7 P.M.

                                                        BIGLANG na-realize ni Cailean na hindi nga pala siya maganda kapag umiiyak, pero wala na siyang magawa. Trapped na siya dahil sobrang apektado siya sa kinakanta ni Kylo. She was crying so hard not minding how she looked like because it had been years since she last heard his voice.

"Ba't ka umiiyak?" natatawang tanong ni Kylo sa kaniya habang nagigitara. "Cute mo pa rin umiyak, para kang bata," anito.

Kumunot ang noo ni Cailean at iyak-tawang bumaling kay Kylo. "Nakakainis ka naman, e. Umiiyak na nga ako, inaasar mo pa ako," pagmamaktol niya. "Tama na nga 'yan, kanta ka pa nang kanta."

"Six years na akong hindi kumakanta at tumutugtog, Cai," ani Kylo. "I stopped after we broke up. I stopped because I kept on remembering how you look at me while singing. Na biglang isang araw, wala na."

Hindi nakasagot si Cailean, yumuko lang siya dahil sa nararamdamang hiya at panghihinayang. Pakiramdam niya, dahil sa nangyari, ang daming nagbago kay Kylo.

"Mahal mo talaga ako no'n, 'no?"

"Araw-araw ko naman sinasabi sa 'yo 'yon, e. Kaya nga nagtataka ako no'n ba't bigla ka na lang sumuko. I mean, I was questioning myself if what I did was enough. Kung saan ako nagkulang, kung bakit bigla ka na lang nang-iwan." Kylo sighed. "Pero ikaw lang kasi makasasagot no'n, e. Kahit na sabihin ko sa sarili kong alam ko na wala akong pagkululang, hindi ko malalaman 'yong side mo."

Umiling si Cailean. "Wala ka namang pagkukulang, ako lang talaga, hindi ako nakuntento. It was an honest mistake. I was stupid and reckless."

"Siguro, gano'n talaga lalo na't bata pa tayo noon. May mga desisyon pa tayo noon na hindi pinag-iisipang mabuti, may mga desisyon noon na akala natin tama, pero hindi pala." Ibinaba ni Kylo ang gitara. "Sa loob ng six years, marami rin akong na-experience at natutunan mag-isa. Sa totoo lang, sinabi ko sa sarili ko na blessing din siguro na naghiwalay tayo kasi kung hindi, we'll never get to explore."

Tumango si Cailean. "I kinda agree with you. Kasi ngayon, bigla kong naisip. Siguro kung naging tayo no'n, wala 'yang profession mo sa New Zealand. Baka you're settling with the job you don't even like. Baka you're just with me, wala nang growth. Ako naman, baka I was . . . I was . . ."

Hindi maituloy ni Cailean ang sasabihin, medyo naalarma si Kylo lalo na nang muling may maglandas na mga luha sa mga mata nito.

"Cai, you okay?" he asked, worried.

Cai nodded and wiped her tears away. "Hindi ko alam kung ano'ng gusto ko, Kylo." Bigla itong umiyak. "Sa six years, hindi ko alam kung ano'ng ginawa ko, kung anong gusto ko, 'cos all I ever did was work to survive, sleep, then repeat."

Napatitig si Kylo kay Cailean.

"I'm so frustrated na . . . bakit ganito na lang ako?" Humikbi ito. "Ni isa sa plano ko, hindi ko nagawa. Kung alam ko lang na mangyayari 'yon, sana, hindi na kita iniwan. Tang ina, I am such a fucking failure."

"You are not."

Umiling si Cailean habang nakatingin sa kaniya. "No, Kylo. Our breakup took a toll on me. Akala ko, magiging okay ako na wala ka, but wrong. I became the worst version of myself. Ayaw ko sabihin sa sarili ko na kailangan kita—"

"Pride. Ako nga, inaamin kong kailangan kita, e."

Mahinang natawa si Cailean. "Siguro nga, I needed you to lift me up during those times I was so down, kaso wala ka na. I pushed you away kahit na kailangan kita." She tried to smile but failed miserably. "I became what I feared the most, Kylo. I became a failure."

Walang nasabi si Kylo.

"I was planning in advanced noon, kasi gusto ko, settled na ako, dahil I cannot afford to fail. Nakaplano na 'yong future ko kasi gusto ko, maayos ang lahat. Pero kahit isa roon, walang nangyari." Humikbi si Cailean. "Naging ako 'yong kinatatakutan ko. Iyong gigising na lang ako dahil kailangan ko, hindi dahil masaya ako."

Kylo was hurting for Cailean, but he needed to hear her out.

"I realized, tama ang mga sinabi mo sa akin noon. Na dapat, in-enjoy ko 'yong youth and freedom ko no'ng panahong magkasama tayo. Na dapat, hindi ako nagpo-focus sa future." Tuloy-tuloy ang daloy ng luha ni Cailean, hindi niya alam ang gagawin. "Kasi totoo 'yong nangyari. I focused on my future that I lost my present and that was you."

Tumayo si Kylo, pero wala siya kahit na anong sinabi. Maingat niyang pinangko si Cailean bago naupo sa sofa. He could clearly remember this position especially when they're together.

Nakaupo si Cailean sa hita niya nang patagilid habang nakahilig ang ulo nito sa balikat niya. She's a small woman compared to him, kaya naman sakto lang ang position nilang dalawa. He was used to this because he loved this position so much where here could caress Cai's hair while hugging her.

Wala na ring sinabi si Cailean. Mahina lang itong humahagulgol habang nakahiga ang ulo sa balikat niya. He missed this kind of bond, pero iba na ngayon.

Hindi sila. Posible pang matapos ang araw na ito na wala nang magiging sila.

"Kylo?"

"Hmm?"

Ngumiti si Cailean nang marinig ang malalim na boses ni Kylo. "Hihiramin kita hanggang 12 midnight, pagkatapos nito, tapusin na natin lahat. Sana naibigay ko na sa 'yo ang closure na hinihingi mo. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanan ko sa 'yo, sa ilang taong pain na ibinigay ko sa 'yo, sa lahat ng sinabi ko six years ago, pati na ngayon."

Hindi nagsalita si Kylo. Nakatingin siya sa TV kung saan may reflection ng kung ano'ng hitsura nilang dalawa.

"I love you," biglang sabi nito na nagpakabog sa dibdib niya. He was waiting for her to say it. "So much . . . I wasn't able to love someone because of you. Gusto kitang sisihin sa part na 'yon because you made me feel what it's like to be loved by you and I was longing."

He didn't say anything.

"I love you so much, but I don't want you to get stuck with me. Ayaw kong pumasok ka ulit sa buhay ko dahil alam ko na kaya kitang saktan ulit. Hindi na siguro sa way na nagawa ko noon, pero sa ibang bagay na," ani Cailean. "And you don't deserve that. You are nice and supportive, you are loving. I am not."

"Ito na naman tayo, Cailean, e," sabi ni Kylo bago huminga nang malalim. "Pinangungunahan mo na naman ako, bakit ka ba laging ganito? Bakit kahit isang beses, hindi mo ako bigyan ng chance na patunayang kaya kong mag-adjust para sa 'yo, kaya kong mabuhay kasama ka, hindi 'yong pangungunahan mo ako?"

"Exactly," ani Cailean na hinaplos ang pisngi niya. "Ayaw ko na mag-adjust ka dahil sa akin because I know you can do more. Ayaw kong mabuhay ka na kasama mo ako dahil toxic ako, Kylo. I am not good for you. Hindi ako magandang influence sa 'yo."

Nakakunot ang noo ni Kylo na nakatingin sa mukha ni Cailean. Wala siyang masabi, hindi niya mahanap ang tamang mga salita na sasabihin dahil kilala rin niya si Cailean, palagi itong may sagot.

"I love you, but I am letting you move forward alone, without me, at hihilingin ko lang na sana . . . please, after today, let's close it, and leave the past behind." Nararamdaman niyang humihikbi pa rin ito. "You deserve someone who would stick by your side without questioning your ability, without thinking you're not enough, without assuming you will never be enough."

Biglang bumagsak ang luha ni Kylo lalo nang maramdaman niyang namasa ang balikat niya.

"You are more than enough and I don't deserve you." Narinig ni Kylo kung paanong nanginig ang boses ni Cailean pagkasabi n'on. "Mayroon pa akong limang oras, please, just five hours."

Ngumiti si Kylo at hinalikan si Cailean sa noo. Wala siyang sinabing kahit ano. Hinawakan niya ang isang kamay nito at hinahaplos iyon gamit ang hinlalaki niya.

"Alam mo, may kanta ako sa 'yo," biglang sabi nito pagkatapos ng mahabang katahimikan. "Sabi ko sa sarili ko, kung sakaling magkakaroon ako ng pagkakataong makabalikan ka, may kakantahin ako."

"What?" Kylo asked.

"Tutal, may five hours pa naman sa asawa challenge natin, kakantahin ko na lang, para mawala na sa dibdib ko," anito. "Huwag mo tatawanan boses ko, ha? Hindi ako kasing galing mo."

Kylo smiled and kissed her forehead one more time. "Go ahead, babe."

He waited, pero wala, hanggang sa mas isiksik ni Cailean ang sarili sa kaniya. Nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya habang hinahaplos naman niya ang buhok nito.

"Darling, can't you see," panimula ni Cailean kapagkuwan, "what losing has done to me. I'm not the same girl I used to be."

Kinagat ni Kylo ang pang-ibabang labi habang pinakikinggan si Cailean.

"Come back to me," bahagya pang napapaos na kanta ni Cailean. "And I'll guarantee all the tenderness and love you'll ever need."

Gusto niya itong patigilin dahil nasasaktan siya, pero walang boses na lumalabas mula sa bibig niya. He couldn't make her stop, he didn't want to make her stop. Dahil baka nga huli na ito.

"This time, I'll be sweeter. Our love will run deeper. I won't mess around. I won't let you down. Have faith in me."

Naramdaman niya ang lalo pang paghigpit ng pagkakayakap sa kaniya ni Cailean habang kumakanta kasabay ng mahihinang paghikbi at panginginig ng boses. Hinalikan niya ito sa pisngi, naramdaman niya kung gaano 'yon kabasa ng luha.

"Since you've been away, I haven't seen the light of day. I'm lost with you, can't find my way."

"Cailean, tama na."

Pero hindi ito tumigil. "So won't you please be fair and let me show how much I care. Say you'll be mine and answer my prayer."

Huminga ito nang malalim, nanginig lalo ang boses, at bulong sa kaniya ng, "I'm sorry" bago muling nagpatuloy sa pagkanta. Tahimik na lang na nakinig si Kylo, kahit na sumasakit na ang dibdib at lalamunan niya kapipigil ng hikbi.

"And I promise I'll be everything that's bright and new your whole life through. This time, I'll be sweeter. Our love will run deeper. I won't mess around. I won't let you down. Have faith in me."

"Cai, enough," bulong niya. "Tama na, Cai."

"Have faith in me," usal nito. "I'm sorry, Kylo."

Ngumiti siya. "Don't say sorry, Cai," he whispered. "We can still fix this, right?"

Nag-angat ng tingin si Cailean at umiling.

"Why?" he asked.

"You deserve better."

"What if I deserve you?" tanong niya. "What if—"

Umiling si Cailean. "No more what ifs, Kylo." 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys