Kabanata 15 : Pagtanggap
Kabanata 15 : Pagtanggap
One hour Later
Canmore Telecom Tower
Isang oras ng pinagmamasdan ng lihim ni Gian si Shaira marami na itong naisulat, pero kahit nagsusulat ito sa loob ng isang oras ang isip nito at presensya ay alam niyang wala sa kuwartong iyon at alam din niya na hindi na napapansin ni Shaira na nandodoon siya.
"Kumain ka na kaya?" sabi ni Shaira sa isip habang patuloy sa pagsusulat na sa loob ng isang oras nakabisa na ng kamay niya ang sinusulat niya kahit hindi niya iyon tsistsek o pinagmamasdan. Ang isip niya kasi nakapokos sa anak niya.
"Ang hirap naman, pero hindi ako puwede magreklamo. Hindi ko naman puwedeng hayaan ang trabaho ko dahil paano naman tayong dalawa. Pero ikaw ang iniisip ko ngayon anak. Paano kita babantayan kung nandito ako? Paano ko makikita ang ginagawa mo? Paano kita mapapayuhan kung hindi ko naman alam kung anong nadarama mo bilang lalaki?" sabi pa ni Shaira sa isip.
"Paano ko hahatiin ang sarili ko sayo at sa trabaho ko?" muling sabi ni Shaira sa isip.
"Puwede ka ng umuwi." seryosong sabi ni Gian na ikinatingin ni Shaira sa binata.
Nakatingin si Gian sa laptop nito habang may binabasa doon, at panaka nakang nagtitipa ng keyboard.
"Okay na. Tapos na ang isang oras." sabi ni Gian na hindi tinitingnan si Shaira.
Napangiti si Shaira saka ito napatingin sa papel na sinusulat niya. Napuno niya iyon na umabot pa ng likuran. Maliliit ang sulat niya kaya ang isang buong bond paper ay tila naging libro o diyaryo na babasahin.
"Sir, ito na po." mahinang sabi ni Shaira sabay lapag ng ballpen sa ibabaw ng papel na nasa mesa saka iyon inusog kay Gian.
"Sige iwan mo diyan at puwede ka na umalis." muling sabi ni Gian na hindi tinitingnan si Shaira
Tumayo si Shaira at inayos niya ang sarili saka ito yumuko.
"Salamat po Sir. Aalis na po ako." sabi ni Shaira saka ito tumalikod at naglakad palabas ng opisinang iyon.
Nang marinig ni Gian ang pagsara ng pintuan napatingin ito roon saka ito napasandal sa upuan nito.
Napatingin si Gian sa papel na sinulatan ni Shaira saka niya iyon kinuha at tiningnan. Pinasadahan niya iyon ng tingin at ng nasa kalagitnaan na siya ng papel napakunot noo ito dahil tila hindi napansin ni Shaira na iba na ang sinusulat nito.
"Magcecellphone ako kahit mamatay ako, makausap lang kita anak." pagbabasang wika ni Gian sa isinulat ng dalaga na ikinatahimik ng binata.
Binaba ni Gian ang papel sa mesa niya at iniipit iyon sa mga folder na naroroon. Kinuha nito ang cellphone at nagtipa roon.
....................
C-Tower Manila
Kanina pa nakatayo si Franco sa labas ng unit nilang mag-ina sa loob ng tower na iyon sa Manila. Hindi naman siya puwede bumaba dahil baka magkasalsihan sila mag-ina.
Kinontak niya ang ina kaninang alas otso ng hindi pa ito dumarating kaso hindi na niya matawagan ang numero nito kaya kanina pa siya nag-aalala.
Umupo si Franco sa lapag at sumandal sa pintuan ng unit. Pinagmasdan ang lugar, isa iyong hindi tipikal na condo unit may mga opisina kasi sa ibang palapag ng gusali. Ilang araw na sila doon ng nanay niya, mula ng bumalik sila galing El Paradiso.
Napayuko si Franco saka nito niyakap ang mga tuhod. Ilang araw ang lumipas mula ng magbago siya, isang pagbabago pakiramdam niya nakakulong siya. Pagbabagong hindi na niya puwede balikan ang dating siya. Pakiramdam na tila hinakbangan niya ang kabataan niya sa piling ng nanay niya.
Ang inosenteng siya habang naghihinatay sa opisina nito ay nananabik siyang maulit. Kabataang gusto niyang maulit na nasa isip niya.
Napahingang malalim si Franco, sabay tingin sa repleksiyon niya sa makintab na marmol na sahig ng gusaling iyon. Mula sa repleksiyon niya sa sahig, nakikita niya ang bagong siya na ginawa ng mga taong umagaw at nagdamot sa kanya ng kaligayahan niya.
"Doggo, namimiss na kita pero kailangan ko magbago uli para sa nanay ko. Kailangan ko labanan iyong lungkot ko sa pangungulila ko sayo, na makasama ka uli." sabi ni Franco habang nakatitig sa repleksiyon ng mukha niya sa marmol na sahig.
Puro siya pasa, namamaga ang pisnge niya, putok ang labi, may sugat din ang kilay niya.
"Mahal kita Doggo. Sorry hindi kita napagtanggol. At salamat hindi mo ako iniwan sa panahon na nakapalibot sila lahat sa akin." napaluhang sabi ni Franco.
"Salamat sa ilang araw o linggong nakasama kita, at kung mauulit man ang pagkikita natin..." udlot na sabi ni Franco ng mapahikbi ito
"..hindi na pala mauulit." napahikbing sabi ni Franco.
Niyakap ni Franco ang mga tuhod saka nito sinubsub ang ulo at itinago roon at tahimik na lumuha.
..................
One hour later
"Kuya, umuwi na po ba siya? Nandiyan po ba sa taas si Franco?" tanong ni Shaira na hinihingal pa sa kakamadaling bumaba ng taxi sinakyan nito, dahil imbes ng magbus siya nag taxi na siya kahit na namahalan siya sa pamasahe makita lamang agad ang anak niya.
"Yes Maam. Hindi na po umalis mula ng dumating siya kaninang hapon." sabi ng guard na ikinangiti ni Shaira.
"Salamat kuya." sabi ni Shaira saka ito nagmamadaling pumasok sa loob ng building.
Malaki ang utang na loob niya kay Autumn at sa grupo nito, ang mga tauhan kasi nito ang nakakita kay Franco habang gumagawa ito krimen. Hindi niya akalain na pinasusundan ni Autumn ang anak niya, na hindi naman na niya naitanong kung bakit ginagawa ng grupo nito ang bagay na iyon na kung tutuusin hindi siya kasali sa grupo ng mga ito.
Nang makapasok sa building agad na sumakay ng elevator si Shaira at pinindot ang floor kung saan sila nanunuluyan mag-ina. Napangiti pa si Shaira, dahil tulad ng Canmore Tower maganda din ang C-Tower na kung tutuusin mas mataas at mas malaki ito. Dahil alam din niyang sa laki ng gusali may mga kuwarto doon ang mga Cheung.
Hindi naman iyon hotel pero para sa kanya isa iyong gusali na hindi mo aakalain na magiging hotel ang itsura kahit na nga ba iba't ibang negosyo ang naroroon nag-oopisina.
Ilang minuto pa ng bumukas ang elevator sa palapag ng unit kung nasaan sila naninirahan ni Franco, lumabas si Shaira at naglakad papunta sa unit.
Ilang sandali lang nakita niya ang anak na nakaupo at nakayuko habang nakayakap sa mga tuhod nito sa labas ng pintuan ng unit nila.
"Anak." mahinang tawag ni Shaira na ikinatingin ni Franco ng maulinigan ang boses ng ina.
"....kumain ka na ba?" nakangiting sabi ni Shaira na ikinatitig ni Franco sa ina.
Napangiti lalo si Shaira kahit sa loob niya nalulungkot siya habang nakatitig sa mukha ng anak. May mga pasa kasi ito at may nadagdag roon kaya alam niyang nakipagsuntukan na naman ito sa mga kabataan sa park na malapit sa kanila.
Hindi iyon kilala ni Franco pero alam niyang maraming nakakakilala sa anak niya bilang anak ng sikat na director sa Pinas.
"Halika na at pumasok na tayo sa loob. Iinitin ko iyong ulam at magluluto ako ng kanin, madali lang iyon." sabi ni Shaira sabay lapit sa anak at inilahad ang palad nito.
Napatitig si Franco sa mukha ng ina, tulad niya nagbago din ang awra nito. Pakiramdam niya tumanda na ito na ikinalunok niya dahil iyon ang araw na ayaw niya maganap, ang makita itong tumatanda at manghihina.
"Gusto mo ba sa labas tayo kumain?" tanong ni Shaira.
Napangiti si Franco saka ito umiling.
"Ahmmm, so halika na. Tulungan mo si nanay, magluto tayo sa loob." sabi ni Shaira na ikinaluha ni Franco saka nito hinawakan ang kamay ng ina. Tumayo at niyakap ang ina ng mahigpit.
"Sorry nanay. Sorry sa kasalanan ko, sa krimen ko." sabi ni Franco na ikinaluha ni Shaira.
"Anak, hindi mo naman sinasadya ang lahat. Pagsubok iyon, at ang pagsubok hindi naman natin alam kung ano at kung kaian darating." sabi ni Shaira.
"Nay, alam ko pong nag-aalala kayo kaya sorry. Pangako hindi ko na kayo bibigyan ng alalahanin basta 'nay puwede niyo po bang ipangako na hindi kayo mawawala sa akin." sabi ni Franco habang yakap ang ina.
"Oo naman." nakangiting lumuluhang sabi ni Shaira.
"Nay, hindi ako perpekto may nagawa akong mga mali pero ipinapangako ko hindi ko na hahayaan na ang lungkot ko at ang maling ginagawa nila sa akin.... sa atin ay magdudulot ng pag-aalala mo sa akin. Nay, gusto ko sa tabi lang kita, at na-realize ko po magaganap lang iyon kung hindi kita bibigyan ng sama ng loob na mauuwi sa pagkakasakit mo.
Sorry, malungkot ang buhay natin ng dahil sa akin." sabi ni Franco na ikinahawak ni Shaira sa mukha ng anak.
"Anak, hindi malungkot ang buhay natin. Masaya ako dumating ka sa akin, at alam kong masaya ka rin kapag nandito si nanay.
Walang perpektong relasyon kahit sa pagitan ng magulang at anak tulad ng relasyon sa mag-asawa o magkasintahan kahit nga sa magkaibigan. Walang perpektong relasyon pero may masayang relasyon at para sa akin iyon ang mahalaga. Ang maging masaya sa kung anong meron tayo dahil regalo ni God na para sayo lamang at para sa akin lamang. Tulad ko sayo at tulad mo sa akin." sabi ni Shaira na ikinangiti ni Franco
"Nay, pangako magiging masaya na tayo. Pangako ko sayo magiging big boy na ako na maipagmamalaki mo at maiiwan mo na panatag ka kahit na mag-isa lang ako habang nasa trabaho ka." sabi ni Franco.
Napangiti si Shaira saka nito niyakap ang anak at hinalikan sa ulo.
"Masaya ako sa mga sinabi mo. Isa na naman regalo na ibinigay ni God at iyon ang magkaroon ng anak na tulad mo na madaling nakaunawa sa mga nagaganap at naganap sa buhay mo... natin. At sana maging handa ka kung ano pang puwedeng mangyari sa hinaharap, kasi habang nabubuhay tayo may pagsubok na darating at hindi iyon matatapos hanggat may hininga tayo." sabi ni Shaira na ikinatango ni Franco.
"Makakaya ko na 'nay basta nandiyan ka. Mahal po kita, mahal na mahal." sabi ni Franco na ikinangiti ni Shaira.
"Ako din anak. Alam mo nang dumating ka sa buhay ko ang akala ko kulang na ako dahil hindi tayo kompleto, dahil hindi ako nag-ingat, pero hindi pala. Kasi ng dumating ka, doon ako nakompleto." sabi ni Shaira saka nito tinitigan ang anak habang hawak ng mga kamay niya ang mukha nito.
"Hindi pala kawalan ang pagiging dalagang ina, dahil na- realize ko isa iyong kakulangan na bubuo din sa kakulangan at pagkakamali." nakangiting sabi ni Shaira.
".....mamumuhay ako ng kompleto basta kasama kita." dagdag na sabi ni Shaira na ikinangiti ni Franco
"Salamat po, nanay." sabi ni Franco.
"Salamat din anak kasi mabuti at mabait kang tao at alam kong masaya na si Doggo kasi ang kaibigan niya ay masaya na, ngumingiti na at natutunan na ang kahalagahan ng mga bagay na naiwan para sa kanya. Mga taong nandiyan para sa kanya tulad ni Doggo sayo." sabi ni Shaira na ikinangiti ni Franco.
Napangiti si Shaira saka nito niyakap ang anak.
"Pumasok na po tayo nanay at may kanin na po akong niluto sa rice cooker. Pero iyong ulam na lang po ang hindi ko naiinit, hindi kasi ako marunong gumamit ng kalan nila dito." nakangiting sabi ni Franco na ikinangiti ni Shaira.
.........................
Days later
C-Tower Park, Manila
"Ano pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ni Franco ng araw na iyon ng makita si Gian sa park kung saan siya nagpapahangin tuwing umaga.
Napatitig si Gian kay Franco, isang linggo mula ng kinausap niya ito, lihim niya itong pinupuntahan at inaalam kung okay ba ang batang lalaking nasa harapan niya at sa isang linggong iyon sa park kung nasaan sila ngayon lagi niya nakikitang nakatambay ang bata. Nakatingin sa mga naglalakihang gusali roon, nag-iisa, dahil alam naman din niya na wala itong internet line tulad ni Shaira kaya kahit cellphone hindi nito mapaglibangan.
"May meeting po ba kayo dito?" sabi ni Franco na bahagyang nailang sa lalaking kaharap, dahil mula ng makausap niya ito isang linggo ang nakakaraan hindi na ito nagparamdam na inaasahan naman niya dahil alam niyang busy ito at wala itong oras para sa batang tulad niya na hindi naman nito kaano-ano.
Napangiti si Gian, dahil sa isang linggong hindi niya nakita ang batang lalaki hindi ito nakipag-away at iyon ay base sa pagbisita niya dito ng lihim. Tinataon niya kasi na sa C-Tower lagi ang lugar ng mga meeting niya para na rin makita ang batang lalaki na hindi niya alam kung bakit gusto niya makita.
O siguro dahil may pagkakahawig ito sa buhay niya o di naman kaya, may mga pinsan siya, pamangkin at kapatid na lalaki na kasing edad ni Franco at siya ang kuya na maalaga sa mga kapatid at close sa mga kapatid na lalaki. Nag-iisang anak kasi siya ng nanay niya at ng mamatay ito kasing edad lang niya si Franco noon bagay na tingin niya mahihirapan ang bata kung mangyari din dito ang naging sitwasyon niya na hindi madali.
Dahil kung siya nga na may tatay, kahit anak siya sa labas, nasa tabi naman niya ang ama pero si Franco walang wala. Pareho silang putok sa buho na sinasabi pero malaki nga ang pagkakaiba nila ayon na rin sa batang lalaki na siyang namang totoo.
"Arrhhmm." tikhim ni Franco ng titigan lang siya ni Gian.
Napangiti muli si Gian sa pagtikhim ni Franco.
"Sir, may kailangan po ba kayo? Or gagamitin niyo po ba iyong lugar na ito? Aalis na lang po ako kung ganoon." sabi ni Franco at akmang tatalikod ito ng magsalita si Gian.
"Hindi mo ba titingnan man lang o itatanong ang dala ko kung ano?" sabi ni Gian na ikinalingon ni Franco sabay tingin sa paligid at ng mapadako mata nito sa damuhan napakunot ang noo nito.
Muling napangiti si Gian, sinadya niyang tumayo sa lugar kung saan lagi nakatambay si Franco na nag-iisa para agad siyang makita at mapansin ng batang lalaki.
"Naisip ko, bakit hindi ko bigyan ang kaibigan ko ng kasama kapag busy ako." sabi ni Gian na ikinatitig ni Franco sa bagay na nasa paanan ni Gian.
Napangiti muli si Gian ng hindi nagsalita si Franco. Umupo si Gian sa damuhan saka nito kinuha ang pet carrier na kulay asul na may kalakihan din.
"Inisip ko kung bibili ba ako o hindi. Tapos naisip ko sa huli bakit ako bibili kung may libre na magbibigay sa akin. Libre lang na ibibigay sa akin kapalit ng tamang pag-aalaga at wastong pagmamahal." sabi ni Gian saka nito binuksan ang pet carrier na ikinangiti ni Franco.
"Hindi siya si Doggo, pero tulad siya ni Doggo. Nakuha ko siya sa isang dog organization na pumupulot ng mga asong gala, minamaltrato at mga asong may sakit. Nakita ko siya baby pa tulad mo." napangiting sabi ni Gian sabay karga sa aso na kulay puti.
"Inisip ko rin bakit ako bibili ng asong may breed o lahi kung may aso ang bansang ito na mas nangangailangan ng kalinga, at pagmamahal. Kaya sabi ko sa sarili ko, aspin ang kukunin ko at hindi ako bibili, dahil gusto ko kapag binigay ko sayo maalala mo na para tayong aso, o tulad tayo ng aso na kailangan ng pagmamahal.
At ibibigay ko sayo ang aspin dahil alam ko marunong magmahal ang taong pinagkaitan ng pagmamahal." nakangiting sabi ni Gian sabay lapit kay Franco.
"Hindi siya si Doggo, pero isipin mo maraming tulad ni Doggo na nakakalat at gala na kailangan ng pagmamahal. Wala na si Doggo pero maraming pang tulad niya na nangangailangan ng taong tulad mo, na minahal ang tulad niya. Isang taong tulad mo na makakapagbigay pa ng pagmamahal sa tulad din ni Doggo." sabi ni Gian.
Napangiti si Franco saka nito kinuha ang aso na kulay puti at napaluha ito ng maalala si Doggo.
"Hindi ko iyan ibinigay sayo para umiyak ka at maalala mo si Doggo at ang masalimot na pagkamatay niya. Ibinigay ko sayo ang asong iyan para ma-realize mo na tahimik na si Doggo, masaya na siya, nakakatakbo ng malaya na walang mananakit sa kanya.
At ikaw..... nandito ka buhay para makapagbigay ng pagmamahal at maibahagi ito sa iba tulad ng pagbabahagi mo ng pagmamahal ng walang alinlangan kay Doggo ng lapitan ka nito." sabi ni Gian na ikinatango ni Franco saka nito niyakap ang aso na dinilaan ang mukha niya.
"Gusto ka niya kasi nararamdaman niya na kailangan mo siya at kailangan ka niya." nakangiting sabi ni Gian.
Napatingin si Franco kay Gian saka ito lumapit at niyakap ang binata na ikinatigil ni Gian ng yakapin siya ng mahigpit ni Franco.
"Salamat. Hindi ko inaasahan na may taong makakaunawa sa akin, at hindi ko inaasahan na magmumula iyon sayo. Salamat, kuya Carlo." sabi ni Franco na ikinalunok ni Gian.
"....mabait sila kuya Aj, sila Laurent, pero minsan pakiramdam ko naiinggit ako kasi kulang ako. Pinipigilan ko naman mainggit kasi alam kong mali, kaya ayoko din sumama sa kanila kahit na lagi sila tumatawag sa akin para kamustahin ako. Siguro dahil perfect sila sa tingin ko.
Pero sayo, hindi ko alam pakiramdam ko magkatulad nga tayo kasi sayo ko lang na-realize at nakita ang hindi perpekto sa perpektong tao." sabi ni Franco habang nakayakap sa baywang ni Gian.
Hindi umimik si Gian, hindi niya inaasahan ang reaksyon ng batang lalaki.
"Ang sabi ni nanay walang perpekto pero may kasiyahan at pagmamahal na pupuno sa kulang ng isang tao. Kaya salamat sayo kasi kulang ako pero pilit mo pinupunuan ang kakulangan na iyon.
Huwag kang mag-alala aalagaan ko ang ibinigay mo at pangako hindi ko hahayaan na mawala siya ng maaga." sabi ni Franco saka ito kumawala ng yakap kay Gian
Tinitigan ng batang lalaki si Gian habang sinalubong ito ng titig ng binata.
"Salamat sa kasangga na ibinigay mo." nakangiting sabi ni Franco saka nito niyakap ang tuta na ikinangiti ni Gian.
"Ang pagtanggap ang bubuo sa kakulangan ng isang tao, kapag tanggap mo siya pupunuan mo ito ng kakulangan na hinahanap mo.
Ang pagmamahal ay mahalaga hindi sa kung paano nabuo ang isang bagay, kundi kung paano mo binubuo ang kakapusan nito.
Magiging sapat ang lahat kung alam mo sumang-ayon sa kawalan niya." nakangiting sabi pa ni Franco habang nakatitig si Gian sa batang lalaki.
Napatingin si Franco kay Gian habang nakatingin ito sa kanya. Napangiti si Franco sabay yakap ng mahigpit sa tuta at muling umusal.
"Iyon ang pagmamahal, iyon ako, si nanay, si doggo at tayong lahat ay kulang dahil walang perpekto, at ang meron....
..... pagtanggap na kokompleto sa ating lahat." nakangiting sabi pa ni Franco na ikinangiti at ikinatitig ni Gian sa batang lalaki.
July 18, 2022 8.22pm
Fifth Street
Good night... bukas uli... God Bless sa lahat..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top