Kabanata 9 : Bahay
Kabanata 9 : Bahay
"Bumaba ka na." sabi ni Vladimir ng pagbuksan nito ng pintuan si Kyla.
Isang oras din ang nakalipas ng umalis sila sa bahay na tinutuluyan ng dalaga at ngayon nasa isang subdivision sila sa kalakhang Manila.
Sumilip si Kyla sa labas ng kotse, maganda ang bahay na natatanaw niya at kahit hindi naman niya itanong alam niyang pag-aari iyon ni Vladimir.
"Anong gagawin ko diyan?" sabi ni Kyla kay Vladimir.
"Dito ka muna tumira hanggang makapag-exam ka, or makatapos ka. Siguro naman makakapasa ka na." sabi ni Vladimir.
"Hala! Eh Paano iyong gamit ko doon?" sabi ni Kyla.
"Ipapakuha ko." sabi ni Vladimir.
"Ayoko at saka ayoko din naman dito tumirackasi dalagang Pilipina ako baka mapagkamalan na may kalive-in ako. Isa pa ang sagwa Propessor kita at estudyante mo ako." sabi ni Kyla.
"Anong gusto mo doon ka sa matandang iyon tumira? Mas masagwa naman iyon. Naroroon ang pamilya niya, ang asawa niya tapos makikisingit ka. Ang baboy mo naman." sabi ni Vladimir na ikinangiti ni Kyla.
"Bakit ka ba ganyan? Galangin mo ang paniniwala ng iba." sabi ni Kyla.
"Muslim din ako, kaya alam ko at ginagalang ko ang paniniwala nila. Kaso sa lagay mo, ikaw ang hindi ko maunawaan." sabi ni Vladimir.
"Grabe ka! Wala naman masama kung tanggapin ko ang alok niya." sabi ni Kyla na ikinatiim ng bagang ni Vladimir.
"Huwag kang humarot. Ni hindi ka pa nga nagtatapos ng kolehiyo. Mahiya ka naman, ni ilang taon ka nga diyan sa lugar mo tapos dagdag ka pa sa alalahanin ng parents mo kapag ang inasawa mo may asawa na." sabi ni Vladimir.
"Ahhmm. Sabi mo kanina tatay mo rin siya. So, siya ang hari? Ahhhmm. Puwede pala iyon, magpanggap ng ibang katauhan. Pero sabagay para sa kaligtasan niya kaya siguro puwede." sabi ni Kyla.
"Kaya gusto mo, o kaya naisipan mong i-push kasi hari?" inis na sabi ni Vladimir.
"Puwede ba? Hahahaha!" natawang sabi ni Kyla pero nagulat ito ng hilahin siya ni Vladimir at mabilis nitong hinawakan ang batok niya at hinalikan sa labi.
Agad na naiyakap ni Kyla ang mga kamay sa batok ni Vladimir at ibinuka nito ang labi. Nang ibuka ni Kyla ang labi nito inilayo bigla ni Vladimir ang labi niya na ikinadilat ni Kyla.
"Mag-aral kang mabuti, ipasa mo ng sa ganoon hindi mo kailangan ng hari sa tabi mo para hanguin ka sa hirap." sabi ni Vladimir.
Namula ang mukha ni Kyla, at sa pagkapahiya nito isang malakas na sampal ang dumapo sa pisnge ni Vladimir na ikinangisi lang ng binata.
"Gago." galit na sabi ni Kyla saka nito kinalmot ang mukha ni Vladimir na ikinatingin lang ng binata dito.
Napahinto naman si Kyla ng walang reaksyon kay Vladimir, at natauhan ito ng dumugo ang pagkakalmot niya sa mukha ng binata.
"Sige gumanyan ka, maging palaban ka. Mas gusto iyan ng hari, mas gusto niyang lumalaban ang babae sa kama." nakangising sabi ni Vladimir saka nito tinalikuran si Kyla.
Napalunok si Kyla at napatingin ito sa paligid ng walang makitang tao sinundan nito si Vladimir sa loob ng bahay.
"Uuwi na ako sa boarding house." sabi ni Kyla ng sundan nito si Vladimir sa loob ng bahay.
"Hindi ka na uuwi doon." sabi ni Vladimir.
"Inaaway mo ako kaya uuwi ako." sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vladimir dito.
"Gusto mo doon?" sabi ni Vladimir.
"Uuwi na ako." sabi ni Kyla
"Gusto mo nga doon?" sabi muli ni Vladimir.
"Uuwi na ako." diin na sabi ni Kyla.
"Damn it! Ang tanong ko kung gusto mo doon?" sigaw ni Vladimir na ikinaatras ni Kyla.
"Uuwi na ako." muling sabi ni Kyla na ikinatim ng bagang ni Vladimir.
"Okay sige, umuwi ka." sabi ni Vladimir.
"Ihatid mo ako." sabi ni Kyla.
"Hindi. Dahil kung gusto mo umuwi. Umuwi ka mag-isa mo. Inilayo na kita, pero malaki ka na at nasa iyo na ang desisyon." sabi ni Vladimir saka nito tinalikuran si Kyla.
"Uuwi na ako." sabi ni Kyla pero hindi na siya nilingon ni Vladimir ng umakyat na ito ng hagdan.
.....................
Days Later.
University
Kanina pa pinagmamasdan ni Kyla si Vladimir. Ilang araw din ang nakalipas ng iwan niya ito sa bahay nito at umuwi siya mag-isa. Seryoso ito nag-lelecture ngayon sa harapan ng klase habang nakatunghay ang lahat dito.
"Miss Madlangbayan." tawag ni Vladimir na ikinaayos ng upo ni Kyla.
"Anong sagot sa tanong ko?" seryosong tanong ni Vladimir na kanina pa napapansin na nakatingin sa kanya si Kyla. Hindi na kasi niya ito tinawagan mula ng umuwi ito at bumalik sa bahay nito.
"Sa---saan?" sabi ni Kyla na ikinatawa ng lahat.
"Hahaha." tawanan ng lahat na tila luting si Kyla dahil nautal pa ito.
"Sa tanong ko sayo." sabi ni Vladimir.
"Kung gusto ko doon sa bahay ko?" sabi ni Kyla na ikinatawa muli ng lahat.
"Hahaha!" tawanan muli ng lahat sa sinabi ni Kyla.
Hindi umimik si Vladimir dahil halatang wala na naman ang isip ni Kyla sa lesson o klase nito.
"May tanong si Sir, ano ba daw ang kahalagahan ng pulitika?" mahinang bulong ng katabi ni Kyla sa kanya.
"Ahhhmmm. Iyon ba? Ano nga ba?" tanong ni Kyla na ikinatawa ng lahat.
"Hahaha! Minsan nagiging tanga ang tao kapag pinaninindigan na niya." sabi ng isang estudyante.
"Kaso ang masama iyong maganda ka kaso tanga ka. Aanuhin mo ang ganda kung repeater ka." sabi ng isa pang estudyante na ikinatingin ni Kyla dito.
"Bakit ikaw? Anong meron kang ipinagmamalaki mo? Iyong buhok mong kulay blonde na dating itim? Iyang braces mong tingin mo nakakadagdag sa ganda mo? O iyang porma mong halos lumuwa ang dibdib mo kahit naka school uniform ka?" mapanuyang sabi ni Kyla na ikinapula sa pagkapahiya ng estudyanteng nagsalita kanina.
"Aanhin ko ang ganda at talino mo kung wala kang ugali. Ni hindi ka nga makatayo ng sarili mo dahil kailangan mong dumikit sa Propessor para pumasa ka." sabi pa ni Kyla na ikinatahimik ng lahat.
"Huwag niyo ako maliitin dahil sa ilang taon kong pamamalagi sa University na ito, marami akong galamay at marami na akong karanasan. Mula sa estudyante hanggang sa mga Propessor." dagdag na sabi ni Kyla.
"Sasagutin ko ang tanong kung iyan ang mamakalubag sa utak mong pulpol." nakangiting sabi ni Kyla sa babae sabay tinginni Kyla kay Vladimir.
"Ano nga ba ang kahalagahan ng politika sa isang bansa? Para sa akin, isa itong instrumento para matugunan at mapalaganap ang isang kapangyarihan na para sa lahat. Pero ang politika ay nagagamit sa mali ng mga nakaupo. Bakit?
Kasi ito ay nagsisilbing mitsa para makamit nila ang kapangyarihan na sila lamang ang makikinabang, makuha ang ninanais nila at mabigyan ng buhay ang mga bagay na kakaiba o malabong mangyari. Sa politika masasabi kong isang kapangyarihan na hinahangad ng lahat para sa pansariling kaligayahan." sabi ni Kyla saka ito ngumiti kay Vladimir.
"....ayos ba ang sagot ko, Prof.?" dugtong na sabi ni Kyla.
"Ang isang karaniwang tao o mamamayan bang tulad mo ay may politikang tinatawag?" tanong ni Vladimir kay Kyla.
"Oo, kasi ang pagsali sa isang usaping political ay naglalayon na pagpasok mo sa isang political na isyu. Tulad ng pagsama ko sa welga para patanggalin ang namumuno na sa tingin namin ay hindi mabuti sa lahat." sabi ni Kyla.
"Ang pag-aasawa ba ng isang Muslim na hari ay isang political?" seryosong tanong ni Vladimir na hindi ikinaimik ni Kyla
"Tingin mo anong klaseng politika ito mabuti o masama?" dugtong ni Vladimir ng hindi nakapagsalita si Kyla.
"Mabuti." napangiting nakabawing sabi ni Kyla.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Vladimir na napatiin ng bagang.
"Kasi sa dami ng babae ang napili niya ay.... ako na isa sa umangat." nakangiting sabi ni Kyla na ikinangisi ng binata.
"Get one whole sheet of paper we have a test." seryosong sabi ni Vladimir.
"Sir! Bakit?" sabay-sabay na sabi ng lahat na ikinanlaki ng mga mata ni Kyla.
"Essay test. What is importance of Politics in your everyday living, in your relationship in family, friends or personal and how do you apply politics as a student." sabi ni Vladimir.
"Grabe. Filipino Sir?" sabi ni Kyla
"In English, 500 words." seryosong sabi ni Vladimir.
"Uyyy, grabe si Sir." sabi ng buong klase.
"English pa talaga tapos 500 words. Ang lupet." bumubulong bulong na sabi ni Kyla na ikinangisi ni Vladimir.
"Lahat ng makakapasa, exempted sa project." sabi ni Vladimir.
"Uyyy, seryosohan ito." sabi ng lahat.
"Grabe talaga ito." inis na sabi ni Kyla.
"Kaya? Kyla Madlangbayan?" seryosong sabi ni Vladimir na ikinatingin ni Kyla dito.
"Oo!" madiin at sigaw na sabi ni Kyla na ikinatawa ng lahat ng itaas pa ni Kyla ang kanang kamay nito na tila nagwewelga.
"Okay. Good." sabi ni Vladimir saka ito naupo sa silya at pinagmasdan ang lahat na aligaga sa pinapagawa niya.
..................
One Hour Later
"Bye Sir!" paalam ng mga estudyante kay Vladimir matapos ang klase nila ng araw na iyon.
"Okay." sabi ni Vladimir.
"Sir, ingat sa pag-uwi." sabi pa ng iba.
"Kayo din." sabi ni Vladimir habang nagbubura na ito ng mga nakasulat sa blackboard.
Ilanag segundo ang nakalipas ang akala ni Vladimir nag-iisa na lang siya sa loob ng classroom ng biglang may nagsalita.
"Ang tambok pala ng puwetan mo 'no?" sabi ni Kyla na ikinapula ng mukha ni Vladimir at ng lumingon ito nagulat ito ng naroroon pa rin si Kyla.
"Bakit hindi ka pa umaalis? Tapos na ang klase." sabi ni Vladimir sabay pinagpatuloy ang pagbubura sa blackboard.
"Weeew! Ang tambok nga ng puwetan mo, may foam ba iyan?" sabi ni Kyla pero hindi ito pinansin ni Vladimir.
Napatitig pa si Kyla sa likuran ni Vladimir, matangkad ang lalaki bukod doon, malapad ang mga balikat nito na halatang alaga sa gym. Pero ngayon ang napagtuunan niya ng pansin ang puwetan ng binata na ngayon lang niya napansin dahil nakaumbok talaga iyon na bumagay naman dito. Mukha nga itong macho tingnan kahit nakatalikod at hindi niya akalain na ang matambok na puwetan ay maganda pala sa lalaki.
Hindi umiimik si Vladimir habang pinapakiramdaman naman nito si Kyla na alam niyang nakatingin sa likuran niya partkular sa sinasabi nitong puwetan niya na asset niya. Pero ilang sandali lang ng magulat si Vladimir ng may dumutdut sa puwetan niya.
"Uyyyy. Totoo pala?" sabi ni Kyla na namangha ng dutdutdutin ng daliri niya ang puwetan ni Vladimir dahil kakaiba iyon.
"Oh shit!" gulat na sabi ni Vladimir ng pagharap nito nasa unahan na nakaupo si Kyla at talagang nakatitig sa puwetan niya at nakuha pa ng dalaga pisilin ang puwetan niya.
Nakasuot lang si Vladimir ng slacks at long sleeve at nakakurbata at dahil manipis naman ang tela ng slacks kaya ramdam niya ang pagpisil ni Kyla.
"Langya, nagpainject ka ba?" sabi ni Kyla na ikinaharap ni Vladimir kaya nagulat si Kyla ng sa pagpisil niya sana ng puwetan ni Vladimir ang sandata nito ang napisil niya.
"Ohhhh ohhh shit." nagtitiling sabi ni Kyla sabay punas ng kamay sa uniform nito ng mapisil ang pagkalalaki ni Vladimir.
Hindi naman nakapagsalita si Vladimir sa gulat sa nagawa ni Kyla, pareho silang namumula ang mukha sa kahihiyan.
"Mamaya." sabi ni Vladimir ng makabawi ito.
"Anong mamaya?" sabi ni Kyla.
"Sa bahay ko." sabi ni Vladimir.
"Anong sa bahay mo?" sabi ni Kyla.
"Mag-rereview tayo sa bahay ko." sabi ni Vladimir na seryosong nakatingin kay Kyla.
"Sa bahay ko na lang." sabi ni Kyla.
"Wala kang bahay." sabi ni Vladimir.
"Meron sa dorm aahhmmm I mean sa boarding house." sabi ni Kyla na nautal dahil kinakabahan siya sa nahawakan niya.
Napangisi si Vladimir ng makitang nanginginig ang kamay ni Kyla na pinanghawak nito sa pagkalalaki niya.
"Hindi mo iyon bahay." sabi ni Vladimir.
"Nangungupahan ako kaya bahay ko iyon." sabi ni Kyla.
"Ayoko doon." sabi ni Vladimir.
"Gusto ko doon." sabi ni Kyla habang nakaupo ito sa silya at nakatingala kay Vladimir na nakatayo sa harapan niya.
"Hindi kita tuturuan kapag doon tayo." sabi ni Vladimir.
"Bakit?" sabi ni Kyla.
"Basta." sabi ni Vladimir saka ito tumalikod at tinapos ang pagbubura sa blackboard na ikinatingin ni Kyla sa puwetan ng binata.
"Tambok talaga." mahinang sabi ni Kyla at akmang pipindutin nito ang puwetan ni Vladimir ng muling humarap ang binata at saktong nadutdut nito ang harapan ng binata.
"Ohhhh. Ohhh." namumulang sabi ni Kyla sabay wisik ng kamay nito.
"Asar." sabi ni Vladimir ng mapindot ni Kyla ang pagkalalaki niya pagkaharap niya
"Ohhh!! Bakit ganon? Tambok sa puwetan pati harapan. Ewwww. Nakakatayo ng mga balahibo." nanginginig na sabi ni Kyla.
"Doon natin alamin sa bahay ko." sabi ni Vladimir.
"Ha? Ano?" sabi ni Kyla.
"Sabi ko alamin natin sa bahay ko iyong ibang pag-aaralan mo pero kung ayaw mo sa bahay ko hindi na kita tuturuan." sabi ni Vladimir saka ito lumapit sa mesa nito at inayos ang gamit niya.
"Bakit?" sabi ni Kyla.
"Kasi ayoko ng pumunta sa tinutuluyan mo." sabi ni Vladimir
"Bakit nga? Ang sabi mo tatay mo iyon, so dapat pumunta ka." sabi ni Kyla.
"Ayoko sagutin." sabi ni Vladimir.
"Kasi may gusto siya sa akin?" sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vldimir dito.
"Oo at dahil naging kayo ni Daniel tapos sinabi mo sa akin na pakakasal ka na sa akin. Ang pangit naman tingnan di ba? At isa pa, Professor ako, gusto ko pangalagaan ang estado ko sa bansa niyo." sabi ni Vladimir.
"Hinalikan mo nga ako, at pinainom ng laway mo." sabi ni Kyla na ikinangisi ni Vladimir.
"Ganito na lang mamili ka na lang kung ano ang gusto mo, ang makatapos ng pag-aaral o ang landiin ang tatay ko at step brother ko." sabi ni Vladimir.
"Uyyy, grabe ka naman." sabi ni Kyla.
"Kapag pumunta ka sa bahay ko mag-aaral tayo kaya ang ibig sabihin nun, ang pinipili mo ay ang pag-aaral mo." sabi ni Vladimir.
"Sa makalawa na ang final exam." sabi ni Kyla.
"Kaya nga, so bahala ka kung ano ang uunahin mo." sabi ni Vladimir saka nito kinuha ang gamit at nagtungo sa pintuan para umalis.
"Uyyy, sandali Prof." sabi ni Kyla saka nito nagmamadaling kinuha ang gamit at sinundan si Vladimir.
"Ano?" sabi ni Vladimir ng harangan siya ni Kyla sa daraanan niya sa hallway.
"Huwag ka naman padalos dalos." sabi ni Kyla.
"Anong padalos-dalos?" sabi ni Vladimir.
"Aiisssst! Dalagang Pilipina ako iyon ang sabi ko sayo kaya hindi ako puwede sa bahay mo." sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vladimir dito.
"Ayoko din sa tinutuluyan mo." sabi ni Vladimir.
"Aissst! Paulit-ulit na lang tayo." sabi ni Kyla.
"Ikaw ang paulit-ulit." sabi ni Vladimir.
"Okay sige sa mall na lang tayo magreview." sabi ni Kyla.
"Maingay doon." sabi ni Vladimir
"Sa park." sabi ni Kyla
"Walang park na maganda dito sa Manila." sabi ni Vladimir
"Sa fast food chain tulad ng dati." sabi ni Kyla.
"Maingay din doon lalo na at malapit ng finals sigurado maraming kabataan na nasa mall na naglalakwatsa dahil inuuna ang gala kaysa pagrereview." sabi ni Vladimir.
"Ayoko sa bahay mo." mahinang sabi ni Kyla na ikinatitig ni Vladimir dito
"Wala akong gagawin sayo kung iyan ang iniisip mo." sabi ni Vladimir
"Basta ayoko doon." sabi ni Kyla.
"Bahala ka." sabi ni Vladimir saka ito naglakad at dinaanan si Kyla.
Napahingang malalim si Kyla saka ito napatingin kay Vladimir na naglalakad na palayo sa kanya.
"Gusto ko makatapos pero ayoko sa bahay mo." sabi ni Kyla.
"Bahala ka." sabi ni Vladimir
"Gusto ko na makagraduate, pero ayoko ng option mo." sabi ni Kyla.
"Hindi iyon option." sabi ni Vladimir.
"Ganoon kinuha ni Ion si Ate. Pinatira niya kami sa bahay niya, tapos kinuha niya si Ate. Ayoko nga maulit iyon." mahinang sabi ni Kyla na ikinatigil sa paglalakad ni Vladimir pero hindi ito lumingon.
"Ayoko kumapit sa isang sitwasyon na delikado ako. Ayoko maloko, ayoko ko makita na ako ang nasa sitwasyon na iyon. Huwag mo naman akong pilitin." sabi ni Kyla.
"Hindi kita pinipilit. Ang sabi ko nga bahala ka." sabi ni Vladimir na hindi man lang tumingin kay Kyla.
"Okay. Ako na lang mag-isa magrereview. Bahala na." sabi ni Kyla saka ito tumalikod at nalakad paayo.
Napatingin si Vladimir at napalingon at ng makitang naglalakad na palayo si Kyla napahingang malalim ito.
"Ang hirap mong kunin at nakakainis dahil mahirap ka kunin pero nasa isip mong maging asawa ng ama ko kahit pang-ilan ka pa sa asawa niya." inis na sabi ni Vladimir sa isip habang pinagmamasdan ang papalayong si Kyla.
June 28, 2022 8.49am
Fifth Street
Good morning Readers!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top