Kabanata 2 : Madlangbayan
Kabanata 2 : Madlangbayan
Days later
Nakatingin lang si Vladimir kay Kyla habang nagsusulat ito sa blackboard ng sagot.
"Okay na Sir." nakangiting sabi ni Kyla at ng akmang aalis na siya ng tumayo si Vladimir at sakto humarang ito sa kanya pabalik sa upuan niya.
"Okay good." sabi ni Vladimir.
"Ahmmm." tikhim ni Kyla habang nasa harapan niya si Vladimir.
"Yes?" sabi ni Vladimir
"Makikiraan." sabi ni Kyla na ikinatango ni Vladimir saka ito tumabi.
"....tsss, paguwapo effect." bulong na sabi ni Kyla na ikinangisi ni Vladimir.
"Get your paper for a short quiz." sabi ni Vladmir na ikinaingay sa klase.
Kumuha si Kyla ng papel at naghanda ito.
Nagsimula naman si Vladimir magsalita para sa quiz habang nakatitig kay Kyla na nakayuko lang at tila nag-iisip.
Tumayo si Vladimir mula sa silya niya at naglakad lakad hanggang pasimpleng tinayuan nito si Kyla sa inuupuan nito.
"Kaya mo iyan." sabi ni Vladimir na ikinatingala ni Kyla at napangisi ito ng makita si Vladimir.
Muling nagsalita si Vladimir para sa exam kaya naman yumuko uli si Kyla.
"Asar. Puro kasi numbers, kundi numbers petsa. Hate ko nga ang numbers eh." sabi ni Kyla sa isip na ang test nila puro artikulo na kung tutuusin kapag nakikita siya ng numero kinakabahan siya at napaghahalo halo niya ito.
"Sampo lang ang numero, huwag kang kabahan. Isipin mo lang may partner na nakalaan sa kanila sa isang sitwasyon." mahinang sabi ni Vladimir na ikinatingin muli ni Kyla dito.
"Atat ka talagang makapasa ako, no." napangising sabi ni Kyla.
"Para sayo din ito." sabi ni Vladimir at muling nagsalita para sa exam na ikinayuko muli ni Kyla.
Ilang minuto ng matapos ang exam nakakuha ng dalawang puntos sa limang items si Kyla na kung tutuusin bagsak pa rin iyon.
"Okay, bukas uli. Mag-aral kayong mabuti." sabi ni Vladimir saka ito umalis ng classroom na ikinasunod ng tingin ni Kyla dito.
"Kyla, sama ka." sabi ng isang kaklaseng lalaki ni Kyla na ikinatingin niya dito.
"Saan?" sabi ni Kyla.
"Sa rally." sabi ng lalaki.
"May klase pa ako." sabi ni Kyla.
"Mamaya pa naman ang klase mo, sumama ka na dahil may bayad naman." sabi ng lalaki.
Napangisi si Kyla, dahil ang bayad na sinasabi ng lalaki ay allowance o pondo ng mga nagrarally sa eskuwelahan na iyon kung saan galing iyon sa mga nakaupo sa gobyerno na palihim na binibigyan ang mga ralyista.
"Dali na, madali lang ito." sabi ng lalaki.
"Kaunti lang ba kayo?" sabi ni Kyla
"Hindi naman kaso matagal ka ng hindi sumasali. Kailangan namin iyong malakas ang boses at matapang magsalita." sabi ng lalaki na bata lang ng ilang taon kay Kyla pero tulad niya repeater din ito o estudyanteng ayaw yatang umalis sa pag-aaral.
"Magkano?" sabi ni Kyla.
"500 at kapag nagsalita ka 1k." sabi ng lalaki na ikinangiti ni Kya dahil kung tutuusin isa sa paraan para kumita siya ay pagsama sa mga rally.
"Okay game." sabi ni Kyla sabay tingin sa oras at ng makitang may limang oras pa naman siya para sa next subject niya napangiti siya.
"Okay, halika na." sabi ng lalaki.
.....................
Minutes later
Sa isang open field sa harap ng gusali ng admin isinasagawa ang welga ng mga estudyante kung saan sumama si Kyla.
"Kung ayaw niyo pakinggan ang tinig ng kabataan, bumaba kayo sa puwesto dahil ang edukasyon ay para sa mga kabataan at hindi sa mga nakaupo para lamang magpalamig sa apat na sulok ng kuwarto!" sigaw ni Kyla. Nais ng mga nagwewelga na palitan ang namumuno ng paaralan dahil sa nababalitang pagdisplako ng pera ng nakaupo sa puwesto.
"Tama!!!" sigaw ng mga kasapi ng grupong yaon na may hawak ng placards.
"Ang tinig ng kabataan at ang demokrasya ng bayang ito ay magpapatuloy laban sa katiwalian ng mga nakaupo sa puwesto!" muling sigaw ni Kyla.
Mula sa malayo kanina pa nakatingin si Vladimir kay Kyla habang sumisigaw ito kasama ng mga nagwewelga.
"Asar." sabi ni Vladimir sa sarili. Ilang minuto na siya nakatunghay at tila walang kapaguran si Kyla sa pagsigaw.
"Ang adhikain ng pamahalaan ay matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral pero ang nakaupo sa puwesto ay mga salot na sumisira sa Karapatan ng mga estudyante sa paaralang ito!" mulling sigaw ni Kyla pero ilang saglit pa ng may kumuha ng mikropono na hawak niya.
"Ano ba?" sigaw ni Kyla sa pagkagulat.
"Kung nag-aaral ka ba at nagrereview ng mga subjects mo." sabi ni Vladimir na ikinatingin ng mga estudyante dito.
"Wala kang karapatan na manduhan ako, dayuhan ka lang na binigyan ng karapatan magturo." sabi ni Kyla.
"Propessor ako at tungkulin ko bigyan ng mabuting aral ang mga estudyante ko." sabi ni Vladimir.
"Sir, mali po naman yata na pagbawalan kami sa ginagawa namin." sabi ng lalaking umimbita kay Kyla at estudyante din ni Vladimir.
"Ano ang tama? Ang sumigaw? Para ano? Mambulahaw ng mga nag-aaral na nasa loob ng silid-aralan? Mangumbida para isuspinde ang klase?
Anong tama? Ang ipaglaban ang karapatan habang kayo hindi niyo magawa ang tungkulin niyo." sabi ni Vladimir sa binatilyo.
"Huwag kang maingay, lagot ka." sabi ni Kyla kay Vladimir na ikinatingin ng binata sa kanya.
"Madlangbayan, bagay sayo ang apelyedo mo pero sana isipin mo nahahati sa dalawa ang pangalan mo...
....ang madla at ang bayan na kailangan mo unawain para mapagdugtong." sabi ni Vladimir kay Kyla.
"Aissst! Pati apelyedo ko pinakikialamanan mo." inis na sabi ni Kyla.
"Umalis na tayo." sabi ni Vladimir at nagulat ang lahat ng buhatin ni Vladimir si Kyla.
"Uyyy, bawal itong ginagawa mo." sabi ni Kyla ng buhatin siya ni Vladmir.
"Mas bawal kong hindi ka makakatulong sa bansa at mananatili kang sumisigaw na hindi ka gumagawa para umunlad ang bansang ipinaglalaban mo." sabi ni Vladimir.
"Ano ba?" sabi ni Kyla at sa pagpupumiglas nito nalaglag ito ng binata.
"Ohhh shit. Nalaglag ka tuloy." sabi ni Vladimir kay Kyla na nakaupo na sa semento.
"Tantanan mo ako." sabi ni Kyla na kahit masakit ang tumbong niya sa pagbagsak nakuha niyang sagutin ang lalaki sa harapan niya.
"Mag-aaral tayo sa ayaw mo at sa gusto mo." sabi ni Vladimir saka ito yumuko at muling binuhat si Kyla
"Kaya ko." sabi ni Kyla.
"Alam ko." sabi ni Vladimir.
"Alam mo naman pala, so ibaba mo ako." sabi ni Kyla.
"Mag-aaral tayo." sabi ni Vladimir.
"Kapag hindi mo ako binaba madedeport kang tuluyan dahil bawal ang ginagawa mo." sabi ni Kyla.
Napatingin si Vladimir kay Kyla saka nito binaba ang dalaga.
Napangisi si Kyla ng may maisip ito ng makita ang takot sa mata ni Vladimir.
"Okay, tuturuan mo ako." sabi ni Kyla sabay hawak kay Vladimir pero umiwas ang binata na ikinangiti ng lihim ni Kyla.
"Huli ka ngayon, ipapadeport kita." sabi ni Kyla sa isip.
.....................
Days Later
"Kailangan kapag nagkakabisa ka ng mga numero sa mga dates, articles, o lalo na sa history, law o kahit sa anong subject maglagay ka ng pattern." sabi ni Vladimir habang tinuturuan nito si Kyla para magkabisa.
"Nahihirapan talaga ako sa memorization na may numbers. Naglalabo-labo kapag nasa exam na." sabi ni Kyla
Napatingin si Vladimir kay Kyla, nasa isang fast food chain sila kung saan napili niya ito turuan. Bawal kasi sila sa school dahil nasa rules iyon ng paaralan at kahit wala naman sila relasyon umiiwas siya sa ikakapamahamak niya. At ikakatanggal ni Kyla sa school kung saan ito nag-aaral sa kolehiyo.
"Nahihirapan ako." sabi ni Kyla
"Isipin mo na lang na naroroon ka sa sitwasyon na iyon. For example, sa event na kung kailan ginawa ang Philippine Constitution. Para iyan birthday na hindi mo malilimutan." sabi ni Vlaidmir
"Eh paano naman sa math? X plus y may abcd pa tapos pinartneran pa ng numbers?" sabi ni Kyla.
"Hindi mo naman kailangan kabisaduhin ang Math ang kailangan mo unawain. Huwag kang kabahan kapag nakakakita ka ng numero ang isipin mo parang bata lang ang Math na kailangan mo pakalmahin." sabi ni Vladimir.
"Anong pakalmahin? May letters na may numbers pa. Tapos sa pagkakabisa ng dates nakakainis, lalo na kapag ang pamimilian sa exam ay nagkakaiba lang sa mismong araw." sabi ni Kyla.
"Isipin mo na lang para iyang mga estudyanteng nagwewelga na magulo ang pag-iisip pero kailangan mo unawain saka mo pakalmahin." seryosong sabi ni Vladimir na ikinatingin ni Kyla dito.
"Langya, ang labo mo naman. Ikaw ba talaga tuturuan ako o papayuhan mo lang ako?" sabi ni Kyla.
"Tinuturuan kita at iyon ang technique." sabi ni Vladimir.
"Paano naging teknik iyon?" sabi ni Kyla.
Nakatitig lang si Vladimir kay Kyla kaya napangisi ai Kyla.
"Prince Vladimir, maaga pa kaya huwag ka magnasa." nakangising sabi ni Kyla habang nakatitig lang ang binata sa kanya.
"Anong petsa ngayon?" sabi ni Vladimir at sinabi ni Kyla ang petsa.
"Paano mo matatandaan ang araw na ito?" sabi ni Vladimir
"Paano? mukhang hindi." sabj ni Kyla.
"Bakit?" sabi ni Vladimir
"Kasi una wala naman okasyon, pangalawa tipikal lang at pangatlo pangkaraniwan na dadaan lang." sabi ni Kyla.
"Paano mo matatandaan ang isang petsa?" sabi ni Vladimir
"Siyempre tulad ng sinabi mo dapat may okasyon tulad ng kaarawan ko." sabi ni Kyla.
"Bakit natandaan mo ang kaarawan mo kahit bata ka pa naman at walang muwang ng isilang ka?" sabi ni Vladimir
"Kasi sinabi ng parents ko." sabi ni Kyla.
"Ganoon ang pag aaral may estudyante na isang anak at may guro na tatayong magulang." sabi ni Vladimir
"Ano? Aissst ang labo mo magturo paano ka naging propsseor?" sabi ni Kyla.
"Kung hindi mo matandaan ang isang numero o mga numero, anong gagawin mo?" sabi ni Vladimir
"Aba malay ko! Ako ba pinapaikot mo? O iniinis mo? Alin sa dalawa ang totoo. Tuturuan mo ako o bubuwesetin?" sabi ni Kyla na tila pakiramdam niya ginogood time lang siya ng lalaki sa harapan niya.
"Anong oras na?" muling tanong ni Vladimir.
"Aissst! Alas nueve sakto." sabi ni Kyla ng mapatingin sa relo niya at muling tumingin kay Vladimir.
Pero sa pagbaling ng tingin ni Kyla sa binata ng biglang hawakan ni Vladimir ang batok niya at masuyo nitong inilapat ang labi nito sa labi niya
Napapikit si Kyla, dahil sa edad niya hindi pa siya nahahalikan kaya kumalabog ang dibdib niya. Dampi lamang iyon ng mga labi nila.
Agad na binitawan ni Vladimir ang pagkakalapat ng labi niya sa labi ni Kyla.
"Matatandaan mo, hindi lang petsa ngayon pati oras." sabi ni Vladimir na ikinalunok ni Kyla.
"...iyon ang sinasabi ko sayo. Ilagay mo ang sarili mo sa petsa para matandaan mo ang kahalagahan. Sa numero para maunawaan mo ang importansya nito." sabi ni Vladimir saka nito kinuha ang libro at nagbuklat habang nanatiling nakatitig si Kyla sa binata.
"Nakaisa siya, asar." inis na sabi ni Kyla sa isip ng mahalikan siya ni Vladimir.
"Hahaha! Langya ang tanda na ngayon lang nahalikan. Kaya I love Philippines kahit dumadami ang liberated na babae may mga inosente pa rin." natatawang sabi ni Vladimir sa isip ng hindi pa rin makagalaw si Kyla ng halikan niya.
"Nakakaasar." inis na sabi ni Kyla na tila hindi siya makahinga dahil sa pagsayad ng labi ni Vladimir sa labi niya kanina.
"Hahaha! Dampi lang iyon. Hindi na makahinga." sabi ni Vladimir sa isip ng may maalala ito kaya napahinto siya sa pagtawa sa isip.
...........
Flashback
Years Ago
"Deal?" seryosong sabi ni Autumn ng mabasa ang kontrata mula kay Vladimir.
"Okay." sabi ni Vladimir.
Si Autumn Valiente, ang namamahala ng buong Valiente Empire kung saan napapaloob dito ang El Casa, ang kompanyang nagpapadala ng may kalidad na entertainers at escort sa buong mundo.
"Sure ka. Okay lang ba kahit hindi na virgin?" tanong ni Autumn.
"Hahahaha! Okay lang alam naman namin na magaling ka pumili ng babae at kahit hindi na virgin alam ko naman na hindi laspag ang mga babae dito sa casa mo." natawang sabi ni Vladimir.
"Tinatanong ko lang at sinisiguro kung okay lang sayo para maliwanag ang usapan." seryosong sabi ni Autumn.
"Ang ibibigay mo ay magiging babae lang ng hari, at sa maikling salita parausan." sabi ni Vladimir.
"Okay sino bang gusto niyo?" sabi ni Autumn.
"Siyempre iyong sikat sa casa mo." sabi ni Vladimir.
"Okay,ibibigay ko si Golden." sabi ni Autumn na ikinangiti ni Vladimir.
"Ako muna ang gagamit at iyon ang utos ng hari." sabi ni Vladimir na ikinangisi ni Autumn
Sa pagpasok ni Freya na naging asawa ng pinsan ni Autumn na si Dim sa grupo, nalaman ni Autumn ang background nito. Lalo na at naglagak ng malalaking pera ang mga kamag anak ni Freya na mga Principe sa El Casa.
At isa sa nalaman ni Autumn, na si Vladimir ay isang tagatikim ng isang albaghaya ng hari. Hindi rin siya nagulat kung matatas magtagalog ang mga Prinsipeng naglipana sa bansa dahil alam niyang ang ina ni Freya ang nagsimula sa angkan na mga ito na mag-asawa at kumawala sa pagiging duging bughaw. At ikinasunod nga iyon ni Freya ng mapangasawa nito ang isang gigolo na pinsan ni Autumn.
Madalas na sa bansa ang mga kamag-anak ni Freya pero si Vladimir sumulpot lang ito ng mautusan ng hari na ama nito na kumuha ng babae at mamili sa El Casa na dadalhin sa palasyo bilang Murafaga Albaghaya.
"Okay." sabi ni Autumn
.........
Present day
"Ahhrrrm." tikhim ni Kyla ng hindi na umimik si Vladimir matapos siya halikan ni Vladimir.
"Bakit?" sabi ni Vladimir sabay titig kay Kyla.
"Anong oras na?" sabi ni Kyla.
"Nine fifteen." sabi ni Vladimir ng tumingin sa relo niya at ng mapabaling ang tingin kay Kyla nagulat si Vladimir ng isang malakas na suntik sa nguso ang iginawad ni Kyla sa kanya na ikinatingin ng lahat sa dalawa.
"Aray!" sigaw ni Vladimir na sapo ang nguso niyang duguan.
"Ayan, ngayon maaalala mo na rin ang araw, buwan, taon at oras ang pagkakasuntok ng estudyante mo sayo." sabi ni Kyla saka ito tumayo at muling nagulat si Vladimir ng iusli ni Kyla ang puwetan nitong matambok sa kanya at biglang....
*pooottt.
"Owwww ewwww!" hindi makahingang sabi ni Vladimir ng ututan siya ni Kyla.
"Hahaha! Salamat sa sixtuplets nagawa ko rin ang weapon na itinuro nila." tumatawang sabi ni Kyla sabay wigwig ng puwetan nito na lalong ikinakalat ng amoy ng utot nito sa puwesto ni Vladimir. Pakiramdam ng dalaga nakaganti siya at masaya iyon dahil nakabawi siya.
"Bleurrkkk!" nasusukang reaksyon ni Vladimir na ikinatawa ni Kyla habang papaalis na ito at palayo sa binaa.
"Hahaha! What a wonderful day." tumatawang pakantang sabi ni Kyla paalis sa lugar.
"Oh shit! Ang bantot." sabi ni Vladimir saka nito inilayo ang kinakaing burger na kaamoy ng kinakain nil ani Kyla kanina kapag napanis.
Kinuha ni Vladimir ang panyo at pinunasan ang labi nito na duguan saka ito napatingin muli sa papalayong si Kyla na nakasakay ng elevator ng mall kung saan nakalokasyon ang fastfood na kinakainan nila.
"Bastos." napangising nangingiting usal ni Vladimir.
...................
Just click to subscribe you tube account for more teasers :
https://youtu.be/WrOu-kYwbrE
June 23, 2022 12.24am
Fifth Street
Huwag kalimutan magfollow sa ating facebook page, you tube account, at tiktok
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top