4 A.M.

CAILEAN bit her lower lip. Wala siyang maisagot kahit na joke pa dahil kahit baliktarin niya ang mundo, kasalanan niya talaga kung bakit sila nasira. Kasalanan niya kung bakit sila naghiwalay, kasalanan niya kung bakit pakiramdam niya, bitter pa rin siya sa buhay.

"Kylo," mahinahong sambit ni Cai. "Ayaw kong magbangayan tayo. For now, puwede bang itong remaining twenty hours na magkasama tayo, huwag muna tayong mag-away? For the next twenty hours, puwede bang maging magkaibigan tayo?"

Kylo smiled and looked into Cailean's eyes. "Of course. Ever since naman, ayaw mong pag-usapan kung ano 'yong nangyari sa atin. I would respect that." Nag-iwas siya ng tingin. "And sure, let's be friends for the next twenty hours. After naman no'n, mawawala na ulit ito, right?"

Tumango lang si Cailean at sumubo ng lasagna. "Gusto mo lasagna? Binilhan din kita."

"Sure," sagot ni Kylo. "Seryoso, hindi ka pa ba nabubusog?"

"Nabubusog naman, kaso sa ganitong oras, mabilis ng metabolism ko kasi mahilig kami kumain sa office habang nagtatrabaho. Sa maghapon kasi, tulog talaga ako. Before ng wedding, kahapon, galing ako sa office. Nagmadali na lang din ako."

Kumunot ang noo ni Kylo. "Wait, so you're telling me na hindi ka pa natutulog?"

Cailean shook her head. "Nope, siguro mga thirty hours na akong gising, but it's fine. Sanay ako. Sanay akong hindi natutulog nang tama."

"Bad for your health, Cailean."

Hindi na siya sumagot.

"Do you drink, do you smoke?"

Umiling si Cailean. "Hindi, 'no! E di, in-asthma na naman ako. Naalala mo ba no'ng college, no'ng PE tapos pinatakbo tayo sa court. Tang ina! 'Yong hingal ko no'n!"

Kylo smiled. "Oo, naalala ko na humiga ka na sa gitna ng court tapos tawa ako nang tawa, iyon pala, hinihika ka na. Dinala pa kita sa clinic. Habang waiting ako, tulog ka na."

"Oo, ang lakas ng gamot no'n, e." Cailean smiled. "Tapos simula no'n, naging friends na tayo. Na lagi mo na sinasabi sa professor natin na hindi ako puwede sa matinding activity."

"Na ginawa na lang natin excuse para hindi ka na mag-PE." Kylo laughed. "Na sa tuwing PE, para kang prinsesa na nagtsi-check ng attendance, kaming lahat, nagpapakahirap tumakbo."

Cailean bit her inner cheek dahil wala na siyang gustong sabihin. Ayaw niyang balikan 'yong nakaraan, pero biglang nag-overflow lahat ng memories na mayroon sila ni Kylo. Their friendship, how they started, how sweet and supportive he used to be, and how Kylo loved her.

"Nakatatlong girlfriend ako," biglang sabi nito, "dalawang Pilipina, isang taga-New Zealand. Ang pinakamatagal? Six months."

"Ang bilis mo naman! Ako naman, 'yong isa, umabot naman kami ng isang taon. Kaso lang, hindi talaga nag-work. Na-bore yata siya sa presensya ko. Tapos after three months, 'yon, nagpakasal. Nabuntis pala niya kaagad iyong bago niya," pagkukuwento ni Cailean. "Okay naman kami, we're friends. Ikaw, ba't naman six months?"

Kylo smiled. "Ewan ko. Siguro, na-bore rin sila sa akin. Mas madalas kasi na nasa work ako maghapon at weekends ko lang sila nailalabas. Hindi naman kasi ideal sa babae 'yong gano'n. Some girls are just clingy. Naiintindihan ko naman 'yon."

Natawa si Cailean. "Ang sabihin mo, clingy kasi 'yong nahahanap mo. Ganyan din ang ibang ex ko. At saka, huwag mo nilalahat ng babae. Pati lalaki rin kaya, clingy! Iyong mga ex ko, minsan, gusto after work, magkikita kami. Like, dude, tang ina, pagod ako sa work!"

"Same sentiments, though," sagot ni Kylo bago uminom ng kape. "Siguro, magiging single and tito na lang din ako habambuhay. Imagine, I just wanna work and sleep after that."

"Same," malungkot na sagot ni Cailean. "I can't even see myself marrying someone. Noong pinapanood ko 'yong kasal kahapon ni Marga, naiisip ko, ano ba naiisipan nila para magpakasal? I mean, araw-araw may kaaway ka, gano'n?"

Kylo looked down. Mahina siyang natawa sa sinabi ni Cailean dahil mukhang magkaiba sila. Dahil habang pinapanood niya kahapon ang kasal, dumadako ang tingin niya kay Cailean.

"Balik na tayo sa room," anito sabay tayo. "Gusto ko mahiga at manood ng TV. Patabaing baboy ako today. Hindi ako magda-diet today, kakainin ko lahat ng gusto ko today."

"Bakit nagda-diet ka?" tanong ni Kylo habang naglalakad sila. "Sakto naman ang katawan mo ngayon. Mas bagay nga sa 'yo. No'ng college kasi, ang payat mo."

"Oo, mas gusto ko rin 'yong katawan ko ngayon, kaso nagkaroon ako ng problema," sabi nito. "Nagkaroon ako ng PCOS kaya kailangan ko mag-diet sabi ng doctor. Medyo above average na rin kasi 'yong weight ko, kaya 'yon."

Kung ang ibang tao, halata kaagad sa mga mata kapag inaantok na o pagod, kay Cailean, hindi. She still looked refreshed kung kailan madaling araw na. Halatang mas buhay ito sa gabi.

"Kung inaantok ka, matulog ka. Ako, okay lang ako. Manonood lang ako ng TV. Hindi kasi talaga ako sanay na matulog nang madilim pa. Iba talaga 'yong sleeping pattern ko," dagdag nito.

Pagkapasok sa room, kaagad na dumiretso sa banyo si Cailean, pumunta naman si Kylo sa balcony kung saan tanaw ang buong siyudad. Maraming ilaw, sobrang tindi ng light pollution na halos wala na siyang makitang stars.

"Kailan pala balik mo ng New Zealand?" tanong ni Cailean. Paglingon niya, naka-indian sit na ito sa kama at naghahanp ng movie. Nagtatanong ito nang hindi nakatingin sa kaniya.

"Next week pa. May mga kikitain din kasi akong old colleagues kaya nag-off talaga ako nang medyo matagal lalo na't ngayon na lang ako ulit nakauwi ng Pilipinas," sagot niya. "Ikaw, kailan ka mag-work ulit?"

Tumingin ito sa kaniya saglit bago binaling muli ang tingin sa TV. "Bukas ng gabi. Isang araw lang din naman ang leave ko. Kaya baka hindi rin natin matapos 'yong time kasi kailangan ko pumasok around 10 p.m. or so. Bahala na."

Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Natawa siya nang biglang tumayo si Cailean at pabagsak na nahiga sa kama. Para itong bata na excited pa manood, e, White Chicks lang naman. Na paborito nito noon pa man.

"I hope you won't mind na rito ako hihiga. Sa couch ka na lang, please?" She was looking at him, begging, with puppy eyes . . . like she used to do when they were still together. "Please?"

"Go ahead," sagot niya. Naupo na lang siya sa couch at nagsimulang mag-Facebook. Isa-isa na rin niyang sinagot ang mga messages sa kaniya tungkol sa kung nagkabalikan na ba sila ni Cailean.

A part of him was hurt knowing that they're not. Wala nga silang proper closure, they never had a proper conversation on why it ended. Bigla na lang siyang hindi minahal.

Nahiga siya sa sofa, pero nakaharap iyon sa kama kaya naman nakikita niya si Cailean na nakahigang balot na balot ng comforter lalo na't medyo exposed ang suot nitong damit. Palipat-lipat pa ng higa, tawa nang tawa na para bang first time mapanood 'yong pelikula.

Para silang bumalik sa nakaraan. Para silang bumalik sa dati na busy siya, busy ito, pero 'yong presensya ng isa't isa, sapat na.

"Anong oras mo balak mag-check out?" tanong ni Kylo. "Kailangan ko kasi pumunta sa hotel ko para kumuha ng damit, medyo may kalayuan lang dito, siguro one hour drive, okay lang ba sa 'yo 'yon?"

Tumango ito, pero hindi tumingin sa kaniya. "Search mo nga, babe, kung may mall malapit doon sa hotel mo. Doon na lang ako magpapagupit if ever," anito na parang wala lang 'yong sinabi, sabay tawa habang nakatingin sa TV.

Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito, pero sobrang focused nito sa pelikulang pinapanood. Nakadapa ito at nakayakap sa unan habang may comforter na bumabalot sa katawan.

Kylo was shocked, frozen, and he fucking stilled. Why did it sound and feel natural? Bakit parang hindi awkward? Bakit parang sanay na itong sabihin 'yon at bakit para sa kaniya, sanay rin siyang marinig 'yon?

Napalunok si Cailean dahil hindi niya ine-expect na masasabi niya iyon. Habang kausap niya si Kylo, iniisip niya iyong nakaraan. Na ganito sila noon, nanonood siya ng movie, may sarili naman itong ginagawa tulad ng panonood sa phone o nakikipaglaro sa mga kaibigan over an application.

Naalala niya 'yong mga panahong nakikisuyo siya rito para mag-order ng pagkain, naalala niya 'yong mga panahong tinatawag siya nitong babe, ganoon din siya.

"Hoy, putang ina, tinawag kitang babe," natatawang sabi niya para lang mawala 'yong nerbyos. "Anyway, nasa challenge naman tayo. So, tatawagin kitang babe kapag gusto ko. Kung okay lang sa 'yo."

Tumingin sa kaniya si Kylo. "Okay lang. Nasanay naman ako noon sa 'yo," anito habang nakatingin sa phone at parang hindi naman apektado.

"Okay," matipid niyang sagot. Mukhang nag-o-overthink lang siya. Siya lang ang nag-iisip.

Pinilit niyang ituon ang atensyon sa palabas. Ilang beses na niyang napapanood ang White Chicks--sa tuwing nabo-bore siya o kaya naman kapag gusto niyang matulog. For some reason, napapakalma siya ng movie na ito.

Kylo was busy playing with his phone when he heard a snore. Sumilip siya at nakitang nakadapang natutulog si Cailean. Kahit na nakakadalawang kape na ito, nakatulog pa rin.

Nothing changed.

Ganito rin ang dalaga noon, makakatulog sa movie, tutulugan siya. Kahit anim na taon na ang nakalilipas, kahit anim na taon na ang huling beses na nagkasama sila, hindi pa rin nagbabago ang ibang habit ni Cailean. Parang sariwa pa rin sa isip niya ang lahat, kung paano sila nagsimula . . . at kung paano rin sila nagtapos.

They started as friends and ended as strangers na sa tuwing may lakad ang barkada, inaalam muna niya kung kasama si Cailean. Gusto niyang sumama, gusto niyang makasama ito noon. Pero sa tuwing naroon siya o magkasama sila sa iisang kwarto, ramdam niya 'yong pag-iwas nito sa kaniya . . . at mas masakit iyon.

Kylo stood up and took a photo of Cailean. Dapat, ito ang magpo-post dahil tapos na siya, pero since nakatulog ito, siya na.

Naalala niya 'yong isa sa paborito nilang kanta, Ang Huling El Bimbo by Eraserheads. They used to sing this song together . . . hindi niya alam, sasakto ang isang parte ng lyrics sa kanila. Noong magkasama sila, never niyang naisip na maghihiwalay pa sila. They were inseparable and perfect together, but falling out of love was a different thing.

He posted the photo and as usual, it was bombarded with comments and reactions from their colleagues that he had to turn off the notification.

Lumuhod siya at humarap kay Cailean. Nakanganga itong natutulog kaya naman tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok nitong nakaharang sa mukha. Sobrang cute na nagkaroon ito ng pisngi, hindi katulad noon na payatot. Natuto na rin itong mag-ayos, hindi katulad noon na kahit magsuklay, wala.

What six years could do to people . . . sobrang daming nagbago sa kanilang dalawa. Isa lang ang alam niyang hindi pa . . . at sigurado siya roon.

"Babe, hanggang ngayon, dugyot ka," bulong niya, "hindi ka na naman nag-toothbrush, nakatulog ka." He smiled.

'Tang ina, Kylo. Dare ito, hindi comeback.'



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys