Kabanata 14 : Turn Over


Kabanata 14 : Turn Over

El Casa, El Paradiso


"Hahahaha! Talaga lang ha?" tumatawang sabi ni Ezio sabay bato ng papel kay Uno.

"Talagang pumasok ka dito para sundan ang yapak ng ama mo." sabi ni Haco kay Uno.

"Mukha niyo. Tinuturuan ko lang si Peso." sabi ni Uno.

"Tinuturuan? Ng Ano?" sabi ni Rollo.

"Kumanta." sabi ni Uno.

"Kumanta? Mukha mo! Wala ka talagang magawang matino." sabi ni Laszlo.

"Ganyan talaga kapag pinandigan ang panunulot." nakangising sabi ni Shiloh.

"Tama na." sabi ni Vladimir sa mga binata saka ito umupo sa sentro ng conference room.

"Hahahaha! Iniwan niyo sinalo ko lang." sabi ni Uno sabay lamukos ng papel na nasa mesa nito at binato iyon sa sixtuplets na ikinatawa ng lahat.

"Mukha mo hindi pa namin iniiwan kinuha mo na." inis na sabi ni Shiloh saka nito binalik ang binato ni Uno na mga papel.

"Hahahaha! Hawakan mo nga sa tenga." sabi ni Umiko sabay tulak kay Uno sa upuan na muntikan ng ikahulog ni Uno sa upuan.

"Hahaha! Mga baliw." tumatawang sabi ni Hades ng mahawakan naman ni Uno si Raven na katabi nito sa upuan na muntikan ng malaglag din sa upuan.

"Damay damay ito." sabi ni Uno at natawa ang lahat ng hawakan ni Raven si Haco ng magpatimbuwang si Uno sa silya ng malaglag ng tuluyan sa pagtulak muli ni Umiko.

"Hahaha! Sige hawakan mo ako kukutusan kita." tumatawang sabi ni Brook kay Haco ng malaglag din si Haco sa upuan sa pagkakahawak ni Raven dito.

"I said enough!" malakas at pagalit na sigaw ni Vladimir na ikinahinto ng lahat.

Napaigtad din si Kyla ng sa unang pagkakataon narinig niyang sumigaw si Vladimir. Nakakatakot itong tingnan na tila mangangain ito ng tao. Ang boses nito ay buo na tila sa isang heneral.

Napatingin ang lahat kay Vladimir sabay sa paghinto ng mga ito.

"Kapag nasa conference room kayo tumigil kayo at umasta kayong propesyonal. Hindi ito paaralan o playground na naglalaro lang kayo. Pinaupo kayo diyan ng mga ama niyo para magtrabaho hindi para magharutan." seryosong sabi ni Vladimir.

"Teka! Wala kang kara..." udlot na sabi ni Haco ng magulat ito ng pukpukin ni Vladimir ang mesa na ikinalunok ng lahat


"Ako nandito sa puwestong ito at lahat kayo under ko. Kaya ikaw huwag kang magsasalita kong hindi ko sasabihin at kung hindi mahalaga. Lahat kayo susunod sa akin dahil ako ang nasa taas niyo. At kung ayaw niyo makakaalis kayo."
sabi ni Vladimir sabay turo kay Haco.

"Aba! Kami ang paaalisin mo? Kompanya namin ito." sabi ni Alex pero nawala ang tapang nito ng titigan siya ni Vladimir na matalim.

Napalunok naman si Kyla, ang mukha ni Vladimir ay nakakatakot tingnan kapag galit. Ang mukha nito ay matapang tingnan na handang sumugod sa giyera na walang takot.

"Lahat kayo ay wala pang titulo sa kompanyang ito bukod kay Amon, kay AJ at kay Suri na nasa highest positional level ng Emperyo. Umupo kayo diyan bilang trabahador ng mga ama niyo at hindi bilang tagapagmana." sabi ni Vladimir.

"Ano?" sabi ni Umiko na napataas ang kilay.

"Tulad iyan sa isang palasyo na isa ka lamang musmos na Prinsipe na may tagapag-alaga. Ang kanang kamay ng hari ang siyang pinagkakatiwalaan nito para makita ang pagbabago ng isang Prinsipe." sabi ni Vladimir.

"Wala tayo sa kaharian." sabi ni Laszlo.

"Tumpak! Kaya kumilos kayo sa kung ano at sino kayo kapag nasa loob kayo ng kompanyang ito. Umayos kayo para galangin kayo dahil kapag ganyan ang attitude niyo bibilang lang ito ng taon at maglalaho ang pinaghirapan ng mga ama niyo." sabi ni Vladimir

Natahimik ang lahat kaya kinuha ni Vladimir ang folder saka muling nagsalita.

"Ako na ang may hawak ng buong El Casa, nandito tayo para isipin at analisahin ang mga taong tinanggal sa Casa na may edad bente sais pataas. Lahat ng ito ay tutugunan natin ng solusyon sa buong araw na ito." sabi ni Vladimir.


"Ikaw ang nagtanggal sa kanila na sinang-ayunan lang namin."
sabi ni Uno na ikinatingin ni Kyla sa mga ito.

"Tama ka uli. Ako ang nagsabi at SINANG-AYUNAN ninyo meaning lahat tayo ay may responsibilidad sa problema ng mga taong tinanggal natin." sabi ni Vladimir.

"Ikaw ang nagsuhestiyon para matanggap ka sa posisyon mo, tapos sasabihin mo ngayon problema natin." sabi ni Haco

Napatitig si Vladimir kay Haco na ikinaiwas ng tingin ni Haco dahil kakaiba ang mukha ng lalaki sa harapan nila.

"Okay ganito, ako na rin ang pipili sa mga ipapalit na escort at entertainers at ako na rin ang gagawa ng paraan para malutas ang problema sa mga taong tinanggal ko. Kung AKO lang pala ang may responsibilidad." sabi ni Vladimir.


"Uyyyy! Sali kami sa pagpili. Maganda iyon, masaya at nakakakilig."
sabi ng sixtuplets at ng iba na ikinangisi ni Vladimir.

"Kita niyo? Kapag saya nandiyan kayo pero kapag problema tumatakas kayo. Ang ibig kong sabihin hindi kayo puwedeng magdesisyon na hindi kayo nag-iisip. Sinabi ko sayo ang suhestiyon ko, ilang araw ang nakalipas na pinayagan niyo at ang ibig sabihin nun alam niya ang consequences." sabi ni Vladimir saka ito tumingin sa lahat at muling nagsalita.

"Pinayagan ako ni Suri na kausapin kayo dati para malaman kung anong masasabi niyo bilang kasapi ng Emperyo. Pumayag kayo sa suhestiyon ko. So, meaning may kaakibat iyon na suhestiyon at solusyon kung saan natin ilalagay ang mga tinanggal natin." sabi ni Vladimir.

"Natin talaga?" bulong na sai ni Raven.

"Natin. Talagang natin dahil sa kompanyang ito kikilos tayong lahat ng iisa. Lalo na kayo dahil kayo ang susunod na mamamahala ng multi billion dollars na kompanyang ito. Bilyon, dolyares at alam kong alam niyo ang kitaan dito?

At kaya din ako nandito dahil ako ang magtuturo sa inyo ng tamang paraan at kilos kung paano kayo aasta bilang mga Prinsipe ng mga ama niyo at tatayo sa kompanyang ito na may dignidad at responsable." sabi ni Vladimir na ikinatingin ng lahat dito

"Hindi ko ito kompanya, sa inyo ito. Nandito lang ako at kinuha ako ni Suri para magturo ng tamang pamamalakad at pagdedesisyon ng isang Kaharian na mapupunta sa inyo." sabi ni Vladimir.

Napatingin si Vladimir sa lahat at ng dumako ang paningin niya kay Alex napangiti ito.

"Alam kong nagsisimula ka ng mamahala ng Cheung Hospital pero hindi maibigay ng Papa mo ang kabuuang pamamahala nito sayo. Bakit?

Kasi nakikita niyang para ka lang mga pinsan mo, isang batang naglalaro sa putikan at sa ilalim ulan." sabi ni Vladimir kay Alexix.

"Isipin niyo sa inyong lahat, sa dami niyo..... tatlo lamang ang pinosisyon sa kompanyang ito. Tingin niyo bakit?" sabi pa ni Vladimir.

Nang walang sumagot muling nagsalita si Vladimir.

"Kasi ang tatlong binanggit ko kanina ay may kakayahang pamunuan ang isang malaking kompanya at kahit ilan pa. Hindi ba kayo nagtataka ang isang bulag ay nasa mataas na posisyon at nakaupo ng kalmado. Kaya niyang paikutin lahat at kaya niya magdesisyon kahit wala siyang nakikita.

Dahil iyon sa pandama, matuto kayo makiramdam dahil ang mga nagwewelga sa baba ay isang palito ng posporo na kapag lumiyab tuluyang maglalaho ang buong kompanya. Liliyab ito na ikakatupok ng grupo niyo." sabi ni Vladimir.

Nanatiling nakatahimik ang lahat habang nakatingin kay Vladimir.

"Ngayon, magseryoso kayo at isipin niyo kung saan ilalagay ang mga tinanggal na trabahador. Hindi tayo aalis sa kuwartong ito hanggat walang matinong sagot at solusyon, dahil ganoon ang propesyonal at ganoon kayo dapat kumilos. Hindi na kayo mga bata, umasta kayong hari dahil kalaunan KAYO ang uupo, hindi lang dito kundi sa kompanya ng mga ama niyo." sabi ni Vladimir.

Nagtinginan ang lahat at walang sinumang ang gustong magsalita.

Napangiti naman si Kyla, alam niyang magaling na Propessor si Vladimir at alam niyang hindi ka nito iiwanan hanggat hindi mo naabot ang pangarap mo, kesehodang itaya nito ang sarili makuha mo lang at ma-realize mo kung sino at ano ka sa landas na tinatahak mo.

"Magsisimula tayo at uunahin natin ang problema sa mga natanggal. Kapag ayos na saka tayo tutuloy sa pagkuha ng mga bagong mukha ng Casa. Bago natin isipin ang kasiyahan, ayusin muna natin ang ginawa nating gulo.

TAYO, NATIN mga salitang gagamitin natin sa loob ng kompanyang ito lalo na sa loob ng kuwartong ito, dahil kikilos TAYO ng buo, ng iisa, at ng may puso. Ganoon ang grupo, ganoon mamahala at ganoon ang palasyo para maging matibay at matatag. Lahat ng pinag-aralan ko at natutunan ko sa aking ama at sa loob ng kaharian nito ituturo ko sa inyo dahil kayo ang bubuo ng kaharian na dapat walang makakabuwag." sabi ni Vladimir na ikinatingin ng lahat sa isa't isa.

....................

Manila

Valiente Mansion

"Saan ka galing?" tanong ni AJ kay Astraea habang dahan-dahanng pumapasok sa loob ng bahay nila sa Manila ang babaeng kapatid ni AJ.

"Ay!!! Diyos ko Lord." napasign of the cross na sabi ni Astraea sa takot ng makita ang kuya niya na nakaupo sa madilim na sala at naaninagan lamang ng lamp shade.

"Hindi ka umuwi. Tatlong araw." seryosong sabi ni AJ na ikinalunok ni Astraea.

"Saan ka galing?" diin sa bawat salitang tanong ni AJ sa kapatid.

"Kasama ko sila Lisica at Luna." sabi ni Astraea.

"Uulitin ko SAAN KA GALING?" seryosong sabi ni AJ.

"Haysss! Okay, sa isang party sa Quezon City. Birthday ng.... ng...." hindi maituloy na iwas na tingin na sabi ni Astraea.

"Nakailan ka na?" sabi ni AJ.

"Ilang? Ilang ano? Bote ng alak? Ahhmmmn. Ilan ba? Hahahaha!" sabi ni Astraea saka ito natawa na tila may hangover pa ito.

"Lalaki." diin na seryosong sabi ni AJ.

"Ha?" namimilog na mata na sabi ni Astraea.


"Uulitin ko?"
sarkastikong sabi ni AJ.

"AIssst! Kuya makalalaki ka naman. NO SEX ako. Saka nobyo lang iyon. Ilang taon na ako, kailangan ko magbilang at magsaya. Ang lagay mga lalaki lang ang puwede. Anak ako ni Autumn Valiente kaya dapat..." udlot na sabi ni Astraea ng malakas na sumigaw si AJ.


"Bullshit! Hindi iyan rason at babae ka! Magbalot ka at uuwi tayo sa El Paradiso. Ngayon na!"
galit na pasigaw na sabi ni AJ na ikinaigtad sa takot ni Astraea.

"Kuya, relax ka lang. Hinga muna tayo." sabi ni Astraea at ito ang huminga ng malalim na sunod sunod para kalmahin ang takot na nadarama.

"Papalitan ko si Suri at ikaw ang ilalagay ko sa Emperyo." sabi ni AJ saka ito tumayo na ikinagulat ni Astraea.

"Ano!? Uyyy kuya, anong alam ko doon?" sabi ni Astraea saka ito nagmamadaling nilapitan si AJ.

Napatingin si AJ sa kapatid saka ito napangiti na ikinatikom ng bibig ni Astraea

"Magiging busy ka. Galingan mo dahil lahat ay sayo na nakaatang." seryosong nakangiting sabi ni AJ.

"Kuya, hindi ko alam ang pamumuno doon." sabi ni Astraea.


"Pag-aralan mo dahil kapag bumagsak ang Emperyo IKAW ang lagot kila Papa."
sabi ni AJ na napangisi.

"Kuya!" sigaw ni Astraea na alam niyang iniinis siya nito dahil lagi siyang nasa galaan.

"Seryoso ako. Sabi mo nga magrelax lang ako, at tama ka iyon ang gagawin ko, kasi ayoko naman makita ang mga dati kong nakakausap sa utak ko. Kaya naman chill chill lang at ikaw ay hindi ko poproblemahin. Ikaw ang mamublema sa pamamahala ng kompanyang kinukuhanan mo ng panggala mo." sabi ni AJ.

"Kuya naman." sabi ni Astraea.

"Good luck Sis. Mag-ayos ka at makikita mo ang totoong mundong mas masaya." sabi ni Aj saka nito iniwan si Astraea.

"Asar!" sabi ni Astraea ng maiwan ito sa madilim na sala.

.........................

Conference Room, El Casa

El Paradiso

"Okay isang magadang suhestiyon." sabi ni Vladimir habang nakatayo ito at nagsusulat sa white board ng mga suhestiyon ng grupo.

Nanatiling nakamasid lamang si Kyla, maganda ang kinakalabasan ng meeting at nakuha ni Vladimir ang atensyon ng lahat na tila lang ito nagtuturo sa loob ng classroom tulad ng dati.

"Lahat ng natanggal pagsasama-samahin natin, babayaran at sasalain para makita kung saan kompanya sila puwedeng ipasok." sabi ni Burn

"Sa mall iyong may mga asim." mahinang sabi ni Shiloh na ikinatawa ng mga kapatid nito ng pigil.

"Ano ulit ang suhestiyon mo?" seryosong sabi ni Vladimir kay Shiloh ng maulinigan ang binubulong nito, dahil sa lahat ang sixtuplets ang kanina pa nagbubulungan at mahirap sawayin pero mas okay na ngayon dahil pigil na ang mga ito sa pagkilos na tila mga batang naghaharutan.

"Tama di ba? Kapag may asim sa Heather Mall ipasok." sabi ni Shiloh.

"Anong asim?" sabi ni Vladimir na kailangan niyang sakyan ang kapilyuhan ng anim dahil sa lahat ang anim na binata ang nakikita niyang buo at maaaring gumawa ng gulo.

"Asim.." ulit na napangising pilyo na sabi ni Shiloh na ikinatawa ng limang kapatid nito.

"Bakit?" sabi ni Vladimir na kung tutuusin sanay siya sa mga ganoong ugali dahil sa palasyo ng ama niya may mga ganoong Prinsipe umasta.

"Para... ahmmmn." hindi maituloy sabihin ni Shiloh na ikinatawa ng mga kapatid nito ng mahinuha ang kamanyakang iniisip ni Shiloh.

"Okay bibigyan kita ng trabahador basta ikaw ang hahawak. Okay lang ba sayo?" sabi ni Vladimir na ikinamilog ng mga mata ni Shiloh at sunod sunod itong tumango na ikinatawa ng lahat.

"Oo oo oo ba." sabi ni Shiloh na tuloy tuloy tumango.

"Okay, madali akong kausap." sabi ni Vladimir saka nito kinuha ang cellphone at may tinawagan na ikinatahimik ng lahat at ikinatingin ng mga ito sa isa't isa.

......................

Manila

One Hour Later

"Kuya." sabi ni Astraea kay Aj.

"Ano?" sabi ni AJ habang pasakay na sila ng chopper.

"Ayoko. Hindi ko kaya iyon." sabi ni Astraea.

"Kaya mo. Kaya mo ngang hindi umuwi ng tatlong araw, kinuwestiyon ba namin kung saan ka naglalagi? Hindi. Kasi kaya mo ang sarili mo." sabi ni AJ sabay tingin nito kay Hestia at sinuutan ito ng seatbelt.


"Kuya naman."
sabi ni Astraea habang nakatingin kay AJ at Hestia.


"Langya, kailangan kaya ako makakakita ng totoong sweetness sa sarili ko tulad nila. Asar!"
sabi ni Astraea sa isip ng makaramdam ng inggit sa kuya niya at asawa nito.

"Wala ka ng kasama dito sa Manila dahil pinauwi na sila Lisica at Luna." sabi ni AJ.

"Kaya ko naman mag-isa dito sa Manila." sabi ni Astraea.

"Iyon naman pala edi okay. Mas kaya mo pa ang iba at iyon ang pamamahala ng Valiente Empire." sabi ni AJ.

"Kuya naman kasi, ikaw ang dapat doon bakit mo ba pinapasa sa amin ang responsibilidad mo?" inis na sabi ni Astraea pero napahinto ito ng lumingon sa kanya si AJ at titigan siya nito

"Anong sabi mo?" seryosong sabi ni AJ.

Natahimik si Astraea dahil kapag ganoon na tumingin at magsalita ang kuya niya natatakot na siya.

"Tsss. Huwag kang tumingin ng ganyan." masuyong sabi ni Hestia sabay lamukos sa mukha ni Aj at hinalikan ang pisnge nito na ikinatingin ni Aj dito.

"Asar!" napaikot na mata na sabi ni Astraea sa isip ng magbago uli ang awra ng kuya niya ng amuin ni Hestia.

"Uuwi na tayo." sabi ni AJ kay Hestia na tila nalimutan kausapin si Astraea.

"Huwag ka ng ma-stress." sabi ni Hestia sabay yakap at siksik ng ulo nito sa dibdib ni AJ.

"Sige pa mang-inggit kayo." sabi ni Astraea sa isip.

"After nito doon tayo sa Infinity Island." masuyong sabi ni AJ kay Hestia.

"Tsss. Makakahanap din ako ng sweetness." sabi pa ni Astraea sa isip nito ng nakuha pa ng kuya niyang yakapin si Hestia at halikan ito sa noo na may paggalang at kapag ganoon naiinggit siya at ang mga pinsan niyang babae dahil kakaiba ang sweetness ng kuya niya na iisipin mo, sana lahat ng lalaki ay ganoon tulad ng kuya niya.

................

Conference Room

"Ano?!" gulat na sabi ni Shiloh ng makita si Peso at ang ibang tauhan na tinanggal sa Casa.

"Sampung tao ang ibibigay ko sa Heather Mall, alagaan mo ha. Or...

.... alagaan NIYO." nakangiting sabi ni Vladimir kay Shiloh at sa mga kapatid nito, na ikinatahimik ng lahat.

"Hindi naman siya natanggal." sabi ni Laszlo ng makita si Peso na umiwas ng tingin sa kanya.

"Lahat ng nagwelga sa baba tanggal na sa trabaho." sabi ni Vladimir na ikinanlaki ng mga mata ni Kyla at ng lahat.

"Ano?" sabi ni Kyla.

"Bubuwagin ko ang ginawa ni Autumn na grupo at organisasyon na magsisilbing mitsa sa pagbagsak ng Emperyo.

Dahil sa totoong kaharian hindi ka gagawa ng isang organisasyon at ibibigay ito sa taong puwede kang pabagsakin. Sabi ko nga lahat ng natutunan ko sa ama ko at sa kaharian niya ay gagawin ko dito." sabi ni Vladimir at nagulat ang lahat ng buksan ni Vladimir ang projector at lahat ng taong sumali sa welga kabilang si Kyla ay tanggal na sa kompanya.

"Siraulo ka." sabi ni Kyla na ikinatingin ni Vladimir dito.

"Respeto, isang ugaling kailangan mo dalhin habang buhay, sa sarili mo at sa mga taong tumulong sayo sa panahon na nasa ibaba ka. Hindi iyon utang na loob isa iyong paggalang sa kung bakit niya inilagak ang isang tao sa puwestong iyon.

May dahilan, may rason at nasa tadhana. Pero kung hindi ka naniniwala sa taong tumulong sayo, para mo na rin sinabi na isa kang failure para sa kanya. Dahil tinulungan ka niya kahit na nga ba ang sarili mo ay may doubt din sa kakayahan mo." seryosong sabi ni Vladimir habang nakatingin kay Kyla, na hindi kababakasan ng takot, alinlangan at pagsisisi sa deretsong mga desisyon ng binata.

"....kikilos tayo ng BUO, na iisa ang puso at isip, na walang takot, na may paninindigan. Iyon ang grupo, at iyon kayo." sabi ni Vladimir sa lahat na ikinatingin ng mga ito sa isa't isa.

Napatingin ang lahat kay Kyla, ni isa walang nakapagsalita dahil sa bilis ng pangyayari.

Tiningnan at pinagmasdan ni Vladimir ang mga kabinataang nakaupo paikot ng conference table saka ito napangiti at muling nagsalita.

"Lahat ng balakid at sa tingin ko makakasira sa pag-unlad at paglago ng El Casa ay tatanggalin ko dahil ito ay negosyo at hindi foundation. Mag-iisip tayo ng buo at buo din tayong gagalaw. Hanggat nandito ako, magtatrabaho ako bilang tauhan ng El Casa at gagawin ko ang nararapat para patuloy tayo lumago, yumabong at makatulong sa higit na nakakarami at sa ikakabuti ng lahat.

Tandaan niyo magtatrabaho kayo hindi para sa sarili niyo kundi para sa nakakarami. Mag-iisip kayo kung paano magiging matatag ang kompanya ng sa ganoon makatulong ito ng mahabang panahon. Huwag kayo matakot alisin ang dapat alisin, magdiskubre at ilatag ito ng may tapang dahil ang totoong pinuno ay walang kinakatakutan." sabi ni Vladimir sa mga binatang susunod na mamumuno ng Emperio.

Napayuko si Kyla saka ito umalis sa conference room na ikinatingin ng lahat dito.


June 30, 2022 12.27pm

Fifth Street



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top