2gether Forever: Chapter 3

Gaya ng napag usapan niyaya ko nga si Grey sa storage room ng building ng Humanities. Alam nyo ba kung bakit doon ang lugar? Siyempre hindi kasi nandoon ang mga kilalang siga bale kilalang teritoryo nila iyon pero hindi naman talaga mga usap-usapan lang.

Gaya ng nakasaad sa plano gugulpihin nila si Grey para tigilan niya na ako. Ang astig mukha nga talagang siga pero wag mo lang titignan yung mga hawak nila? Alam nyo ba kung bakit pano ba naman ang mha dala walis tambo? Sa tingin ba nila matatakot sa wlis tambo itong si Grey? Susko goodluck sa inyo.

"May naririnig ba kayong nagsasalita?" Malakas na rinig namin sa boses ng isang lalaking siga.

"Anong ginagawa nyo dito sa teritoryo namin mng dis oras ng gabi? Alam nyo yung pinaka ayoko yung mga taong in love o magkasintahan." Sabi ng leader ng mga siga.

"Kaya kung ako sa inyo maghiwalay na kayo at tigil tigilan ang pag ibig na yan kung ayaw  nyong mapunta sa ospital." Pananakot naman ng kasama nito.

"Grey please sundin na lang natin yung gusto nila ayokong pumunta sa ospital please. Tapusin na natin toh." Nanginginig kung usal na parang takot na takot.

Alam nyo na para maging best actor pero yung tatlo nakakatakot talaga sila. Magaling umarte unting unti na lang iisipin ko na totoo ito at hindi namin plano.

"Oo bilisan nyo at sa susunod na magkita pa tayo alam nyo na kung saan kayo mapupunta." Asik naman ng pangalawa.

"Teka Calyx diyan ka lang sa gilid akong bahala dito." Sabi ni Grey sa akin.

Tumabi ako at binigyan siya ng nagtatakang mukha bilang sagot. Hindi ba siya natatakot man lang? Bakit wala man lang bakas ng pagkakaba sa kanyang mukha.....

Napabulalas na lang ako dahil sa galing niyang pakikipaglaban doon sa tatlo para bang action star? Pero as in kung titignan nyo lang mapapamangha talaga kayo sa makikita.

"Si Grey ka ba o si Jackie Chan?" Wala sa sarili kong tanong ko kay Grey.

"Nakapagtake kasi ako ng unti sa taekwondo dati kaya marunong akong magself defense." Nahihiyang sabi ni Grey.

Bigla kong tinignan yung tatlo na siga ayun nagsitakbuhan.

"Kaunti? Sure ka? Kasi parang hindi naman parang bihasang bihasa ka?" Sabi ko.

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at nagtanong...

"Ayos ka lang ba Calyx? May masakit ba sayo?" Pag aalala ni Grey sa kanya.

Tas nagaalala pa siya sa akin na parang ako yung nakipaglaban dun sa mga siga. Tas ayun wala akong nagawa kundi magkisabay sa pag uwi or sabihin na nating hinatid niya ako sa harap ng dorm.

Nang nasa tapat na kami ng dorm ko may sinabi pa siya...

"Sure kang ok ka lang kung hindi sasamahan kita sa dorm mo?" Pag aalok niya.

"Hindi ayos lang ako."

"Sure ka? Basta kapag need mo ng tulong tawagan mo lang ako. Kulang na ngalang mag bobook ako ng hotel malapit dito kung gusto mo?" Sabi niya.

"Huwag ka ng mag alala sa akin ayos nga lang ako thank you pala kanina ha. Sige na babye na Grey." Ani ko.

Pero bago ako pumasok sa dorm biglang lumabas yung mga kaibigan ko. At nag usap pa kami.

"Bakit nyo ako iniwan doon kasama si Grey?" Inis kung sabi sa kanila.

"Bro, kung hindi kami aalis baka mabali niya na yung mga buto ko sa lakas ng sipa at suntok. Hindi mo pala sinabi na may manliligaw kang magaling magtaekwondo." Sabi ni Ed na humahawak pa sa katawan niya na sinapak at sinipa ni Grey kanina.

"Siguro kailangan na natin ng tulong? Mukhang talo tayo doon sa Grey na yun kung tayo lang." Sabi naman ni Jj.

"Kailangan ba natin ng tulong ng body builder, boxer or yung black belter sa taekwondo?" Wala sa sariling sabi ko.

Desperado na ko. Gusto ko ng tigilan ako ni Grey.

"Hindi yun ang ibig naming sabihin." Sabi naman ni Jc.

"Eh ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang ibig sabihin namin ang kailangan mo ay isang tao na magpapanggap bilang girl friend mo." Mahabang salita ni Jj.

"ANO? GIRLFRIEND? GUYS ARE YOU SERIOUS?" Halos na pasigaw kong sabi sa kanila dahil sa gulat.

Sinong hindi magugulat since highschool marami na akong nakapareha na mga babae lahat sila walang kaparehas ko?

"Chill Calyx hindi naman namin sinabing TOTOONG girlfriend basta fake lang lahat." Paliwanag naman ni Jc.

"Kasi lalapit at lalapit pa rin sayo si Grey dahil wala ka pang girlfriend." Asik naman na sabi ni Ed.

Nagsalita ang may mga Girlfriend.

"Kaya nga humanap ka ng taong magiging fake girlfriend mo at dapat magkakaroon din kayo ng fake dates para maging makakatotohanan sa mata ng mga tao." Sabi naman ni Jj.

"Ok. GOOD IDEA! Kaso wala akong kilala na tutulong sa akin dito sa problema ko. Maliban na lang kay Pia pero siguro may kapalit yun for sure.

-KINABUKASAN-

Kagabi pa lang kinausap ko na si Pia para sa problema ko kung kaya ba niya akong tulungan at um-oo naman siya kaya magkikita kami ngayon sa cafe.

Unang una naglahad ako ng mga rules at kung pano namin mapapagselos si Grey. Nabigla ako ng sabihin niya na may kapalit ito.

"Calyx lahat ng ipinapagawa mo gagawin ko basta bibilhan mo ako ng bag sa Armani, Gucci, Prada, Celine at Louis Vuitton. Pumili ka na lang sa mga yan kung saan ka bibili. At ayoko ng Peke." Sabi ni Pia.

"Ok manghihiram na lang ako." Sabi ko.

"No, bibilhan mo ako kung hindi wala na tong deal natin." Pananakot niya sa akin.

"FINE! Bibilhan na kita." Walang magawang sabi ko.

"YES!" Sabi niya na nagsisigaw sigaw.

"SEE YOU IN THE FRESHMAN NIGHT TONIGHT." Huling sabi niya sa akin at iniwan niya na ako.

SOMEONE IS GOING TO BE HEARTBROKEN.

HAHAHAHAHAHHHAHAA. ×-× EVIL LAUGH ×-×

~~~○○○○○~~~○○○○○~~~○○○○○~~~
𝙿𝚕𝚎𝚊𝚜𝚎 𝚏𝚘𝚕𝚕𝚘𝚠 𝚖𝚎.

FACEBOOK: Carla Dianne Ruiz

INSTAGRAM: Carla Dianne Ruiz

TWITTER: Simplicityiscute

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top