Prologue : Diploma

Prologue : Diploma

Heather Island

Years Ago


"Ano ba?!" sigaw ni Kyla ng magulat ito ng biglang may humablot ng classcard niya habang papalabas siya ng vicinity ng Heather College ng hapong iyon.

"Langya! Bagsak ka na naman." sabi ni Vladimir na ikinainis ni Kyla sa mapanuyang ngiti ng lalaki sa harapan niya.

"Pakialam mo ba?" sabi ni Kyla kay Vladimir.

"Graduating ka na pero bakit hindi mo pinasa?" sabi ni Vladimir.

"Eh, sa hindi ko maipasa. Anong magagawa ko?" sabi ni Kyla na kahit siya hirap sa sitwasyon niya. Magaling naman siyang mag-aaral noong high school siya, pero kakaiba kasi ang kolehiyo na tila na shock siya sa patakaran, gawi o mabilis na pagdaloy at pag-usad ng mga tao. Pakiramdam niya sa bilis hindi niya kaya makipagsabayan.

"Okay, bibigyan kita ng pagkakataon para ipasa iyan." sabi ni Vladimir.

"Ano?" sabi ni Kyla.

"Kailangan na kita iuwi sa amin." sabi ni Vladimir.

"Sandali. Alam mo ang gulo mo kausap mas magulo ka pa unawain sa subject kong Law." sabi ni Kyla.

"Hindi pa ba nila nasasabi sayo?" sabi ni Vladimir.

"Na ano?" sabi ni Kyla.

"Tsss. Ako pa talaga ang magsasabi sayo? Grabe talaga si Autumn." inis na sabi ni Vladimir.

"Ano nga?" sabi ni Kyla

"Kyla!"

Napatigil sa pag-uusap ang dalawa ng sa paglingon ng mga ito nagtatakbuhang lumapit ang anim na batang magkakamukha.

"Kyla, para sayo." nakangiting sabi ni Shiloh ang isa sa sixtuplets sabay abot ng bulaklak kay Kyla.

Napatingin si Vladimir sa batang lalaki na nasa edad trese anyos, matangkad ito sa edad nito, na halata naman kasi na may lahi din itong foreigner kung titingnan.

"Wow. Nag-effort ka pa talaga." nakangiting sabi ni Kyla.

"Pagbigyan mo na kasi ako ligawan ka." sabi ni Shiloh.

"Hahaha! Salamat sa bulaklak, pero ate mo lang ako." sabi ni Kyla.

"Date na lang?" sabi ni Shiloh na ikinatawa ng limang kapatid nito.

"Kakadate mo lang noong nakaraan sa nobya mo." sabi ni Kyla. Nakita niya kamakailan si Shiloh kasama ang nababalita sa isla na nobya ng sixtuplets na si Peso.

"Ayaw mo talaga sa akin?" tanong ni Shiloh.

Napangiti si Kyla saka nito hinawakan ang mukha ni Shiloh.

"Hindi sa ayaw ko sayo, kaso ang layo ng agwat ng edad natin at saka kapatid ang turing ko sayo lalo na at kasing edad mo ang pamangkin kong si Uno." sabi ni Kyla.

"Ang bango ng kamay mo." pilyong sabi ni Shiloh na hindi pinansin ang sinabi ni Kyla.

'Hahaha! Hindi ka na naman nakikinig." natawang sabi ni Kyla.

"Hanggat wala kang asawa may pag-asa ako." sabi ni Shiloh na ikinangiti ni Kyla.

"Ikaw talaga." sabi ni Kyla na napahingang malalim dahil alam niyang mahirap sa edad ni Shiloh na tanggapin na wala itong pag-asa sa isang babae lalo na kung halata naman na kakaiba ang kagustuhan nito sa kanya.

Samantalang napatingin ang sixtuplets kay Vladimir na ikinangiti ng lalaki.

"Nanliligaw ka rin?" tanong ni Shiloh kay Vladimir.

Hindi umimik si Vladimir kaya nagsalita si Kyla.

"Hindi." sabi ni Kyla.

"Bakit siya nandito?" sabi ni Shiloh.

"Hindi ko alam." sabi ni Kyla.

"Baka gusto ka niya." sabi ni Shiloh.

"Hahaha. Malabo, at saka hindi ako sasama sa walang koneksyon." sabi ni Kyla.

Napakunot noo si Vladimir at ilang sandali pa may naisip ito.

"Naniniwala ako sayo, kaso mag-ingat ka sa kanya mukha siyang manggagatso." sabi ni Shiloh na ikinatawa ng malakas ni Kyla at limang kapatid ni Shiloh at ikinangisi naman ni Vladmir.

"Hahahaha! Hindi niya ako maloloko." sabi ni Kyla.

"Mabuti." sabi ni Shiloh.

"Ate Kyla, ihahatid ka na namin sa bahay niyo." sabi ni Laszlo.

"Okay sige." sabi ni Kyla

"Hindi puwede." biglang sabi ni Vladimir


"Bakit?"
sabi ni Shiloh.

"Kasi fiancée ko siya." sabi ni Vladimir na ikinatingin ni Kyla dito.

"Ano?" sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vladimir dito.

"Hindi ka tatantanan ng batang iyan, kaya kailangan ko gumawa ng paraan para malayo ka sa kanya. At kung mahirap kang kunin sa paraan ng kontrata babaguhin natin para madali kita makuha," sabi ni Vladimir sa isip habang nakatitig kay Kyla.

"Ano uli ang sinabi mo?" tanong ni Kyla ng titigan lang siya ni Vladimir.

"Itanong mo sa ate mo at kay Ion. Ang kontrata na dapat sa kapatid mo ay napunta sayo, ikaw ang ibinigay ng ate mo at ni Autumn kapalit ni Kim bilang fiancée ko." sabi ni Vladimir.

"Ano?!" gulat na sabi ni Kyla.

"Kailangan ko umisip ng paraan para madala na kita sa amin." sabi ni Vladimir sa isip.

"Ulitin mo ang sinabi mo." sabi ni Kyla habang nakatitig kay Vladimir.

"Ang kontrata na binayaran ko ng bilyones ay kontrata sa paghahanap ng asawa. Ang gusto ng ama kong hari kumuha ng escort sa Casa at dahil si Kim ang top escort kaya siya ang ibinigay ni Autumn sa akin bilang mapapangasawa. Pero dahil kinasal siya kay Ion kaya nagkaletse letse ang kontrata. Pero gumawa sila ng paraan at ikaw ang ipinalit nila." sabi ni Vladimir.

"Hindi naman siya escort. Ayos ka lang?" sabi ni Shiloh na ikinatingin ni Vladimir dito.

"Kapag hindi natupad ang kontrata ko, lahat ng kontrata na ipinasok ng angkan ko sa El Casa ay mawawala kasama ang kontrata ni Princess Freya na asawa ng tiyuhin niyo." sabi ni Vladimir kay Shiloh.

"Ayos ka rin ang angkan mo, mahahalay din." sabi ni Kyla kay Vladimir.

"Hindi ako nagbibiro at hindi kahalayan ang sinabi ko. Bayad ka na kaya kahit pamilya mo wala ng magagawa." sabi ni Vladimir pero ilang sandali lang nagulat ito ng ihampas ni Kyla ang bulaklak sa mukha niya.

"Uyyyy!" sigawan ng sixtuplets ng magkalasoglasog ang bulaklak sa kakahampas ni Kyla sa binata.

"Buweset ka. Ano akala mo maloloko mo ako?" sabi ni Kyla at hindi pa ito nakuntento sinuntok nito ng malakas si Vladimir na ikinagulat ng sixtuplets.

"Aray!!!!" malakas na sigaw ni Vladimir.

"Ate Kyla takbo." sabi ni Otto sabay hila kay Kyla na nahimasmasan naman sa nagawa kaya napatakbo ito ng makitang dumugo ang labi ni Vladimir na sinuntok niya.

"Aray ang sakit." sabi ni Vladimir at pagkapa nito ng labi dumuddugo iyon.

"Paano ko ba ito madadala sa amin?" namumublemang sabi ni Vladimir.

...................

Months Later

"Anak, magpapakatay kami ng tatay mo ng baboy sa graduation niyo ng kuya mo." masayang sabi ng ina ni Kyla ng gabing iyon.

"Tapos na sa kolehiyo ang kakambal mo bilang engineer." sabi ng ama ni Kyla.

Hindi umimik si Kyla at ang kakambal nito na lalaki na minuto lamang ang tanda sa kanya.

"Sa wakas graduate na kayo lahat. Alam mo bang iyon ang pangarap ng isang magulang, higit pa iyon sa kayamanan." sabi ng ina ni Kyla.

Napatingin ng lihim ang ate ni Kyla na si Kim sa kanila. Mula sa listing na magtatapos sa buwan na iyon wala ang pangalan ni Kyla. At hindi pa ito alam ng mga magulang nila.

Limang taon ang kursong kinuha ng kakambal na lalaki ni Kyla bilang Civil Engineer at si Kyla Political Science na apat na taon na kurso pero hindi ito nakapagtapos sa apat na taon kaya na-extend ito. Pero ngayon naabutan na ito ng kapatid nito hindi pa rin siya makakatuntong sa stage.

"Double celebration kaya pinag-ipunan talaga namin ng tatay niyo." sabi pa ng nanay ni Kyla.

"Nay." mahinang sabi ni Kyla.

"Ano iyon anak?" masayang tanong ng ina ni Kyla.

"Hindi po ako makakagraduate." sabi ni Kyla na ikinawala ng ngiti ng ina ni Kyla.

"Bakit anak?" tanong ng ama ni Kyla habang nakatingin lamang ang ate at kuya niya sa kanya.

"May naiwan ka bang subject?" tanong ng ina niya.

"Bagsak ako sa Law saka sa College Math." sabi ni Kyla na ikinayuko ni Kyla sa kahihiyan.

Matalino naman kasi ang ate niya at ang kakambal niya pero siya hindi niya alam kung bakit nahihirapan siya, pakiramdam nga niya wala yatang tinira sa kanyang talino at pinaghatian na ng dalawang kapatid niya.

"Sige, subukan mo na lang. Kahit Octoberian ka na lang. Kaya mo iyan." nakangiting sabi ng ina ni Kyla na ikinangiti ng dalawang kapatid ni Kyla pero hindi siya.

Mababait ang magulang nila, laki sila sa hirap. Sa squatter's area nga sila nakatira dati. At napunta lang sila sa Heather Island at sa magandang bahay na iyon kung saan sila nakatira ngayon dahil sa asawa ng ate niya.

Pero kahit mahirap sila, mapalad siya sa pamilya. Puno sila ng pagmamahal at pagkalinga mula sa mga magulang. Iyon nga lang pakiramdam niya hindi niya masuklian ang kabutihan ng mga magulang niya.

"Anak, okay lang iyan. Bata ka pa naman at saka sabi nga try and try until you succeed." nakangiting sabi ng ama ni Kyla.

"Salamat po." sabi ni Kyla.

......................

Months Later

Month of October

"Asar. Wala pa rin." sabi ni Kyla ng muli hindi niya makita sa list of graduates ang pangalan niya.

Nakapagtake na agad ng exam ang kakambal niya at naka-top pa ito sa exam pero siya stagnant.

"Wala?"

Napatingin si Kyla at nagulat siya ng makita na naman ang lalaking ang akala niya tatantanan na siya.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Kyla.

"Tinitingnan kung makakapagtapos ka na para makuha na kita." sabi ni Vladimir.

"Ano bang pakialam mo sa buhay ko?" inis na sabi ni Kyla na sa init ng ulo niya hindi malabong mabunton niya iyon sa lalaking kaharap niya.

"Kailangan na kita, at iyong kontrata ko sa El Casa kung saan ikaw ang kapalit ni Golden." sabi ni Vladimir pero nagulat ito ng sabunutan siya ni Kyla at iniharap sa bulletin board kung saan nakalagay ang listing ng mga magtatapos sa buwan na iyon sa kolehiyo.

"Nakikita mo iyan? Wala ang pangalan ko. Alam mo ang pakiramdam? Na iyon parang pinaglalaruan ka ng kapalaran, at nakakabuweset iyon." inis na sabi ni Kyla.

"Tama ka, kahit ako nabubuweset dahil sa pagbagsak mo hindi kita makuha," sabi ni Vladimir habang nakasabunot ang kamay ni Kyla sa buhok niya.

Napatingin si Vladimir kay Kyla at ngumiti ito saka may kinuha sa bulsa ng pantalon nito.

"Anong titingin-tingin mo?" sabi ni Kyla na ikinangisi ni Vladimir.

Nang makuha ni Vladimir ang ballpen na mamahalin sa bulsa nito tumingin uli ito sa bulletin board at nanlaki ang mga mata ni Kyla ng isulat ni Vladimir ang buong pangalan niya at isingit iyon.

"Iyan nasa listahan ka na ng magtatapos sa kolehiyo." nakangiting sabi ni Vladimir saka nito kinuha ang cellphone at kinuhanan ng larawan ang bulletin board kung saan sinulat niya ang pangalan ni Kyla, na ikinangisi ng dalaga.

"Siraulo ka, hindi ako manloloko." sabi ni Kyla sabay umpog ng ulo ni Vladimir sa bulletin board habang sabunot ni Kyla ang buhok ng binata.

"Ouchh!" malakas na sabi ni Vladimir ng iumpog siya ni Kyla sa bulletin board.

"Umuwi ka na sa bansa mo at kung hindi ipapadeport kita." sabi ni Kyla pero nagulat ito ng malakas na tumawa si Vladimir.

"Hahaha!" reaksyon ni Vladimir sa sinabi ni Kyla.

"Asar! Bakit ka tumatawa?" napipikong sabi ni Kyla sabay higpit na pagkakasabunot sa buhok ni Vladimir.

"Aray!!! Hahaha!" nasasaktang tawa ni Vladimir.

"Asar, prinsipe ako pero ngayon lang may nanakit sa akin." sabi ni Vladimir sa isip ng sabunutan pa siya lalo ni Kyla.

"Asar." naiinis na sabi ni Kyla.

"Hahaha! Hindi mo talaga alam ang batas ng bansa niyo. May business visa ako sa bansang ito, mataas din ang tax na binabayaran ko, isama pa na Prinsipe ako at isa akong asset ng bansa niyo." maangas na sabi ni Vladimir habang sinasabunutan pa rin ito ni Kyla.

Napatingin si Vladimir kay Kyla at napangiti itong nagsalita.

"At ikaw, itong ginagawa mo sa akin ay bawal sa batas niyo na kahit hindi ako taga dito, may batas na proteksyon ang mga tulad ko para sa mapang-abusong mamamayan niyo... na tulad mo, na sinasaktan ako.

Puwede kitang idemanda." sabi ni Vladimir na ikinaalis ng kamay ni Kyla sa buhok ng binata.

"Gago! Nasa teritoryo kita." sabi ni Kyla.

"Alam ko, kaya nga behave ako kahit ang totoo gusto na kitang buhatin at dalhin sa yate ko para iuwi sa amin." sabi ni Vladimir.

"Lumayas ka sa harapan ko." sabi ni Kyla.

"Iuuwi na kita, ngayon na sa legal na paraan at iyon ang kontrata ng palasyo sa El Casa" sabi ni Vladimir saka nito inayos ang damit at seryosong tumingin kay Kyla.

"Humanda ka na, aalis na tayo mamayang gabi." sabi pa ni Vladimir saka ito tumalikod at iniwan si Kyla.

...................

Hours Later

"Bakit ako?" sabi ni Kyla ng kausapin siya ng ate niya at bayaw niya.

Nasa bahay na siya at kauuwi lang ng mga oras na iyon ng salubungin siya ng mag-asawa sa labas ng bahay nila.

"Kyla, sorry kaso ang hiningi kasi nila hindi nalalayo sa akin. At ng magpasa ng mga larawan nasama ka." sabi ni Kim.

"Nasama ako? O sinama mo?" sabi ni Kyla sa kapatid.

"Hindi ko sinama, nakuhanan ka kasi sa kasal namin ni Ion at ikaw ang pinili ng pamilya ni Freya at Vladimir para pakasalan niya." sabi ni Kim.

"Tsss, alam mo ba ate na hindi na naman ako makakaakyat sa stage. Hindi na naman ako makakagraduate, iyong problema ko ay iyong pag-aaral ko. Huwag mo naman dagdagan." sabi ni Kyla.

"Sige, ganito na lang." singit ni Ion na bayaw ni Kyla.

"Ano?' nakataas na kilay na sabi ni Kyla kay Ion dahil dati pa inis siya dito, babaero kasi ito at ito ang may dahilan kung bakit iba na ang mukha ng ate niya.

"Tapusin mo ang pag-aaral mo, at ako na kakausap kay Autumn. Pero pagkatapos mo, maipapangako mo ba na magpapakasal ka kay Vladimir." sabi ni Ion na ikinangisi ni Kyla.

"Sino ka para utusan ako?" sabi ni Kyla sa bayaw.

"Kyla." sabi ni Kim na ikinatingin ni Kyla sa ate nito.

"Pumayag ka sa kontrata na hindi ako kinonsulta. Alam ba nila nanay at tatay ito?" sabi ni Kyla.

Nasa labas sila ng bahay at sa tingin ni Kyla wala ngang ang mga magulang nila

"Kyla, matutulungan mo ang parents mo." sabi ni Ion na sumingit uli sa usapan ng magkapatid.

"Hindi kita kausap." sabi ni Kyla kay Ion

"Makinig ka, kapag nakapangasawa ka ng Prinsipe.... ng totoong Prinsipe para ka na rin nakapagtapos." sabi ni Ion na ikinasiko ni Kim dito.

"Hahaha! Ano palagay mo sa akin gold digger?" mapanuyang sabi ni Kyla kay Ion.

"Hindi. Pero isipin mo ang magulang mo, kampante iyan kapag ang mga anak nila ay makikita nilang nasa mabuting kalagayan o estado." sabi ni Ion na ikinangisi ni Kyla.

"So, tingin mo kampante ang mga magulang namin ni ate sayo. Think again play boy. Hindi isang beses mo lang binigyan ng sama ng loob ang mga magulang ko. Nakikita mo ba ang mukha ng asawa mo? Iba na ang mukha niya ng dahil sayo." mapanuyang sabi ni Kyla kay Ion.

"Tama na!

Okay kung anong gusto, mo gawin mo. Kung ayaw mo, okay sige huwag mong sundin tutal wala ka naman talagang alam." sabi ni Kim kay Kyla.

"Kim, paano ang kontrata? Paano ka? Tayo?" sabi ni Ion na ikinatingin ni Kim dito.

"Ako dapat iyon di ba? At ako ang bumali sa kontrata, unfair naman kasi kung ipapasa ko sa kapatid ko." sabi ni Kim na ikinangiti ni Kyla.

"Anak!" masayang tawag ng ina nila Kyla at Kim ng lumabas ito ng bahay at makita si Kyla.

"Nay." kinabahang sabi ni Kyla sa ina ng maalala na hindi na naman siya kasali sa magtatapos.

"Ano? Makakagraduate ka na ba?" nakangiting sabi ng ina ni Kim.

"Nay, ahhhmmm. Kasi... kasi hindi ako kasama sa listing ng magtatapos." nautal na sabi ni Kyla na ikinawala ng ngiti ng ina nito habang nakatunghay lang sila Kim at Ion.

"Ganoon ba? Sige, may kulang ba o kailangan mo ng tulong. Tutorial baka nahihirapan ka?" sabi ng ina ni Kyla na ikinalunok ni Kyla.

"Nay sorry." sabi ni Kyla.

"Okay lang. Hindi naman pare-pareho ang tao ang mahalaga nagpupursige ka kahit na nahihirapan ka." sabi ng ina ni Kyla.

"Sorry." sabi ni Kyla na nakaramdam ng hiya. Tila torture sa kanya ang kabaitan at pagkamaunawain ng ina niya.

"Okay lang anak. Halika kumain ka na." sabi ng ina ni Kyla.

"Asar, sobrang parusa sa akin ito sa kabobohan ko." sabi ni Kyla sa isip.

.................

Weeks later

"Uyyy!!!!" sigaw ni Kyla ng bigla siya buhatin ng isang lalaki, at ng tingnan niya ito nanlaki ang mga mata niya.

"Nasa kontrata na puwede ko ng kunin." sabi ni Vladimir.


"Uyyy, ano ba?"
inis na sabi ni Kyla.

"Hinahanap na ako sa palasyo, parang awa mo na gusto ko na rin umuwi." sabi ni Vladimir.

"Langya! Di umuwi ka." naiinis na sabi ni Kyla.

"Hindi nga puwede kapag hindi kita kasama." sabi ni Vladimir.

"Ano iyong totoo? Prinsipe ka ba talaga o muchacha lang ng sinasabi mong Palasyo?" mapanuyang sabi ni Kyla

"Sa guwapo ko itong muchacho ako. Tsss. Ang labo talaga ng utak mo." sabi ni Vladimir. Saka nito pinabuksan ang pintuan sa tauhan nito at inihagis si Kyla sa loob ng kotse.

"Aray!" sigaw ni Kyla ng bahagya pa siya mauntog.

"Aalis na tayo." sabi ni Vladimir pero akmang sasakay na ito ng tadyakan ito ni Kyla ng malakas na ikinabuwal nito.

Hindi naman nakahuma ang tauhan ni Vladimir dahil mukhang wala itong say sa bansa kung nasaaan ito ngayon.

"Siraulo ka. Mukha mong bigotilyo hindi ka nakakaakit tingnan. Madungis, mabantot, amoy putok ang itsura mo!" sabi ni Kyla saka ito nagmamadali lumabas ng kotse at tumakbo ng mabilis.

"Buweset! Ang daming sinabi. Amazona." inis na sabi ni Vladmir habang sapo ang tiyan niya sa sakit.

"Tsss. Uno ako sa taekwando, nag judo pa ako. Hahaha! Nagamit ko rin ang pinakmataas kong grado sa kolehiyo." nakangiting sabi ni Kyla habang tumaakbo ng mabilis.

....................

One week later

"Anak, bakit naman?" sabi ng ina ni Kyla ng umagang iyon ng makita ang bag niya na may lamang damit.

"Nay sa Manila na ako mag-aaral, may trabaho na rin ako nakuha para pangsuporta sa pag-aaral ko. Then sa awa ng Diyos nakapasa na ako sa papasukan kong University." sabi ni Kyla pero lingid sa kaalaman ng magulang gusto niya iwasan si Vladimir na hinahunting siya. Natatakot siyang kidnapin nito at ayaw niyang bigyan pa lalo ng alalahanin ang magulang.

"Anak, kaya naman namin pag-aralin ka." sabi ng ina ni Kyla.

"Nay, pagbigyan mo na ako. Nahihiya na kasi ako sa inyo ni tatay, tutal nasa tamang edad na ako kaya responsibilidad ko na ang sarili ko." sabi ni Kyla.

Napatingin ang ama ni Kyla sa kanya at napangiti ito

"Kung iyan ang gusto mo, sige anak. May tiwala kami sayo." sabi ng ama ni Kyla na lalong nagpadagdag sa bigat ng dinadala ni Kyla.

"Tay, huwag po kayo mag-alala uuwi ako na may diploma na ako at nakatapos na ako sa kolehiyo. Makikita niyo makakapagsuot ako ng togang itim at masasabit niyo rin ang grad pic ko sa pader ng bahay na ito." sabi ni Kyla na ikinangiti ng mga magulang nito.


June 22, 2022 4.34pm

Fifth Street

Good night

Sa mga magtataka po, hahakbang po tayo ng taon baka malito po kayo.


Huwg kalimutan mag follow at like sa ating fb page, tiktok at you tube account. Maraming Salamat.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top