5 P.M.

NAPATITIG si Cailean sa pintong nilabasan ni Kylo. Gusto pa sana niyang humingi ng sorry sa lahat ng ginawa niya, pero hindi na niya nagawa. Nawalan na siya ng chance, mukhang hindi na magkakaroon ng chance. Naiintindihan niya 'yon, it was her fault. Baliktarin man ang mundo, kasalanan niya ang lahat.

Sobrang babaw ng dahilan niya at sa tuwing naaalala niya 'yong mga dahilang 'yon, gusto niyang bumalik sa nakaraan para itama ang lahat.

Pero huli na.

Naglandas ang mga luha niya, but Cailean still tried so hard to smile dahil natutuwa siyang nakuha na ni Kylo ang sagot. Nakakahiya man na ang babaw ng dahilan, ang mahalaga, malinaw na kay Kylo na dahil lang sa sariling pangarap niya, kaya niya ito nagawang iwanan.

May ilan sa barkada nila ang nakaaalam ng totoo, kung bakit sila naghiwalay. Nagalit ang mga ito sa kaniya dahil kung iisipin, sobrang babaw talaga. Hindi niya nagawang hintayin si Kylo, naging miserable rin naman siya.

Ni isa sa pangarap niya, wala siyang natupad.

She became the miserable version of herself, someone na kinatatakutan niya kaya siya nagplano. She became someone without direction, someone without plans for tomorrow, someone unhappy . . . all because she chose to hurt the only man she'd ever loved.

Pinilit niyang sumaya. Pero hindi nangyari.

Dumako ang tingin ni Cailean sa picture frame na nasa bookshelf. Maraming-marami pa silang pictures together na nakatago at halos lahat ng memories niya kay Kylo . . . itinago niya.

Kinuha niya ang pinggan na mayroong pagkain niya, nakita rin niya 'yong pinggan ni Kylo. Doon na bumuhos nang husto ang mga luha niya dahil kung paano mag-ayos ng pinggan si Kylo noon, gano'n pa rin ngayon. Natatawa siya na naiiyak dahil walang nagbago rito, nawala lang 'yong pagiging palatawa at pakiramdam niya, accessory siya roon.

Imbes na maupo sa dining table, sa living area nagpatuloy ng kain si Cailean, naka-indian sit at nakapatong ang pinggan sa coffee table na nasa harapan. Binuksan niya ang YouTube para lang manood ng vlogs nina Shek's Diary, kaso dumako ang tingin niya sa playlist niya at nakita ang kantang Distance nina Christina Perri at Jason Mraz na palagi niyang pinakikinggan kapag gusto niyang mag-emote.

"Tang ina naman," umiiyak na sabi ni Cailean habang nakatingin sa TV. "Bakit kasi kailangan kitang i-play ngayon. Tang ina mo, Cailean! Tanga-tanga ka," bulong niya sa sarili habang humahagulgol. "Tanga mo, tanga."

And I keep waiting

For you to take me

And you keep waiting

To save what we had

Nang marinig ang lyrics, mas tumindi ang hagulgol niya, kasabay ng pagsubo niya sa Pancit Canton dahil sumasakit na ang dibdib niya kapipigil ng hagulgol.

Ngayon, para siyang tanga na umiiyak habang lumalamon. Dapat kahit madrama na ang buhay, kain is life pa rin. Iyan ang motto niya. Kahit na masakit na, kapag masarap ang nakahain, masamang tinatanggihan ang grasya. Isa pa, na-miss naman talaga niya ang luto ni Kylo.

Ang saklap lang na kumakain na lang siya mag-isa.

Gusto na lang din niyang tawanan ang sarili dahil habang ngumunguya, humahagulgol siya. Siguro kung may makakakita sa kaniya, iisipin, nababaliw na siya. Baka pagtawanan siya kasi para siyang tanga na ngumangalngal pero lumalamon.

Kahit punong-puno ng noodles ang bibig, kumanta siya. "Kung maibabalik ko lang ang dati mong pagmamahal, pagka-iingatan ko at aalagaan. Kung maibabalik ko lang."

Ngumiti si Kylo pagbukas ng pinto dahil naabutan si Cailean na kumakanta habang kumakain. Nagdadrama na at lahat, kumakain pa rin. Imbes na magpakita kaagad, nag-stay siya sa may pinto at pinanood kung paano ito sumubo ng pagkalaki-laki, pero sinasabayan si Regine na kumakanta ng Kung Maibabalik Ko Lang.

"Ang dating ikot ng mundo, ang gusto ko ako'y lagi na lang sa piling mo."

Bumirit pa ito, sumubo, sabay tingin sa pinto, at nanlaki ang mga mata nang makita siya. Bumagal ang panguya nito na parang nagtataka kung totoo ba siya, puro luha rin ang mga mata nito, basang-basa ang mukha, magulo pa ang buhok.

"Ano'ng . . ." anito na hindi niya naintidihan ang kasunod na sinabi dahil nga punong-puno ang bibig.

"Ano?" tanong ni Kylo.

Nagmadali itong ngumuya, uminom ng soft drinks, dumighay nang sobrang lakas bago tumingin sa kaniya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Grabe, Cailean, hindi mo man lang ako hinabol? Gusto kong habulin mo ako, pero hindi mo pa rin ginawa." Umiiling si Kylo na pumasok at sinara ang pinto. "Bumili lang ako ng ice cream, kailangan ko magpalamig dahil naiinis ako sa 'yo."

"Kung naiinis ka sa akin, bakit ka nandito?" tanong nito na pinunasan ang luha. "Akala ko, galit ka?"

Ngumiti siya at kumuha ng tasa. "Galit ako, sobra. Pero alam mo 'yon? Galit lang, pero mahal pa rin? Parang tanga, 'no?" sagot niya. "Kanta ka nga ulit. Gusto ko ulit 'yong birit mo with Regine."

Ngumuso ito habang nakatingin sa kaniya. "Ayaw ko! Aasarin mo ako!" singhal nito. "Ano'ng flavor niyan?"

Kylo smiled. "Vanilla," sagot niya. "Nakita ko na may Nutella ka sa ref, we can mix it. Gusto mo ba? O baka naman busog ka na kasi ang dami mo na kinain?"

"Gusto ko," sagot ni Cailean habang nakatingin sa kaniya. "Bakit ka bumalik, Kylo? Okay na, e. Mas magiging okay ka na."

"Pinapaalis mo na naman ako, samantalang kanina, birit ka pa ng Kung Maibabalik Ko Lang!" singhal niya rito. "Gusto ko muna na magkalinawan tayo bago ako tuluyang umalis. Kasi kapag nangyari 'yon, hindi na ako lilingon, Cailean. Gusto mo na bang umalis na naman ako?"

Umiling si Cailean habang nakayuko.

"Here." Iniabot niya ang ice cream na may Nutella sa ibabaw. "Kamuntikan mo na maubos 'yang canton, a, kulang pa? Pagluto kita?"

"Ayaw ko na. Masakit na ang bibig ko kasi ang anghang," sagot nito sabay kuha sa bowl ng ice cream at naupo sa sofa na para bang hindi umiyak. Sobrang galing magtago ng nararamdaman, nakakainis lang.

Sumunod naman si Kylo at naupo rin sa sofa, may sapat na espasyo sa gitna nila. Nakataas ang paa ni Cailean habang nakatutok sa TV at naghahanap ng mapapanood.

"Kumakanta ka ng Kung Maibabalik Ko Lang, hindi mo naman ako kayang ipaglaban. Hindi mo man lang ako magawang habulin, Cai," mahinang sabi ni Kylo. "Ang tindi ng pride mo hanggang ngayon."

"It's not about pride now, Kylo," aniya. "It's better this way, mas okay na rin na malayo ka sa akin. I don't deserve you, you deserve someone better than me. Kaya hindi kita hahabulin, I won't make you stay. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi kita deserve."

Kumunot ang noo ni Kylo habang nakatingin kay Cailean. He was about to eat his ice cream when he heard what she said.

"You deserve someone na kaya kang panindigan, na kaya kang ipaglaban, at hindi ka iiwanan, Kylo." Cailean tried to smile while stirring her own ice cream. "Hindi kita deserve kasi nasaktan kita. Iniwan kita sa ere and you're right. Sobrang babaw ng rason ko at hindi ko na rin maibabalik ang past."

Kylo sighed. "Bakit, may balak ka bang ibalik ang nakaraan?"

"Kung puwede lang, ginawa ko na," ani Cailean. "Kung puwede lang, hindi na ako naging tanga na iniwan ka para sa pangarap na hindi ko naman natupad kasi wala ka. Akala ko, it's just me . . . pero hindi pala. It was too late when I realized that those plans I made were for us, not just for me."

Tahimik lang si Kylo.

"Pero wala na akong mukhang maihaharap sa 'yo. No'ng nakikipagbalikan ka, I pushed you away real good 'cos I realized my mistake. Na-realize ko na sa sobrang babaw ng rason ko, nahihiya na akong bumalik sa 'yo kahit na gustong-gusto ko." Humikbi siya. "I tried to act strong para lang mapatunayan ko sa sarili ko na hindi kita gustong balikan, sinubukan kong maging okay, but I failed miserably."

Umiling si Kylo. "Sa tuwing naaalala ko kung paano rin ako nagmakaawa sa 'yo noon, gusto kong matawa sa sarili ko. Alam ko rin sa sarili ko na maraming iba . . . sobrang dami nila, Cailean. Pero alam mo 'yong kanta?"

Tumingin si Cailean sa kaniya.

"I still look for your face in the crowd." He smiled. "Kahit na ang dami nila, ikaw pa rin 'yong hinahahanap ko kasi grabe 'yong love natin noon kaya hindi ko maiwasang isipin na ang bilis mong i-give up 'yon. Kasi hindi naman basta-basta 'yong pinagsamahan natin."

Nanatiling walang imik si Cailean.

"No'ng naghiwalay tayo, tinanong ako nina Mommy kung ano'ng nangyari sa atin kasi kahit sila, iniwan mo." Ngumiti si Kylo. "Ang lungkot ni Mommy no'n, tinanong niya ako kung bakit tayo naghiwalay."

Yumuko si Cailean sa sobrang kahihiyan.

"Sinabi ko na ako 'yong nakipaghiwalay kasi wala akong maisagot sa kanila kung bakit nga ba." Ngumiti si Kylo. "Sinabi ko sa kanila na ako ang may kasalanan kung bakit, kaya huwag ka na nila guguluhin kasi ako ang gumawa ng kalokohan."

Natahimik si Cailean dahil noong mga panahong 'yon, nag-message sa kaniya ang mommy ni Kylo, huminingi ng sorry sa ginawa ng anak nito kaya takang-taka siya, pero hindi siya nag-reply. Humingi ito ng pasensya sa ginawang panloloko sa kaniya ni Kylo dahilan para maghiwalay sila.

Now it made sense. Inako ni Kylo ang kagagahan niya.

Tumingin si Cailean sa ice cream na hawak. "Gusto kong bumalik no'n, Ky. Kaso naunahan ako ng hiya at takot. Nahihiya akong ang babaw ng rason ko, natatakot ako na dahil sa ginawa ko, magbago 'yong pagmamahal mo sa akin."

Tahimik lang si Kylo na nakatingin kay Cailean.

"Hindi ko makalimutan 'yong araw na pumunta ka sa apartment ko, 'yong huling beses." She smiled. "I almost gave in, pero pinanindigan ko 'yong katangahan ko. Pinanindigan ko na you're better off without me, na mas—"

"Who are you to say I was better off without you?" tanong ni Kylo. "Sa six years, I wasn't better off without you. I was the worst version of myself the day you rejected me for good, Cai. I always question myself, where did I go wrong? Am I really not enough? Was your love for me half lang? It was so hard."

Cailean bit her lower lip before speaking. "It was hard for me, too, believe me, Kylo." She smiled. "Imagine waking up not knowing your purpose? Alam mo kung gaano ako kagaling magplano, pero after ng breakup natin, I became unmoving. Lahat ng plano ko, kahit isa, walang natupad."

Kylo just looked at Cailean.

"I became a failure." She wiped her tears. "No, mali." She stopped, sniffed, then sobbed.

Nakita ni Kylo kung paanong nanginig ang baba ni Cailean bago nagsalita ulit.

"I am not Cailean without Kylo."




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys