Synopsis : Murafaga Albaghaya

Synopsis: Murafaga Albaghaya


"Ano ba naman ito? Ilang taon na ako sa kolehiyo hindi pa rin ako nakakapasa. Naka-graduate na ang lahat ng kaedad ko at manager na nga ang iba ako nandito pa rin." sabi ni Kyla habang binabaybay ang kahabaan ng hallway ng school na pinapasukan niya.

Napahingang malalim si Kyla sabay napatingin sa paligid. Nasa isang Unibersidad siya sa Manila, kilala at sinasabing anak-pawis ang mga nag-aaral, na totoo naman kasi isa siya doon. Ipinagpasalamat nga lang niya na nakapasa siya bilang transferee sa naturang school.

Nahihiya na kasi siya sa pamilya niya, ilang taon na siya pero pabigat pa siya. Ang kakambal naman niya ay nasa ibang bansa na at isa ng engineer. Ang ate nila ay nakapag-asawa ng mayaman at graduate din sa kolehiyo. Pero siya tila may sumpa, nanatili siya sa puwesto niya bilang estudyante.

"Asar. Kailangan ko na maka-graduate." sabi ni Kyla sa sarili dahil bente singko anyos na siya at nananatiling estudyante.

Nasa edad bente singko, bata pa naman pero sa bansang kinalakihan niya late na siya sa edad na may trabaho na at graduate na.

Ilang sandali pa lang sa paglalakad niya sa hallway napatigil si Kyla ng marinig ang sigawan ng mga kabataan mula sa baba ng building. Dumungaw siya doon at napangisi sa mga nakikita.

"Pabagsakin! Pabagsakin!" sigaw ng mga estudyanteng nasalubong ni Kyla.

"Tsss." napahingang malalim na reaksyon ni Kyla.

Minsan na siya sumali sa mga rally sa kalsada pero inihinto niya dahil pakiramdam niya, huminto din ang buhay niya.

Isama pa na ang mga nakikita niya doon at nakakasama ay mga hindi pa rin graduate at nananatili sa Unibersidad. Mga tipong pagrarally na yata ang trabaho.

"Haissst! Langya kasing Law iyan hindi ko mapasa pasa." inis na sabi ni Kyla.

Napangisi si Kyla, habang nakamasid sa mga kabataan nagrarally dahil isa pa sa dahilan kung bakit siya umalis sa ganoong kalakaran ng mga estudyante ay dahil bagsak siya lagi sa subject na Law. Batas ng Pilipinas.

"Magrarally kayo?? Huh! langya mga dropped out naman o di kaya failed ang grades. Buweset! Biruin mo pinaglalaban ko ang karapatan ko pero hindi ko mapasa ang law. Asar." inis na sabi ni Kyla habang nakatunghay sa baba ng building at nanonood sa mga estudyanteng sumisigaw ng batas.

"Asar. Pupuwesto ako diyan kapag nakapasa na ako sa Law at sa pag-aaral ko ng sa ganoon may mukha naman ako ihaharap kapag may nagtanong kung ano ang alam ko? Anong narating ko? O kung ano ako bilang Pilipino? Asaaaar!" naiinis na sabi ni Kyla at sumigaw ito.

"Kailan ako makakagraduate?!!!!!" inis na sabi ni Kyla at sa inis niya nahulog ang librong dala niya, sa building na iyon.

"Ayyy! Nalaglag!" sigaw ni Kyla ng malaglag ang hawak na libro at tumama ang libro sakto sa taong kalalabas lang kotse.

"Buweset talaga, sa dinami dami ng libro iyong Law ko bang libro ang nahulog." inis na sabi ni Kyla pero napahinto ito ng malakas na sumigaw ang nabagsakan ng libro niya ng Law

"Aray!" nagulat na sabi ng lalaki ng tumama ang kung anong bagay sa ulo niya.

Sa lakas ng sigaw ng lalaki mabilis na umupo si Kyla para hindi siya makita.

Tumingala ang lalaki pero wala siyang nakitang tao kaya napahingang malalim ito at tumingin sa lupa kung saan naroroon ang bagay na nahulog.

Kinuha iyon ng lalaki at napangisi ito sa nabasa.


"Philippine Law. Huh! Nandito ka pa rin sa librong ito. Ang librong hindi mo maiwan. Tsss! Mabuti pa ang libro kasa-kasama mo, ako talaga tinaguan mo para lang dito sa librong ito."
nakangising sabi ng lalaki ng makita ang lumang libro at ang pangalan ng may-aring nakasulat doon.

Kinuha ng lalaki ang libro at umalis ito sa lugar na iyon.

"Miss Madlangbayan." tawag ni Oscar na ikinatingin ni Kyla habang nakaupo ito sa lapag ng hallway.

"Yes Sir." sabi ni Kyla ng makita ang Professor niya.

Napangisi si Kyla ng matitigan ang lalaking tumawag sa kanya dahil naging kaklase niya ito sa kolehiyo.

"Hahaha! Sir ka diyan. Pinatatawag ka ni Prof Pelaez." natatawang sabi ni Oscar

Nakaramdam ng habag at lungkot si Kyla sa sarili, lahat kasi ng kaklase niya tila mabilis din nagsiangatan mula ng makatapos sa kolehiyo, pero siya nangangapa pa rin kung ano ang kinabukasan niya.

May kanya-kanya ng trabaho ang lahat ng sana ay kalevel niya, hindi tulad niya umiikot pa rin sa silid aralan para mag-aral at naghahangad na pumasa. Makasuot ng togang itim at makahawak ng diploma.

"Uy, okay ka lang?" sabi ni Oscar ng titigan lang siya ni Kyla.

"Oo. Hays! Malamang babagsak na naman ako. Lintik na law subject iyan hindi ko mapasa pasa." sabi ni Kyla.

"Hahaha! Kaya mo iyan, hindi ka naman nag-iisa." sabi ni Oscar na ikinangiti ni Kyla habang naglalakad na ang dalawa papunta sa opisina ni Prof Pelaez na nasa unang palapag ng gusali.

"Hindi nga, kasi ang mga kasama ko sa special class sa law ay mga trenta hanggang kuwarenta anyos na." sabi ni Kyla na ikinatawa ni Prof Pelaez

"Hahaha. Malay mo maawa si Prof Pelaez at ipasa ka na." sabi ni Oscar.

Napangisi si Kyla, nakailang propessor na siya sa Law pero lahat hindi niya naipasa o dahil hindi niya talaga maunawaan.

"Langya, kung hindi ako paluhain ng Propesor na iyan sa classcard ko para makuha, tapos sa huli singko naman pala ang grades ko. Aissst! Pinapaasa pa ako lagi. Alam mo iyon? Hindi na lang niya sabihin na... "hoy ineng bagsak ka na naman".

Hindi eh, talaga effort ako maghabol sa classcard ko tapos malalaman ko singko." naiinis na sabi ni Kyla.

"Grabe ka, mabait naman si Prof. At saka di ba hindi lang naman Law ang bagsak mo?" natatawang birong sabi ni Oscar na ikinatahimik at buntung hininga ni Kyla.

Totoo naman kasi ang sinabi ni Oscar, bagsak din siya sa mga College Math subjects niya pati English nga bagsak siya. PE nga lang yata ang inuuno niya sa grades.

"Uy, joke lang baka dibdibdibin mo." sabi ni Oscar ng tumahimik si Kyla.

"Hindi. Tsss. Totoo naman ang sinabi mo." napangiting sabi ni Kyla.

Napatingin si Oscar kay Kyla, hindi naman ito mahina sa klase nila noong magkaklase pa lang sila. Iyon nga lang sumasali kasi ito sa rally at miyembro ito ng mga grupo sa loob ng paaralan nila. Kaya pagdating nito sa klase pagod at hindi makapag-isip ng tama.

Bukod pa doon, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may mga Propessor talaga na iniipit ang classcrad ng estudyante lalo na kung babae para makaiskor sa mga ito at alam niya isa si Kyla sa nabiktima kaya nga sumali ito sa grupo para sa proteksyon nito mula sa mga Propessor.

Maganda kasi ang babaeng nasa harapan niya, probinsiyana ito pero siguro sa pagdaan ng taon na inilagi ni Kyla sa Manila na-adopt nito ang kilos at gawi ng mga Manileno kaya mas lalong lumutang ang awra nito. Sa pananamit, sa pagsasalita at sa tapang.

"Huwag mo akong titigan, Prof." napangiting sabi ni Kyla na ikinatawa ni Oscar.

"Hahaha! Dito na tayo." sabi ni Oscar sabay bukas ng pintuan nito at nauna ito pumasok.

Pagbukas ng pintuan sumunod si Kyla at napatingin sa Propesor na nakaupo sa silya sa tapat ng mesa nito nakayuko ang lalaki at may binabasang libro kaya hindi niya makita ang buong mukha nito.

"Kamusta?" seryosong sabi ng lalaki na ikinakunot noo ni Kyla ng hindi man lang tumingin ang lalaki kahit nagsalita na ito.

"Kyla, siya iyong reliever ni Prof Pelaez at magiging Propesor mo this coming summer class." sabi ni Oscar na ikinatitig lang ni Kyla sa lalaking nakaupo.

Hindi umimik si Kyla kaya umangat ang ulo ng lalaki na ikinanlaki ng mga mata ni Kyla.

"Uyyyy! Bakit ka nandito?" sabi ni Kyla ng makita ang mukha ng lalaki.

"Arrhhm. Aalis po muna ako Prof." sabi ni Oscar na ikinatungo ng lalaking tinawag nitong Prof.

"Ilang taon ka na sa kolehiyo pero hindi ka pa rin nakakatapos o hindi ka pa graduate." seryosong sabi ng lalaki kay Kyla ng maiwan silang dalawa lang.

"Ano ngayon sayo?" napangising sabi ni Kyla ng makitang problemado ang mukha ng lalaking kaharap na tila ang problema niya problema din nito ang makatuntong siya sa stage at kunin ang diploma niya.

"Ilang taon pa ako maghihintay para kunin ka? Sabihin mo." seryosong sabi ng lalaki na ikinangisi muli ng lihim ni Kyla dahil inaasahan niya nag-asawa na ito at umuwi sa bansa nito.

"Hay naku! Kaya siguro hindi rin ako makagraduate o makatapos sa kolehiyo dahil kakahintay mo." sabi ni Kyla

"Luging lugi na ako sa kontrata ko sa El Casa." napatiim bagang na sabi ng lalaki sabay pagpapaluwag ng kurbbata nito sa inis dahil hindi siya makahinga at gusto niya magwala kapag naaalala ang ilang taon na nasayang sa kanya.

"Kasalanan ko ba kung mahalay ka?" natatawang sabi ni Kyla dahil ang kontratang sinasabi ng lalaki ay hindi talaga para sa kanya kundi sa ate niyang nagtrabaho sa El Casa.

Napatingin ang lalaki kay Kyla saka ito napahingang malalim.

"Okay..... nag-aral na ako." sabi ng lalaki

"Anong nag-aral ka na?" napakunot noo na tanong ni Kyla.

"Nag-aral na ako ng subject mo na lagi mong nababagsak. Ang pesteng subject na hindi mo mapasa-pasa kaya hindi ka makausad." inis na sabi ng lalaki na ikinapagtaka ni Kyla.

"Pardon please. Mula simula pakiulit ang sinabi mo or sabihin mo ng deretso." sabi ni Kyla.

"Ako na ang..... Propessor mo at ipapasa na kita." napangising sabi ng lalaki sabay lagay ng pangalan nito sa mesa.

Napatingin si Kyla sa pangalan at talagang napangisi siya dahil nakalagay iyon o nakaimprinta sa maganda at mamahaling lalagyan na may logo pa ng kaharian nito.

"Professor Vladimir Canmore, MD Law." nakangiting maangas na sabi ni Vladimir na ikinataas ng kilay ni Kyla.

"Ay tinamaan ka ng magaling." nakangising sabi ni Kyla at nagulat ito ng tumayo si Vladimir at sinabit sa likuran nito ang picture nitong nakagraduate ng Law na may diploma.

"Proud." nakangiting sabi ni Vladimir sabay tingin kay Kyla.

"Hahaha! Ang pangit mo sa picture mo. Iyong totoo, nahirapan ka rin 'no?" sarkastikong sabi ni Kyla na ikinalapit ni Vladimir dito.

"Oo at alam kong nahihirapan ka rin kaya tutulungan kita para matapos na tayo at maiuwi na kita." sabi ni Vladimir at akmang hahawakan nito si Kyla ng hindi nito tinuloy na ikinatingin ni Kyla dito.

".....bawal kita hawakan dahil nasa batas iyon." sabi ni Vladimir saka ito lumayo kay Kyla na ikinangisi ni Kyla.

"Sa dinami dami ng babae, talagang hindi ka makapagmove on sa kontrata mo sa El Casa hanggat hindi mo naikakama 'no?" mapanuyang sabi ni Kyla.

"Mahalaga sa amin ang pagsunod sa kontrata lalo na nakabase iyon sa palasyo at sinang-ayunan ng hari." sumeryosong sabi ni Vladimir saka ito umupo at hindi na umimik na ikinakunot noo ni Kyla.

"Magiging katulong ka sa palasyo, at iyon ang nakasaad sa kontrata sa  El Casa kapalit ng bilyones na binayad ko. Isang escort na magsisilbi sa Hari sa loob ng palasyo. Murafaqa. Ang pagiging murafaqa o tinatawag naming escort ay isang Albaghaya o prostitute sa palasyo ng hari."  sabi ni Vladimir sa isip.


June 22, 2022 10.15am

Fifth Street





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top