Kabanata 12 : Katuwang


Kabanata 12 : Katuwang

One month later


"Good morning Sir." napatangong bati Shaira ng umagang iyon.

Napatingin si Gian sa dalaga, isang buwan makalipas ang pagkasira ng elevator hindi niya ito nakasabay dahil sa public elevator ito sumasakay, isama pa na hiniram ito ni Autumn sa El Casa ng ilang linggo na hindi naman niya makuwestiyon dahil under ni Autumn si Shaira bilang empleyado nito.

"Good morning." bati ni Rio ng araw na iyon na ikinatingin ni Gian dito.

Lihim na pinagmasdan ni Gian si Rio, kahit ang dalaga hindi niya nakita ng ilang linggo kasabay ng isang ilang linggong konstruksiyon ng elevator. At ngayon na kagagawa lang nito sumulpot na naman ito.

"Anim-anim lang po." sabi ni Rio sa mga gusto pang sumakay, saka nito isinara ang elevator.

Namayani ang katahimikan sa loob ng elevator habang lihim na pinagmamasdan ni Gian si Shaira na tahimik lang na nakatingin sa pag-andar ng numero ng elevator.

Ilang sandali lang ng huminto ang elevator sa 30th floor na ikinabukas nito.

"Nandito na po tayo." sabi ni Rio habang nakangiti ito ng todo.

"Thank you." sabi ni Shaira.

Lumabas ang mga sakay ng elevator kung saan nauna si Gian at katulad ng dati huling lumabas ng elevator si Shaira.

Nagtungo si Shaira sa mesa niya, ilang linggo din siya nawala sa kompanya dahil nabakasyon siya kasama ng anak niya sa El Paradiso kung bakasyon nga ba iyon dahil nagtrabaho siya doon bilang isa staff ni Astraea ang namamahala ngayon ng El Casa.

Nagustuhan naman niya ang trabaho at okay sinasahod niya sa anak ni Autumn. Malaki ang kinikita niya na hindi niya inaasahan na arawan kung siya ay sahuran ni Astraea.

Naglinis muna si Shaira sa mesa niya, at ng makita ang larawan nila mag-ina napangiti si Shaira. Kinuha niya iyon at pinunasan saka niya inilapag sa mesa niya.

"Nakabalik na pala siya."

Naulinigan na tinig ni Shaira pero nagpatuloy ito sa paglilinis ng mesa niya.

"Sa Casa siya inilagay ni Sir Autumn. Ang sabi nila baka pinagsayaw. Hahaha." natawang sabi ng isang empleyado na ikinangisi lang ng lihim ni Shaira.

Isang buwan mula mangyari ang insidente hindi niya inaasahan na kasabay din nun ang pangyayaring hindi niya sukat akalain na magaganap.

....................

Flashback

One Month Ago

"Nasaan ako." sabi ni Shaira ng magising ito at makita si Hestia.

Napatingin si Shaira sa paligid, nasa isang kuwarto siya na hindi pamilyar sa kanya. Hindi rin naman iyon hospital dahil panigurado niya private room iyon dahil sa mga kagamitang naroroon.

"Uyyy, humiga ka muna. Nandito ka sa C-Tower." sabi ni Hestia kay Shaira na ikinatingin niya dito.

"Bakit ako nandito?" sabi ni Shaira.

"Nahimatay ka sa muntikan ng pagbagsak ng elevator sa Canmore Telecom Tower." sabi ni Hestia

"Oo 'yon nga ang huli kung naaalala. Pero bakit ako nandito?" sabi ni Shaira na nagtataka dahil malayo ang C-Tower sa Canmore Telecom na dapat ang inaasahan niya hospital ang mabubungaran niya paggising kung sakali.

"Nandito kasi si Franco." sabi ng tinig na ikinatingin ni Shaira.

Napakunot noo si Shaira ng makita ang lalaking laging nakasuot ng puti. Nakatayo ito malapit sa bukana ng balcony at may kasama itong isa pang lalaki.

"Bakit nandito siya?" sabi ni Shaira na hindi naman niya mamukhaan ang lalaki dahil nakasuot pa rin ito ng shades at sombrero at ang ikinakunot pa ng noo niya may kasama pa itong isang lalaki na nakasumbrero din pero alam niyang si Amon iyon dahil pareho ang awra nito kay Aj o kahit na nakatakip ang mukha nito sa shades na suot at sombrero pareho pa rin ang itsura nito kay AJ.

"Kaya ka namin dinala dito kasi kanina pag-alis mo sa school ni Franco may nangyari." sabi ni AJ na ikinatingin ni Shaira.


"Anong nangyari sa anak ko?"
sabi ni Shaira na kinabahan.

"Iyong anak mo nakasaksak ng estudyante." mabilis na sabi ni Hestia na ikinanlaki ng mga mata ni Shaira


"Ano?"
sabi ni Shaira

"Huwag kang mag-alala inayos na namin. Okay na iyong batang nasaksak niya ng ballpen...

... dito..." sabi ni Aj na napangisi sabay turo sa dibdib nito bandang puso.

"Ano?" nanlalaking mata na sabi ni Shaira.

"Hahaha! Malayo sa puso, isama pa na self defense ang ginawa niya." sabi ni Aj na tila natutuwa pa ito dahil hindi ito kababakasan ng gulat sa ginawa ng anak niya.

"Kahit na, bata pa siya. Nasaan siya?" sabi ni Shaira.


"Nasa depression ang anak mo, dahil sa gago niyang ama. At tama ka bata pa siya kaya absuwelto siya isama pa na bully iyong batang sinaksak niya kaya ligtas siya sa batas."
sabi ni AJ.

"Hindi sa ganoon iyon." sabi ni Shaira saka ito umupo at akmang tatayo na siya ng magsalita si AJ.

"Huwag kang aalis." sabi ni Aj na sumeryoso.


"Ano?"
sabi ni Shaira.

"Huwag kang mag-alala okay ang anak mo. Pinagtanggol lang nya ang sarili niya." sabi ni AJ.

"Sandali, anak ko iyon kaya dapat ako ang makakaalam kung paano, sino at ano ang gagawin niya." sabi ni Shaira.

"Alam namin pero tumawag si Papa, ang sabi niya sa El Casa muna kayo mag-ina habang inaayos nila tito Run ang kaso ng anak mo. Pero huwag kang mag-alala dahil sisiw lang iyon sa grupo nila Papa, madaling ayusin ang mga ganyang simple at tipikal na problema." napangiting sabi ni Aj na ikinangisi nila Amon at lalaking kasama nito na ikinakunot ni Shaira dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya na mga dating bilanggo o criminal ang ama ni Aj na si Autumn at mga kaibigan nito o kagrupo.

"Huwag kang mag-alala ate Shay. Okay si Franco, kasama siya ni Laurent." sabi ni Hestia.

"Ano? Kasama niya si Laurent?" nagtatakang sabi ni Shaira dahil alam niyang wala sa Manila ang anak nila AJ at Hestia.

"Ang totoo nauna na siya sa El Paradiso." nakangiting sabi ni AJ na ikinanlaki ng mga mata lalo ni Shaira.


"Sandali bakit ba pinahihimasukan niyo ang buhay ng anak ko?"
sabi ni Shaira na ikinatahimik at ikinaseryoso ng mukha ng mga lalaki kaya natahimik si Shaira dahil nakaramdam siya ng takot sa seryosong mukha nila Amon at AJ at ng lalaking hindi niya ba alam kung pangit ito dahil laging nakatago ang mukha nito.

"Ate Shay, magtiwala ka. Magiging okay ang anak mo, dahil..." udlot na sabi ni Hestia saka ito bumulong kay Shaira.

"....mukhang makakasundo niya ang mga iyan." bulong ni Hestia na napangiti kaya naman napatitig si Shaira dito.

................

Present day

"Hindi kaya naibugaw na iyan doon." sabi ng isang empleyado.

"Hindi malabo." sabi pa ng isa.

Napahingang malalim na lang si Shaira, alam niyang pagtsitsismisan siya ng mga empleyado lalo na kung sa Casa ka nagtrabaho na iba ang pakahulugan ng iba.

Nang maayos ni Shaira ang mesa niya umupo na siya at nagsimulang magtrabaho. Pero wala pang ilang minuto ng may lumapit sa kanya.

"Maam Shaira, pinatatawag kayo ni President Gian." sabi ng isang staff na ikinatingin ng lahat kay Shaira.

"Huh! Baka pormal na." bulong ng isang empleyado.

"Pormal na ano?" sabi ng isa na hindi alam ni Shaira kung sadyang pinaririnig sa kanya ang usapan at mga alingasngas na iyon

"Galing sa casa so lehitimo na." natawang sabi ng isa na ikinangiti lang ni Shaira.

"Wala ng makapitan kaya sa patalim na lang." sabi pa ng isa.

Napahingang malalim si Shaira hindi naman kasi lingid sa kanya ang komosyon na naganap sa anak niya at sa ama nito sa baba ng gusali ilang linggo na rin ang nakakalipas. Isang tsismis iyon na madaling pagpiyestahan lalo na at hindi naituloy ng director ang project nito sa kompanya na pinagpiyestahan sa Entertainment Industry at ang itinuturong rason siya at ang anak lang naman niya. Na ayon sa blind item kabit siya ng taas kaya napatigil niya ang project ng director.

Tumayo si Shaira at ngumiti sa staff

"Okay, pupunta na ako." sabi ni Shaira saka ito umalis pero muli may narinig siyang bulungan.

"Close the door na. Sisirko na iyan." natawang sabi ng isang empleyado na hindi na lang ikinaimik ni Shaira.

Nagtungo si Shaira sa opisina ni Gian, kumatok ng sabihin ng secretary na dumeretso na lang siya sa kuwarto ng amo nila.

Nang makakatok binuksan ni Shaira ang pintuan saka ito pumasok. Pagtingin si Shaira sa mesa ni Gian bahagya siyang nagulat ng makitang nakatingin na si Gian na tila kanina po ito nakatitig sa pintuan at sa iluluwang tao ng pinto kung sakali.

"Good morning Sir." sabi ni Shaira habang nakatitig lang si Gian sa dalaga.

Lumapit si Shaira sa harap ng mesa ni Gian at tumayo roon pero nanatili nakatitig si Gian sa kanya.

"Arhhm." tikhim ni Shaira na ikinaalis ng tingin ni Gian dito.

"Ahhmm. May mga aplikante na parating kailangan natin ng additional na sampu, ikaw na bahala mamili. Lahat ng iyon sa Utility Department ilalagay." sabi ni Gian.

"Yes Sir." sabi ni Shaira.

"Ito iyong mga ibinigay na resume na nagpasa sa baba ng building sa reception area. Kinuha ko na kanina at pahapyaw ko ng tiningnan." sabi ni Gian sabay abot ng folder kay Shaira.


"Yes Sir."
sabi ni Shaira saka nito kinuha ang folder.

Napatingin si Shaira kay Gian ng hindi nito binitawan ang folder na hawak nito habang inaabot sa kanya.

"Kamusta ang pagtatrabaho sa Casa?" sabi ni Gian.

"Okay lang po." sabi ni Shaira saka ito napayuko dahil alam niyang iba din ang iniisip ni Gian sa kanya.

"Masaya ba?" sabi ni Gian.

"Oo naman Sir. Okay naman po." sabi ni Shiara habang nakahang pa rin ang folder na hawak nilang dalawa ni Gian.

"Anong tinarabaho mo doon?" sabi ni Gian na ikinatingin ni Shaira dito dahil iba ang pakahulugan sa tanong nito pero hindi niya iyon tinama.

"Isa sa staff ni Maam Astraea." sabi ni Shaira na ikinatitig ni Gian dito.

Napangiti naman si Shaira ng hindi na nakapagsalita si Gian.

"Bakit ka ngumingiti?" sabi ni Gian ng makita ang ngiti ni Shaira na matagal na niyang hindi nakita.

"Alam ko po kasi na gusto niyong pumunta doon. Kaso mukhang pinagbabawalan kayo." sabi ni Shaira.

"Tingin mo okay ako pumunta doon?" sabi ni Gian.

"Nasa inyo po iyan Sir." sabi ni Shaira.

"Bakit ako pupunta kung nandito na ang isang taga Casa?" sabi ni Gian na ikinaiwas ng tingin ni Shaira saka ito napahingang malalim, dahil tama siya mukhang ganoon din ang iniisip ni Gian sa kanya sa pagtatrabaho niya sa Casa.

Binitawan ni Gian ang hawak na folder na ikinatingin muli ni Shaira dito.

"Kamusta ka?" tanong muli ni Gian.

"Okay naman po." sabi ni Shaira.

"Gaano kayo kaclose ni Autumn?" tanong muli ni Gian

"Hindi po kami close, kaibigan siya ng asawa ni Harmony. Si Harmony, iyong amo ko po dati na artista." sabi ni Shaira.

"Ang layo ng koneksyon pero nakatagpo." sabi ni Gian na ikinatikhim ni Shaira dahil may double meaning iyon sa kanya na muli ayaw niyang itama.

"Ahhhm. Sir, wala na po ba kayo ipagbibilin? O sasabihin? O kaya iuutos? Kung wala na po puwede na po ba akong makaalis." sabi ni Shaira na ikinatitig ni Gian dito.

"Wala na. Puwede ka ng umalis." sabi ni Gian na ikinatango ni Shaira saka ito umalis.

Paglabas ni Shaira napahingang malalim ito saka ito pumunta sa mesa niya.

Samantalang napabuntung hininga si Gian ng makalabas ng opisina niya si Shaira.

"Sir, nasa meeting place na po si Mr Gomez sa C-Tower." sabi ng secretary ni Gian ng bumungad ito sa opisina ni Gian.

"Okay." sabi ni Gian saka ito tumayo.

...................

C-Tower Manila

Hours Later

Katatapos lang ng meeting ni Gian kay Mr Gomez sa gusaling iyon na pag-aari ng mga Cheung. Nakaupo siya ngayon mag-isa sa Franxie Resto kung saan ginanap ang meeting nila kanina. Ang resto ay pag-aari naman ng mga Valiente na nasa baba lang ng gusaling iyon.

Napagdesisyunan niyang magkape muna bago bumalik sa opisina, pero ilang sandali lang ng mamataan niya ang pamilyar ng tao sa labas ng restaurant. Napakunot noo si Gian ng mahinuhang may nagaganap na komosyon sa pamilyar na tao at sa mga kasamahan nito.

...............

"Nasaan ba ang tatay mo? Bakla iyon di ba? So bakla ka rin. Bakla!" sigaw ng batang lalaki.

"Ano ngayon kung bakla? Bakit inggit ka? O baka crush mo ako?" sabi ng isang batang lalaki na binubully ng tatlong batang lalaki.

"Hahaha! Bakit naman ako magkakagusto sayo? Lalaki ako at deretso itong akin. Eh iyang sayo..." udlot na sabi ng batang lalaki ng suntukin ito ng binubully ng mga ito.

Mula sa kinauupuan ni Gian mabilis itong tumayo ng makita ang ginawa ng batang lalaki at hindi doon natapos ang pagsuntok ng bata ng gumanti ang sinuntok nito at pagtulungan pa ng mga ito ng tatlong batang lalaki.

"Walang bayag." sabi ng tatlong batang lalaki.

"Bakla." sigaw pa ng isa habang sinusuntok ng mga ito ang bata.

"Bakla pala ah." sabi ng batang binubully saka ito tumayo at sinipa ng malakas ang batang nasuntok nito kanina.

"Gago ka ha." sabi ng dalawang batang lalaki na kasamahan ng sinuntok ng binubully ,at akmang gaganti pa ang mga ito ng may humarang sa mga ito.

Napatingin si Gian sa lugar, business place iyon na ang ibig sabihin mga naglalakihang mga gusali ang mga naroroon na mga naglalakihang negosyo sa bansa. Pero hindi naman siya magtataka kung may mga bata roon dahil may mga condominium unit sa naturang business site na malamang doon nakatira ang mga batang mukha naman may kaya sa buhay.

Napatingin naman ang tatlong batang lalaki kay Gian na ikinatingin ni Gian sa mga ito.

"Alam niyo bang puwede kayong makasuhan dahil may batas dito. Ang Anti Bullying Act at mukhang malalaki na kayo at may isip na kaya siguradong pinag-aaralan iyon sa paaralan niyo." sabi ni Gian na ikinatakot ng tatlong batang lalaki bukod kasi sa sinabi ng Gian sa mga bata malaking tao ang binata na ikinatakot ng tatlong bata.

"Halika na kayo." sabi ng isang batang lalaki saka nagtakbuhan ang mga ito.

Napalingon naman si Gian at nagulat ito ng wala na ang batang binubully ng tatlo kanina. Nagpalinga-linga si Gian at namataan nito ang bata na papunta sa naturang tower na pinanggalingan niya.

Naglakad si Gian at sinundan nito ang batang lalaki at ng maabutan ito hinawakan niya iyon sa braso na ikinalingon ng batang lalaki.

"Bakit?" sabi ng batang lalaki ng may humawak sa braso niya at makita si Gian.

Napatitig si Gian sa batang lalaki, putok ang labi nito at nangingitim na ang pisnge nito dala ng pasa. May sugat din ito sa baba ng mata sa pagkakasuntok dito ng tatlong batang lalaki kanina. Bukod doon napakunot noo pa siya dahil may ibang sugat ang bata na tingin niya hindi iyon sa pakikipagsuntukan ngayon na malamang nakipagsuntukan din ito o nakipag-away kahapon dahil papagaling pa lang iyon.

"Mag-aalala ang mama mo sayo." sabi ni Gian na ikinangisi ng batang lalaki.

"Huwag kang mag-alala bago siya dumating nakaayos na ako." sabi ng batang lalaki

Pinagmasdan ni Gian ang batang lalaki ang huli nilang paghaharap ay noong pinaalis niya ito sa opisina at makita na kayakap nito ang aso sa baba ng Canmore Building. At sa nakikita niya ngayon sa bata, iba na ang batang lalaki ngayon na kaharap niya tila ang bilis nitong magbago base sa pagsasalita nito, sa tindig at sa kilos nito. Ilang taon ang hinakbang ng edad nito sa ilang linggo ng huli niya itong makita.

"Bitawan mo ako." sabi ng batang lalaki kay Gian.

"Hindi mo kailangan makipag-away para lang patunayan na lalaki ka." sabi ni Gian na ikinangisi ng batang lalaki na ikinatitig naman ni Gian dito dahil kahit ang simpleng reaksyon ng bata ay halatang kakaiba ito.

"Kahit na mag-ayos ka, nasa mukha mo iyang sugat, pasa at putok ng labi mo na makikita ng nanay mo kapag umuwi siya." sabi pa ni Gian.

"Hindi ko kailangan ng mga sinasabi mo dahil hindi kita kaano-ano." sabi ng batang lalaki.

Napahingang malalim si Gian saka ito napakunot noo ng mahinuha na sa C-Tower papasok ang batang lalaki.

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ni Gian na ikinangisi ng batang lalaki.

"Nakikitira." sabi ng batang lalaki na ikinakunot noo ni Gian

"Nakikitira?" sabi ni Gian.

"Pinatira kami ni tito Autumn sa isang unit sa taas." sabi ng batang lalaki.

"Franco." sabi ni Gian.

"Mister, bitawan mo na ako para makaakyat na ako dahil darating na ang nanay ko." sabi ni Franco.

"Nakita kita na kausap mo ang tatay mo." sabi ni Gian


"Wala akong pake."
sabi ni Franco saka nito tinanggal ang kamay ni Gian sa braso niya.

"Franco, hindi mo kailangan magrebelde para lang mapansin ng tatay mo." sabi ni Gian.

"Hahaha! Ako? Nagrerebelde? Okay lang ho kayo? Iyong tatlong batang iyon ang nauna, sinundan ako pauwi. Kilala daw nila ako kasi nakita nila ako sa balita habang ang tatay ko ay nasa headline ng showbiz. Alam mo iyon, alam ng lahat na tatay ko siya pero siya todo tanggi." sabi ni Franco.

"Hindi mo kailangan ipilit ang sarili mo sa kanya. At huwag mo hayaan na sa hindi niya pagkilala sayo magbabago ka." sabi ni Gian

"Hahaha! Anong alam mo? At saka puwede ba, lubayan mo ako at huwag kang makialam dahil wala tayong relasyon. Saka ni hindi ko na nga inisip na tumapak sa pag-aari mo at mula ng palayasin mo ako doon tinatak ko na sa isip ko na isa ka sa mga taong naging hangin lang na nagdaan." sabi ni Franco na ikinatahimik ni Gian.

"....salamat sa pagtulong sa nanay ko. Alam ko ang ginawa mo kahit nasa kulungan ako ng araw na iyon." sabi ni Franco saka nito tinalikuran si Gian na natulala sa sinabi ni Franco.

Napangisi ang ang batang lalaki ng makitang nagulat sa sinabi niya si Gian. Naglakad siya palayo dito at hindi ito nilingon.

"Nakulong daw siya? Ang bata pa niya. Tsss. Baka mali lang ang pagkakaunawa ko. O baka nantitrip lang." sabi ni Gian sa isip habang sinusundan ng tingin si Franco papasok ng gusali.

"Kinuha sila ni Autumn at pinatira sa pag-aari nila. Bakit? Anong relasyon niya sa mag-ina? Bakit ganoon na lang ang turing ng grupo niya sa mag-ina?" nagtatakang sabi ni Gian sa isip. Wala naman kasi siyang alam sa grupo ni Autumn at hindi siya naman siya nagtatanong kay Vladimir na nakauwi na sa Palasyo ng ama nila.


July 18, 2022 5.33am

Fifth Street

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top