2 P.M.
KYLO observed Cailean's place. For some reason, ganito nga ang ine-expect niya. Sinasabi lang nito na apartment when in reality, it's a condo around BGC. She's just low-key but he knew that she's living comfortably. Matipid si Cailean kaya imposibleng wala itong pera.
Pareho silang tahimik habang nasa elevator. Pinindot ni Cailean ang 27th floor bago tumingin sa kaniya, pero walang sinabing kahit ano. She was just looking at him and it was supposed to make him feel uneasy, pero hindi. Corny man, pero naiisip niya sa tuwing nakatingin sa kaniya si Cailean, siya ang iniisip nito.
"Bakit ka nakangiti riyan?" tanong ni Cailean nang makitang tumaas ang sulok ng labi ni Kylo. Hindi niya kasi ito maalisan ng tingin. She was memorizing every detail of his f ace because this might be the last.
Closure ang hinihingi nito sa kaniya, she would give it to him para parehas na silang makausad.
"Wala lang, you're staring at me as if you still love me," Kylo answered without hesitation. "Ganiyan mo ako titigan no'n, e." He smiled.
Ngumiti lang din si Cailean at hindi na nagsalita. Alam niyang maraming makikita si Kylo sa condo niya, pero wala na siyang pakialam doon. Susulitin niya na lang ang ilang oras na magkasama sila, susulitin niyang titigan si Kylo dahil hindi niya alam kung mauulit pa ba ito.
Ayaw man niyang aminin sa sarili na kahit siya, kailangan ng closure dahil kahit siya, hindi makausad sa anim na taon.
Nang tumigil ang elevator, nauna siyang lumabas. Natatawa siya dahil may bitbit pa ring plastic si Kylo. Binilhan daw siya nito ng pagkain dahil alam nitong mas mahilig siya sa fast food, which was true. Hindi siya nagluluto dahil wala na rin siyang time.
"Ano'ng dala mo?" tanong ni Cailean habang binubuksan ang pinto. "Bakit naman ang dami niyan?"
"Baka tatlong araw mo lang 'to, Cailean," tumatawang sabi nito. "Takaw mo, e."
Cai smiled. "May Pancit Canton ba riyan?"
"Oo." Tumango ito. "Kumakain ka pa rin ba ng Pancit Canton na may itlog, repolyo, at saka toasted bread na may butter?"
Hindi nakasagot si Cailean dahil, oo, iyon pa rin ang paborito niyang meryenda sa tuwing may time siya magluto. Sa tuwing wala siyang trabaho, iyon ang kinakain niya.
Pagbukas ng pinto, ngumiti si Kylo. "Bakit ko ba iniisip na nagbago ka? Even your condo slightly looked like your old apartment."
"Alam mong hirap ako sa changes," sagot ni Cailean. "Maupo ka na muna riyan, make yourself comfortable."
Hindi na nagsalita si Kylo. Binaba niya ang groceries sa lababo ng condo ni Cailean. Iba ang apartment nito, totoo . . . pero ang ayos, halos kapareho lang ng old apartment ni Cailean. Hindi rin ito kalakihan, it's a studio type condo na medyo maliit, pero may balcony.
Dumiretso naman si Cailean sa may closet area at kumuha ng damit. Sa closet area, katapat n'on ay kama na may fairy lights, posters ng mga paboritong banda nito.
"You still love them?" tanong ni Kylo na tinuro 'yong posters ng Fall Out Boys, Paramore, at My Chemical Romance. "Pinakikinggan mo pa rin sila?"
Cailean nodded while looking at those posters. "Oo naman. Siguro kung makikita mo 'yong Spotify ko, sila pa rin ang laman." Natigilan ito at tumingin sa kaniya. "Makikita mo na 'yong playlist ko, gano'n pa rin, six years ago ang naroon."
"Same," Kylo casually answered.
"Maliligo lang ako, nanlalagkit na talaga 'ko, basa na ang kilikili ko. Kung gusto mo na umalis, i-lock mo na lang 'yong pinto. I'll be okay, thank you sa paghatid."
Kumunto ang noo ni Kylo. "Grabe lang, papaalisin mo na kaagad ako? Can I stay even just for a few minutes?"
"Suit yourself." Cailean smiled before going inside the bathroom.
Naupo lang si Kylo sa sofa. He observed her place. Same color, Cailean's into neutral colors kahit noong college sila. Her apartment was in nude, pati itong condo nito ngayon. Minimalist din ang theme nito na walang masyadong gamit, walang masyadong kalat. Still neat.
Malalim ang iniisip niya dahil inaaalala niya ang nakaraan nang dumako ang tingin niya sa gilid ng aparador at parang may gitarang nakatago. Tumayo siya para tingnan 'yon, hindi siya nagkamali. Cailean had a guitar, but as far as Kylo could remember, she didn't even know how to play one.
Kinuha niya 'yon at sinipat. Malinis pa. Ni walang bahid ng alikabok, kapapalit lang din ng strings, pero halatang may kalumaan na ang mismong gitara dahil may ilang parte na may patches na. Bumalik siya sa sofa dahil narinig niyang wala ito sa tono. Wala siyang idea na naggigitara si Cailean dahil noong sila pa, ayaw nitong magpaturo sa kaniya.
He strummed the guitar. Matagal na simula noong huling beses siyang kumanta, matagal na 'yong huling beses na humawak siya ng gitara. Mahina siyang kumanta ng Dati, na bigla na lang niyang naisip.
"Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat. Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat."
Sakto namang lumabas ng banyo si Cailean, nakasuot na ito ng T-shirt at pajama. Natigilan ito at napatitig sa kaniya, wala itong sinabi, tahimik lang itong naglakad.
"'Di ba't ikaw nga 'yong reyna at ako ang iyong hari, ikaw 'yong prinsesang sagip ko palagi . . ." bulong na kanta ni Kylo habang nakayuko, "ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari, ngunit 'di ang pagtingin na 'gaya pa rin ng dati."
Nakatalikod si Cailean at inaayos ang towel dahil kung puwede lang niyang takpan ang mga tainga niya, ginawa na niya.
"You play?" biglang tanong ni Kylo.
Tipid na tumango si Cailean. "Oo, nag-lessons ako. Wala lang, gusto ko lang matuto." Ngumiti siya. "Ikaw, naggigitara ka pa rin ba?"
"Hindi na." Umiling si Kylo. "Ngayon na lang ulit. Simula no'ng . . .." Hindi niya maituloy ang sasabihin.
"No'ng?"
"Tinapon ko 'yong gitara ko no'ng huling beses na kumanta ako ng Grenade." Ngumiti siya.
Napalunok si Cailean sa sinabi nito. "Iyong binili natin?"
Tumango si Kylo. "Oo, tinapon ko 'yon after ng last cover ko ng Grenade. Naaalala lang kita, e. Naalala ko kasing hati 'yong pinambili natin doon kasi first anniversary natin." He smiled. "Simula rin no'n, hindi na ako tumugtog. Akala ko rin kasi, mas mapabibilis 'yong pagmu-move on ko."
Hindi nakapagsalita si Cailean, patuloy pa rin ang pag-strum ni Kylo sa gitara.
"Pero siyempre, mas lamang 'yong memories natin. Kahit na tinapon ko na lahat ng mayroong kumukonekta sa 'yo at sa akin, hindi ko pa rin nagawa." Tipid itong ngumiti. "Wala pala sa tono 'tong gitara mo, pero maayos na siya."
"Thank you." Cailean smiled. "Gusto mo muna kumain bago ka umalis? Magluluto ako ng mahiwagang Pancit Canton, baka sabihin mong bad host ako para paalisin ka nang gutom."
Ngumiti si Kylo at tumayo. Ipinatong niya ang gitara sa sofa. "Ako na magluluto. Alam mong ayaw ko 'yong way ng pagluluto mo kasi masyadong malambot 'yong noodles. Ako na bahala. Okay lang naman sa 'yo na galawin ko 'yang kusina mo?"
"Ikaw bahala," sagot ni Cailean na lumabas ng balcony para huminga. She felt suffocated, not because she hated Kylo.
Hindi siya makahinga nang maayos dahil bumabalik na sa kaniya lahat, kung paano sila nagsimula, paano sila during the relationship, at kung paano niya mismo tinapos kung ano 'yong mayroon sila.
"Hey, are you okay?" tanong ni Kylo na sumunod pala sa kaniya kaya nagulat siya. "Nag-iinit pa lang ako ng tubig. Are you okay? Aalis na lang ako if I make you feel uneasy."
Umiling si Cai. "Not really, for some reason, you make me feel safe. I never had this feeling before . . . ." Kumunot ang noo niya. "It's weird that . . . it feels like I'm home."
Walang sinabi si Kylo habang nakatingin sa kawalan, katulad niya.
"Ayaw ko man aminin sa sarili ko, Kylo, nahihirapan na ako." She tried to smile. "Nahihirapan akong pilitin ang sarili ko na wala na akong nararamdaman sa nakaraan natin, pero punong-puno ako ng regrets. Punong-puno ako ng pagsisisi na nakasakit ako, hindi ako matahimik kasi . . ."
"Kasi?"
"Kasi kinukonsensya ako ng mga barkada mo for years." Pinunasan niya ang luhang hindi na napigilan. "Sinisisi nila ako kung bakit ka pumunta ng New Zealand. Sa tuwing magkikita ang barkada, sinasabi nila na sana, nandito ka kung hindi ako nanggago."
Kumunot ang noo ni Kylo. "No, sorry, hindi ko alam. They shouldn't have said those words. I'm sorry."
"Okay lang, totoo rin naman 'yong sinasabi nila, e. Sinabi mo rin naman sa akin 'yon noon, 'di ba? Na aalis ka na lang for good kasi kung hindi, baka hindi ka makatiis, hahabulin mo pa rin ako?" Tumingin si Cailean kay Kylo. "Pero naging matigas ako noon, na tinulak pa rin kita palayo. Dahil sa putang inang pride ko, kinalimutan ko kung gaano kita kamahal no'n. Dahil sa putang nang pangarap ko, nakalimutan kong mangarap kasabay mo."
"Don't blame yourself," sagot ni Kylo, "hindi mo kasalanang nangarap ako nang kasama ka."
"Fuck, Kylo." Umiling si Cailean. "Kasalanan ko kung bakit tayo natapos, pero ganiyan ka pa rin? Isang tanong, isang sagot . . . mahal mo pa ba ako?"
Kylo was just staring at Cailean. Nakikita niya ang namumuong luha sa mga mata nito, he was making her cry. Naalala rin niya kung paano siya umiyak sa harapan ni Cailean, balikan lang siya, pero iniwan siya sa ere.
"Kylo, isang tanong . . . isang . . . sagot," pag-uulit nito. "Mahal mo pa ba ako?"
"Kung ang sagot, oo . . . itutulak mo ba ulit ako palayo, 'tulad noon?"
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top