Kabanata 7 : Disiplina
Kabanata 7 : Disiplina
"Pare sandali." sabi ni Vladimir ng makita si Daniel palabas ng bahay kung saan naman nauna siyang bumaba kay Kyla mula sa boarding house nitong inuupahan.
"Bakit?" sabi ni Daniel ng lingunin si Vladimir
"Sino ka?" deretsang sabi ni Vladimir na ikinangisi ni Daniel
"Huh! Ipinakilala na ako ni Kyla sayo right?" sabi ni Daniel.
"Nasabi ni Kyla isa kang Canmore at ang apelyedong iyon ay hindi common." sabi ni Vladimir na ikinangiti ni Daniel.
"Nasabi na pala niya. So, alam mo na?" sabi ni Daniel.
"Anong balak mo?" sabi ni Vladimir.
"Anong balak? Anong pinagsasabi mo?" sabi ni Daniel.
"Huwag mo akong linlangin, alam kong may balak ka kay Kyla? Inutusan ka ba ng hari?" sabi ni Vladimir.
Napatingin si Daniel sa paligid saka ito mahinang nagsalita.
"Okay aaminin ako at oo, ang tagal mo kasi. Kaya ako ang magdadala kay Kyla sa hari." sabi ni Daniel na ikinahawak ni Vladimir sa kuwelyo ni Daniel.
"Trabaho ko iyon at huwag kang pumapel" sabi ni Vladimir.
"Ilang taon na naghihintay sayo ang ama natin pero hanggang ngayon hindi mo magawa. At kapag hindi mo tuluyang magawa, ako na ang papalit sayo. At kapag ako naman ang nakagawa dahil sa tagal mo, mawawalan ka ng posisyon." sabi ni Daniel.
"Layuan mo ako, si Kyla at ang trabaho ko. Kung gusto mong magpasikat gumawa ka ng sarili mo." sabi ni Vladimir.
"Hindi ko kailangan magpasikat lalo na nakikita ng ama natin kung gaano ako kalapit kay Kyla." sabi ni Daniel
"Tantanan mo siya," sabi ni Vladimir
"Bakit?" sabi ni Daniel.
"Dahil ako ang magdadala kay Kyla sa hari." sabi ni Vladimir.
"Puwede naman ako na kung nahihirapan ka. O baka naman kaya pinapatagal mo para mas kapana-panabik sayo ang pagtikim sa inaakala mong birhen." sabi ni Daniel na ikinakunot noo ni Vladimir.
"...hahaha! Nagulat ka, bente singko anyos na si Kyla naniniwala ka pa rin na virgin siya?" sabi ni Daniel.
"Tsss! Baka naman umaasam ka rin makatikim. O siguro kaya pumapapel ka kasi gusto mo ang puwesto ko bilang tagahanap ng..." udlot na sabi ni Vladimir ng magsalita si Daniel.
"Hindi ko kailangan asamin dahil ako ang nakakuha." nakangising sabi ni Daniel na ikinatiim ng bagang ni Vladimir.
"Hindi totoo iyan." sabi ni Vladimir na ikinatawa ni Daniel.
"Hahaha! Hindi ko alam na siya ang babaeng ipinalit kay Golden. Nakita ko siya kasama ng ama ko naghahanap ng mauupahan. Sa ilang taon na niyang pamamalagi dito nakuha ko ang loob niya. Siguro dahil friendly ang parents ko at mababait ang lahat sa kanya dito.
Bunso si Kyla sa pamilya nila tapos babae pa, at sa pag-alis niya sa poder ng pamilya niya naghanap siya ng kawangis nito na tingin ko nakita niya sa amin... sa pamilya ko. Kaya madali ko siyang nakuha. Nalaman ko rin mula sa kanya na kapatid niya si Kim." sabi ni Daniel
"Hindi totoo iyan." ulit na sabi ni Vladimir na napatiim ng bagang.
"Bahala ko kung ayaw mo maniwala. At saka wala akong balak ipilit na paniwalaan mo lahat ng sinasabi ko." sabi ni Daniel sabay napatingin ito sa hagdan kung saan naramdaman na may pababa at paglingon nito si Kyla ang nakita nito.
"Prof okay na ako." nakangiting sabi ni Kyla kay Vladimir.
Napatingin ai Vladimir at ngumiti ito kay Kyla.
"Okay. Halika na." sabi ni Vladimir.
"Okay." sabi ni Kyla saka ito naunang lumabas ng pintuan
Napatingin si Vladimir kay Daniel saka ito napangiti
"Salamat dahil sa sinabi mo mas malaya akong makakagalaw. Wala na akong aalalahanin o sabihin natin iisipin." nakangiting mahinang sabi ni Vladimir saka nito iniwan si Daniel na ikinakunot noo ni Daniel.
Lumabas si Vladimir at sinundan nito si Kyla. Pagdating sa pinagparadahan niya ng kotse agad nito pinagbuksan ng kotse si Kyla.
"Thank you." sabi ni Kyla ng makapasok sa loob ng kotse ni Vladimir ng pagbuksan siya nito ng pintuan.
Napangiti si Vladimir at sumakay na rin ito.
"Makikisabay lang ako sayo sa may kanto tapos pakibaba ako doon." sabi ni Kyla.
"Ihahatid na kita hanggang sa mall." sabi ni Vladimir saka nito nilagyan ng seatbelt si Kyla na ikinatingin ni Kyla dito.
"Huwag na. Nakakahiya na sayo, nakisabay na nga ako sa labasan." sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vladimir dito.
"Okay lang naman, doon din naman kasi ako pupunta." sabi ni Vladimir.
"Ahhmm, okay sige kung ganoon naman pala." sabi ni Kyla.
"Oo nga pala." sabi ni Vladimir saka ito umayos ng upo at binuhay ang makina ng kotse.
"Ano iyon?" sabi ni Kyla habang nakatingin kay Vladimir.
"Sa ikalawang buwan na ang exam niyo galingan mo." sabi ni Vladimir.
"Oo, malayo-layo pa naman." sabi ni Kyla na ikinatahimik n ani Vladimir kaya napatingin si Kyla dito.
"Ayaw mo na ba ako turuan?" tanong ni Kyla.
"Wala akong sinabi." sabi ni Vladimir saka ito tumingin kay Kyla.
"....mas tuturuan kita ngayon. At mas ginaganahan ako turuan ka para makapasa ka." sabi ni Vladimir.
"Talaga?" sabi ni Kyla.
"Oo, ang gusto ko rin makapagrecite ka sa classroom hindi lang sa klase ko pati sa ibang subjects mo na kinukuha ng sa ganoon maipasa mo na lahat." sabi ni Vladimir.
"Okay." nakangiting sabi ni Kyla saka ito tumingin sa labas ng kotse ng paandarin na iyon ni Vladimir.
"Galingan mo." sabi ni Vladimir.
"Oo, para hindi naman masayang ang effort mo na tulungan ako." sabi ni Kyla na ikinatingin bahagya ni Vladimir dito.
"Anong balak mo pagkagraduate mo?" sabi ni Vladimir.
"Ahhmm. Mag-hahanap siyempre ng trabaho pero bago iyon uuwi muna ako sa amin para ipakita iyong diploma ko sa pamilya ko." sabi ni Kyla.
"Tapos?" sabi ni Vladimir.
"Iyon nga maghahanap ng trabaho pero kasi gusto ko ituloy sa pagtuturo ang course ko, kaya baka pagsabayin ko uli ang pag-aaral at pagtatrabaho ko. Kapag kinaya magiging okay kapag naman hindi okay pa rin kasi nakagraduate naman na ako." sabi ni Kyla.
"Sa buhay mo wala ka bang balak?" tanong ni Vladimir.
"Sa buhay ko? Alin doon?' sabi ni Kyla.
"Personal na buhay. Mag-asawa." sabi ni Vladimir.
"Hahaha! Wala." sabi ni Kyla.
"Hindi ka mag-aasawa?" sabi ni Vlaidmir na nagtaka,
"Hindi." sabi ni Kyla.
"Bakit?" sabi ni Vladimir.
"Dahil ayoko." sabi ni Kyla.
"Bakit ayaw mo?" sabi ni Vladimir.
"Ayoko ng stress, ayoko ng problema at ayoko ng sasabit kayo sa isa't isa para madagdagan ang mga problema niyo. Hahaha." natawang sabi ni Kyla.
"Wala kang balak magpaligaw?" sabi ni Vladimir.
"Wala." sabi ni Kyla.
"Si Daniel? Hindi mo ba siya trip?" tanong ni Vladimir.
"Hindi." sabi ni Kyla.
"Ano bang tipo mo?" sabi ni Vladimir.
"Wala."sabi ni Kyla.
"Hahaha! Ano ka lalaki? Hindi nakakatipo ng kahit ano sa opposite sex mo?" sabi ni Vladimir.
"Sa wala eh." sabi ni Kyla.
"Kahit kailan hindi ka nagkagusto o nagkacrush man lang?" sabi ni Vladimir.
"Hindi." sabi ni Kyla.
"Wheee, di nga?" sabi ni Vladimir.
"Huwag kang maniwala, basta sinasagot ko lang ang tanong mo." sabi ni Kyla.
"Niloko ka ba kaya ka ganyan?" sabi ni Vladimir.
"Ako? Hindi naman." sabi ni Kyla.
"Baka naman dahil sa nangyari sa kapatid mo kaya wala kang maramdaman sa lalaki?" sabi ni Vladimir.
"Siguro." sabi ni Kyla.
"May itatanong ako, okay lang ba?" sabi ni Vladimir.
"Hahaha! Kanina ka pa nga tanong ng tanong." natawang sabi ni Kyla.
"Sex. Nakatikim ka na ba?" tanong ni Vladimir na ikinatigil sa pagtawa ni Kyla.
"Hindi pa." sabi ni Kyla na ikinakunot noo ni Vladimir.
"Wala ka bang naiisip na paano ba ito? Or, ano kayang pakiramdam? Gawin ko kaya? Mga ganyang tanong sa sarili mo." sabi ni Vladimir.
"Wala." sabi ni Kyla.
"Ano ka tuod?" sabi ni Vladimir.
"Hindi naman, ayoko lang talaga." sabi ni Kyla.
"Okay isa pang tanong." sabi ni Vladimir.
"Ano iyon? " sabi ni Kyla at nagulat ito ng dumapo ang kamay ni Vladimr sa dibdib niya at humaplos doon.
"May nararamdaman ka ba? Friction?" sabi ni Vladimir habang nasa dibdib ni Kyla ang kamay niya a nakadantay doon. Pero nagulat ito ng hawakan ni Kyla ang kamay niya at nakuha nito ipaikot na ikinaigik niya sa sakit at ikinawala ng atensyon niya sa manibela
"Ouch!" sigaw ni Vladimir habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa manibela.
"Huwag mong ibabangga mas lalong lagot ka sa kin." sabi ni Kyla.
"Bitawan mo ako dahil gumegewang ang pagmamaneho ko." sabi ni Vladimir na pilit hindi iniinda ang sakit para makapagpokos pa siya sa pagmamaneho.
Napangisi si Kyla saka nito binitawan ang kamay ni Vladimir.
"Iyan ang dahilan kaya ayokong magkanobyo. Alam kong SEX lang ang gusto niyong mga lalaki." sabi ni Kyla saka ito umupo ng maayos.
"Imposible naman kasi." sabi ni Vladimir na naayos na ang pagmamaneho.
"Na ano?" sabi ni Kyla.
"Na wala kang maramdaman, na hindi ka nakakaisip na magkanobyo." sabi ni Vladimir.
"Sa wala anong magagawa mo? Bakit ka ba nakikialam sa buhay ko." inis na sabi ni Kyla.
"Hahaha! Siguro nga naloko ka. Sa reaksyon mo kasi mukha kang naisahan." sabi ni Vladimir.
"Siraulo." sabi ni Kyla sabay batok kay Vladimir.
"Aray! Alam mo ikaw hindi ka marunong tumingin ng kaharap mo. Prinsipe ako at Propessor mo ako pero kapag naisipan mong saktan ako sinasaktan mo ako." asar na sabi ni Vladimir
"Hindi ko ramdam ang alin man sa dalawa bilang ikaw." nakangising sabi ni Kyla.
"Anong ramdam mo sa akin? Isang punching bag?" sabi ni Vladimir.
"Hahaha! Siguro." natawang sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vladimir dito.
"Tibay ng loob mong saktan ako eh no." sabi ni Vladimir.
"Hahaha! Matapang ako kasi nandito ka sa bansa ko. Wala kang gagawin sa akin na kahit na ano dahil hindi ka Prinsipe dito, pangkaraniwan ka lang na tao." sabi ni Kyla habang tumatawa ng malakas.
"Okay, sabi mo eh." sabi ni Vladimir na napangisi.
......................
Days Later
University
"Hala siya oh." sabi ng mga kaklase ni Kyla ng hampasin ni Kyla ang Propessor nila habang nakatayo ito sa harapan ng dalaga.
"Aray." sabi ni Vladimir ng hampasin siya ni Kyla ang balikat niya.
"Tama ang sagot ko. Anong mali diyan?" inis na sabi ni Kyla. Wala naman kasi siyang nakikitang mali sa sagot niya, kinabisa niya iyon at pinag-aralan kaya sigurado siya doon.
"Binibiro lang naman kita." sabi ni Vladimir sabay tingin sa buong klase na nakatingin sa kanila ni Kyla.
Nang mapansin ni Vladimir ang buong klase na sa kanila nakatingin ni Kyla yumuko ito ng bahagya saka binulungan ni Kyla.
"Mag-pretend ka naman kahit unti na hindi ako battered Professor mo." bulong ni Vladmir na ikinatingin ni Kyla sa paligid at namula ang mukha ng dalaga ng makitang nakatunghay sa kanila ang lahat.
"Okay class, ipasa niyo na ang mga papel niyo." sumeryosong sabi ni Vladimir sabay hablot ng papel ni Kyla na nasa mesa ng dalaga.
Kinuha ni Vladimir ang lahat ng papel at bumalik ito sa silya niya. Napatingin siya sa buong klase saka ito nagsimula magtanong at magtawag.
"Tingin niyo ba sa International relationship ng isang bansa matutulungan siya ng mga kapanalig nito sa oras ng kagipitan?" tanong ni Vladimir saka ito napatingin kay Kyla.
"Miss Madlangbayan." tawag ni Vladimir.
Tumayo si Kyla saka ito nangapa ng isasagot, mahina siya sa recitation hindi dahil hindi siya sanay sumagot o magsalita sa harapan. Aktibista siya at gamay niya iyon pero ayaw niyang ginagraduhan siya base sa sasabihin niya pakiramdam niya kasi may puntos ang bawat gagawin niya na para sa kanya unfair iyon sa isang tao.
"Anong sagot mo?' sabi ni Vladimir.
Napatitig si Kyla kay Vladimir, hindi niya alam kong nagsasanay pa lalo ito magsalita ng lenguwahe nila na tila nasasarapan ang binata sa pagbigkas ng salitang hindi nito gamay sa una.
"Hindi niya alam." bulungan ng mga estudyante ng hindi nagsalita si Kyla.
"Miss Madlangbayan, anong sagot mo?" tanong ni Vladimir.
"Hindi." sabi ni Kyla na ikinabulungan lalo ng mga kaklase nito
"Bakit? Kung may batas na nagtatadhana sa isang allied na mga bansa ng Pilipinas." sabi ni Vladimir.
"Dahil kung sa maliit na detalye hindi nila tayo matulungan what more pa sa isang giyera." sabi ni Kyla na ikinatawanan ng mga estudyante.
"Allied nga di ba?" natatawang sabi ng isang estudyante.
"Bakit naman?" sabi ni Vladimir.
"Hindi ako naniniwala sa ibang batas lalo na pagdating sa giyera. Kaya nga mas maganda kung gigilid lang tayo ng sa ganoon ligtas tayo." sabi ni Kyla.
"Ang labo." sabi ng isang estudyante.
"Ikaw Propessor, ang bansa mo ay kapanalig ng Pilipinas tingin mo po ba lahat ng Pilipino sa bansa niyo ligtas tulad mo sa bansa namin?" tanong ni Kyla.
"Oo naman." sabi ni Vladimir.
"Okay." sabi ni Kyla na ikinatawa ng lahat.
"Hahaha! Labo talaga niya kausap." sabi ng isa pang estudyante sa sagot ni Kyla.
"Kaya repeater." sabi pa ng isa.
"Tumigil kayo lahat sa pagtawa." sabi ni Vladimir na ikinatigil ng lahat.
"Ang isang maliit na detalye ay wala sa libro dahil nasa karanasan ito. Hindi iyon makikita, o mararamdaman ng isang indibidwal kung hindi niya nararanasan.
Ang ipinatutupad lamang ay isang batas na masyadong malawak, pero hindi sapat ang pinapatupad sa isang bansa dahil walang maliit na detalye." sabi muli ni Kyla na ikinatitig ni Vladimir dito.
"Sabagay may punto ka. Katulad ng pinapalo mo nga ako sa harap ng klase kahit Propessor mo ako, pero absuwelto ka." birong nakangiting sabi ni Vladimir na ikinatawa ng lahat at ikinangisi ni Kyla.
"Sir international relationship din pong tinatawag iyong pakikipagrelasyon ng Pilipino sa dayuhan. Ito ay literal na relasyon." sabi ni Steph na ikinatawa ng lahat.
"Sir, may nobya na po ba kayo?" tanong ng mga lalaki sa klaseng iyon kay Vladimir.
"Wala pa." sabi ni Vladimir.
"Sakto Sir nandito ka sa Pilipinas kaya gumawa ka na ng international relationship ng bansa mo sa bansang ito." sabi ng lalaking estudyante na ikinatawa ng lahat.
"Malapit na, huwag kayong mag-alala." sabi ni Vladimir sabay tingin kay Kyla at nagulat ito ng batuhin siya ni Kyla ng ballpen.
"Uyyy." sigawan ng mga estudyante ng batuhin ni Kyla ng ballpen ang Propessor nila.
"Aray! Ikaw sumosobra ka na." sabi ni Vladimir at natawa ang lahat ng tumayo si Vladimir at mabilis na pumunta kay Kyla saka nito hinawakan ang kamay ng dalaga at pinalo.
"Aray!" sigaw ni Kyla ng paluin siya ni Vladimir sa kamay.
"Hahahaha!" tawanan ng lahat.
"Kulang ka sa disiplina ngayon tumayo ka sa gilid ng balckboard." sabi ni Vladimir na muling ikinatawa ng lahat
"Ayoko nga." sabi ni Kyla.
"Ayaw mo ha." sabi ni Vladimir at natawa ang lahat ng alisin ni Vladimir ang sinturon nito na ikinanlaki ng mga mata ni Kyla.
"Hahaha! Palo sa puwet." natatawang sabi ng lahat.
"Uyyy, bawal iyan." sabi ni Kyla.
"Hindi masama ang magdisiplina ng mga tulad mo." sabi ni Vladimir saka nito inihampas ang sinturon sa mesa na ikinasigaw ni Kyla.
"Ayyyy!" sigaw ni Kyla ng muntikan na siya mahagip ng sinturon.
"Hahaha." tawanan ng lahat.
"Papaluin talaga kita dito, sa pambabastos mo sa Propessor mo." sabi ni Vladimir.
"Asar." inis na sabi ni Kyla.
Tumayo ka!" sigaw ni Vladimir na ikinatahimik ng lahat at ikinatayo ni Kyla sa gulat.
"Pumunta ka doon sa gilid at tumayo ka." sabi ni Vladimir.
"Oo na." inis na sabi ni Kyla.
"Ahhh. Sinisigawan mo na ako, dinadabugan mo pa ako ngayon." sabi ni Vladmir ng maglakad si Kyla papuntang harap nakuha pa ni Vladimir sulyapan ng mga estudyante at kindatan na ikinatawa ng lahat.
"Hahaha!" reaksyong ng buong klase ng paluin ni Vladimir ng sinturon sa puwetan si Kyla.
"Aray!" sigaw ni Kyla ng dumapo ang sinturon sa puwetan niya.
"Matuto kang gumalang sa guro mo at tinuro iyan ng elementary pa lang. Hindi porket nasa edad ka na sisigaw ka na lang sa labas at hahawak ng plackard sabay paglalaban ng Karapatan. Matuto ka muna sumunod bago ka sundin." sabi ni Vladimir na ikinatawa ng lahat ng muling dumapo ang sinturon sa puwetan ni Kyla.
"Aray ko!" sigaw ni Kyla ng dumapo uli ang sinturon sa puwetan niya.
"Mula sa araw na ito lahat ng pasaway tatayo sa harapan sa buong oras ng klase ko." sabi ni Vladimir.
"Asar ka." inis na sabi ni Kyla na ikinangisi ng lihim ni Vladimir dahil wala sa awra ni Kyla na nahihiya ito na mukha nga itong sanay makipagrally sa kalsada sa kapal ng mukha nito.
"Iyan diyan ka lang tumayo buong klase habang nagtuturo pa ako." sabi ni Vladimir saka ito nagsimulang magturo habang nakatayo lang si Kyla sa harapan ng klase bilang parusa.
...................
Days later
"Asar." inis na sabi ni Kyla na sa buong araw na nagdadaan kapag may klase siya na si Vladimir ang teacher nakatayo siya sa harapan lagi.
"May reklamo?" tanong ni Vladimir kay Kyla ng patayuin na naman niya ito sa harap ng klase.
"Bakit ba ako nakatayo?" sabi ni Kyla.
"Dahil hindi ka marunong gumalang. Ayusin mo ang pagsasalita mo." sabi ni Vladimir ng sagutin na naman siya ng pabalang ni Kyla kanina habang nagrerecite ito na out of topic ang tema ng sagot nito na tila nagwewelga.
"Asar." inis na sabi ni Kyla.
"Sa susunod na klase natin ikaw ang magrereport para mapanindigan mo ang pagiging rebulto mo sa unahan." sabi ni Vladimir na ikinatawa ng lahat.
"Isusumbong kita sa admin." sabi ni Kyla.
"Ako? Hahaha! Nakikita mo ang mga kaklase mo mas bata pa sayo pero mga masunurin. Ikaw na matanda na hindi ka dapat palasagot dapat ikaw ang magandang ehemplo at imahe nila na susundin." sabi ni Vladimir.
"Tsss. Wala akong ginagawa sayo kaya lagot ka sa admin." sabi ni Kyla.
"Teka lang ha." sabi ni Vladimir
"Bakit?" sabi ni Kyla.
"Hindi ba nagwewelga kayo sa admin?" sabi ni Vladimir
"Ano naman ngayon?" sabi ni Kyla.
"Tapos ngayon lalapit ka sa kanila." sabi ni Vladimir
"Trabaho nila solusyunan ang problema tulad ng pagpapatayo mo sa akin dito sa harapan." sabi ni Kyla.
"Tsss. Tumatayo ka nga ng matagal at nagsasalita sa baba habang nagwewelga kayo bakit dito hindi mo magawa?" sabi ni Vladimir.
"May kabuluhan iyon." sabi ni Kyla.
"May kabuluhan din ang pagtayo mo diyan." sabi ni Vladimir.
"Ano?" sabi ni Kyla.
"Para matuto kang gumalang." sabi ni Vladimir.
"Wala naman akong ginagawa sayo?" sabi ni Kyla.
"Anong wala? Iyang pagsagot mong pabalang mali iyan." sabi ni Vladimir na ikinatahimik ni Kyla.
"....guro mo ako at mas matanda ako sayo." sabi ni Vladimir.
"Asar." inis na sabi ni Kyla na ikinangisi ni Vladimir ng lihim ng tumahimik na ang dalaga at hindi na umangal.
Ilang minuto ang lumipas ng matapos ang klase nagsitayuan ang lahat para umalis. Pero nagulat si Vladimir ng nanatiling nakatayo si Kyla at nakatitig sa kanya.
"Ano? Tapos na ang klase. Bakit nandito ka pa?" sabi ni Vladimir.
"Pinapahiya mo ako lagi." napipikong sabi ni Kyla sabay lapit kay Vladimir habang nakabusangot ang dalaga.
"Hindi kita pinapahiya, tinuturuan lang kita." sabi ni Vladimir
"Hindi." sabi ni Kyla.
"Aissst! Mamaya ang review natin dahil palapit na palapit na ang mga exam mo." sabi ni Vladimir.
"Ayoko.' sabi ni Kyla na ikititig ni Vladimir dito
"Anong problema?" sabi ni Vladimir pero isang malakas na sampal ang dumapo sa kanya na ikinagulat niya.
"Pinapahiya mo ako." sabi ni Kyla pero mas nagulat ito ng magbago ang awra ni Vladimir ng tumingin sa kanya.
"Okay." sabi ni Vladimir at nagulat si Kyla ng iangat lang siya ni Vladimir at napaupo siya sa mesa nito.
"Ano ba?" sabi ni Kyla.
"Hindi Propessor ang tingin mo sa akin kundi Prinsipeng hinahabol ka. At hindi ko iyon maalis sayo kaya naman hindi mo rin maalis ang sumagot sa akin ng pabalang." sabi ni Vladimir saka nito itinungkod ang mga kamay sa mesa na ikinaatras ng bahagya ni Kyla habang nakaupo siya sa mesa nito.
"Ano?" sabi ni Vladimir habang nakatitig sa mukha ni Kyla na gahibla lamang ang layo.
"Aalis na ako. Magrereview tayo mamaya." sabi ni Kyla na nakaramdam ng pagkailang na ikinangisi ni Vladimir.
"Okay, ganyan nga." sabi ni Vladimir sabay lapit ng labi nito kay Kyla na ikinapikit ng dalaga ng dumantay ang labi nito sa labi niya.
Napayakap si Kyla ng kusa sa leeg ng binata saka nito hinayaan na halikan siya ni Vladimir.
Nakatungkod pa rin ang mga kamay ni Vladimir sa mesa at tanging labi lamang niya ang nakadikit sa dalaga.
"Hmmmn." ungol ni Kyla ng ipasok ni Vladimir ang dila nito sa loob ng bibig niya.
"Hindi marunong humalik. Hindi marunong magturo si Daniel. Ano iyon pinasukan ka lang? Siraulo." sabi ni Vladimir sa isip ng hindi tumutugon si Kyla at halatang nahihirapan ito sumunod sa halik niya.
"Try natin ang iba." sabi ni Vladimir sa isip saka ito pasimpleng pumagitna sa mga hita ni Kyla habang nakikipaghalikan dito.
"Hmmmn." ungol ni Kyla ng makalapit pa si Vladimir sa kanya kaya wala sa loob na iniyakap niya ang mga hita at binti sa binata habang nakatayo ito at nakaupo naman sa mesa nito.
"Okay. Dahan-dahan lang." sabi ni Vladimir sa isip saka nito hinawakan ng dahan-dahan ang baok ni Kyla habang ang isang kamay niya ay pumuwesto sa likuran nito payakap dito.
"Hmmmn." ungol ni Kyla ng pagbutihan ni Vladimir ang paghalik sa kanya kasabay ng paghaplos nito sa likuran niya at batok.
"Ganyan nga." sabi ni Vladimir sa isip ng biglang maramdaman nito ang panginginig ni Kyla na ikinatigil niya sa paghalik dito.
Napatingin si Vladimir kay Kyla na hinihingal sa ginawa niyang paghalik dito.
"Ganyan iyong nasaksihan kong halik ng bayaw ko sa ate ko noong bata pa ako. Hindi rin siya marunong at nakuha siya ng bayaw ko." sabi ni Kyla na ikinalayo ni Vladimir.
"Mahina kaming mga babae, hindi dahil marupok kami kundi dahil magaling kayong magpaikot. Kaya hindi rin ako nagtataka kung may mga babaeng nagpapaikot dahil inikot din panigurado sila at gumaganti lang sila. Kaya naman may mga babaeng nag-iiba ang pananaw sa isang relasyon." sabi ni Kyla.
"Kasali ka ba sa mga babaeng tinutukoy mo?" sabi ni Vladimir
"Ikaw, kasali ka ba sa mga lalaking tinutukoy ko?" sabi ni Kyla.
Hindi nakapagsalita ang bawat isa sa mga tanong na iyon. Bumaba si Kyla sa mesa na kinauupuan nito saka nito inayos ang sarili.
Napatingin si Kyla kay Vladimir at nanlaki ang mga mata ni Vladimir ng ngumiti si Kyla ng kakaiba.
"Bukas pa ba ang alok mo?" sabi ni Kyla.
"Ano?" sabi ni Vladimir
"Bilang asawa mo? Bukas pa ba?" sabi ni Kyla.
"Ha?" sabi ni Vladimir.
"Pagkagraduate ko pumapayag na ko maging asawa mo basta gusto ko iyong ganoong halik." nakangiting sabi ni Kyla na ikinalunok ni Vladimir.
Napangiti si Kyla saka ito nilapitan si Vladimir na ikinalayo ng binata.
"Papayag na ako sa kontrata ng Casa." sabi ni Kyla saka nito tinalikuran si Vladimir at umalis ng classroom na iyon.
"Uyyy, bakit ang bilis? Nagbago ang isip." di makapaniwalang sabi ni Vladimir sa sarili.
June 26, 2022 10.23am
Fifth Street
Pinahaba ko ang kabanatang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top