PROLOGUE
PROLOGUE
Have you ever wondered why many things are in common?
Like Friends and Lovers....
Especially when you find the right person who will love you unconditionally. You surely will do whatever it takes to be with that person.
Sa pagiging chick boy ko, marami ng babae ang naipares sa akin.
First is Gina, si Gina ay yung tipo ng taong mas gugustuhin pang makasama yung libro keysa sa kaibigan o mas kilala bilang nerd. At ito ang nangyari ng inaya ko siya sa date.....
“Gina punta tayo sa mall para manuod ng movie pagkatapos mo, please.” sabi ko.
“Pero meron pa akong extra math class pagkatapos nito.” sabi niya
“Bukas, siguro naman bukas wala ka ng gagawin diba?” angal ko.
“Meron akong Biology.” usal niya.
“Eh sa susunod na bukas?”
“Physics, Chemistry, Social studies, Science, English, and then Math again.”
Second is Eyechee, siya naman ay napaka active sa social life niya. Halos lahat ng puntahan namin at kakainin kailangan niya pang picturan para i upload sa social media. Tapos ang perfectionist kasi kung may nakaharang na buhok sa mukha niya uulitin din na naman ang pagkuha halos hindi na namin nakakain yung pagkain at halos maubos na yung oras sa kakapicture niya.
Third is Maxine siya naman ay pagtinanong kung anong gusto ang sasabihin kahit ano pero pag nagbanggit ka ng gusto mo ang sasabihin niya parang ganto. Gusto mo ng ice cream? Nakakataba daw yun sabi niya. Eh kung honey toast? Napakatamis naman daw parang lahat ng babanggitin ko na pagkain lahat may pang contra siya.
Fourth is Nicky na aakalahin mo na laging galit sayo. Kaya minsan hindi ko maiwasan magtanong na
“Nikky are you mad at me?”
“NOOOOO!!!!!!!!” Grabe parang galit na galit siya ng sumagot ng “No.”
Sabihin na lang natin na ni-isa sa kanila NO ONE HAS EVER BEEN THE RIGHT ONE FOR ME.
Kaya pumunta ako dito sa University para humanap ng the RIGHT ONE pero I Never thought this time na ang hinahanap kong the RIGHT ONE WOULD BE SO DIFFERENT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top