6 A.M.
PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Cailean. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya dahil huling naalala niya, nanonood siya ng White Chicks.
Madilim na rin ang buong kwarto, patay na ang TV, pero naaninag na niya ang liwanag mula sa labas. Umaga na at hindi siya nagkamali nang makita sa phone na 6:19 a.m. na rin pala, pero madilim naman ang kwarto dahil nga nakasara ang kurtina ng bintana.
Kaagad na hinanap ng mga mata niya si Kylo at nakita itong nakabaluktot ng higa sa sofa.
Naalala niya na noong panahong magkasama pa sila, mas madalas silang nakakatulog sa sofa. Legal naman sila kaya naman nakakatulog siya sa bahay nito nang walang ibang iniisip na masama ang mga magulang nila. His parents accepted her like she was really part of their family.
Masaya sila noon, pero nasilaw siya sa sarili niyang pangarap na hindi na niya naisip si Kylo. Nasilaw siya sa thought na kaya niyang mag-isa, na kaya niyang mas maging maayos pa.
Pero nag-fail lahat ng iyon.
Lahat ng plano niya, hindi niya nasunod. Lahat ng plano niya, natapon na parang basura. Lahat ng plano niya, kahit isa, walang nangyari dahil naging malungkot siya.
Sa loob ng anim na taon, binaon na niya sa limot ang lahat, pero mahirap kalimutan ang first love at first boyfriend. Kahit sino pa ang dumaan sa buhay ng isang tao, that special someone would always be part of them--kahit ano pa'ng pagkalimot ang gawin sa nakaraan, hindi puwede.
Why?
Because all the best memories would be from the first one. Kahit gaano man ka-toxic, kalala, o kasakit, babalik-balikan ng lahat ang unang beses na naramdamdaman nila ang lahat ng iyon. Kilig, tawanan, kasiyahan, at 'yong pagmamahal na magpaparamdam sa isang tao na talagang sila ang para sa isa't isa.
Kylo would always be Cailean's first love, at ang mahirap doon, naging standard niya si Kylo sa lahat ng lalaking nakasama niya. May mga bagay siyang hinahanap na alam niyang hindi niya makikita sa iba.
Naghilamos si Cailean at tiningnan ang sarili sa salamin. She tried so hard to smile, pero ang lungkot ng mga mata niya. Gusto niyang sabihin sa sarili niyang kuntento at masaya siya, pero alam niyang may kulang.
She fixed herself and decided to go to the nearest café kung saan siya kumain ng maraming cake para bumili ng kape. It's her own little drug.
Ilang oras pa ang titiisin niya sa presensya ni Kylo. It was so hard for her to deal with him, hindi dahil ayaw niya, hindi dahil naghi-historical ito, hindi dahil naiinis siya, kundi dahil pakiramdam niya . . . bumabalik siya sa anim na taong pilit na niyang iniiwanan.
"Hi, ma'am!" nakangiting bati ng crew na may makapal na lip tint. "Same order?"
Tumango siya. "Yes po, pero can you recommend something na hindi mapait? Ayaw kasi no'ng ex ko. Maarte, ayaw ng bitter 'tulad ko."
Tumawa ito. "Ma'am, naman kasi, ang tindi ng pagka-bitter mo. Imagine, you ordered two shots americano for your first order. Pangalawa, same order. Ngayon po, same order naman. Ma'am, masama ang too much ka-bitter-an sa life."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Pinakikialaman mo ba ako?" pagtataray niya. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na ikinatawa niya. "Joke lang, uy!"
"Pero, ma'am, masama ang sobrang tapang," anito, "Mabuti po, hindi ka nagpa-palpitate."
"Sis, iyong kape na lang nga nagpapatibok ng namatay kong puso, hayaan mo na ako," natatawang sabi niya habang nagta-type ng password sa payment machine. "Ikaw na bahala sa isang order, hindi ko alam gusto no'n, basta hindi simpait ko."
"Something sweet, sige, ma'am. Bigyan natin ang ex mo ng diabetes," nakangiting sagot nito. "Upo na po muna kayo roon, ma'am." Itinuro nito ang isang bakanteng table na kaagad naman niyang pinuntahan.
Binuksan niya ang Facebook niya, maraming messages at comments pa rin galing sa mga post nila ni Kylo. Halos lahat ng college batch mates nila sa same course, alam ang tungkol sa kanila lalo na't free section sila no'n. Iba't ibang klase ang nakakasama nilang dalawa at sila 'yong hindi talaga naghihiwalay.
She was busy browsing some notifications when she received a message from Marga.
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
Messenger: Marga Loreana
Today 6:38 AM
hoy gaga!
oh, bat ka nagmemessage
di ba honeymoon mo?
ano, suko agad?
gaga! kakagising ko lang
ano, bat wala na kayong post
anyare
nakatulog ako
hoy, hindi ka natutulog ng madaling araw
ano gawa mo ngayon
dito ako cafe, gaga
bumili ako kape
nakatulog ako
hala gaga ka
hindi natutulog si cailean janica
anyare
asan kylo
tulog
hoooooy may ginawa ba kayo
pagod na pagod lang?
dare lang to uy
gagu
siraulo ka
bawal matulog?
joke lang. defensive naman ni cailean!
🖕🏻
uy gaga kumusta ka naman
anong kumusta
i mean, alam ko naman na
matagal mo na rin siya gusto makausap.
So, naguusap nga ba kayo
naghihistorical si ugok
malaman, iniwan mo
sinabi sa akin nila rov e
may time talaga na naghihistorical yan
tinatanong saan siya nagkulang
gagu mukhang gagana sa amin
'yong linya sa movie
it's not you, it's me
hehe
gaga ka
pero seryoso
siguro oras na rin para magusap kayo
gago ka, lam mo may feeling ako e
na ano
feeling ko setup tong ginawa niyo
masyadong malinis ulol
dko alam bat ako pumayag
haha wala akong alam sa sinasabi mo
ang masasabi ko lang
pumayag ka kasi gusto mo rin
sguro ayos yan
magclosure na kayo
para makapagsimula kayo ulit
pinagsasabi mo
aminin mo na girl
dka makamove on
kayo
sino ka para sabihin yan
ikaw ba si cailean
ikaw ba si kylo
hindi kami manhid gaga
ah kaya ba sinetup niyo kami?
seen
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
Dumating na't lahat ang order niya, hindi pa rin nagre-reply si Marga. Naisip niya 'yon nang magising siya dahil parang na-refresh ang utak niya. Hindi niya 'yon naisip noong gabi dahil medyo nakainom siya, pero nang magising at mahimasmasan, doon niya naisip na posibleng setup ito.
Knowing their friends, matagal nang gusto ng mga ito na magkausap sila ni Kylo, noong college pa lang sila.
"Thank you ulit!" nakangiting bati niya sa crew. "Masarap ba 'yong napili mong blend? 'Pag hindi, babalikan kita. 'Kala mo!"
"Ma'am, ba't ako? Hindi tayo talo, ma'am. Ang balikan mo, 'yong ex mo," sabi nito na nakangiti.
Mahinang natawa si Cailean at humigop ng kapeng hawak. It had always been her blend. Two shots americano, pampagising ng diwa, pampatibok ng puso niyang namatay anim na taon na ang nakalilipas.
Maliwanag na at maaraw, nagsisimula na rin dumami ang mga tao sa paligid na papasok na sa kaniya-kaniyang opisina, samantalang siya, naglalakad, suot pa rin ang damit na gamit niya kahapon.
Nanlalagkit na rin siya, gusto na niyang umuwi, gusto na niyang maligo. Magtse-check out na rin sila mamaya, hindi na rin niya alam ang setup nila pagkatapos niyon.
Habang naglalakad at ine-enjoy ang kape, nagulat siya nang lumalabas sa hotel si Kylo hawak ang coat nito. Nasa kabilang street siya at naghihintay ng kasabay tumawid nang magtagpo ang mata nilang dalawa.
Kaagad na lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at patakbong naglakad papalapit sa kaniya.
"Tang ina, saan ka ba nagpunta?" galit na tanong nito, hindi siya nakasagot. "Bakit ka umalis nang hindi nagsasabi? Nang-iiwan ka na naman?"
"Ang aga-aga, Kylo, nagmumura ka!" aniya. "Nagdasal ka na ba? Grabe, may pagmura ka kaagad, e." Iniabot niya ang kape rito. "Ayan, coffee, pero hindi na kasing tapang no'ng kagabi."
Huminga ito nang malalim habang nakatingin sa kaniya. "Uso kasi mag-iwan ng note, Cailean, hindi iyong bigla ka na lang mang-iiwan. Uso magsabi, uso magpaalam."
"Hoy, bumili lang ako ng kape, naghi-historical ka na naman!" natatawang sabi niya. "Magkape ka nga muna para magising ka sa katotohanang wala na tayo sa past at nasa present na tayo. Wala nang magagawa 'yang paghi-historical mo kaya go, drink your coffee!"
Umiling ito at kaagad na uminom ng kapeng hawak. Tumingin ito sa kaniya. "Hindi ito 'yong blend mo."
"Hindi. Mapait sabi mo, 'di ba?" Cailean smiled. "Bitter ang coffee ko, 'sim-bitter mo."
"Sweet ang gusto ko," sagot ni Kylo sa kaniya, "'sing-sweet natin noon bago mo ako iniwanan sa ere," anito sabay higop sa kapeng hawak.
Natawa si Cailean. "Gusto ko kasi sa kape, 'yong matapang . . . iyong kaya akong ipaglaban. Iyong kayang magpatibok ng puso ko dahil sa palpitation, iyong mapait pero masarap."
"Cailean, are you describing me?"
"Hoy, kapal, ha?" paninita niya at inirapan ito.
"No, sabi mo . . . gusto mo ng kaya kang ipaglaban. Pinaglaban naman kita noon, sumuko ka lang. Gusto mo ng magpapatibok ng puso mo, pinatibok ko naman ang puso mo, iniwan mo lang talaga ako. At ang huli, alam mo na bitter ako, pero masarap ako. Alam mo 'yon, Cailean."
Bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito kaya naman naglakad siya palayo at akmang tatawid na nang hawakan nito ang braso niya.
"Tang ina naman, Cailean. Pula pa, may sasakyan pa, tatawid ka na? Ano ba naman, Cailean! Para ka pa ring dati, you're still a baby!"
Humarap si Cailean kay Kylo at malokong ngumiti. "Ako pa rin ang baby mo, ang baby mo . . . lagi pa ring nasa isip mo, sa isip mo."
"Stop it," madiing awat nito lalo na't maraming tao sa paligid nila.
"Historical naman pala gusto mo, Kylo, e di, lulubusin ko na!" natatawang sabi niya sabay kanta. "Kapag naaalala ko ang mga araw na magkasama tayong dalawa, Ngiti at luha sa aking mga mata, gano'n na pala tayo dati kasaya."
Huminga nang malalim si Kylo. "Cailean, seriously, stop."
"Panahong nando'n ka pa, laging pumupunta, 'di inaasahan, may sorpresa ka laging dala," Cailean sang, May mga tumitingin sa kanila, "kaso lang wala ka na, pero alam ko na masaya ka na. Sa mundo ko, wala nang makakagawa, makakatumbas ng 'yong napadama."
Natawa si Cailean nang hindi na nag-react si Kylo. Naghihintay pa rin sila na mag-green ang stoplight. Ayaw na niya itong inisin dahil baka mapikon, itulak pa siya. Bitter pa naman, panay pa naman ang historical. Mahirap na.
Tahimik na siya, nakatingin na lang sa mga dumadaang sasakyan nang marinig niya si Kylo.
"At kung mababalik ko lang, Aayusin ko lahat sa loob ng pitong buwan." Tumingin ito sa kaniya. "Kahit ano pang paghirapan ko, Pa'no kung ayaw mo?"
"Hala si Kylo, joke lang . . . sineryoso mo naman."
Umiling si Kylo habang nakatingin sa kaniya. "Bahala ka sa buhay mo."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top