5 A.M.
KYLO couldn't help but feel sad while looking at Cailean. Akala niya, sa anim na taon, kapag nagkausap sila ulit, magiging okay na siya. Akala niya, magkakaroon na siya ng closure sa sarili dahil hanggang ngayon, sinisisi pa rin niya ang sarili sa nangyari . . . kahit na ang totoo, hindi siya sigurado kung tama iyong hinala niya o baka naman wala talaga siyang alam.
Gusto niyang alalahanin lahat ng masasayang memories nila ni Cailean. It was fun. They had fun, they enjoyed each other's company, they loved each other . . . and he knew that. Hindi naman siya lang. Hindi naman siya tanga para hindi maramdaman na mahal din siya ni Cailean—mali, minahal. Kaso sa tuwing maaalala niya ang nakaraan, nasasaktan siya. It was painful because he was clueless.
Kylo sighed. Inalis niya ang tingin kay Cailean at inayos ang kumot nito. It's 5:15 a.m. and he's not sleepy yet. Damn that coffee! Pakiramdam niya, magigising ang buong diwa niya sa sobrang tapang, pero si Cai, nakatulog. The fuck?
Umupo siya sa sofa at pinatay ang TV. He's not fond of watching, tamad siya. Kahit noong panahong sila pa ni Cailean, hindi na talaga siya mahilig sa TV. He would rather listen to music and play games than watch.
Nahiga si Kylo at pinilit ang sariling makatulog. It's just 5 a.m., and they still have nineteen hours left. A part of him was actually anxious knowing after today, this might not happen again. Na malamang sa malamang, pagkatapos ng araw na ito, they would go back to where they started.
Strangers.
Kylo was about to close his eyes when his phone vibrated. Sa dami ng messages, kahit isa, wala siyang sinagot. Iyong iba naman dito, for sure, makikitsismis lang dahil sa pictures at wala siyang panahon doon.
He received a message from Rov, isa sa pinaka-close niya no'ng college, ang isa sa nakakaalam kung gaano siya nahirapan sa paghihiwalay nila ni Cailean.
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
Messenger: Rov Tuazon
Today 5:24 AM
Pre, nagkabalikan kayo ni Cai?
Sorry nagtanong ako.
Kita ko lang posts niyo.
Haha wala dare lang to
kumusta uy
kita tayo sa isang araw?
Pede naman pre
wala naman ako pasok
saan ba?
message na lang kita.
Unahin mo na muna si Cailean
lam ko naman na matagal mo na gusto makausap e
buti pumayag
eh di ba iwas na iwas siya noon
wala choice haha
ayaw magbayad ng ticket
kasi kapag umayaw, manlilibre ng trip to sg
wala naman kami pera lol
kunwari ka pa
gusto mo rin naman yan
manghingi ka na ng closure
haha loko
seryoso ko
para makamove on ka na
para makapagasawa ka na
nako labo pa
wala pa sa isip
wala pa sa isip kasi
wala ka pang closure sa kaniya
o baka naman siya pa rin
sira ulo
oy hindi tumanggi
pero real talk magasawa ka na
tangina pre, dalawa na anak ko
single ka pa rin
ano na
hindi pa ako ready
baka maging ninong nalang ako forever
di ako naniniwala lalo na't nanjan na siya ulit
yeee
sige na, bye na.
baka nakakaistorbo na ako.
message mo nalang ako pag free ka na makipagkita
yung pamasko ng inaanak mo
gago, january pa lang.
kakabigay ko lang last week ha
iba yun haha joke
sige na
good morning kylo
enjoy ka
kausapin mo
isarado mo na yung chapter niyo
haha sige na
good morning
👍🏻
seen
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
Isa si Rov sa mga nakakita kung gaano siya kamiserable nang maghiwalay sila ni Cailean. Si Rov ang nakasama niya sa mga computer shop para mag-video games noong panahon na nahihirapan siya.
Sa loob ng dalawang taon, araw-araw silang nagkikita ni Cailean kaya naman no'ng maghiwalay na sila, hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Hindi niya alam kung paano at saan siya kakain ng lunch knowing na hindi niya ito kasama.
Ang lungkot.
Parang bigla niyang naalala 'yong pakiramdam, biglang nangasim ang sikmura niya sa naalala. Parang biglang bumalik sa kaniya lahat ng iniyak niya, lahat ng pagsisisi niya na nagkulang siya--lahat.
Kylo gulped and decided to browse the album that he had kept hidden for so long. Those were their memories together, those were their happiest moments, those pictures were . . . them.
Tumingin muna si Kylo kay Cailean na mahimbing na natutulog. Napangiti siya dahil totoo ngang hindi niya inaasahang makakasama niya ito ulit kahit na alam niyang dare at may limit lang ang lahat.
Closure . . . siguro nga, kailangan niya iyon.
Nagsimula siyang mag-browse ng pictures nilang dalawa. Nakakatawa dahil ang bata pa nila lalo sa umpisa ng relasyon nila. Iyong mga picture nilang naka-PE uniform pa, mga picture na ang pangit pa ng hairstyle nila. Iyong buhok nilang dalawa, mukha pang nanlalagkit dahil mukha silang dugyot.
Iyong buhok niya noon, pa-emo pa. Nakakahiya! Si Cailean naman, may side bangs pa na hiwa-hiwalay tapos kung ano-ano kulay ng ipit.
Natawa si Kylo habang nakatingin sa picture nila kung paano sila ngumiti. Ang awkward, sobra. Ni hindi niya alam kung anong nagustuhan sa kaniya ni Cailean dahil ang payat niya talaga. May peace sign pa lahat ng picture, iyong iba, nakalabas pa ang dila. Typical na bata pa.
Natigilan siya sa picture kung saan medyo matagal na sila. Sa mga sumunod, iyon na 'yong mga panahong nagma-mature na silang dalawa. Natuto na mag-ayos, natuto na pumorma. They grew together as a couple.
Natawa siya sa picture kung saan may parang korona sila sa mukha. Parang mga tanga. Naalala niyang fieldtrip ito, napag-trip-an din nilang maglokohan para lang sa picture. They were so weird together.
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
Sumunod na picture naman, kuha iyon sa unang dorm ni Cailean dahil may kalayuan ang bahay nito sa school. Siya ang kasama nitong nagbitbit ng mga gamit. Siya pa ang nag-ayos ng mga damit nito sa closet at nag-hanger dahil ayaw nito sa lahat, nagtutupi ng damit.
Bukod sa pagluluto, ayaw ni Cailean ng kahit anong involving ang damit. Kaya imbes na maglaba, nagse-save noon si Cailean para pampa-laundry ng mga damit nito, huwag lang maglaba.
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
Parang biglang nasaktan si Kylo sa sumunod na picture dahil ito 'yong mga panahong pagod na pagod siya sa project na kailangan niyang gawin. Sumasakit na 'yong ulo niya, gusto na niyang sumuko, pero hindi umalis sa tabi niya si Cai.
She was massaging his head because it was aching so bad. She was there trying to lighten up his mood and cheering him up. Cailean was just there, showing her support.
Iyon ang isa sa naging rason kung bakit nahirapan siya sa pag-alis ni Cailean sa buhay niya. It was painful for him to let her go because he was so used to her.
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
The next picture was their first out of town together with his family. Ipinaalam pa ng magulang niya sa parents ni Cailean kung puwede ba itong sumama sa kanila. Dahil tiwala at legal sila, pumayag ang mga ito. It was their first beach getaway.
Isa iyon sa pinakamasakit. Legal sila. Alam ng magulang niya kung gaano sila kakulit at may tiwala ang mga ito sa kanila. Kaya nang maghiwalay sila ni Cailean, hindi lang siya ang nalungkot, pati ang pamilya niya dahil close ito lalo na sa mommy niya.
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
Isang gusto niya kay Cailean, hindi ito needy, pero may pagka-clingy. She never asked for his attention. Kung busy siya sa isang bagay, she would just be there. Hindi ito nagger, hindi ito nagagalit kung uunahin niya ang ibang bagay . . . Cailean was understanding.
Whenever he would play video games, Cailean would just read books. Pero itong mga panahong ito, she was tired from thesis. This picture was taken by his mom.
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
Kylo chuckled after seeing the next picture. She had always been a monkey, she loved hugs and kisses, she loved being carried around the house, she loved clinging onto him.
She's independent but clingy at the same time. Those memories were precious. The way Cailean called him 'babe', as much as he didn't want to admit it, was something he really missed.
◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎◼︎
Kylo bit his lower lip and looked at Cailean who was still sleeping. Napatitig siya sa mukha nito pagkatapos niyang makita 'yong picture na nasa screen ng phone niya. It was their first ever anniversary date dahil iyong una, sa school lang 'yon, kumain lang sila ng fishball.
Iyong second anniversary naman nila, pinag-ipunan niya para madala sa mamahaling restaurant si Cailean. Kahit na alam niyang simple lang ito, she still deserved it.
Naka-casual lang silang damit noon, pero binilhan niya ito ng bulaklak, kumain sila sa restaurant na tinatawanan nila dahil nahihirapan silang bigkasin ang mga pagkain sa menu because they were Italian dishes . . . pagkatapos ay bumili siya ng singsing.
Singsing kung saan naka-engrave ang pangalan nilang dalawa. It was a couple ring and promise ring in one na simbolo na hindi nila iiwan ang isa't isa.
Turns out, it was a joke, he thought to himself.
Nang mabasa niya iyong comment, parang gusto niyang marinig ulit iyon galing kay Cailean. Gusto niya ulit marinig 'yong tatlong salitang anim na taon na niyang hindi naririnig. Gusto ulit niyang marinig 'yong mga salitang iyon, kahit na joke o dare na lang.
Dahil, tang ina, ang hirap pa rin kumawala.
Gusto nang tumigil ni Kylo sa pagba-browse, pero na-realize niyang isa na lang pala 'yong picture na natitira. Isa na lang, pinakamasakit pa, dahil ito 'yong mga panahong nararamdaman na niyang hindi na sila okay.
Ito na 'yong mga panahong umiiwas na si Cailean sa kaniya, hindi niya alam kung bakit. Ito na 'yong mga panahong nag-uusap sila, pero ramdam niyang malayo ito sa kaniya. Ito na 'yong mga panahong niyaya niya itong sumama sa gig nila dahil kung ano man ang nangyayari sa kanila, gusto niyang ayusin.
Naalala niya ang scenario na ito. Ito 'yong panahong magkakasama silang magbabarkada, malakas ang tugtog ng sasakyan niya that time. Binuhat niya si Cailean at niyakap nang sobrang higpit.
Tumutugtog doon 'yong She Looks So Perfect ng 5SOS kaya naman binulong niya rito ang lyrics.
Nang mabasa niya iyong comment, parang gusto niyang marinig ulit iyon galing kay Cailean. Gusto niya ulit marinig 'yong tatlong salitang anim na taon na niyang hindi naririnig. Gusto ulit niyang marinig 'yong mga salitang iyon, kahit na joke o dare na lang.
Dahil, tang ina, ang hirap pa rin kumawala.
Gusto nang tumigil ni Kylo sa pagba-browse, pero na-realize niyang isa na lang pala 'yong picture na natitira. Isa na lang, pinakamasakit pa, dahil ito 'yong mga panahong nararamdaman na niyang hindi na sila okay.
Ito na 'yong mga panahong umiiwas na si Cailean sa kaniya, hindi niya alam kung bakit. Ito na 'yong mga panahong nag-uusap sila, pero ramdam niyang malayo ito sa kaniya. Ito na 'yong mga panahong niyaya niya itong sumama sa gig nila dahil kung ano man ang nangyayari sa kanila, gusto niyang ayusin.
Naalala niya ang scenario na ito. Ito 'yong panahong magkakasama silang magbabarkada, malakas ang tugtog ng sasakyan niya that time. Binuhat niya si Cailean at niyakap nang sobrang higpit.
Tumutugtog doon 'yong She Looks So Perfect ng 5SOS kaya naman binulong niya rito ang lyrics.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Note:
CREDITS TO ALL THE IMAGES FROM PINTEREST.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top