12 MN
WARNING: Kapag nabasa ito, huwag makipagbalikan sa mga ex. 😉
🖤
"TIME starts now, Cailean and Kylo."
"Putang ina n'yong lahat!" singhal ni Cailean bago tinungga ang isang baso ng strawberry juice na hawak-hawak niya. "Tang ina naman! Wala bang ibang dare?"
Natatawang umiling si Marga. "Gaga! Binunot 'to, hindi pinili. Huwag kang KJ, Cailean. Dare lang 'to. At saka, isang araw lang naman, e. Galit na galit, gustong manakit?"
"Boba! Ex ko 'yan, Marga!" Halos sabunutan na niya ang sarili sa sobrang inis. "Halos anim na taon na kaming hindi nag-uusap, 'tapos gusto mo, mag-aasawa challenge kami? King ina naman."
Ngumiti si Kylo habang nakatingin kay Cailean. Halatang ayaw nito ang gagawin nila, siya rin naman. Isa pa, knowing Cailean? Paniguradong bente kuwatro oras silang magbabangayan.
"Wala kang magagawa, Cai." Tumawa si Jep. "Nabunot kayong dalawa na gumawa ng dare. Unless, gusto n'yo manlibre papuntang Singapore?"
"Tanga, wala akong pera!" asik ni Cailean. "Punyeta naman!"
Halos lahat silang magkakaibigan, natatawa kung paano magalit si Cailean. E, ano'ng magagawa nila? Challenge nga. Kailangang bumunot galing sa mga guest. Isang babae at isang lalaki ang kailangang gumawa ng dare. Hindi lang iyon ang dare na naroon sa fish bowl--french kissing, uminom ng libang shot ng tequila, skinny dipping, at kung ano-ano pa.
Sa lahat ng mabubunot, sina Cailean at Kylo pa talaga--college sweethearts na naghiwalay six years ago pa. Ni isa sa kanilang magbabarkada, walang nakakaalam ng dahilan. Iisa pa ang circle of friends nina Cailean at Kylo, kaya nang maghiwalay ang dalawa, hindi sisipot ang isa sa mga gathering kapag kasama ang isa.
"Mag-i-skinny dipping na lang ako," prisinta ni Cailean. "Please, ayaw kong gawin 'yong dare!"
Umugong ang tawanan ng lahat.
"Ikaw bahala. Ang kill joy mo naman! Twenty-four hours lang naman. Ang big deal, ha?" pang-aasar naman ni Jasmine, ang bakla nilang kaibigan. "Six year na ang nakalipas, may pait pa rin? Bitter pa rin, Cai?"
"Gago," Cailean mouthed. "Sana pala hindi na lang ako um-attend dito. Sana pala, nanahimik na lang ako sa bahay. E di, sana'y maayos 'yong tulog ko. King ina naman kasi!"
Kylo was just looking at Cailean. He's fully aware that Cailean didn't want to be with him, naiintindihan niya iyon, but a part of him wanted to do this challenge. It had been years since they last talked. Nag-iiwan na sila pagkatapos nilang maghiwalay, lalo pa't umalis siya papuntang New Zealand pagkatapos ng graduation.
"Isang araw lang, Cai," pamimilit pa ni Marga. "After n'on, e di, maging bitter na ulit kayo sa isa't isa. Ni hindi nga namin alam dahilan ng paghihiwalay ninyo, e. Nasa sa inyo na 'yon. Katuwaan lang 'to, Cai."
Umiling si Cailean. "Kung sa inyo, nakakatuwa, sa amin, hindi. What-the-fucking-ever. Ano ba ang kailangan naming gawin sa loob ng twenty-four hours?"
"Ano ba ginagawa ng mag-asawa?" natatawang sambit ni Ella. "Guys, ano raw gagawin nila? Sa mga kasal na rito, ano ba madalas ginagawa ng mga mag-asawa bukod sa mag-away?"
Natawang nagtaas ng kamay si Luella, ang may asawa nilang kaibigan. "Nagse-sex."
"Tang ina n'yo!" Umirap si Cailean na ikinatawa muli ng lahat.
"Nagba-blush si gaga," pang-aasar ni Marga. "Joke! So, 'yon nga . . . twenty-four hours, wala namang rules kung ano ang gagawin ninyo, pero kailangan n'yo rin mag-upload ng pictures kada oras kung ano na ginagawa n'yo. Huwag lang spg, ha? Baka ma-MTRCB tayo, shet, mahirap na!"
Tahimik lang si Kylo na nakikinig sa mga kaibigan. Alam niyang hindi papayag si Cailean, matigas pa sa bato ang puso at ulo nito. Inaasahan na rin niyang hihindi ito, pero bigla na lamang itong lumapit sa kaniya at umupo sa mismong tabi niya. Hindi ito nagsalita agad, nakatitig lang.
"W-what?" aniya.
"So, papayag ka ba na paglaruan nila tayong dalawa?" tanong nito. "Wala naman akong pera pambili ng ticket pa-Singapore sa mga hinayupak na 'to. Ano? Ikaw, may pera ka ba riyan?"
Umiling si Kylo habang nakatitig kay Cailean. Anim na taon na ang lumipas, pero wala pa ring nagbabago sa mukha nito. Ganoon pa rin, umikli lang ang buhok. She didn't age at all.
Huminga nang malalim si Cailean at tumingin sa mga kaibigan nila. Sila- sila na lang ang natitira sa reception dahil nag-inuman muna sila at naglaro nang kaunti. Nang makita niya si Kylo bago magsimula ang kasal, gusto na niyang tumakbo papalayo, pero ayaw niya namang magmukha siyang tanga. Ilang taon na ang nakalilipas, ganito pa rin siya.
'Boba,' sita niya sa sarili, ngunit sa loob-loob niya lang.
"Ano, game na ba? Ilang minuto na ang lumilipas, o! Sayang ang oras ninyo. Twenty-four hours lang 'to, guys," untag ni Elmer, ang asawa ni Marga. "Wala naman tayong rules dito. Bahala kayo sa gusto ninyong gawin, basta kailangan ninyong mag-upload sa Facebook per hour—both Facebook, ha! Bawal madaya."
Nanatiling walang imik si Cailean habang umiinom ng juice. Si Kylo naman ay nakaupo lang din doon.
"Also, itong challenge na ito, dahil medyo mahirap, nag-decide kami ni Marga na 'yong regalo sa aming pang-honeymoon na room, gamitin n'yo na lang since babiyahe na rin kami papuntang Japan. Hindi namin 'yon magagamit," ani Elmer. "Bahala kayong dalawa kung ano gusto n'yong gawin. Baka mamaya, after ng challenge, may comeback."
Muling naghalakhakan ang lahat, pero sina Cailean at Kylo, nanatiling seryoso. Tahimik lang at kapwa hindi kumportable sa mangyayari.
Nagpaalam na rin ang mga kaibigan nila maya-maya. Nakasuot pa ng gown si Marga kasama si Elmer na hinatid sina Cai at Kylo sa hotel room na ipahihiram sa kanila. Sa elevator pa lang, ramdam na ramdam na agad ang tension. Walang ideya ang mga kaibigan nila kung bakit sila nagkaganito dahil noon, ni hindi mapaghiwalay sina Cailean at Kylo. Kaya nang mag-break silang dalawa, nawindang at nadamay ang buong barkada.
Lahat ay kinailangang mag-adjust. Lahat ay hindi alam ang gagawin para lang makumpleto ang barkada. Ngayon na lang talaga ulit, sa kasal nina Marga at Elmer. Pilit ng lahat pauwiin si Kylo sa Pilipinas, lalo pa at may sakit ang kaibigan nilang si Jasmin. Laking tuwa ng lahat nang mag-compromise sina Cailean at Kylo.
"So, ito 'yong room na gagamitin ninyo for twenty-four hours, ha?" ani Marga pagkarating doon. "Maghihintay kami ng updates ninyo. Huwag madaya, ha! Lahat kami, gumawa ng dare."
"Hindi naman kasi mag-ex 'yong mga may dare," himutok ni Cai. "Anyway, isang araw lang naman. Sana masaya kayong lahat. Sana masarap 'yong pagkain n'yo bukas at sana makatulog kayo nang maayos." Pagkatapos ay pabagsak na humiga ng kama.
Nagkatinginan sina Elmer, Marga, at Kylo. Pare-pareho silang natawa lalo na nang magtalukbong ng kumot si Cailean kahit suot pa nito ang bestidang ginamit sa kasal.
"First posting challenge, mag-post kayo na sweet kayo. Hintayin n'yo sa comments 'yong instruction sa next picture challenge," sabi ni Marga.
Nanlalaki ang mga matang napabalikwas ng bangon si Cailean. "Putang ina, wala 'yan sa rules, ah?"
Inabot ni Elmer 'yong mismong dare paper. Nanlaki ang mga mata nina Kylo at Cailean, pagkatapos ay nagkatinginan.
24 hours Asawa Challenge. Document by posting on Facebook. Pose instructions will be commented after each post.
"Sino unang magpo-post?" tanong ni Kylo kapagkuwan.
Marga smiled and carried her things. Katatapos lang kasi nito magpalit ng damit. "Si Cailean, 'tapos ay alternate na kayo. Kung gusto n'yo rin at nag-e-enjoy na kayo, parehas na kayong mag-post." Lumapit si Marga sa pintuan at hinatak si Elmer. "O, s'ya, aalis na kami. Enjoy tayong lahat sa dare n'yo!"
Umirap lang si Cailean at naupo naman si Kylo sa sofa para mag-browse ng phone. Sobrang awkward, ni walang nagsasalita. Ultimo paghinga ng isa't isa, naririnig na nila.
Maya-maya'y biglang tumayo si Cailean kaya sinundan ito ng tingin ni Kylo. Dumiretso ito sa aparador dahil nag-iwan sina Marga at Elmer ng hoodie para sa kanilang dalawa. Sa hoodie, may nakasulat na Bride at Groom kaya natawa sila parehas. Sinuot pa rin naman iyon ni Cailean.
"Patayin na lang natin 'yong aircon kung giniginaw ka," sabi ni Kylo.
Umiling si Cai. "Hindi, bababa ako. Bitin ako sa pagkain kanina sa reception, e. Nakita kong may KFC sa baba. Nagugutom na ako."
"Sama ako. Challenge tayo, walang iwanan this time," ani Kylo sabay tayo. Kinuha rin niya ang isa pang hoodie na nakasabit. Isinuot niya iyon at pagkasara niya ng closet, kapwa sila nakaharap ni Cai sa salamin. Muli silang natawa dahil sa Bride and Groom na nakalagay sa mga jacket nila.
"Tang ina, kadiri." Umirap si Cailean at saka tumalikod. Kinuha niya ang hotel keycard at lumabas nang hindi hinihintay si Kylo.
Kylo just smiled. Hindi na nga nagbago ang mukha, pati ang ugali, ganoon na ganoon pa rin. It had been years, but the woman he's with was just like the old Cailean he used to love during their college days.
Habang nasa elevator, nakaharap sila sa salamin.
"Mirror shot na tayo, malapit na matapos 'yong oras, e," sabi ni Cailean kay Kylo. "Kailangan ba talaga, sweet? E, kahit naman no'ng naging tayo, hindi tayo sweet. Ang cringe, puta."
Kakamot-kamot ang ulong tumawa si Kylo habang nakatingin kay Cailean. Nagme-make face ito nang nagme-make face na tila pa diring-diri sa katotohanang iyon. Hawak nito ang phone na parang may kinakalikot.
"Paanong picture ba gagawin natin? Paano ba maging sweet?" tanong pa nito.
Sinilip ni Kylo kung ano ang ginagawa ni Cailean. Nagba-browse ito sa Pinterest kung paano mag-pose na nagmumukhang sweet. Mahinang natawa si Kylo. Nanlilisik ang mga matang bumaling sa kaniya si Cailean.
"Ano'ng nakakatawa?" tanong nito. "Ano, mag-picture na tayo para tapos na. Hayop na challenge 'to, literal na challenging."
Hindi na nagsalita si Kylo. Nagsimula na silang gayahin 'yong mga peg na nakita ni Cailean, pero habang tinitingnan nila 'yong mga nakuha nila, parang walang dating. Kung ano-anong poses na ang ginawa nila, wala pa rin. Nagsimula nang mainis si Cailean hanggang sa kunin na ni Kylo ang phone nito.
"Ganito kasi," ani Kylo sabay akbay kay Cailean habang nakatutok ang phone sa salamin ng elevator. Bahagya niyang niyakap si Cailean, inilapit ang katawan nito sa kaniya, pinatong ang baba sa ulo na para bang niyayakap ito, sabay click. "There, done."
Nagmamadaling humiwalay si Cailean kay Kylo. Amoy na amoy niya ang pabango nito--mas mabango na kumpara sa gamit nito noong college sila. Noon kasi, Johnson's blue lang ang gamit nito. Amoy baby!
Pigil na napabungisngis si Cailean kaya naman yumuko siya. Ang awkward na nga ng hoodie na suot-suot nila, awkward pa no'ng picture dahil parang 'sila' talaga. Kadiri!
"It's already 12:54 a.m., na-post mo na ba?" tanong ni Kylo. "Baka naman ine-edit mo pa, ha? Hindi na nga kita kung gaano ka kinikilig kasi tinakpan ko na ng phone, e."
Nanlaki ang mga mata ni Cailean. "Parang tanga, ha? Ipo-post ko na. Tang inang challenge 'to, daming demand! 'Kala kasi, nakakatuwa."
Nakatitig lang si Kylo kay Cailean na sige pa rin sa pagsasalita. Hindi niya mapigilang mapangisi. Sa loob pala ng anim na taon, posibleng hindi magbago ang isang tao. He was just smiling while looking at her when his phone beeped. Maraming notification at messages siyang natanggap, karamihan ay galing sa mga kaklase nila noong college, nagtatanong kung nagkabalikan daw ba sila ni Cailean.
"Unblock mo na ako," ungot ni Kylo. "Ang tagal mo na akong bina-block. Dali. Challenge."
Inirapan lang siya ni Cailean, pero makaraan ang ilang minuto, nakatanggap siya ng notification na in-add siya nito sa Facebook. He accepted it and saw their picture. P-in-ost na nito iyon at ang dami nang interaction, kaya naman pala napakaraming nagtatanong.
"Tang ina nito ni Luella, ang baduy!" bulalas ni Cailean kapagkuwan. "One hour done, twenty-three more to go, puta."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top