3 A.M.
CAILEAN acted as if she was about to vomit when Kylo called her 'babe'. Ayaw niyang ipahalatang nagulat siya kaya nagkunwari na lang siyang nasusuka. Nagulat siya dahil ang tagal na simula nang huli niyang marinig iyon.
The kilabot she felt was not because she was cringing internally, but because she was shocked. It actually felt natural. She didn't want to admit it, but that's how she felt. The 'babe' felt like home, but it's forbidden.
"Nakakasuka ka, Kylo!" pagbibiro niya para lang maging normal ang atmosphere nila dahil parang pinapawisan na ang mga kilikili niya. "Pinagsasabi mo? Hindi ka pa ba nakaka-move on? Uy, move on na! Six years na, uy!"
Nag-iwas lang ng tingin sa kaniya si Kylo at walang sinabi. She felt guilty. She was just trying to lighten up the mood.
Pinilit na niyang ubusin ang iced coffee niya para makaalis na sila. Medyo dumarami pa ang mga tao, siguro ay katatapos lang mag-party. Tinanggal na rin ni Cailean ang hoodie niya dahil naiilang na siya.
Tumingin si Kylo kay Cailean nang bigla na lang nitong tanggaling ang hoodie na suot. Napaisip siya, gano'n ba siya kaayaw nito para tanggalin 'yon? Siguro nga.
Kylo wanted to laugh at himself. He was just torturing himself being with Cailean. Knowing her effect on him, dapat hindi niya na rin ginawa 'to. She was just too bad for him. She was insensitive, she didn't care about what he might think. Nakakatawa lang. Hindi na siya nagsalita o ano. He just waited for Cailean, as always.
"Tara na," anito. "Sure ka bang ayaw mo kumain?" tanong nito.
Umiling lang si Kylo.
"Okay, ikaw bahala," sagot nito at naglakad papunta sa counter at nagsimulang tumingin sa mga display na cake. Nakikipag-usap pa ito sa crew.
Nagtataka si Kylo kung bakit, hanggang sa mag-order ito ng apat na cake at dalawang lasagna. He was about to say something when Cailean looked at him. Mukhang alam nito na nagulat siya.
"Nagugutom pa ako, gusto ko kumain ng maraming cake. May issue ka ba?" biglang tanong nito. "Kung makatingin ka riyan, akala mo naman, bawal kumain ng cake."
Hindi na nagsalita si Kylo. He was low-key laughing at her reaction. Too defensive, wala naman siyang sinasabi. Hindi naman siya nagtatanong, pero nag-a-assume. Bumili pa ito ng dalawang kape kaya naman pati siya, kailangan may hawak na.
"Ang dami mo binili. Ang laki ba ng bituka mo?" pang-aasar ni Kylo at natatawang kinuha ang mga bitbit ni Cailean. "Hindi ka ba nabubusog?"
Hindi ito sumagot. Diretso lang itong naglalakad papunta sa hotel at tama nga ang hinala niya, hindi pa rin ito marunong tumawid. Panay ang tingin nito sa paligid kahit walang sasakyan at parang nag-aalangan.
"Let's go," sabi ni Kylo habang nakatingin kay Cailean. "Sumunod ka lang sa akin. Wala namang sasakyan."
Cailean sighed and walked with him. "Nakakahiya, 'no? Putang ina, ang tanda ko na, pero hindi pa rin ako marunong tumawid kapag walang crowd. Kaya ayaw ko umaalis nang walang kasama, e," sabi nito na humawak pa sa braso niya. "Sorry, alam kong ayaw mo akong kasama, pahawak lang saglit, bibitiw kaagad ako sa kabilang dulo."
"Kunwari ka pa, gusto mo lang maramdaman 'yong maskels ko," pang-aasar niya kaya naman inirapan siya nito. "Sa loob ng anim na taon, hindi ka man lang ba natutong tumawid?"
Umiling lang ito at nang makarating sila sa tapat mismo ng hotel pagkatapos tumawid, kaagad na bumitiw sa kaniya si Cailean at kinuha lahat ng paperbags na hawak niya. Iniwanan din siya nito sa paglalakad at nagmamadaling lumayo.
"Puwede pa po ba mag-stay sa gazebo?" tanong nito sa guard ng hotel park.
Tumango ang guwardiya at pinapasok sila. Nakasunod lang si Kylo kay Cailean na dumiretso sa may swing. Nilabas din nito ang kape at iniabot sa kaniya 'yong isa.
"Nagkakape ka ba?" tanong nito. "Hindi ko alam flavor na gusto mo, kaya pareho lang 'yan."
"Katatapos mo lang magkape, 'di ba?" tanong niya. "Hindi ka ba nagpa-palpitate?"
Umiling si Cailean, tinanggap naman ni Kylo ang coffee cup mula sa kaniya. "Hindi. Usually, nakaka-three shots ng americano ako sa buong magdamag. Fucked up ang sleeping pattern ko dahil panggabi 'yong work ko. Gising ako sa gabi, tulog ako sa umaga."
Humigop si Kylo ng kape na hawak at sobrang pait. Tang ina!
"Wala ka bang sugar diyan?" tanong niya. "Damn, Cailean, this coffee is too strong!"
"Sorry na!" anito sabay halungkat sa paper bag. "Ayan, nanghingi talaga ako ng milk para sa 'yo. Hindi ko naman kasi alam blend mo."
Nakatingin lang si Cailean sa fountain ng hotel na nasa gitna. Nag-iiba pa ang kulay niyon, sobrang ganda. Hindi nga ito isang cheap na hotel, nalaman niyang four-star ito at regalo sa mga kaibigan niyang bagong kasal. Hindi rin siya makahinga nang maayos dahil pakiramdam niya, nasu-suffocate siya sa presence ni Kylo.
"Bakit kasi hindi ka maghanap ng normal hours na work?" tanong nito. "Bakit mas gusto mo sa gabi?"
"Ayaw ko kasi ng traffic," sagot niya bago humigop ng kape. "Aalis ako sa bahay ng midnight, hindi na masyadong traffic n'on. Uuwi naman ako sa bahay ng mga 10 a.m. na. At least, 'yong daan pauwi, hindi rin traffic kasi silang lahat, nakapasok na."
Kylo sighed while looking at her. "It's bad for your health."
"Buhay pa naman ako. Six years na, buhay pa naman ako," sagot niya at naglabas ng cake. "O, hindi ko alam kung gusto mo rin 'yong flavor, baka nagbago na. Pero triple dark chocolate 'yan. Kumakain ka pa ba niyan?"
Tumango ito at walang sinabi. Nagsimula na silang kumain habang nasa swing sila pareho at nakatingin sa fountain na nasa harapan nila. The awkwardness was immaculate. Pareho na nilang hindi alam kung ano pa ang pag-uusapan nila.
Ganito naman yata talaga kapag mag-ex na. Kahit may pinagsamahan, kapag naghiwalay na, wala na 'yong dati at mahirap nang ibalik.
"What's with the blonde hair?" basag ni Kylo sa katahimikan maya-maya. "Bagay naman sa 'yo, pero what's with it?"
Cailean smiled. "Galing kasi ako sa breakup three months ago," sagot niya. "Wala lang, for a change. Gusto ko lang magbago ng buhok, gusto ko lang patayin 'yong buhok ko gamit ang bleach. Successful naman."
Kylo laughed.
"Legit na namatay 'yong buhok ko, king ina lang," natatawang sabi ni Cailean habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri. "Ay, shit, may schedule pala ako ng pagupit ngayon! Hala, shit!"
"Bakit magpapagupit ka pa?" tanong ni Kylo bago sumubo ng cake. Cailean's hair was only around her shoulders. "Ang ikli na ng buhok mo, e."
"Gusto ko pa paiklian. Mga hanggang leeg ba. Naiirita kasi ako, ang tigas-tigas lang." Cailean smiled. "Kahit iwanan na lang kita rito sa hotel, 'tapos maghahanap ako ng salon. Gusto ko na kasi talaga pagupitan ito."
"Anong oras pala tayo aalis dito?" tanong ni Kylo. "Legit bang tatapusin natin 'tong twenty-four hours? Hindi ba, ayaw mo?"
Nagkibit-balikat si Cailean at tumingin kay Kylo. "Nag-e-enjoy na akong asarin ka, e. Ikaw ba, aayaw ka na? Okay lang naman sa akin. Wala rin naman akong pambili ng ticket papuntang Singapore ng sampung kaibigan natin."
"Same," sagot ni Kylo. "Besides, less than twenty-four hours na lang naman na. Let's just do it. Para namang wala tayong pinagsamahan no'n. Dalawang taon din naman tayong halos araw-araw na magkasama."
Natahimik si Cailean sa sinabi ni Kylo. Hindi niya magawang sumagot dahil bumalik sa kaniya 'yong dalawang taon na magkasama sila. It was fun, they were happy, they were inseparable, they were sweet. But things happened, at kapag naaalala niya lahat 'yon, gusto na lang niyang tawanan. Sobrang babaw.
"I don't mean to ask, ano ang nangyari sa last breakup mo?" tanong ni Kylo. "Sorry, y-you . . . you don't have to answer that. It's a private matter."
"Okay lang!" Cai smiled. "Parang others. Hindi na kasi nag-work. Gusto niya mag-resign ako sa work ko kasi may pinagseselosan siyang katrabaho ko. Ano 'yon, limang buwan pa lang kaming magkarelasyon, gusto kaagad niya na iwanan ko 'yong work ko na six years over him."
Lihim na napangiti si Kylo. Nothing changed, that's for sure. Ayaw ni Cailean sa lahat, seloso.
"E, wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko naman kasalanan na maganda girlfriend niya, 'tapos magde-demand siya ng gano'n?" Umiiling pa ito at parang nasusuka na hindi maintindihan. "Hindi ako gano'n, I won't change myself for someone."
Isa iyon sa nagustuhan ni Kylo kay Cailean noong sila pa. She got her own decisions in life. Hindi ito magpapatalo o mag-a-adjust para sa ibang tao. It was fun at first until it became the reason why they broke up.
"Sa kahit anong relasyon naman, walang nagtagal sa akin," biglang sabi ni Cailean kaya napatingin siya rito. "Five exes and here I am, twenty-seven-year-old shit--single and coffee high." Tumingin ito sa kaniya. "Wait, six exes pala, kasama ka. Ang unang ex ko."
Kylo smiled. "Nagbabasa ka pa ba ng libro?" pag-iiba niya sa usapan. "Wala lang. Naalala ko lang noong panahong magkasama tayo. Gumagawa ako ng projects and nagsasagot ng exams. Ikaw, nakaupo sa couch, nagbabasa ng libro o kaya naman nanonood ng movie."
"Nagbabasa pa rin naman, pero mas madalas na wala na akong time," sagot nito. "Kasi kapag nagtatrabaho ako sa magdamag, uuwi naman ako na matutulog na lang. Pagkagising ko, trabaho ulit. Alam mo 'yon, doon na lang umiikot ang mundo ko. I just wanna keep myself busy."
Hindi sumagot si Kylo.
"Anyway, huwag na natin pag-usapan ang boring kong buhay." Tumingin ito sa orasan. "Malapit na mag 4 a.m., ano'ng ipo-post mong picture?" tanong nito sa kaniya. "Pinapansin mo pa ba 'yong comments? Hindi na ako nagbabasa. I-post ko na lang kung ano'ng gusto ko."
Tumingala si Kylo sa langit at nag-isip. Tutal, nag-post si Cailean ng throwback kung saan naggigitara siya, na hobby niya noong sila pa, naisipan niyang mag-post din ng throwback na hobby naman ni Cailean.
Hindi na siya nagsalita. Napatingin lang siya kay Cailean nang maglabas ito ng isang box mula sa paperbag at nagsimula na namang kumain. This time, lasagna ang nilalantakan nito. Parang sa apat na oras na magkasama sila, kain lang ito nang kain.
Tahimik na nagba-browse si Kylo ng pictures sa Facebook niya. Lately rin, lumalabas ang ilan sa past memories doon kung saan may naka-hide na album nila ni Cailean. Hindi niya iyon binura. It was a good memory for him.
Cailean was quietly enjoying her lasagna when her phone beeped and a tagged notification from Kylo popped up. Hindi siya tumingin dito, pero nakikita niya sa peripheral vision niyang nakayuko at nagpo-phone lang ito.
When she opened her Facebook, sobrang daming notifications and comments from their friends. Pero natigilan siya sa naka-upload na picture. It was her, reading a book at his parents' house.
And the caption . . .
Hindi lang iyon basta linya sa libro. It was the same exact words that they had promised to each other years ago. Noong mga panahon na magkasama pa sila, nakahiligan nilang mag-highlight ng sweet na quotes mula sa libro o kaya lyrics sa isang kanta na puwede nilang i-dedicate sa isa't isa.
"The quote." Cailean smiled. "Naalala mo pa rin?"
"It was a promise we made years ago until you decided you don't love me anymore. Remember?"
-
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top