako dahil hindi pa ako nag-uumagahan." sabi ni Gian.
"Okay sige po." masayang sabi ni Franco saka nito hinawakan sa kamay si Gian habang ang isang kamay nito ay karga ang tuta.
Napatingin si Gian sa batang lalaki ng hawakan nito ang kamay niya. Bumalik na ito sa pagkabata na ikinangiti niya. Ang batang una niyang nasilayan sa C-Tower na naghihintay sa ina nito. Kabataang hindi muna dapat tanggalin sa edad ni Franco.
"Saan mo ako papakainin?" sabi ni Gian habang hawak siya ni Franco.
"Secret po, baka kapag sinabi ko umayaw ka po." natawang sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian.
Naglakad ang dalawa at ilang minuto lang huminto si Franco sa isang gotohan na nasa gilid ng daan sakay ng pedicab.
"Masarap po dito. Nakakain na po ako dito." sabi ni Franco kay Gian sabay order nito.
Napatingin si Gian sa nagtitinda at mga kumakain, mga construction worker ang mga kumakain, mga deliveryman na nakasuot pa ng mga uniporme at nakapark ang motor sa gilid ng kalye. Ang tindahan gawa sa bisikletang nilagyan lang ng pedicab na pinataas ng bahagya. May niluluto sa isang malaking kaldero at sa tabi nun may mga plato, kutsara o mga kasangkapan na nakikita naman niya sa bansa niya iyon nga lang kakaiba iyon dahil kakaiba ang pagkain.
"Dalawang goto po." sabi ni Franco sa tindero na agad itong binigyan. Pumuwesto ang batang lalaki sa tila mesa na nakadikit sa palibot ng pedicab, iyon nga lang nakatayo lang sila.
"Kuya Carlo, kain na po tayo." sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian saka ito lumapit
Pinagtitinginan si Gian ng mga kumakain naka-Amerikana pa kasi ito at halata namang mayaman ang binata. Sa kutis, porma, amoy at itsura na hindi nga maitatangging hindi siya Pinoy kaya naman lahat ng mata nasa kanya.
"Kuya Carlo, mababait sila lagi ko po sila kasama kumain dito. Ginagawa nila iyong tower sa Blaze Hotel tapos iyong iba po mga food rider." nakangiting sabi ni Franco kay Gian
"Mukha naman mababait." nakangiting sabi ni Gian na ikinangiti ng mga kumakain roon.
"Malinis po dito kuya Carlo, kahit mukhang dugyot si kuyang tindero." sabi ni Franco na ikinatawa ng lahat at ng tindero na suki na ang batang lalaki.
"Hahaha! Lokong bata." sabi ng tindero.
"Mababait sila kahit pitikin mo pa ang mga ilong nila." sabi pa ni Franco na ikinatawa muli ng mga taong kumakain roon.
"Ikaw talaga. Kain na tayo." sabi ni Gian. Kumuha ito ng kutsara pero napatigil ito ng magsalita ang tindero
"Sir, ito na lang po disposable spoon para mas okay po sa inyo." sabi ng tindero.
"Salamat." sabi ni Gian na napangiti dahil nakuha niya ang sinabi nito, mas okay nga naman ang disposable spoon at fork sa maselan na tulad niya dahil walang bibig na gumamit at sumubo doon.
"Okay sila dito, hindi ka nila sasabihan ng maarte at maselan. Alam nila ang pangangailangan ng customer nila may mga kumakain din po kasi dito na tulad mo. Iyong sixtuplets kumain na po dito at..." udlot na sabi ni Franco ng may maulinigan ito.
"Naabutan natin." sabi ni Laszlo na nakasuot pa ng jersey uniform nito.
"Alas otso, mabuti na lang." sabi ni Otto saka ito pumuwesto na agad binigyan ng tindero ng goto ang anim na binata.
Napatingin si Gian sa anim na binata na magkakamukha.
"Sila po iyong sixtuplets na ikukuwentao ko po sana sa inyo." bulong ni Franco kay Gian.
"Kuya, amin na iyan tapos umuwi ka na." sabi ni Viggo sa tindero habang nakatingin si Viggo sa isang malaking kaldero na nangalahati na ang laman.
"Salamat." masayang sabi ng tindero.
"iyong puto kuya iwan mo kukunin din namin." sabi ni Ezio habang nakamasid lamang si Gian sa anim na binatilyo.
"Kuya punuin mo ang mangkok ko." sabi naman ni Rollo na nakapuwesto na para kumain.
"Ako sa kaldero mo ilagay. Hahaha!" natawang sabi ni Shiloh na ikinangiti ng lihim ni Gian dahil sa anim ito lang ang may dimples.
"Anak po sila ni Atty Wine Lopez, kilala niyo po iyon." sabi ni Franco kay Gian.
"Oo." sabi ni Gian dahil abogado si Wine ng kompanya pero ang hindi niya alam ang tungkol sa buhay nito hindi naman siya kasi umaalam ng buhay ng bawat nakikilala niyang tao.
"Uy Shiloh. Magtira ka." sabi ni Laszlo sa kapatid, ng si Shiloh ang sumandok sa malaking kaldero ng goto at inilipat iyon sa maliit na kaldero kung saan kakain si Shiloh.
"Hahaha! Nagugutom ako ang tagal ka namin hinintay." sabi ni Shiloh sabay subo nito pero napabaling ang tingin nito kay Franco na ikinatigil nito sa pagkain.
"Hi kuya." sabi ni Franco ng tingnan siya ni Shiloh.
"Uyyyyy! May tuta." sabi ni Shiloh na ikinatingin ng mga kapatid nito kay Franco.
"Wow! May tuta ka na." sabi ni Otto kay Franco sabay lapit dito at kinuha ang tuta na kumawag ang buntot.
"Bigay po sa akin." sabi ni Franco.
"Aissst! Bibigyan ka sana namin, naunahan kami. Sino ba nagbigay sayo?" sabi ni Viggo ng makalapit din ito at kargahin ang tuta.
"Si Kuya Carlo." sabi ni Franco na ikinatingin ng sixtuplets sa kasama ni Franco
"Sino ka?" sabi ni Ezio kay Gian sabay tingin nito mula ulo hanggang paa kay Gian.
"Mafia ka?" sabi naman ni Rollo kay Gian, na ikinatawa ng mga kumakain at tindero.
"Saan mo ipagbebenta ang bata?" sabi pa ni Viggo na muling ikinatawa ng mga kumakain.
"Hahaha! Mga kuya kapatid siya ni Sir Vladimir." sabi ni Franco na ikinatitig ng malapitan ng sixtuplets kay Gian.
Napangisi si Gian magkakamukha ang anim at ngayon lang niya napansin na hawig nga ito kay Wine.
"Kumain ka na?" tanong ni Shiloh kay Gian
"Kakain pa lang." sabi ni Gian.
Napangisi si Shiloh sa sinabi ni Gian.
"Kumain ka na tapos para close close tayo uubusin natin iyong goto." sabi ni Shiloh na ikinatingin ni Gian dito dahil ubos na agad ni Shiloh ang goto na sinandok nito kanina sa maliit na kaldero.
"May sawa ba iyang katawan mo?" sabi ni Gian na hindi na dapat siya magtaka kung mabilis kumain si Shiloh, dahil malalaking bulas ang anim kahit nasa itsura ng mga ito na nasa age pa ng kabataan ang mga ito.
"Huwag ka ng magtanong. Kumain na tayo. Tapos kapag close close na tayo, ipasyal mo kami sa King's Palace tapos magpaparty ka sa Gintong Bulwagan." sabi ni Shiloh na ikinatawa ng limang kapatid nito ng maaalala ang kinuha nilang ginto sa lugar na iyon.
"Hahaha! Damihan mo ang mga bisita sa closeness celebration natin pero kung gusto mo naman buong grupo namin sapat na tutal marami kami mula kila lolo Orion." sabi ni Laszlo na ikinatawa ng limang kapatid nito.
"Hahaha! Baliw dapat may kasama tayo para hindi halata ang krimen." natawang sabi ni Otto na ikinatawa muli ng lima habang nakatingin ang lahat at si Gian sa mga ito na pare-pareho kahit tumawa.
"Oo nga ' no. Sige mag-imbita ka kahit buong isla papuntahin mo." sabi ni Laszlo na ikinatawa ng lima.
"Mga kuya pakainin po muna natin si Kuya Carlo." sabi ni Franco.
"Ah, oo nga 'no. Sige." sabi ni Shiloh at natawa ang lahat bukod kay Gian ng kumuha si Shiloh ng isang maliit na kaldero at inilagay doon ang pagkain ni Gian at dinagdagan pa iyon na halos ikapuno ng kaldero.
"Hahaha! Baka tumaba iyan." natawang sabi ni Ezio.
"Mr Carlo kainin mo ito kapag naubos mo iyan, close close na tayo at may privilege ka ng makadaupang palad sa grupo naming mga guwapo." sabi ni Shiloh na ikinatawa muli ng lahat.
Napatingin si Gian sa kaldero mabango naman ang amoy ng goto kaso marami iyon at hindi siya ganoon kalakas kumain.
"Kumain ka na po kasi makukulit sila kapag hindi napagbigyan lalo." sabi ni Franco kay Gian.
"Kain." sabi ni Laszlo saka bumalik ang anim sa puwesto at nagsimulang kumain na ikinatingin ni Gian sa sixtuplets dahil maganang kumain ang anim na tila hindi mayayaman ang mga ito sa paraan kung paano kumain habang nakikipag-usap pa sa mga customer doon.
Ilang sandali pa natahimik ang lahat ng may lumapit sa mga ito.
"Kuya, palimos." sabi ng batang babae na ikinatingin ng sixtuplets dito.
"....pahinging piso." sabi ng batang babae na ikinangisi ni Shiloh.
"Langya, kapatid ni Peso." biglang sabi ni Shiloh na ikinatawa ng limang kapatid nito.
"Hahaha! Baka anak niyo." sabi ni Rollo kay Shiloh.
"Siraulo!" sabi ni Shiloh pero muling natawa ang lahat ng bumaling ng tingin si Shiloh sa batang babae at sumeryoso ito.
"Bakit ka nandito anak?" sabi ni Shiloh na muling ikinatawa ng limang kapatid nito ng makuha pang kunin ni Shiloh ang panyo at pinunansan ang mukha ng batang babae.
"Hahahahaha! Baka may paparazzi dito at maniwalang anak mo iyan." sabi ni Laszlo kay Shiloh.
"Hahaha! Halika dito, tutal ikaw ang sikat na player ikaw magpunas sa anak niyo ni Peso." malakas na sabi ni Shiloh na sinasadya nitong lakasan ang sinabi.
"Siraulo may makarinig sayo." sabi ni Laszlo sa kapatid na ikinatawa ng limang kapatid nito habang nakamasid lang si Gian sa kaguluhan ng anim.
"Kumain ka lang po, magugulo sila. Nakilala ko sila sa El Paradiso at ganyan talaga sila iyong tipong iyong inis mo, galit mo at lungkot mo walang puwang sa isip mo kapag sila ang kasama mo kasi ang gulo nila sa utak." sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian.
"Sayo na ito." sabi ni Viggo sa batang babae ng ibigay dito ang isang supot na may lamang goto.
"Salamat po." sabi ng batang babae.
"Sabihin mo sa nanay mo, maligo na at uuwi na si tatay pagkatapos ko gumawa ng building na iyon." sabi ni Shiloh sa batang babae sabay turo sa Blaze Hotel na ginagawa ang gusali.
"Hahaha! Baka maniwala iyan." sabi ni Otto na ikinatawa ng limang kapatid nito at mga customer.
"Salamat po mga kuya." sabi ng batang babae.
"Kumain ka ng marami at magsipilyo ka para hindi ka matulad sa nanay mo." nakangising sabi ni Shiloh na muling ikinatawa ng limang kapatid nito.
"Opo." sabi ng batang babae saka ito yumuko at nagpasalamat uli.
"Uyyy, pambaon mo." sabi ni Rollo sabay suksuk sa bulsa ng batang babae.
"Magkano binigay mo?" sabi ni Lazlo.
"Pipti. Hahahaha!" natawang sabi ni Rollo.
"Langyang pipti yan nagmumulto pa rin. Hahaha!" sabi ni Ezio.
Habang nakamasid si Gian kumakain ito at hindi nito namalayan na naubos nito ang goto sa isang maliit na kaldero.
"Uyyyy, tapos na rin siya." sabi ni Viggo ng makitang ubos na ang goto ni Gian.
Napatingin naman si Franco kay Gian at napangiti ito.
"Makakapunta na po tayo sa vet." sabi ni Franco habang karga na nito uli ang tuta.
"Oo. Tapos ka na ba?" sabi ni Gian kay Franco.
"Opo, babayaran ko na po." sabi ni Franco.
"Uyyy, kami na." sabi ni Laszlo kay Franco ng kumuha ito ng pera sa bulsa.
"Nakakahiya po libre ko po ito kay Kuya Carlo" sabi ni Franco.
"Okay lang iyan close close na tayo." sabi ni Viggo saka ito kumuha ng pera saka binigay sa tindero
"Malaki po ito." sabi ng tinderao na tila triple iyon ng kabuuang kita niya sa araw na iyon na parang bayad din ang ibang kumain sa kanya.
"Okay lang iyan. Nagpapaaral ka ng kolehiyo at minsan lang naman iyan." sabi ni Otto na ikinakunot noo ni Gian.
"Salamat." sabi ng tindero na tila naiiyak ito sa tuwa.
"Uyyy, kayo magbayad kayo kay Manong." sabi ni Rollo sa mga kumakain.
"Oo." sabay sabay na sabi ng mga ito.
"Malaki ito." sabi ng tindero na mahigpit na hinawakan ang perang binayad ng sixtuplets dito.
"Manong okay lang para may panggamot ka sa asawa mo." sabi ng isang customer.
"Kilala nila si Manong, may asawa iyan may cancer tapos nagpapaaral siya ng anak sa kolehiyo." bulong ni Franco kay Gian ng makita ang kaguluhan o pagtataka sa mukha ng binata.
"Sa mundo, hindi mo nakikita ang tunay na tao kung hindi ka bababa, kasi para sa akin nasa baba ang karamihan sa kanila. Sa mga taong hindi mo inaasahan na gagawa ng mabuti." mahinang sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian.
"Umuwi na tayo." sabi ni Laszlo sa mga kapatd.
"Uyyy, ako magmamaneho ng chopper." sabi ni Otto.
"Ako na kasi kapag ikaw parang kotse ang minamaneho mo kapag nasa ere tayo." sabi ni Viggo.
"Mayayaman sila pero parang pangkaraniwan lang sila, iyon ang bagay na naiinggit ako kaya umalis ako sa El Paradiso kasi hindi ko pa maunawaan sa magulong utak ko dati kung bakit may mga taong sobrang perfect. Mayaman na at mahirap pa." sabi ni Franco na ikinatingin ni Gian dito.
"....Alam mo po ang ibig kong sabihin? Lahat nasa kanila na, ang pagiging meron at pagkakaroon ng magandang loob na sa mahirap mo lang madalas at kadalasan nakikita." sabi ni Franco.
"Franco aalis na kami. Ingat ka sa mafia na kasama mo." bironag sabi ni Shiloh kay Franco.
"Hahaha! Ingat po." sabi ni Franco.
Napatingin ang sixtuplets kay Gian, saka napangisi ng sabay-sabay ang anim na ikinangiti ni Gian dahil magkakamukha talaga ang anim at nakaka-amaze iyon para sa kanya.
"Iyong party ha sa Gintong Bulwagan aasahan namin." nakangiting sabi ni Ezio na ikinatawa ng sixtuplets.
"Hahaha! Bye Prince Carlo." tumatawang sabi ng anim saka umalis ang mga ito na naghahampasan pa at nagtatawanan na ikinailing ni Gian na tila mga bata pa ang mga ito naghaharutan sa kalye.
"Masaya ang grupo nila, siguro dahil pinupunuan ng bawat isa ang kakulangan ng isa't isa." nakangiting sabi ni Farnco habang nakatingin sa sixtuplets na nagtatawanan sa gitna ng daan habang naghahampasan.
July 19, 2022 11.22am
Fifth Street
Mahabang chapter po ito.. mamaya uli busy lang. Enjoy Reading
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top