Kabanata 6 : Jan Carl


Kabanata 6 : Jan Carl

Hours Later


"Sandali lang nandiyan yata iyong pinakisuyuan ko." sabi ni Kyla ng may kumatok sa pintuan.

Napatingin si Vladimir ng tumayo si Kyla at binuksan ang pintuan habang sinusundan ng tingin ni Vladimir ang dalaga. Alas dose na ng tanghali at hindi niya alam kung paano imbitahan ang dalaga kumain sa labas ng hindi ito makakaisip ng masama sa pangungumbida niya.

"Ito na." sabi ni Daniel ng pagbuksan siya ng pintuan at agad binigay ang plastic bag kay Kyla.

"Salamat." nakangiting sabi ni Kyla ng abutin ang plastic bag kay Daniel.

"Kumain ka ng marami." sabi ni Daniel kay Kyla.

"Oo, ikaw din." sabi ni Kyla.

"Sayo ba iyan lahat?" tanong ni Daniel na iabot ang dalawang klaseng pagkain na nakasupot.

"Oo." mabilis na sabi ni Kyla para hindi na magtanong pa si Daniel.

"Mabuti." sabi ni Daniel

"Ito pala ang bayad ko." sabi ni Kyla.

"Huwag na." sabi ni Daniel.

"Uyyy, hindi puwede kaya kunin mo na itong bayad ko sayo." sabi ni Kyla.

"Ayokong tanggapin." sabi ni Daniel.

"Kapag hindi mo tinanggap idadagdag ko ito sa upa ko na babayaran ko kay Jenny." sabi ni Kyla habang inaabot ang bayad sa pagkain kay Daniel

"Aissst. Nakakainis ka." sabi ni Daniel sabay kuha sa binayad ni Kyla.

"Arhhhm! Matagal pa ba kayo?" tanong ni Vladimir na napatikhim sa tagal ng pag-uusap ng dalawa sa pintuan habang nagbubulungan ang mga ito.

"Ahmmm. Unti na lang " sabi ni Kyla kay Vladimir na mapalingon ang dalaga.

"After mo tayo naman " sabi ni Daniel.

"Anong tayo naman?" natatawang sabi ni Kyla ng bumaling muli ng tingin kay Daniel.

"Dating." sabi ni Daniel.

"Sira ka talaga. Hahaha!" sabi ni Kyla.

Nakikiramdam lamang si Vladimir at nakikinig sa pag uusap ng dalawa habang nasa pintuan.

"Dali na, kahit sa sala lang." sabi ni Daniel.

"Hahaha! Sige sige. Pagkatapos namin." natatawang sabi ni Kyla ng matapos na rin ang usapan dahil alam niyang kukulitin siya ni Daniel kapag hindi siya umoo dito.

"Okay sabi mo yan ha." sabi ni Daniel.

"Oo. Sige na isasara ko na at salamat uli dito sa pagkain." sabi ni Kyla at ng ngumiti si Daniel at tumango saka isinara ni Kyla ang pintuan.

Nang maisara ang pintuan agad na nagtungo si Kyla sa mesa kung saan sila nag aaral ni Vladimir.

"Kumain muna tayo." sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vladimir sa plastic na dala ni Kyla.

"Iligpit muna natin ang mga libro at papel sa mesa at ilagay natin sa kama para makakain na tayo." sabi ni Kyla na agad na niligpit ang gamit.

Matapos magligpit inilabas nito sa loob ng supot ang pagkain na naka-styro at inilapag sa mesa.

"Masarap ito, lutong bahay at saka huwag kang mag-alala malinis ito." nakangiting sabi ni Kyla.

Napatingin lang si Vladimir sa inilalapag na pagkain ni Kyla at ng matapos ito sa paghahanda ibinigay sa kanya ang kubyertos.

"Kapag tinuturuan mo ako pakakainin kita. Sagot ko ang pagkain mo kaso sa karinderia lang ha. Wala akong budget kapag sa labas kumain." sabi ni Kyla.

Binuksan ni Kyla ang isang styro para sa kanya at ng hindi kumikilos si Vladimir napahingang malalim si Kyla.

"Kumain ka na. Malinis naman iyan at ito nga kakain din ako." sabi ni Kyla at ito ang nagbukas ng dalawang styro na nasa harap ni Vladimir.

Napatingin si Vladimir sa styro. Kanin ang nasa isa at ulam na adobong manok ang ikalawang styro.

"Hindi ko alam kung magugustuhan mo ang ibang lutong pinoy kaya adobong manok na lang ang pinabili ko kasi iyan daw ang magugustuhan ng mga foreigner karamihan." sabi ni Kyla sabay tingin kay Vladimir.

Nanatiling nakatingin si Vladimir sa pagkain hindi sa ayaw niyang kumain, ang iniisip niya pera iyon ng dalaga at alam niyang mahirap lang ito. Isama pa na first time niya kung sakali malibre ng iba lalo na at commoner na tulad ni Kyla na para sa estado niya bilang Prinsipe nakaka-degrade.

"Kumain ka na." sabi ni Kyla pero nanatiling nakatingin si Vladimir sa styro.

"Ahmmm. Ayaw mo ba ng amoy?" nahihiyang sabi ni Kyla.

".....iyan lang kasi ang kaya ko. Nakakahiya naman kasi kung hindi man lang kita pakainin. Ahmmm! Kung gusto mo hapon na lang tayo sa susunod magreview para merienda, mas madali makaisip ng makakain kapag merienda." sabi ni Kyla at ng walang tugon kay Vladimir nagsimulang kumain si Kyla ng tahimik na ikinatingin ni Vladimir dito.

Napakunot noo si Vladimir ng makitang hinahati ni Kyla ang ulam nito na kakapiranggot na nasa ikalawang styro nito. Inilagay ni Kyla ang kalahating ulam sa unang styro nito na may kanin. At agad inihiwalay ng dalaga ang natira sa ikalawang styro at tinakpan saka nito itinabi.

"Para ano iyan?" di napigilang kuryusidad na tanong ni Vladimir.

Napatingin si Kyla at ng malaman ang tinatanong ni Vladimir saka napangiti ito.

"Ulam ko mamayang gabi tapos magsasaing na lang ako sa rice cooker ng kanin." nakangiting sabi ni Kyla.

"Ang unti na niyan hinati mo pa." nagtatakang sabi ni Vladimir.

"Marami na yan sa akin." sabi ni Kyla.

Napatingin si Vladimir sa pagkain na nasa harapan niya saka ito muling nagsalita.

"Magkano ito?" sabi ni Vladimir.

"Huwag ka ng magtanong, at kumain na lang tayo." nakangiting sabi ni Kyla sabay subo nito.

"Kakain ako kung sasagutin mo ako." sabi ni Vladimir.

"Okay sige. Fifty pesos iyang adobo at sampung piso iyong kanin." sabi ni Kyla.

"Ganoon din ba ang sayo?" tanong ni Vladimir.

"Oo." sabi ni Kyla na ang biniling ulam ay binagoongang baboy.

"So, one hundred twenty pesos ang nagastos mo." sabi ni Vladimir.

"Huwag kang magkompyut. Kumakain tayo at saka huwag kang mag-alala pa-consuelo ito sayo." sumeryosong sabi ni Kyla.

"Hindi ako nagkokompyut inaalam ko lang. Eh, ang sahod mo magkno?" tanong ni Vladimir.

"Math ba itong tinuturo mo?" napangising tanong ni Kyla.

"Oo, kaya sasagot ka, saka ako kakain." sabi ni Vladimir.

"Three hundrend thirty pesos daily " sabi ni Kyla.

"May kaltas di ba?" sabi ni Vladimir.

"Oo." sabi ni Kyla

Hindi umimik si Vladimir at nagcompute ito sa utak pero biglang nagsalita si Kyla.

"Kailangan ko magbudget araw-araw. Ang pagkain ko kailangan ko hatiin kasi ang sinasahod ko pumapatak nasa kinse mil lang kasama ot. Kaya hinahati ko ang pagkain ko." sabi ni Kyla

"Marunong ka naman pala sa math." birong sabi ni Vladimir pero nakaramdam siya ng awa kay Kyla sa isip,

"Sa budgeting kasi dapat eh. Tatlong libo ang upa ko sa kuwartong ito, so dose na lang ang matitira. Nag aaral pa ako, pamasahe ko pa, pagkain, load, gamit pansarili.

Hahaha! Ito ang bansang nagtatrabaho ka para mabuhay ng normal. Trabahong papagurin ka ng husto at sasairin ang kinita mo." natawang sabi ni Kyla habang nakatitig si Vladimir dito.

Napaisip si Vladimir dahil nakaramdam siya ng guilt na binilhan pa siya ng pagkain ni Kyla.

"Huwag kang mag-alala hindi kita sisingilin sa kakainin mo, bayad ko na iyan sayo sa pagtuturo mo. Saka minsan lang naman iyan." sabi ni Kyla ng mabasa ang nasa isip ni Vladimir.

Napatingin si Vladimir sa ulam na itinabi ni Kyla na ikianangiti ni Kyla ng muling makita ang reaksyon ni Vladimir ng mapatingin sa ulam na itinabi niya.

"Itong ulam ko, bumibili ako ng hindi madaling mapanis ng sa ganoon makain ko mamaya. Pero huwag kang maawa dahil ganito ang buhay ng nagtitipid. Hindi lang ako nag-iisa marami kami sa lipunang ginagalawan ko." sabi ni Kyla.

Nakatitig lang si Vladimir sa tinabing ulam ni Kyla, alam naman niya ang bagoong hindi madaling mapanis ang lutong iyon kaya muli nakaramdam siya ng awa at.... tibay ng loob mula sa dalagang nasa harapan niya.

"Kumain ka na dahil nasagot ko na ang tanong mo." sabi ni Kyla sabay kuha ng kutsara ni Vladimir at kumuha ng kanin at ulam sa styro nito saka itinapat iyon sa bibig ng binata.

"....kumain ka na, dahil kapag hindi ka kumain ibig sabihin naaawa ka at ayoko nun. Kapag naawa ka, hindi na ako magpapaturo sayo kasi mahihiya naman ako kapag hindi kita mapakain kahit unti." sabi pa ni Kyla.

"Okay." sabi ni Vladimir saka nito sinubo ang kutsara na hawak ni Kyla.

"Iyan ganyan nga." sabi ni Kyla ng kainin ni Vladimir ang isinubo niya dito.

"Ahhmm. Kakain ako ng mga ibinibigay mo bilang bayad pero sa isang kondisyon." sabi ni Vladimir.

"Ano?" sabi ni Kyla ng kumuha uli ng pagkain sa plato ni Vladimir at wala sa loob na itinapat iyon sa bibig ng lalaki para subuan ito.

"Subuan mo ako, kapag ikaw ang gumagastos sa pagkain ko." sabi ni Vladimir na ikinahang ng kutsara na isusubo ni Kyla kay Vladimir.

"....Prinsipe ako, at bilang nasa mataas na uri ayoko makaramdam na parang binibili ako, binabayaran o nirerentahan." sabi ni Vladimir na ikinataas ng kilay ni Kyla kaya muling nagsalita si Vladimir bago pa man manapak uli ang dalagang nasa harapan niya.

"Ikaw naman nagsabi, minsan lang naman ito at ayaw mong tanggihan kita dahil tinuturun naman kita. So, hindi mo rin maiisip na utang na loob ang ginagawa ko sayo, at hindi ka makakaramdam ng guilt o kahit ano. Masasagip ang pride mo sa utang na loob system ng lahi mo." sabi ni Vladimir at akmang magsasalita si Kyla at naramdaman niyang sasalungat ito muli siyang nagsalita.

".....kapag natapos tayo sa review wala kang iisipin na kahit na ano, na kung may hihingin ako sayong kapalit kasi bayad ka naman na. Subuan mo nga lang ako. Kapalit ng pagtuturo ko sayo at para na rin sa ego ko bilang Prinisipe na ayaw na ayaw kong ginagastusan ako na para akong gigolo." sabi ni Vladimri at ng bubuka ang bibig ni Kyla muli siyang nagsalita.

"Wala ka ng aalalahanin, na baka ang pagtuturo ko sayo ay kapalit ng pagsang-ayon mo sa kontrata. Hindi ka na mangangamba na baka isang araw singilin kita." sabi ni Vladimir at ng bumuka uli ang bibig ni Kyla muli sana magsasalita si Vladimir ng isubo ni Kyla ang kutsara sa loob ng bibig ng binata.

"Hmmmn." napasubo si Vladimir at dahil puno ang bibig niya hindi na siya makapagsalita.

"Ang daldal mo, ako naman magsasalita." sabi ni Kyla sabay sandok uli ng pagkain sa kutsara ni Vladimir at kahit puno ang bibig ng binata pinanganga niya iyon sabay pasok ng pagkain sa bibig nito.

"Hmmmn." sabi ni Vladimir na hindi na makapagsalita dahil punong puno na ang bibig niya ng pagkain.

"Hahahaha! Nakuha ko ang sinabi mo kaya sige susubuan kita." natatawang sabi ni Kyla ng makitang gustong magsalita ni Vladimir para kumbinsihin pa siya kaso punong puno ang bibig nito sa pagkain na isinusubo niya na tinatanggap naman nito.

Napahinto si Vladimir at napatitig kay Kyla habang tumatawa ito at muling sumasandok ng pagkain niya.

"Haysst!" pasimpleng napahingang malalim si Vladimir ng makitang nakukuha na niya ang loob ni Kyla.

....................

Days later

"Hahaha! Hindi nga?" tanong ni Kyla sabay subo ng kutsara kay Vladimir.

Kumakain sila ng tanghalian habang tinuturuan siya nito sa Law. Nasa dorm sila ni Vladimir dahil doon naman ang kitaan nila para magreview tuwing Linggo.

"Oo." sabi ni Vladimir.

"Ibig sabihin anak ka sa labas ng hari?" sabi ni Kyla na hindi makapaniwala.

"Oo, bakit hindi ba puwede magkaanak sa labas ang hari?" tanong ni Vladimir.

"Malay ka sayo bansa mo yon eh." sabi ni Kyla.

"Para sa amin, okay lang iyon as long as kinilala ka ng hari bilang anak at ang mga totoong anak na Prinsipe ay magiging tulad ng anak sa labas. Meaning ang Karapatan ng isang Prinsipe ay makakamit din niya ng Bastardo niya." sabi ni Vladimir.

"Paano kung itakwil ka? Automatic din ba na mawawala ang lahat sayo kahit na sa una kinilala ka?" sabi ni Kyla.

"Magiging commoner na lang ako." sabi ni Vladimir.

"Ganoon? Kinilala ka tapos bigla-bigla itatatwa ka at maaalis sa position mo bilang Prinsipe." sabi ni Kyla.

"Oo, pero nasa hari pa rin ang desisyon. Siya ang batas at kahit Prinsipe ka susunod ka lang kung sino ang nakaupo sa trono." sabi ni Vladimir

"Siguro mabait kang anak." sabi ni Kyla sabay subo kay Vladimir.

"Paano mo nasabi?" sabi ni Vladimir

"Kasi gusto mo ako dalhin sa bansa niyo para ipakilalang asawa mo." sabi ni Kyla na ikinatahimik ni Vladimir.

"Hmmmn. Totoo di ba? Pero teka, paano kung hindi mo ako madala? May parusa ka ba?" tanong ni Kyla.

"Oo." sabi ni Vladimir.

"Ano?" kuryusidad na tanong ni Kyla.

"Ipapapatay ako." sabi ni Vladimir na ikinanlaki ng mga mata ni Kyla.

"Ta---talaga? Hindi nga?" di makapniwwalang sabi ni Kyla.

"Hahaha! Biro lang iyon." natawang malakas na sabi ni Vladimir

"Grabe! Ang akala ko totoo." sabi ni Kyla.

"Pero kung tutulungan mo ako masisiguro mong hindi ako mapapatay." nakangising sabi ni Vladimir.

"Siraulo!" sabi ni Kyla sabay hampas kay Vladimir.

"Tsss! Joke lang, nananakit ka na naman." sabi ni Vladimir ng hampasin siya ni Kyla.

"Isubo mo na nga lahat itong pagkain mo, at tingnan natin kung makakapasa na ako sa exam." sabi ni Kyla.

"Okay." sabi ni Vladimir saka nito sinubo ang pagkain sa kutsarang hawak ni Kyla.

"Pero sandali." sabi ni Kyla.

"Ano?" sabi ni Vladimir.

"Paano kung pumayag ako sa gusto mo magpakasal sayo at pumunta sa bansa niyo? Anong gagawin ko naman doon?" sabi ni Kyla na ikinatahimik ni Vladimir.

"Hahahaha! Joke lang. Natahimik ka naman, baka sabihin mo gusto kita kaya ako pumapayag." natawang sabi ni Kyla ng tumahimik si Vladimir.

Napapangiti si Kyla ng tahimik pa rin si Vladimir at walang reaksyon saka ito nagbuklat ng libro na ikinatitig ni Vladimir sa dalaga.

"Ahhhm. Alam mo bang Jan Carl ang totoong pangalan ni Daniel." sabi ni Kyla ng mailang sa titig ni Vladimir.

"Ha?" sabi ni Vladimir.

"Pareho kayo ng apelyedo Canmore. Jan Carl Canmore at ang Daniel ay pinangalan ng Mama niyang pinay na nagtrabaho sa isang Casa dito sa Manila." sabi ni Kyla na ikinakunot noo ni Vladimir.

"Anong sabi mo?" naguguluhang tanong ni Vladimir na ikinatingin ni Kyla dito.

"Alam mo ba sa sinabi mo sa akin kanina. Napaisip ako, paano kung bastardo din siya tulad mo." sabi ni Kyla na ikinatiim ng bagang ni Vladimir.

June25, 2022 2.06pm

FifthStreet

Good night


Another character for 4th gen ang taong pagkakautangan ng El Casa...

Jan Carl Canmore


Abangan!!!!





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top