Kabanata 4 : Suhestiyon


Kabanata 4 : Suhestiyon


"Anong sabi mo sa akin?" gulat na tanong ni Vladimir

"Nasa bansang Pilipinas ka kung saan ang mga babae ay matatapang, pero may mga kahinaan." sabi ni Amon.

"Alam ko ang kahinaan, pero sinabi ni Kyla hindi uubra sa kanya ang guwapo kong mukha at ang status ko sa buhay." sabi ni Vladimir

"Dalawang klase ang babae sa bansa namin. Ang mahirap makuha at ang pinakamahirap makuha." sabi ni Amon.

"Hindi ba ang dalawang klase ay madali at mahirap makuha?" sarkastikong sabi ni Vladimir.


"Ang sabi ko nga nasa bansang Pilipinas ka kung saan kahit sabihin mong may mga liberated na dito. Ang mga babae dito ay hindi ganoon kadaling makuha. Kahit na nga ba handang makipagflirt sayo.

May mga babaeng peperahan ka, na mahirap sa isang lalaki kapag nakatagpo siya ng ganoon. O kung mapera ka man at nakuha mo ang sinasabi mong "Madaling makuha" hindi pa rin madali dahil dapat buong buhay mo may pera ka. Nakuha mo ang katawan niya pero ang hindi ang puso niya. Iyon ang unang babaeng sinasabi ko sayo na mahirap makuha na para sayo madali pero ang totoo hindi.

Ang ikalawang babae ay ang pinakamahirap kunin, sila ang Pinay na kahit maghubad ka diyan, magpacute ka, magpakita ng pera, o kahit na alam nilang hinahangaan at tinitilian ka ng lahat sa isip niya pangkaraniwan ka lang. Sila ang mga babaeng high standard at makikita mo sila hindi lang sa mga mayayaman sa lipunan na kung tutuusin marami sila sa mababang uri.

Isa doon si Kyla at si..." nahintong sabi ni Amon saka ito napaikot ng mga mata.

"Sino?" nakangising sabi ni Vladimir ng makita ang hindi naitagong reaksyon ni Amon na tila naiinis ito.

"Wala." sabi ni Amon.

"Huh! So paano ko makukuha?" sabi ni Vladimir.

"Hindi ko alam kasi kahit ako hindi ko alam eh." nakangising sabi ni Amon na ikinaikot naman ng mga mata ni Vladimir.

"Suyuin mo."

Napatingin ang dalawa ng may sumali sa usapan at sa paglingon nila nagulat si Amon at Vladimir ng makita si Burn.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Amon ng makita si Burn na galing sa private room ng opisinang iyon.

"Dito ako natulog. Kay Papa na opisina ito kaya may karapatan naman siguro ako matulog sa kuwarto ng ama ko." nakangiting sabi ni Burn sabay upo sa sofa na tinaas pa ang mga paa.

"Sandali anong suyuin?" sabi ni Vladimir.

"Katulad ng sinabi ni Amon iba ang ugali ng mga babae sa bansa namin. At si Kyla ay ang tipo ng babaeng kailangan mo pagtiyagaan, tulad ni Numa." sabi ni Burn.


"Sinong Numa?"
sabi ni Vladimir.

"Ang mahal kong nobya." nakangiting sabi ni Burn na ikinangisi ni Amon.

"Kaparehas ba sila ni Kyla?" tanong ni Vladimir.


"Hindi, kasi kahit naman dalawang klase lang ang sinabi ni Amon na katangian ng babae sa bansa namin. At kahit na sinabi ko na nasa level si Numa na pinakamhirap kunin. Siya pa rin ang babaeng handa kang papasukin sa mundo niya." sabi ni Burn.

"Alam niyo ang gugulo niyo kausap." sabi ni Vladimir.

"Alam mo Prince Vladimir, magtiyaga ka kasi nasa bansa ka namin. At saka, kung gusto mo talaga si Kyla ipadala sa bansa mo maghirap ka, at kung ayaw mo naman maraming babae sa El Casa mamili ka ng payag sa alok mo na panigurado nasa level ng "mahirap makuha" iyong tipong huwag kang maghihirap dahil panigurado hihiwalayan ka." nakangising sabi ni Burn.

"Si Kyla ang gusto kong dalhin." sabi ni Vladmir.

"Para pakasalan?" sabi ni Burn

Napatingin si Vladimir kay Burn, alam niyang sila lang ni Autumn ang may alam sa kontrata dahil confidential iyon at sa nakikita niya wala din alam ang bagong nakaupo na si Amon sa kontratang pinasukan niya.

"Oo." sabi ni Vladimir.

"Iyon naman pala. May puntos ka na para sa pinakamahirap na makuhang babae." sabi ni Burn.

"Ayaw niya. Honest ako sa kanya pero ayaw niya. Hindi din daw siya naaakit sa akin, guwapo ako pero tipikal lang daw. Mayaman at Prinsipe pero pake daw niya. Tipo ng babaeng imposible." sabi ni Vladimir na hindi naitago ang pagkainis

"Good luck." sabi ni Burn.

"God bless." sabi naman ni Amon

"Haissst! Pumunta ako dito para kunin ang kontrata ko." sabi ni Vladimir.


"Nasa demokratikong bansa ka, at wala sa bansa mo. Simpleng mamamayan ka lang dito, isang dayuhan...

... kaya huwag kang umasta na pag-aari mo ang lahat ng ituturo mo." sabi ni Amon

"Tama, makisama ka kung ayaw mong madeport." nakangising sabi ni Burn.

"Ilang buwan na lang uuwi na ako, kailangan madala ko si Kyla." sabi ni Vladimir


"Dalhin mo, wala naman pumipigil sayo. Iyon nga lang kung madadala mo."
sabi ni Amon.

"Kikidnapin ko siya." sabi ni Vladimir at nagulat ito ng malakas at sabay na tumawa sila Amon at Burn.


"Hahahaha!"
sabay na reaksyon nila Burn at Amon.

"Asar! Anong nakakatawa?" inis na sabi ni Vladimir.

"Kapag ginawa mo iyan mas lalo kang mahihirapan kunin siya. Makukuha mo man siya magiging isang kalbaryo iyon sayo." sabi ni Amon.

"Hindi lang sayo sa buong pamilya mo. Hahaha!" natatawang sabi ni Burn.

"Babae lang iyon." inis na sabi ni Vladimir

"Tama. Babae lang pero bakit hindi mo makuha?" sabi ni Burn.

"Sabi mo nga may ilang buwan ka pa. At ang pagkakaalam ko Propessor ka sa Unibersidad na pinapasukan ni Kyla." sabi ni Amon.

"Oo, pero mukhang hindi tumatalab. Balak ko aakitin ko siya, pero wala. Wala akong dating sa kanya. Tinutulungan ko siya pero pakiramdam niya may hidden agenda ako." sabi ni Vladimir.

"Kasi meron naman talaga." makapanabayang sabi nila Burn at Amon.

Natahimik si Vladimir kaya muling nagsalita si Burn.

"Ang babae, inaamo iyan, sinusuyo at kahit gaano kahirap ang panunuyo mo, kahit gaano man katagal. Maniwala ka worth it kapag naiparamdam mo na totoo ka." sabi ni Burn na ikinatingin ni Amon dito.

".....bakit hindi mo subukan bumaba. Iyong tipong kapag nakikita ka niya o nasasalubong hindi ka niya nakikita sa paraan na kung sino ka o bilang Prinsipe na may hangarin na ikama siya." sabi muli ni Burn.

"Wala akong oras at panahon sa mga ganoon." sabi ni Vladimir

"Okay, kaya naman pala wala din siya oras para pasukin ang mundong pinangangalandakan mo sa kanya.

Haisst! Hanggat nasa taas ka hindi ka niya maaabot at kung bumaba ka man pero nakasarado ka hindi ka niya mapapasok. Subukan mong buksan ang pinto mo para makita niya kung sino ka." sabi ni Burn saka ito napahingang malalim.

"Ilayo mo muna ang sarili mo sa mundong kinalakihan mo o gusto mo, para mapalapit ka sa kanya. I-give up mo muna lahat hanggat wala pa siya sayo. At huwag kang magmadali na yakapin ka niya kung alam mong takot siya na baka kunin mo siya sa mundong nais niya." sabi ni Burn na ikinatingin nila Vladimir at Amon dito.

"Kapag nakuha mo na siya, saka ka lumipad kasama siya." nakangiting dugtong na sabi ni Burn.

....................

Manila

Days later

"Male-late na ako." sabi ni Kyla sa sarili habang nagmamadali siya magligpit ng mga pinagkainan sa fast food chain na iyon. Alas dos ang pasok niya sa University pero ala una na at naroroon pa siya sa stall. Marami kasing tao ng araw na iyon na kumakain kaya aligaga siya sa pagliligpit ng mga pinagkainan kung saan siya nakatoka ngayon araw

"Asar, traffic pa naman kapag ganitong oras." sabi ni Kyla. Ala una sakto dapat ang out niya pero hindi siya makaalis dahil sa laki ng fast food chain na stall na iyon halos hindi kakayanin ng oras niya kung saan punuan iyon kanina at dumadagsa pa hanggang ngayon ang mga customer.

"May test pa kami." sabi muli ni Kyla sa isip. May long test sila bago ang ilang buwan na final exam at dapat maipasa niya lahat ng subject na naiwan niya dahil maloloka na siya kapag bumagsak pa siya sa edad niyang bente singko.

"Ang guwapo naman, crew kaya iyan?"

"Baka manager nila."

"O baka may-ari."

Mga bulungang naririnig ni Kyla at sa paglingon niya nagulat siya ng makita si Vladimir na nililigpit at inilalagay sa tray ang mga disposable cups at mga pinagkainan ng mga customer.

"Uyyy. Anong ginagawa mo?" sabi ni Kyla na mabilis na lumapit kay Vladimir.

Hindi kumibo si Vladimir dahil kung tutuusin kanina pa siya nagmamasid kay Kyla na kanina pa aligaga kakapunas at kakaligpit sa mesa.

"Uyyy, baka masita ako." sabi ni Kyla ng bitbitin ni Vladimir ang dalawang tray at nagulat si Kyla ng isalansan iyon ng lalaki sa basurahan at ang mga hugasan ay inilagay sa gilid na nakaayos.


"Ito ang bansang tamad ang mga tao."
sabi ni Vladmir.

"Ano?" sabi ni Kyla.

"Sa bansa namin, hindi ka aalis ng kainan ng hindi mo nililinisan ang mesa mo. Kanya-kanyang linis at hindi naman iyon pangmamaliit sa tao dahil kalat naman nila iyon. Pero dito sa bansa niyo, ultimo straw ikaw pa ang nagpupulot at nagtatapon." sabi ni Vladimir.

"Nasa Pinas ka." sabi ni Kyla

"Alam ko, at itong bansang ito maraming dukha pero kapag umasta kapag kumakain sa labas akala mo mayayaman. Pero kung iisipin mo, ang mga mayayaman marunong magsalansan ng pinagkainan nila, walang kalat sa mga mesa.

Pero ang mga dukha sa bansang ito sanay sa one hour rich kid fever. Iyong tipong feeling mayayaman kapag kumakain sa labas. Katulad niyang dala mo, ni hindi nakain. Pustahan estudyante ang kumain diyan. At ang pera galing sa bulsa ng magulang niya na walang habas niyang tinatapon at inaaksaya." sabi ni Vladmir.


"Huwag ka ng tumulong kung madami kang angal."
sabi ni Kyla.

"Tutulungan kita dahil concern ako sayo." sabi ni Vladimir saka ito pumunta muli sa ibang mesa at nagsalansan ng mga pinagkainan ng mga customer.

"Huwag na." sabi ni Kyla na bahagyang nahiya ng makitang hindi man lang nandiri si Vladimir na kunin ang mga tissue na gamit sa mesa at inilagay sa tray.

"Male-late ka sa klase mo." sabi ni Vladimir.

"Ikaw ang propessor ko sa klaseng iyon." sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vladimir dito.

"Tama, kaya dalian natin dahil male-late tayo." sabi ni Vladimir saka nito pinagpatuloy ang pagtatrabaho.

Napatango si Kyla at binilisan din niya ang paggawa habang nagbubulungan ang mga tao sa paligid na nakamasid kay Vladimir.

..................

Makaraan ang ilang minuto natapos din sa trabaho si Kyla at nagpaalam ito sa manager niya na agad naman pumayag na makakaalis na siya

"Grabe! Natapos din." sabi ni Kyla na sa tindi ng pagod sa trabaho napapapikit siya at napapahawak sa likuran.

"Sumabay ka na sa akin." sabi ni Vladimir na ikinagulat ni Kyla.

"Uyyy, bakit nandito ka pa." sabi ni Kyla.

Ala una y media na at kalahating oras na lang klase na nila.

"Traffic at rush hour maraming pasahero kaya hinintay na kita." sabi ni Vladimir.

Napatingin si Kyla kay Vladimir at akmang sasagot siya ng unahan siya nito.

"May exam pa tayo, huwag ka ng tumanggi isipin mo na lang way ako para hindi ka ma-late at para makahabol sa exam." sabi ni Vladimir.


"Baka sabihin mo ginagamit kita."
sabi ni Kyla

"Nasa isip mo lang iyon. Estudyante kita kaya concern ako sayo." sabi ni Vladimir habang naglalakad na sila palabas ng mall.

"Concern ka dahil sa..." udlot na sabi ni Kyla

"Propessor mo ako, at iyon ang trabaho ko." sabi ni Vladimir.

"Iniikot mo ako." sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vladimir dito.

"Hindi, dahil kung iikutin kita kinuha na lang kita ng mas madali." sabi ni Vladimir.

"Hindi mo ako makukuha." sabi ni Kyla,

"Okay, pero magtatapos ka at iyon ang goal ko." sabi ni Vladimir.

"Goal mo? Para makuha mo ako." mapanuyang sabi ni Kyla.

"Hindi, para makaalis ka na sa kolehiyo at makalipad sa gusto mong lugar." sabi ni Vladimir.

"Huh! Hindi ako tanga." sabi ni Kyla,

"Alam ko, kaya nga ang hirap mong kunin. Kaya sige hahanap na lang ako ng kapalit mo para matahimik ka. Pero sa ngayon ang goal ko makatapos ka kasi sayang naman ang pinag-aralan ko para sayo, para maging Propessor mo at matulungan ka makaalis sa kung nasaan ka ngayon." sabi ni Vladimir.

"Maghahanap ka ng iba? Kapalit ko?" sabi ni Kyla na napakunot noo.

"Oo, para tigilan mo na rin ang sarcasm kapag kausap mo ako na pakiramdam mo pipikutin kita." sabi ni Vladimir at nagulat ito ng hampasin siya ni Kyla sa braso.


"Aray!"
sigaw ni Vladimir sabay hawak sa braso niyang hinampas ni Vladimir.

"Ayos na pagkamanyak iyan. Estudyante din ba ang nakita mo? Virgin? Ilang taon? Freshman ba?" sunod sunod na tanong ni Kyla.

Napatingin si Vladimir kay Kyla at napakunot noo ito.

"Oo nga 'no? Ang galing ng naisip mo." sabi ni Vladimir.

"Anong naisip?" sabi ni Kyla.

"Tama, kukuha at hahanap ako sa University. Mas bata, virgin at.. Owww. Nice tama ang sinabi mo." napangiting sabi ni Vladimir at muli itong nagulat ng tadyakan ni Kyla ang binti niya.

"Aray!" sigaw sa daing ni Vladimir ng tadyakan siya ni Kyla.

"Gago ka talaga. Bahala ka diyan. Manyak!" inis na sabi ni Kyla saka ito nagmamadaling sumakay ng jeep.

"Aissst! Ano bang babae iyon? Nag suggest tapos nagagalit. Pero tama siya, maghahanap na lang ako." napangiting sabi ni Vladimir saka ito sumakay ng kotse niya at umalis sa lugar

.....................

One hour later

University

"Good morning, Sir. Sorry I'm late." hinihingal na sabi ni Kyla

Napatingin ang buong klase at si Vladimir sa dalaga, sabog ang buhok nito, hinihingal, pawis na pawis na halatang tumakbo ito.

"Sorry, traffic." sabi ni Kyla pero akmang papasok ito ng magsalita si Vladimir.

"Sa labas ka Miss Madlangbayan dahil nagsisimula na kami magtest." sabi ni Vladimir na seryosong nakatingin kay Kyla

Napatingin si Kyla kay Vladimir tila hindi man lang ito napagod sa biyahe o dahil may sasakyan naman ito.

"Sa labas ka mag-exam. Lahat ng latecomers sa labas uupo." seryosong sabi pa ni Vladimir.

"Okay." sabi ni Kyla saka ito pumasok para kumuha ng silya pero nagulat ito ng buhatin ni Vladimir ang silya at inilabas.

"Dito ka umupo." sabi ni Vladimir na ikinatinging ng lahat dito.

"Thank you Sir." sabi ni Kyla.

"Fifty items ang test, paghahanda iyan sa final exam. May puntos na kukunin diyan para sa grades niyo na matatanggap." sabi ni Vladimir.

"Okay Sir." sabi ni Kyla.

Binigyan ni Vladimir si Kyla ng test paper na agad binuklat ng dalaga at nagsimula itong sumagot sa pagsusulit.

Pumasok sa loob si Vladimir pero mula sa loob nakatingin ito kay Kyla na pinagpapawisan habang nag-eexam. Hindi ito sumabay sa kanya kaya alam niyang male-late ito. Hinihingal pa ang dalaga kaya alam niyang hindi ito makakapag concentrate sa pagsusulit. Isama pa na wala naman o hindi naman abot ng electricfan ang labas kaya tagaktak lalo ang pawis ni Kyla.

Ilang segundo pa sa pagmamasid ni Valdimir kay Kyla tumayo si Vladimir dala ang ibang test paper at naglakad lakad sa buong klase para magmasid sa mga estudyante pero ilang sandali pa pumunta ito sa labas ng classroom.

"Ang init." sabi ni Kyla sa sarili habang punas ito ng punas ng noo at mukha pati leeg.

"Hindi ko maintindihan." naiiyak na sabi pa ni Kyla ng makita ang exam sa Law at tulad ng dati napaghahalo halo niya ang lahat sa isip kaya hindi siya makasagot.

Ilang sandali pa ng maramdaman ni Kyla na may hangin na bumubuga sa likuran niya at sa paglingon niya nagulat siya ng makita si Vladimir na pinapaypayan siya.

"Kaya mo iyan." sabi ni Vladmir ng makitang wala pang nasasagot si Kyla.

Napaiwas ng tingin si Kyla sa hiya, dahil kung tutuusin ilang taon na siya sa subject na iyon pero wala siyang maisagot.

"Kaya mo. Huwag kang kakabahan, hindi ka nga kinakabahan kapag sinsaktan mo ako na kung tutuusin puwede kang mademanda." birong sabi ni Vladmir na ikinatingin muli ni Kyla dito.

".....kaya mo, isipin mo kaya mo. Kung hindi ka man makapasa. Tandaan mo kung saan ka nagkamali at kung saan ka nahihirapan at doon ka magsimula para bumangon." sabi ni Vladmir.


"Ako ba inii...."
udlot na sabi ni Kyla.

"Intindihin mo muna ang sarili mo, at hindi kita iniikot. Kailangan mo makapasa para sayo hindi para sa akin." sabi ni Vladmir ng biglang may humahangos na dumating na ikinatingin ng dalawa dito.

"AIssstt! Late ako." hinihingal na sabi ng babae na napayakap pa kay Vladimir sa pagod nito sa pagtakbo

"Sir sir.... pahinging exam." sabi ng babae.

Kaklase iyon ni Kyla na nasa freshman

"Okay maupo ka." sabi ni Vladimir.

"Thank sir." sabi ng dalaga sabay yakap kay Vladimir na ikinatawa ng mga kaklase nilang nasa loob ng silid aralan.

"Okay." sabi ni Vladimir saka nito kinuhanan ng upuan ang babae at pinaupo at binigyan ng test paper.

Lihim lang na nakamasid si Kyla habang kausap ni Vladimir ang kaklse niya ng ilang sandali pa ng lumapit si Vladimir at bumulong.

"Ang galing magsuhestiyon. Ngayon may kapalit ka na." bulong na sabi ni Vladmir kay Kyla.

Hindi nagsalita si Kyla pero lihim nitong tiningnan ang babae saka napangisi.


June24, 2022 1.53pm

Fifth Street


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top