Kabanata 10 : Kadugo
Kabanata 10 : Kadugo
Days Later
"Ate Hestia dito na lang po ako." sabi ni Franco ng makababa ng kotse nila AJ at Hestia.
"Uyyy, hindi puwede kaya ka nga namin sinundo para dalhin ka ng personal mo sa nanay mo." sabi ni Hestia.
Araw ng Sabado ng maisipan nila AJ at Hestia na sunduin si Franco sa bahay nito para makasama nito ang inang si Shaira. Kasama nila ang aso nito na ayaw iwan ni Franco sa bahay ng mga ito.
"Dito lang ako maghihintay kasama ko naman si Doggo." sabi ni Franco tukoy sa aso nito.
Napatingin si Hestia kay Aj na nakatitig sa batang lalaki.
"Hayaan mo na." sabi ni Aj.
"Pero wala siyang kasama." sabi ni Hestia na ikinangiti ni AJ dahil tila anak nila si Franco kung ituring ni Hestia lalo na at namimiss nito si Laurent na ilang araw na nila hindi kasama.
"May kasama siya si Doggo nga daw." sabi ni Aj kay Hestia.
"Baka mapaano siya." sabi ni Hestia na ikinangiti ni AJ
"Strong siya parang si Laurent." sabi ni Aj.
"Paano kung mapahamak siya? Awayin kita." sabi ni Hestia na ikinatawa ni AJ.
"Hahaha! May guard naman, saka uwian na. Bababa na rin si Shaira." sabi ni Aj.
Napatingin si Hestia kay Franco habang karga ang aso nito.
"Ate okay po ako dito." sabi ni Franco.
"Sure ka?" sabi ni Hestia.
"Opo." sabi ni Franco
"Okay. Mag-iingat ka, huwag kang lalayo at sasama sa iba." sabi ni Hestia na ikinangiti at tango ng batang lalaki.
"Ingat ka." sabi ni Aj kay Franco sabay gulo sa buhok ng batang lalaki at sa aso nito na tumahol pa sa ginawa niya.
"Opo. Salamat po kuya." sabi ni Franco na ikinangiti ni AJ.
Naiwan si Franco at ang aso niya kaya pumuwesto siya sa gilid ng gusali kung saan siya naghintay sa nanay niya dati. Umupo sila doon ng aso niya habang nakatingin sa mga dumadaan.
Ilang sandali pa ng may namataan na pamilyar si Franco at ilang sandali lang ng mapangiti ito ng matukoy kung sino iyon.
"Si daddy." sabi ni Franco sa sarili ng makita ang pamilyar na mukha na minsan na niya nakita
Tumayo ang batang lalaki at sinalubong ang lalaki na papasok sa naturang gusali.
"Daddy." napangiting sabi ni Franco na ikinatigil ng lalaki.
Napakunot ang noo ng lalaki habang nakatitig sa batang lalaki.
"Kamusta po?" sabi ni Franco saka nito kinuha ang cellphone at mabilis na binuksan iyon at pinakita ang larawan sa tinawag nitong daddy.
"Sino siya?" sabi ng kasama ng lalaki.
"Hindi ko alam, baka nanghihingi ng limos." sabi ng lalaki.
"Daddy." sabi ni Franco ng marinig ang sinabi nito.
"Bigyan mo na." sabi ng lalaki.
Kumuha ng pera ang lalaki at ibinigay iyon sa bata na ikinatingin ni Franco dito.
"Anak po niya ako." sabi ni Franco sa kasamang lalaki ng tinawag nitong daddy.
"Huh!" sabi ng lalaki.
"Hindi ko siya anak, babe." sabi ng lalaki sa kasama nitong lalaki.
"Daddy, ako po si Franco." sabi ni Franco na sa ikalawang pagkakataon tinatwa siya nito.
"Bata wala akong panahon sa isang biro. Ito iyong pera kunin mo na at umalis ka na." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Franco sa isang libo na nasa kamay ng lalaki.
....................
President's Office.
"Sir, nandiyan na po iyong director na magdidirect ang commercial ng telecom." sabi ng secretary ni Gian.
"Okay sa baba na kami mag-uusap." sabi ni Gian saka ito nagmamadaling nag-ayos dahil mahalaga ang event na iyon para sa bagong gagawing commercial.
....................
HR Office
"Uyyy, mauna na ako." sabi ni Shaira kay Rio.
"Nagmamadali?" sabi ni Rio.
"Nandiyan si Franco, may date kami hinatid siya nila AJ at Hestia." sabi ni Shaira na excited dahil iyon ang Sabado na muli niyang makakasama ang anak ng maaga sa vicinity ng gusaling iyon.
"Okay." sabi ni Rio pero naudlot ang pagsara ng elevator ng pinahinto iyon ng security.
Umusog sa gilid si Shaira ng pumasok si Gian at dalawang security at secretary nito.
Napatingin naman ng pasimple si Gian kay Shaira nakayuko ito at nagtitipa sa cellphone nito.
Isinara ni Rio ang pintuan ng elevator at ilang minutong katahimikan ang namayani habang si Shaira ay kuntodo sa kakatipa nito.
"Hindi sumasagot." napalakas na sabi ni Shaira na ikinatingin ng pasimple ni Gian dito.
Napatingin si Shaira sa numero ng elevator bakas ang pag-aalala sa mukha nito na ikinatitig ni Gian sa repleksiyon ng dalaga sa salamin na nakapaikot sa elevator.
Ilang sandali pa ng huminto ang elevator at ng lumabas sila Gian at mga kasama nito. Lumabas si Shaira at mabilis itong naglakad na ikinangisi ni Gian.
..................
"Anak mo po ako." sabi ni Franco sa ama.
"Iho, tanggapin mo na ang pera at may gagawin pa ako." sabi ng lalaki.
"Daddy." sabi ni Franco.
"Hahaha! Ang kulit nito, hindi kita anak. Wala akong anak." natawang sabi ng lalaki sabay tingin sa kasama nitong lalaki.
Mula naman sa exit ng gusali napahinto si Shaira ng makita ang anak at ang director na ama ni Franco.
"Ayaw mo po ba talaga sa akin?" sabi ni Franco habang karga nito ang aso nito.
"Hindi nga kita anak." sabi ng lalaki na ikinaluha ni Shaira sa muling pagtatatwa ng lalaki sa anak niya.
"Daddy pa rin kita kahit ayaw mo sa akin." sabi ni Franco na bakas ang lungkot sa mukha nito.
"Franco." sabi ni Shaira sabay lapit sa anak.
Napatingin si Shaira sa lalaking kausap ng anak, ito ang director na ama ng anak niya na pauit ulit nitong tinatanggi.
"Hello Shaira." sabi ng director na ikiansampal ni Shaira dito kaya napahinto ang lahat.
Napatiim ng bagang ang director saka nito tiningnan si Shaira.
"Sana hindi ka na lang nagpakita." sabi ni Shaira sa director.
"Excuse me. Hindi ako nagpakita, pupunta talaga ako dito at bakit ako iiwas wala naman akong tinatago." sabi ng director.
Napalunok si Shaira sa sinabi ng lalaki. Bakla ito at ang kasama nitong modelo ay karelasyon nito ngayon. Bagay na isa pa sa ikinababaliw niya dahil tinanggi na ang anak niya kasabay ng mas pinili ng director ang mga lalaki nito.
Mula sa exit ng gusali napahinto si Gian ng makita ang ginawa ni Shaira sa lalaki na ikinakunot noo niya.
"Daddy." sabi muli ni Franco habang nakatitig sa ama. Kahit kasi hindi sabihin sa kanya nakikita niya ito sa tv madalas at kamukha niya ito kahit saan anggulo.
"Hindi nga kita anak. Wala akong anak." diin na sabi ng director na ikinayuko ng batang lalaki.
"Gago." sabi ni Shaira sabay sampal uli sa director.
"Miss foul na iyan, kakasuhan ka namin." sabi ng kasama nitong lalaki ng sampalin muli ni Shaira ang director, na ikinatingin ni Shaira dito
"Shaira, hindi ko siya anak. Gusto mo bang magkaanak ng silahis din? Alam kong ayaw mo, ikaw sige ka kapag pinilit mo ang gusto mo baka malito ang anak mo at maging bakla iyan. Mahihirapan ka dahil iyong ginagawa mong kuwento naaabsorb ng anak mo at may tendency na maging binabae iyan." sabi ng director na hindi naman halatang bakla ito dahil matikas ang pangangatawan ito, guwapo at angat ang awra nito.
"Dad." sabi ni Franco na ikinatawa ng lalaki.
"Hahaha! Hindi nga kita anak." sabi ng director ng bumaling sa batang lalaki.
"Okay na huwag mo ng idiin sa kanya." inis na sa sabi ni Shaira na ikinayuko ni Franco.
"Nay uwi na po tayo." sabi ni Franco.
"Anak." sabi ni Shaira.
"Sabi ng mga kaklase ko, kaya wala akong ama kasi hindi ako kasiya-siyang mahalin ng isang ama." sabi ni Franco na ikinatingin ni Shaira sa anak.
"Anak hindi totoo iyan." sabi ni Shaira.
"Okay lang po nanay. Titigil na ako kakasabing may ama ako." sabi ni Franco sabay tingin sa lalaki at muli itong nagsalita.
"....pero mananatili sa akin na ikaw ang ama ko kahit ayaw mo. Kadugo mo ako at ako sayo." sabi ni Franco sa director saka ito napaluha na ikinaiwas ng tingin ng director.
"Masaya po ako, kung saan ka masaya. Kaya sorry po, kung napapahiya ka kapag pinipilit kong anak mo ako." sabi ni Franco sa director na ikinaluha ni Shaira
Napatingin si Franco kay Shaira saka ito napangiti.
"Halika na po 'nay." sabi ni Franco saka nito hinawakan ang kamay ni Shaira.
"Okay." sabi ni Shaira saka nito iniwan ang dalawang lalaki at sumama sa anak paalis sa lugar.
...............
"Sir siya po iyon director ng commercial na gagawin." sabi ng secretary ni Gian habang nakatitig si Gian sa mag-ina na naglalakad palayo.
"Ipakansel mo ang meeting." sabi ni Gian.
"Sir, importante po iyon." sabi ng secretary nito.
"Maraming director na puwedeng gumawa." sabi ni Gian saka ito bumalik sa loob ng gusali.
..............
Days Later
Kanina pa sa seminar na iyon ng HR si Shaira. Nakaupo siya sa pinakaunahan at nakikinig sa speaker pero kahit isa wala siyang maunawaan sa sinasabi ng mga ito.
Tagus-tagusan kasi ang tingin niya at tila nagbo-bounce lang lahat ng ingay na naririnig niya sa paligid.
Ilang araw ang lumipas sa insidente ng pagkikita ng mag-ama niya pero hindi pa rin siya makapagconcentrate, nag-iba kasi ng mood si Franco. Lagi itong tahimik na nagbibigay ng alalahanin sa kanya. Bumaba din ang mga score sa test at exams nito na hindi naman niya mabigyan ng atensyon dahil buong araw nasa opisina siya.
Nagsitayuan na ang lahat pero si Shaira tila hindi nito nakikita ang pag-alis ng mga empleyado hanggang sa naiwan itong nag-iisa sa maliit na kuwartong iyon.
"Tsss. Lutang. Hahaha!" natawang sabi ng empleyado ng makalabas ang mga ito pero si Shaira nasa loob pa rin at nakatitig sa unahan.
"Good morning Sir." bati ng isang staff ng makita si Gian.
"Katatapos lang?" tanong ni Gian.
"Yes Sir." sabi ng staff.
Napatingin si Gian sa kuwarto, mula salaming bintana ng kuwarto nakikita ni Gian si Shaira na nakaupo sa unahan at nakatingin sa harapan. Halatang wala ito sa huwisyo at hindi alam na tapos na ang seminar
"Lutang ang ate niyo. Hahaha." natawang sabi ng isang HR Officer sa mga staff ng makalabas ito ng kuwarto na ikinarinig ni Gian.
"Kanina pa siya ganyan. Sayang ang pinasasahod sa kanya kung di man lang siya makinig sa seminar ni Manager Yang." sabi ng isa pang empleyado, pero naudlot ang usapan ng mga ito ng makita si Gian sa labas ng kuwarto na nakatayo at nakamasid sa loob ng kuwarto kung saan sila galing.
.............
Napahingang malalim si Shaira at sa paglingon nito wala na siyang kasama na ikinapula ng mukha niya.
"Ohhh shit. Tapos na pala." sabi ni Shaira saka ito nag-ayos at tumayo. Nagmamadali itong lumabas ng kuwarto pero sa paglabas nito nasalubong nito si Gian na nakatitig sa kanya.
"Good morning, Sir." sabi ni Shaira at inaasahan na niyang hindi tutugon o ngingiti man lang ang may-ari na ikinasanayan na niya.
Tinalikuran siya ni Gian kaya naman nagtungo siya sa mesa niya para magtrabaho.
Pagdating sa mesa niya umupo si Shaira saka ito nagbukas ng laptop at habang hinihintay magbukas iyon napatitig siya sa larawan nila ng anak niya. Kinuha iyon ni Shaira ng makaramdam siya ng lungkot. Lungkot para sa anak niya. Napahingang malalim si Shaira pero nanatili itong nakatitig sa larawan na hindi namamalayan na nakaopen na ang laptop nito.
"Pakicheck nga ito." sabi ni Gian sabay lapag ng folder sa mesa ni Shaira pero tila hindi na naman siya napansin nito dahil ang buong atensyon nito ay nakatutok sa larawan ng anak nito.
Nakatitig lang si Gian kay Shaira ng mailapag ang folder sa mesa nito. Ilang minuto din na ganoon ang sitwasyon ng dalawa.
"Matawagan ko nga ang gago mong tatay. Sandali lang." mahinang usal ni Shaira at ng mailapag nito ang picture frame napaatras nito ang upuan ng makitang nakatayo si Gian sa harap ng mesa niya at nakatitig sa kanya.
"Si---sir? Yes? May kailangan po ba kayo?" sabi ni Shaira.
Hindi umimik si Gian dala marahil sa narinig nito kay Shaira sa sinabi ng dalaga.
Napatingin si Shaira sa mesa niya at napalunok ito dahil hindi niya napansin ang folder na naroroon na malamang inilapag ni Gian na hindi niya napansin.
"Ako na pong bahala dito. Ibibigay ko po agad sa inyo." sabi ni Shaira ng mabasa ang report na gagawin niya.
"Kapag nasa opisina ka magpokos ka. Iwan mo sa labas ang personal mong buhay para naman makapagtrabaho ka ng maayos kasi kapag nagkamali ka hindi lang ikaw ang mapeperwisyo,kundi lahat tayo." seryosong sabi ni Gian na ikinatango ni Shaira.
"Okay Sir. Sorry po." sabi ni Shaira. Ang akala ni Shaira tatalikod na si Gian at aalis na ito pero muli itong nagsalita
"Hindi lang ikaw ang may problema kaya huwag kang umarte na para pasan mo ang lahat." sabi ni Gian na ikinatingin ni Shaira dito.
"Yes Sir. Alam ko po iyon." sabi ni Shaira.
"Mabuti." sabi ni Gian saka ito umalis na narinig pa ang pagbuntung hininga ni Shaira.
July 17, 2022 11.44am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top