Kabanata 14 : Elevator
Kabanata 14 : Elevator
Hours Later
"Ingat ka." sigaw ni Rio ng makalabas ng elevator si Shaira ng hapon na iyon na halatang nagmamadali na naman ito na pangkaraniwang naman sa isang ina.
"Ikaw din." balik sigaw ni Shaira kay Rio bago pa sumara uli ang elevator nito.
Napahingang malalim si Shaira at matapos lingunin si Rio naglakad na ito sa hallway papunta sa exit. Nakayuko si Shaira sabay kuha sa cellphone nito. Hindi na nagtext ang anak niya kaya kanina pa niya gusto lumipad pauwi kaso alam niyang malabo maganap ang bagay na iyon dahil bago siya makauwi isang mahabang oras ang sasayangin niya sa traffic.
Sa C-Tower sila nakatira ni Franco napakalayo sa Canmore Tower, pero hindi naman niya puwede alisin ang anak niya doon dahil naiisip niya may okay ito doon kaysa sa bumalik sila sa dati nilang bahay na nag-iisa lang ang anak niya at walang kasama kapag nasa opisina siya.
Napahingang muli ng malalim si Shaira, huminto na kasi sa pag-aaral ang anak niya mula ng makasaksak ito sa paaralan nito ng isang estudyante. Hindi na rin ito pumapasok sa lahat ng activities nito. Sa taekwando class, sa music class, at kahit saan pa na inenrol niya para sana maging busy ang anak kapag nagtatrabaho siya sa opisina.
"Umuwi ka na kaya?" nag-aalalang sabi ni Shaira.
Nagsimula magtipa ng cellphone si Shaira habang mabagal siya naglalakad. Naisip niya kasi patilain muna ang oras kung saan rushhour pa.
"Kamusta ka na kaya, anak?" sabi ni Shaira sa isip habang nagtitipa ito sa cellphone ng mensahe
"Bakit ganoon? Ang laki naman ng hinakbang mo, kung dati kasama lang kita at naghihintay ka sa akin sa mesa ko tuwing Sabado." napaluhang sabi ni Shaira saka nito pinahid ang luha. Napahingang malalim uli ito habang tumatagal nahihirapan siyang palakihan ang anak lalo na at nagbibinata na ito, bagay na lahat ng tao dumadaan sa adolescent, lahat dumadaan sa edad na tila hindi mo kayang hawakan pero para sa kanya at para sa anak niya masyado pang maaga para maramdaman ito ni Franco at maranasan ang karanasan sa edad nito.
"Ang bilis naman anak, buwan pa lang iyon pero parang taon na." hindi mapigilan luha ni Shaira dahil hindi niya lubos akalain na mangyayari sa anak niya ang isang sitwasyon na ayaw niya o kahit sino namang ina ayaw iyon maganap sa anak nito.
"Huwag ka muna lumaki, mahihirapan ako. At mukhang mas mahihirapan ako, hindi ko kaya kapag nagrebelde ka." muling sabi ni Shaira habang nagtitipa ito sa cellphone.
Nakatungo si Shaira at hindi nito namalayan ang pagbukas ng magkasunurang pang elevator sa bahaging iyon ng palapag kung saan punuan ang tao sa paglabas ng mga empleyado.
Sa pagbukas ng naturang mga elevator dumagsa ang mga tao sa paglabas na hindi nakita ni Shaira.
"Uyyy." gulat na sabi ni Shaira ng mabangga siya ng mga empleyado na galing sa elevator na ikinalaglag ng cellphone niya sa lapag.
Napatingin si Shaira sa cellphone niya na nasipa pa ng iba sa sahig palayo sa kanya at natapakan pa ito ng mga taong tila nasa concert ng paboritong artist ng mga ito para makita.
"Ayy! Grabe kahit anong kagandang gusali at kompanya kapag barbaro ka talaga barbaro ka at ilalabas iyon ng katawan mo." sabi ni Shaira sa isip na tila ginahasa at pinagmalupitan ang cellphone niya na basag na at sira habang nakatitig siya doon.
"Hindi ko na talaga siya matetext." napahingang malalim na sabi ni Shaira at akmang yuyuko siya para pulutin ang cellphone sa lapag ng may naunang kumuha ng naturang cellphone sa lapag na ikinatingin ni Shaira dito.
..................
Samantalang kanina pa si Gian sa unang palapag ng Canmore Tower, mula ng kakabalik lang niya galing C-Tower ng maisipan niyang magcheck muna sa Security Department na nasa Ground Floor Area, ng biglang mamataan niya sa paglalakad sa hallway si Shaira na kakalabas lang ng elevator.
Nakatungo ang dalaga habang nagtitipa sa cellphone ng naturang dalaga at muli tila wala itong kasama dahil ang buong atensyon nito ay paniguradong nasa anak nito na si Franco.
Sinundan ito ni Gian at hindi namamalayan ng dalaga na nasa likuran siya nito ilang metro lang ang layo sa pagitan nito. Nang ilang sandali pa ng magbukas ang dalawang elevator ng magkasabay sa gawing iyon ng gusali kung saan sakay ang mga empleyado ng naturang kompanya.
Rush hour, uwian ng mga empleyado at ang lahat ay nagmamadali na tila may tinatakasan o siguro dala ng pagod, stress at buong araw na hirap dala ng trabaho.
Nang ilang sandali lang napahinto si Gian ng bumukas ang elevator pero nakatitig ito kay Shaira na hindi man lang namamalayan ang pagbulusok ng mga tao dahil sa busy ito kakatipa sa cellphone nito.
At sa ilang segundo pa bumukas ang naturang mga elevator at mabilis na puwesto si Gian sa likuran ni Shaira para hindi ito mabangga, pero sa dami ng tao nauna pa rin ang mga ito kay Gian at nabangga ang dalaga pero dahil napansin siya ng ibang empleyado kaya umiwas ang mga ito na bungguin siya kung saan naipuwesto na niya ang sarili ilang hakbang na lang mula kay Shaira.
Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagkalaglag ng cellphone ni Shaira na ikinatingin ni Gian sa naturang gadget na ngayo'y paglalamayan na sa inabot nitong krimen sa pinsalang tinamo ng cellphone.
"Grabe, RIP." naiiling na sabi ni Gian sa isip ng makita ang kalunos-lunos na sinapit ng cellphone ni Shaira.
Nang makitang pupulutin ng dalaga ang cellphone mabilis na inunahan ito ni Gian at kinuha ang naturang gadget.
Napatingin naman si Shaira sa pumulot ng cellphone niya at nakaramdam siya ng hiya dahil luma na nga at second hand ang cellphone niya na wala na sa merkado at ngayon tuluyan itong namaalam sa mundo.
"Thank you, Sir." sabi ni Shaira ng abutin ni Gian ang cellphone niya.
Agad na hinawakan iyon ng mahigpit ni Shaira at yumuko ito para sa pasasalamat.
"Salamat po uli. Good evening po." sabi ni Shaira kay Gian.
"Kapag naglalakad ka tumingin ka sa dadaanan mo dahil makakaaksidente ka o ikaw ang maaaksidente. Bawal din ang magcellphone habang naglalakad kung tutuusin." seryosong sabi ni Gian.
"Sorry po, hindi na mauulit." sabi ni Shaira.
"Hindi na talaga mauulit, dahil sumakabilang buhay na iyang cellphone mo. At ganyan ang mangyayari sayo kapag gumagamit ng cellphone na hindi alam ang salitang responsibilidad." seryosong sabi ni Gian na ikinayuko lalo ni Shaira.
"Sorry po uli." sabi ni Shaira na sa gilid ng mga mata nito pinagmamasdan si Gian kung saan seryoso ang binata, siguro dahil sa report niya na may mali at ito ang gumawa.
"Gardo!" tawag ni Gian na ikinatingin ng lahat dito.
Nanatiling nakayuko si Shaira, pero sa mga gilid ng mga mata niya sa malaking palapag na iyon kung saan sila lamang ni Gian ang natitira o tao sa pinakasentro dahil ang mga utility at mga emplayado ay busy at nagmamadali sa kanya kanyang trabaho o pag-uwi nakikita niya, ang umagaw sa atensyon ng lahat.
"Sir?" lapit ng Office Personnel na namataan ni Gian sa reception area..
"Sabihin mo kay Maggie lagyan ng sign lahat ng sulok at palapag ng building na bawal magcellphone kapag nasa vicinity pa ng kompanya. Bawal ang maglalakad ng nakacellphone at naka-earphone na suot." sabi ni Gian.
"Yes Sir." sabi ni Gardo sabay tingin kay Shaira na nakayuko.
"May multa ang hindi susunod, at may parusa bukod sa multa. Ang ayaw sumunod may memo na matatanggap, 1st warning for termination hanggang umabot sa tatlo." seryosong sabi ni Gian na ikinatango ni Gardo.
"Tsss. Nagcecellphone kasi damay-damay tuloy." sabi ng mga empleyadong naghuhuntahan na ikinarinig ni Shaira at ni Gian.
"Sige na umalis ka na." sabi ni Gian
"Okay sir." sabi ni Shaira na inaakalang para sa kanya ang sinabi ni Gian dahil nakayuko pa rin siya.
Akmang aalis si Shaira at tumalikod ito para lumakad ng magsalita si Gian at umalingawngaw iyon sa palapag na iyon habang nakatingin ang lahat dito.
"Hindi ikaw." seryosong malakas na sabi ni Gian na buo ang tinig nito na ikinahinto ni Shaira.
Napalunok ang mga empleyado sa malakas na boses na iyon. Napalingon naman si Shaira at napatingin kay Gian.
"Sorry Sir." sabi ni Shaira na namula sa kahihiyan ang mukha na ikinatitig ni Gian dito.
Napakunot pa ang noo ni Gian ng mapansin ang pagtingin ni Shaira sa relo nito na suot sa bisig.
"Anong oras na? Wala pa siyang kasama. Gagabihin ako lalo." sabi ni Shaira sa isip ng maisip ang anak nang makita nito ang oras.
Napatiim ng bagang si Gian ng tila nawala na naman ang atensyon ni Shaira sa kanya ng makita ang oras at tiyak ang anak na naman nito ang sumakop sa isip nito.
"Sa opisina tayo." seryosong sabi ni Gian pero hindi umimik si Shaira na nakatitig na ng tuluyan sa relo nito na tila gusto nito pahintuin ang oras.
"I said go to my office!" diin na sabi ni Gian na ikinalunok ng lahat pero hindi si Shaira na halatang malalim ang iniisip nito.
"Oh grabe nakakakaba." bulungan na sabi ng mga emplayado ng sumigaw muli si Gian.
"Maam Shaira. Kausap ka po ni Sir." mahinang sabi ni Gardo sabay tapik ng bahagya kay Shaira.
"Langya, lutang ang ate niyo." sabi ng isang empleyado sa mga kasamahan ng mahinto ang mga ito sa paglalakad sa takot na baka pagbalingan sila ng galit ng Presidente ng kompanya at mawalan pa sila ng trabaho.
Napatingin naman si Shaira kay Gardo ng tapikin siya nito.
"Kausap ka po ni Sir." takot na sabi ni Gardo kay Shaira.
Napatingin si Shaira kay Gian at bahagya nagulat ang dalaga ng makita ang napipikong mukha ni Gian na nakatitig sa kanya.
"Hindi porque under ka ni Mr Valiente, hindi ka na makikinig sa akin. Ako pa rin ang may-ari."seryosong sabi ni Gian kay Shaira na nakatitig lang sa kanya.
"....Sumunod ka sa akin at doon tayo sa opisina ko." diin na seryosong sabi ni Gian na ikinatango ni Shaira sabay tingin sa oras dahil alas otso na ng gabi.
Naunang naglakad si Gian habang nakita pa nito ang pag-aalaa sa mukha ni Shaira ng tingnan muli ang oras. Pag-aalala ng isang ina na gusto ng umuwi mula sa trabaho para makita ang anak na madalas niyang makita sa bawat nanay na empleyado niya.
"Sumunod ka na, baka madamay pa kami." sabi ng isang empleyado kay Shaira.
"Bigyan mo na lang ng Casa moves." biro pang natawa ng isa kay Shaira.
Narinig ni Gian ang sinabi ng dalawa kahit mahina iyon.
Akmang maglalakad na si Shaira para sundan si Gian pasakay ng elevator ng huminto ang binata at lumingon ito.
"Sir, susunod na po." sabi ni Shaira ng lumingon si Gian sa pag-aakalang napipikon na ito sa kanya sa hindi niya pagsagot dito kanina.
Naglakad si Gian na ikinaatras ni Shaira sabay hawak sa ID niya sa pag-aakala uli na kukunin iyon ng binata at kapag kinuha nito ang ID niya tiyak huling araw na niya sa kompanya.
"Sir, pupunta na po ako." sabi ni Shaira na bakas ang takot sa mukha.
Hindi nagsalita si Gian na ikinahinto at tahimik ng lahat at nang nasa tapat na uli ito ni Shaira napahawak ng mahigpit si Shaira sa ID niya na nakasuot pa sa leeg niya.
Pero nagulat ang lahat ng lagpasan ni Gian si Shaira. Napalingon si Shaira at sinundan ng tingin si Gian. Napalunok ang lahat at pigil ang hininga ng huminto si Gian sa grupo ng empleyado.
Tiningnan ni Gian ang dalawang babaeng nagsalita kanina, may kasama pa ang mga ito na ikinakunot ng noo niya.
"Sir, good evening po." sabi ng grupo kay Gian pero napalunok ang mga ito na halatang kinakabahan at guilty na ikinangisi ni Gian saka ito nagwika.
"Huwag niyo akong pagtsitsismisan o gagawa kayo ng mga kuwento na kasali ako. Kung gusto niyong gumawa ng tsismis sa labas niyo gawin at huwag sa kompanya ko." seryosong sabi ni Gian saka nito kinuha ang ID ng hindi lang ng dalawang babae kundi buong grupo na hindi bababa sa walong katao.
"Sir." sabi ng babae na namutla ang mukha sa takot at kaba.
"Iyong kilala mo kung gaano kaistrikto ang boss mo pero talagang kahit nandiyan pa siya at sabihin mong nakatalikod ako, talagang nakuha niyong gawan ako ng kuwento na mag-eenjoy kayo sa araw-araw.
Harapan na talikuran bagay na ikinabubulok ng isang kompanya na ayaw ko, dahil kumbaga sa palasyo isa iyong kasiraan." sabi ni Gian
"Sir, sorry hindi naman po kayo iyon." sabi ng babae.
"Hindi ako, pero kasali ako. Hindi ako pero kasamahan mo sa trabaho. Hindi ako pero nasa kompanya kita, nakatayo, at ang inilalabas ng bibig niyo ay nasa pag-aari ko." sabi ni Gian.
"Sir." sabi ng mga emplayado.
"Hindi ako nanghihinayang sa mga empleyadong bulok ang utak. At hindi ako magsisisi kung mawala kayo, dahil maraming papalit." seryosong sabi ni Gian saka nito tinalikuran ang walong empleyado,
Napayuko naman ang iba at hindi nakuhang tumingin kay Gian sa takot ng mga ito.
Napayuko din si Shaira ng naglakad patungo sa kanya si Gian sabay hawak sa ID niya ng mahigpit sa takot na baka kunin din nito ang ID niya.
"Halika na." sabi ni Gian at nagulat si Shaira ng hawakan siya sa kamay ni Gian at hilahin papuntang elevator
Nagkatinginan ang mga empleyado sa isa't isa pero ni isa walang nagsalita.
"Sir." sabi ni Shaira habang hawak siya sa kamay ni Gian at hinihila siya.
"Mag-uusap tayo." sabi ni Gian.
"Sir, iyong kamay ko po." sabi ni Shaira pero hindi siya kinibo ni Gian.
Pumasok si Gian kasunod si Shaira habang hawak nito ang dalaga sa kamay sa elevator habang ang lahat ay napaiwas ng tingin ng humarap si Gian sa pintuan ng elevator ng makapasok ito roon.
"Good evening." nakangiting bati ni Rio na ikinatingin ni Shaira dahil naroroon pa rin ito.
Isinara ni Rio ang elevator habang hindi pa rin binibitawan ni Gian ang kamay ni Shaira.
"Tsss. Sandali ka lang." mahinang sabi ni Rio na ikinatingin ng pasimple ni Gian kay Rio at ikinabaling ng tingin ni Shaira sa numero ng elevator kung nasaan na sila.
"Uyyy! Makulit ka talaga ha." sabi ni Rio sabay diin sa close button ng umilaw ang elevator sa 3rd floor para magbukas.
"Hahaha! Close na." natawang mahinang sabi ni Rio na tila batang may kalarong multo sa elevator na iyon habang madiin na pinindot nito ang close button ng matigil sandali sa 3rd floor ang elevator.
"Walang ruta sa 3rd floor." natawang sabi ni Rio ng mapigilan nito mabuksan ang elevator at makapasok ang kung sino man pasakay sa 3rd floor.
"Arhhhm." napatikhim na reaksyon ni Rio at umayos ito. Pero ilang segundo lang ng bigla muli ito mapangiti ng dumeretso na ng tuluyan ang elevator paakyat.
Napatingin naman si Gian sa numero ng elevator ng dumeretso na iyon.
Lumipas ang isalng sandali ng nasa 30th floor sila
"30th floor." nakangiting sabi ni Rio saka nito pinindot ang open button pero sa pagbukas ng elevator napasigaw ito sa gulat ng makita ang hindi niya pinasakay kanina sa 3rd floor.
"Huwahhhh!" nagulat na reaksyon ni Rio na napahawak pa sa mga button ng elevator ng makita ang lalaki na nakaharang sa pintuan ng elevator ng bumukas iyon.
"Welcome to 30th floor." seryosong sabi ng lalaki saka nito pinadaan sila Gian at Shaira habang ang kamay ng lalaki ay madiin na na pinipigilan ang posibleng pagsara ng elevator.
Napatingin si Gian sa lalaki pero muli hindi niya ito sinita dahil bukod sa ID nito na visitor na Valiente ang nagbibigay may pin pa itong nakasuot sa sa puting polo nito na hindi niya sigurado kung nalimutan nitong tanggalin.
Napatingin naman si Shaira sa lalaki pero akmang titingnan niya ang suot nitong pin ng hilahin siya ni Gian palabas ng elevator.
"Asar, sino ba 'yon?" sabi ni Shaira sa sarili na napalingon pa dahil sinumpong na naman ang pagiging tsismosa niya kaso hila na siya ni Gian palayo sa elevator.
"Sumakay siya." sabi ni Shaira ng mabilis na sumakay ang lalaki sa loob ng elevator at pumuwesto ito sa kinatatayuan ni Rio.
...............
"Sir, pauwi na ako." sabi ni Rio sa lalaki na mabilis na nakapasok sa loob ng elevator saka pinindot pa ng lalaki ang lahat ng button palapag at matagal iyon dahil hihinto sila sa bawat palapag.
"Tssss. Maaga pa." sabi ng lalaki saka nito binalingan ng tingin si Rio matapos nitong pindutin lahat ng numero.
"Anong maaga? Eh, alas otso na." sabi ni Rio at akmang babaguhin nito ang ginawa ng lalaki ng humarang ang lalaki sa button panel.
"Naiinis na ako. Aisst! Buweset! Pinagsaraduhan mo ako sa favorite floor ko at hindi mo ako pinasakay." sabi ng lalaki saka nito hinawakan sa batok si Rio at hinalikan ito na ikinayakap ng mga kamay ng babae sa batok ng lalaki saka ito tumugon sa halik ng binata.
...................
Samantalang pagkapasok sa loob ng opisina ni Gian agad nitong binitawan si Shaira saka ito naupo sa harap ng mesa nito
"Sir, ano pong gagawin ko dito?" sabi ni Shaira habang nakatayo ito at si Gian ay nakaupo na.
Kumuha ng ballpen at pad si Gian saka iyon nilapag sa harap ng mesa niya na ikinatingin ni Shaira dito.
"Isang oras kang magsusulat ng "hindi na ako magcecellphone habang naglalakad"." sabi ni Gian.
"Isang oras?" sabi ni Shaira.
"Oo at simulan mo na." seryosong sabi ni Gian saka ito humarap sa laptop na ikinahingang malalim ni Shaira dahil halatang pinuputol ni Gian ang pakikipag-usap nito ng harapin na ng amo ang laptop nito.
Napahingang malalim si Shaira saka ito umupo sa harap ng mesa ni Gian at nagsimulang magsulat na ikinangisi ni Gian ng lihim.
July 18, 2022 11.16am
Fifth Street
Salamat sa lahat na nakaka-appreciate ng gawa ko God bless.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top