2gether Forever: Chapter 2
Author's Note: Sorry kung ngayon lang nakapag update dito. Inuuna ko pa kasi yung YELLOW FLOWER WITH A RED TIP eh. Dun muna kayo magbasa if you want. HAPPY READING.😊😊😊
~~~○○○○○~~~○○○○○~~~○○○○○~~~
Dahil di talaga ako makapaniwala nakipagkiya ako sa mga kaibigan ko.
"Do you want to die, Jc?" Tanong ko
"Ayaw mo ba ng tootsie?" Birong sabi ni Jj.
"Siyempre ayaw kahit marami akong tootsie and gay friends back in highschool but it doesn't mean I can date with them." Pagpapaliwanag na sabi ko kay Jj.
"Then tell him." Balik na sagot sa akin ni Jj.
"I already did pero ayaw rin niyang tumigil. At ilang beses ko ng sinabi na BABAE ang gusto ko pero sabi niya he will change my mind eventually." Pagmamaktol ko na sabi sa kanila kasi kanina pa ako naiinis.
"Damn mukhang seryosong seryoso siya." Sabi ni Ed.
"Sinong team GREY dito?" Pahabol niyang sabi.
At itong mga timang ayun nagsitaasan. Wala na talaga akong makakausap ng matino sa kanila puro kasi may sapak eh susko.
"You asshole Ed, namumublema na yung kaibigan mo dito dinadagdagan mo pa." Sabi ko na masama ang tingin sa kanya. At alam nyo ba ang ginawa ng mukong aba tinawanan lang ako kasalanan ko ba ito na gwapo ako.
(A/n: sorry guys mahingin talaga si Calyx.)
"Don't worry bro just pay no attention to him panigurado na di ka na nun kukulitin at mawawalan din yun ng interest sayo. Trust me." Sabi ni Jc na mukhang seryoso.
May point naman siya. Sinasabi na nga ba eh si Jc lang ang may dulot dito HAHAHAHA pero joke lang ganun lang talaga yung dalawa laging pang asar pero may matutunan ka.
-Kinabukasan-
Papasaok na sana ako ng school ng biglang may huminto sa aking harapan. Hindi ko inintidi o tinignan kung sino yun dahil busy ako sa pag iintay na may dumaang tricycle kasoooo.........
"Hi Calyx!! Nandito ako para sunduin ka." Sinabi ng taong sumigaw.
Kilalang kilala ko ang may ari ng boses na yun walang iba kundi si Grey. Bago ko siya tignan naalala ko yung sinabi sa akin ni Jc na wag ko daw pansinin. Ginawa ko naman yung sinabi ni Jc kaya
*lingon dito*
*lingon doon*
*tingin sa taas*
*tingin sa baba*
At naisip kung tumuro ng puno para lumingon siya at success lumingon nga. Kaya ako heto dali dali ng tumakbo para maiwasan si Grey. Ang huli ko na lang narinig ay ang sigaw niya na hintayin ko siya pero wala akong pake takbo lang ako ng takbo hanggang sa makapuntang school.
Nagmamadali akong pumunta sa canteen dahil alam kong nakagawian na nila Jc na kumain bago pumasok parang dito na sila nagbreabreakfast. At sakto nandito nga sila. Hingal na hingal akong pumunta sa table nila.
"Hulaan nyo kung sino ang nakita ko kaninang umaga?" Bungad ko sa kanila.
"WHO?" Sabay na sabi nila Jc at Jj pero ang nakakagulat parang alam ni Ed kung sino.
"Si Grey ano?" Sabi ni Ed.
"Exactly! Pumunta siya to pick me up at my dorm. Lucky me may paraan para makatakas ako agad." Sabi ko.
"Wait!! Pano mo nalaman?" Sabi ko na parang nagtataka.
"Kasi may nakikita akong lalaking palapit ng palapit sayo." Sabi niya ng nakangiti.
At agad akong lumingon kung saan nakatingin si Ed. Napansin ko na lang na katani ko si Grey at hinahawakan na ang braso ko na may hawak na JUICE?
"Its blue hawaii, your favourite Calyx. Take it and drink it." Sabi ni Grey.
At ako heto nagtataka kung pano niya nalaman na blue hawaii ang paborito ko. Required ba talaga kapag crush mo yung isang tao istastalk mo? Like ang weird HAHAHAA pero siguro may mabuti naman yung dulot. Ininom ko nga yung binigay sa akin ni Grey kaya ito napunta ako sa cr.
Habang nakaupo sa toilet bowl ng may mga nababasa ako na "I am not pretty but I am yummy." Isa pa "I love you Joshy Noah!❤" At ito pa "Kay Joshy Noah lang kakalampag."
Napaisip ako kung sinong Joshy Noah na yan. Heartthtob ang lolo mo sana one time maging ganun din ako pero feeling ko hanggang pangarap lang yun. Tsaka mas ok na rin kung yung heartthrob na yung magkagusto sa akin. Patapos na sana ako ng mapansing sira ang shower at WALANG TISSUE!! Patay paano na ito pero maya-maya lang may nagbigay sa akin ng isang pirasong tissue. Thanks God! Pero ng pagkabukas ko.....
Ps. Sa mga hindi po nakakakita ng picture. Isang pirasong tissue po yun na may nakalagay na LOVE YOU, CALYX❤.
Shitttt!! Muntik na akong mapamura sa nakalagay. Pati ba naman sa Cr sinusundan ako ni Grey? Grabe di ako makapaniwala sa lalaking yun wait! Lalaki nga ba? So balik na tayo sa Cr at nakita ko yung mga nakalagay sa pader kanina sa banyo. Take note akala ko dun lang sa banyo nakita pati sa mga salamin. Ganun ba kagwapo yang Noah na yan?
Agad akong umalis ng Cr at pinuntahan yung tatlo para ipakita yung tissue paper. At galit na ipinakita sa kanila ang tissue.
"Mukhang may ginawa na naman si Grey sayo noh?" Sabi ni Jj.
Di ko pinansin ang sinabi ni Jj.
"Sa tingin ko he will poop for me if he can." Inis kung sabi.
"Sinabi ko na sayo that he is no joke." Sabi ni Jc.
"At sinabihan mo rin ako na kapag hindi ko na siya pinansin titigilan niya na ako." Dagdag ko sa sinabi ni Jc.
"You guys have to help me kung papaano makakaiwas sa Grey na yan." Sabi ko.
Panandaliaan naman kaming natahimik na parang naghahanap ng solusyon sa problema ko.
"Alam ko na!!" Bulalas ni Jj.
Agad naman namin siyang tinignan. Gusto ko munang pakinggan yung mga sasabihin niya kasi alam muna baka kalokohan lang ang alam nito. Kailangan lang nating maging sure.
"If you play it soft and he doesn't go away, you need to play it hard?" Sabi ni Ed.
"Hard ball?" Sabi ni Jj.
"Aba paborito ko yang laro." Sabi naman ni Ed.
Biglang napatigil kakausap sila Ed at Jj dahil biglang pinalo ng malakas ni Jc ang lamesa. Yung tipong naka isip siya ng magandang idea pero halos sirain niya na rin yun lamesa namin. Grabe naman kung makapalo eh wagas.
"Paano kaya kung takutin natin siya para layuan niya tong si Calyx? Magpanggap tayong mga gangster at magkita sa storage room sa Humanity building. Bago yun yayain mo muna siyang sumama sa iyo Calyx. Siguro naman kaya mong mapasama si Grey diba?" Mahabang paliwanag ni Jc sa plano nila.
"Sige ako ng bahala. Kahit naman ata di ko yayain yun sasama at sasama din iyon sa akin. Kaya madali lang ang mapasama yun." Sabi ko.
"Kayong dalawa sasama kayo sa akin at tatakutin natin si Grey?" Sabi naman ni Jc sa dalawa.
"Game!" Sabay na sabi ng dalawa.
~~~○○○○○~~~○○○○○~~~○○○○○~~~
@simplicityiscute
FACEBOOK: Carla Dianne Ruiz
INSTAGRAM: Carla Dianne Ruiz
TWITTER: Simplicityiscute
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top