4 P.M.

KYLO faked his smile while looking at Cailean. "Of course." Ibinaba nito ang sandok na hawak. "I will understand, Cailean, and I am sorry. I won't push this kung ayaw mo na. I still respect you."

Kumunot ang noo ni Cailean, pigil na pigil na ang mga luha niya dahil nahihirapan na rin naman siya.

"I'm sorry for pushing you, Cailean, I really am," anito na lumapit sa kaniya. "I thought seeing you would help me move on, akala ko, kapag nakita ko ulit lahat ng flaws mo, aayawan na kita . . . but it . . . made me realize that I never forgot how I loved you years ago."

"I'm sorry." Yumuko si Cailean dahil hindi niya kayang salubungin 'yong tingin sa kaniya ni Kylo. His eyes were begging and she couldn't take it. The way his eyes settled on hers made her realize that she really did hurt him.

Iniangat ni Kylo ang mukha niya at sinalubong ang tingin na gusto niyang iiwas. "I'm sorry for pushing you, for tricking you into this dare na hindi naman talaga totoo. I'm sorry for saying things to you, and I'm sorry for making you feel bad." Hinaplos nito ang pisngi niya. "I'm sorry."

"Bakit ikaw ang nagso-sorry sa akin, Kylo?" Humikbi si Cailean habang nakatingin sa kaniya. "Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Ako ang may kasalanan, ako ang dahilan kung bakit tayo nasira, ako ang dahilan kung bakit tayo nagkaganito. Ako ang dapat mag-sorry kasi sinaktan kita at base sa mga salita mo sa akin, sinasaktan pa rin kita."

Kylo nodded and chuckled. "Actually, yes. It's been years but you're still hurting me. The way you look at me, na pakiramdam ko, sukang-suka ka na sa presensya ko? Ang sakit lang."

Hindi nakasagot si Cailean.

"Ayaw na kitang sisihin dahil may parte na kasalanan ko, ayaw ko nang ipamukha sa 'yo 'yong sakit na ginawa mo, ayaw ko na sanang bumalik sa nakaraan, believe me, Cai." Kylo smiled but a lone tear dropped. "Pero gusto kong malaman kung bakit hindi mo ako binalikan no'ng mga panahong gusto kong ayusin ang lahat. Gano'n mo ba ako kaayaw para hindi bigyan ng second chance?"

Nothing.

"Kung hanggang dito na lang talaga, kung hindi mo na ako bibigyan ng linaw, iintindihin ko. I just wanna let you know that I still thank you for all the memories that we had, for all the love I felt from you, and this will be the last time I'm going to blame you." His thumb was caressing her cheek. "Once and for all, I admit . . . I still love you . . . so much."

Cailean's heart was pounding so hard that she couldn't speak. Walang lumalabas na boses kahit na gusto niya dahil parang ang sikip ng dibdib niya. Pakiramdam niya, hindi siya makahinga. She felt suffocated that her mind went blank by hearing him say it.

He still loved her despite the pain she had inflicted. She's too afraid to look into his eyes.

"Nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na hindi mo ako hinintay." Bumitiw sa kaniya si Kylo at dumiretso sa kusina. Sinimulan nitong patuloy na iluto ang iniwan. "Hindi ko alam kung hindi ba sapat 'yong ako para maghintay ka, kung bakit, Cailean." There, she heard him sob.

Walang masabi si Cailean. Tumalikod siya para ilabas ang mga hikbing kanina pa pinipigilan.

All these years, ang buong akala niya, naka-move on na si Kylo sa nangyari sa kaniya. Akala niya, siya na lang ang nahihirapan kahit na siya mismo ang may kasalanan . . . na sa tuwing babalikan niya ang katangahan niya, gusto niyang sampalin ang sarili dahil sobrang babaw ng dahilan niya para iwanan ang taong walang ginawa kundi manatili sa tabi niya.

She threw away the perfectly imperfect love they had--for herself.

Mahina siyang humihikbi habang nakayuko, naririnig niya rin si Kylo na humihikbi, pero wala itong sinasabing kahit ano.

Cai could smell that familiar aroma of Kylo's specialty. Noong una, tinatawanan niya kasi sobrang weird ng combination ng meryenda na paborito nito hanggang sa iyon na ang naging comfort food nilang dalawa.

Na kahit hiwalay na sila, hanggang ngayon, iyon ang nagsisilbing comfort food niya sa tuwing malungkot siya. The smell of toasted bread and butter always made her remember Kylo. Kung paanong pag-aawayan pa nila 'yong nag-iisang tinapay, pero ibibigay sa kaniya.

She was always his priority but never hers. Alam niyang hindi niya deserve si Kylo dahil doon. He deserved better.

"Can we eat? Last meal together?" tanong nito habang inaayos ang maliit na lamesa ng condo niya. "After this, aalis na ako."

Humarap si Cailean at nakita ang lamesa. Pancit Canton with their repolyo, nilagang egg na may runny yolk, toasted bread na may butter, at coke. It was complete, just like they used to have.

Ngumiti si Kylo sa kaniya. "Last meal together, babe." Inilahad nito ang kamay sa kaniya.

Cailean gave him a faint smile and walked towards him. Tinanggap niya ang kamay nito. He did what most gentleman would do. Ito na mismo ang humila sa upuan na daig pa ang nasa romantic dinner date.

Magkaharap silang dalawa, para pang nagkakahiyaan, pero parehong natatawa. They never had a formal date during their days dahil bata pa sila. Madalas na ang ginagawa nila, typical date ng teenagers. Manonood ng sine, pupunta sa amusement park, at simpleng lakad sa mall.

"Eat up." He smiled. "I missed cooking this. Ang tagal ko nang hindi kumakain nito. Ikaw?"

She smiled. "Tuwing stressed?" sagot niya. "Sosyal ka na kasi, Italian-Italian na ang peg mo."

"Not that." Umiling si Kylo. "I remember you whenever I eat this so I tried to avoid it as much as possible. Wala rin kasi akong patay gutom na kaagaw sa toasted bread." He giggled.

"Tang ina no'ng patay-gutom, ha?" Inirapan niya ito.

Nagsandok na si Cailean, kinuha 'yong nilagang itlog at binasag ang yolk n'on sa mismong noodles bago hinalo. Kumain siya ng ilang pipino, at kumuha ng toasted bread . . . dalawa para sure. Patay-gutom pa naman si Kylo.

Kylo was observing. Same routine pa rin si Cailean, uunahan pa siya sa toasted bread kaya mahina siyang natawa.

Tahimik lang si Cailean habang hinahalo ang pagkain. Ni hindi siya makatingin kay Kylo dahil ayaw niyang makita nito na patay-gutom talaga siya, na ang totoo, excited siya kasi iba ang luto ni Kylo sa luto niya.

Ikot-ikot ng noodles, kunwari iinom para hindi halatang excited, yuko-yuko kunwari may makati sa paa, pero ang totoo, subong-subo na.

Cailean took the first bite, chewed, looked at Kylo, and started sobbing.

Nagtataka si Kylo kung bakit. "Masyadong maanghang?"

Umiling si Cailean, sumubo ulit ng isa pa, pangalawa, pangatlo . . . bago humagulgol nang sobra-sobra. Kylo was alarmed, kumuha siya ng gatas sa ref, at nagmamadaling binigay iyon kay Cailean.

Nakayuko lang ito at humahagulgol, hindi niya alam kung bakit. "Cai?" Iniabot niya ang gatas. "Sorry, masyado yatang maanghang," aniya habang nakalebel kay Cailean na nakaupo. "Uy, sorry na."

"Ano ba'ng nangyari sa atin, Kylo?" mahinang sabi nito habang humihikbi at hindi sinasalubong ang tingin niya. "Ano ba'ng ginawa ko? Bakit ko ginawa 'yon? Bakit ako naging mababaw? Bakit . . . bakit tayo naghiwalay?"

Kinagat ni Kylo ang pang-ibabang labi bago nagsalita. "Iyan din ang tanong ko sa 'yo, Cailean. Gusto ko rin itanong sa 'yo kung ano ba'ng nangyari sa atin kasi . . . okay naman tayo, e. Mahal mo ako, mahal na mahal kita. Pero bakit?"

"Sobrang babaw ng rason ko, Kylo," umiiling na sabi ni Cailean. "Nahihiya ako sa sarili ko sa tuwing binabalikan ko kung bakit. Nahihiya ako na dahil lang sa simpleng rason ko, natapos tayo."

Hindi sumagot si Kylo.

"I was so full of myself, Kylo. Akala ko, kaya ko. Akala ko, kakayanin ko. Naiinis ako sa thought noon na ang dami kong pangarap, may listahan ako ng pangarap at future plans, pero ikaw, wala. Naiinis ako sa iyo noon na nag-e-enjoy ka, pero hindi mo magawang mag-isip para sa hinaharap," umiiyak na sabi ni Cailean. "You were always playing video games, you were always busy with all your hobbies, you weren't serious about the future!"

Natahimik si Kylo.

"Naisip ko noon, worth it ba na maging tayo? Kasi nakikita ko na wala ka man lang plano tungkol sa future. Palagi mo lang sinasabi, pakakasalan mo ako, pero hindi ka kumikilos," ani Cailean. Nakaluhod lang si Kylo habang nakikinig sa kaniya. "Sa isip ko noon, paano mo ako pakakasalan kung palaging gusto mo ganito, gusto mo ganiyan, pero hindi ka kumikilos? Paano mo ako mabubuhay? Paano tayo mabubuhay? Sabi ko sa sarili ko, hindi tayo mabubuhay ng love lang!"

"Kaya nga sinabi ko sa 'yo, hintayin mo ako." Yumuko si Kylo.

Humikbi si Cailean. "Napagod ako kahihintay sa 'yo noon, Kylo. Napagod ako kasi hindi ka kumikilos, hindi mo iniisip 'yong mangyayari sa future, hindi mo inii–"

Natigilan si Cailean nang biglang tumayo si Kylo, tumalikod ito sa kaniya at huminga habang hinahaplos ang batok.

"Sinabi ko sa 'yo noon, hintayin mo ako," anito nang hindi nakatingin sa kaniya. "Ang dami kong plano para sa atin, Cailean, pero alam mo ginawa ko? Hindi ako nag-focus sa future kasi tang ina, ang bata pa natin no'n. Hindi pa tayo graduate, wala pang magagawa. Hindi ko sinabi 'yong mga plano ko kasi gusto ko na mag-enjoy muna tayo sa present dahi oras na maka-graduate na tayo, roon na papasok ang totong buhay."

Humikbi si Cailean.

"Gusto kong mag-enjoy muna tayo hangga't kaya natin dahil kapag nabuhay na tayo nang tayo lang, alam ko na mahihirapan tayo. Isa pa, hindi ko sinabi sa 'yo ang mga plano ko kasi hindi 'yon kasing taas ng plano mo. Nahiya ako sa 'yo . . . pero hindi mo ako hinintay, hindi ka nakuntento sa kung ano ako."

Tumango si Cailean. "Hindi ako nakuntento no'n kasi sa tuwing tinatanong kita, paulit-ulit, baka sakaling makuha mo 'yong hint ko na magplano na tayo, sinasagot mo sa akin, next time na 'yan, marami pa tayong time."

"Ang babaw ng rason, Cai. Ang babaw!" pasigaw na sabi nito. "Dahil doon, iniwan mo ako? Dahil doon, nakalimutan mong mahal mo ako? Cai, ang sakit no'n! Dahil sa future, kinalimutan mo 'yong present. Dahil sa future, kinalimutan mo tayo? Cailean naman! Ang babaw, sobra."

"Alam ko!" Tumayo si Cailean at nakatingin kay Kylo. "Tingin mo, hindi ko pinagsisihan lahat ng 'yon, Kylo? Tingin mo, hindi ko sinisisi 'yong sarili ko dahil sa nangyari sa atin? Sobrang babaw ng rason ko, sobrang babaw dahil mas pinili ko 'yong future plans na akala ko, makukuha ko kumpara sa 'yo! Hiyang-hiya ako, Kylo. Wala akong mukhang maiharap sa 'yo! Nahihiya ako na bakit gano'n ako kababaw mag-isip? Nahihiya ako na . . . naging greedy ako sa future."

Kumuyom ang kamao ni Kylo. "Ang damot mo, Cailean! Sobrang damot mo, makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo. Ilang beses ako nagmakaawa sa 'yo na balikan mo ako, ilang beses kong tinanong kung bakit ka humiwalay sa akin? Ano'ng sinabi mo? Dahil wala akong pangarap. Wala akong kahihinatnan dahil hindi ako kumikilos, na puro ka pangarap, ako wala! Ilang beses kong sinabi na aayusin ko na, pero wala!"

Nakatingin lang si Cailean kay Kylo. Naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Naririnig niya sa boses nito ang galit at hinanakit.

"Sinabi ko sa 'yo, hintayin mo ako . . . pero iniwan mo pa rin ako sa ere." Humikbi si Kylo. "Sana naging masaya ka roon, Cailean. Akala ko, may malalim ka pang dahilan para iwanan ako. Sana naging masaya ka sa lahat ng pangarap na nakuha mo. Sana . . . nakuntento ka kasi marami akong plano para sa atin."

"Kylo . . ."

Umiling si Kylo habang nakatingin sa kaniya. "Nagmakaawa ako, pero pinagtulakan mo pa rin ako palayo. Ang sakit na sobrang babaw, Cailean! Sana hinintay mo ako . . . kasi tang ina, kahit sobrang tagal, kaya kong maghintay sa 'yo. Ikaw, ang babaw . . . sinukuan mo kaagad ako."

Cailean's tears were flowing while hearing those words.

"Mahal na mahal kita, Cai . . . pero mas mahal mo 'yang putang inang mga plano mo," anito at naglakad papunta sa pinto. "Sana naging masaya ka. Hindi ako makapaniwala na ganito kababaw 'yong dahilan mo."

Hindi nakapagsalita si Cailean dahil ibubuka pa lang niya ang bibig niya, sumara na ang pinto ng unit niya at iniwan siya ni Kylo na mag-isa.



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys