11 P.M.
CAILEAN was facing the mirror while fixing herself. Naglalagay siya ng concealer sa ilalim ng mga mata niya dahil magang-maga iyon kaiiyak niya bago makatulog. Her face looked so dull and sad and she couldn't explain it. She looked miserable, but she's still trying to smile.
Tumingin siya sa orasan, it's 11:01 p.m. One more hour, then the challenge would be over. Ni hindi na nila nasunod ang mismong challenge dahil pareho na silang nag-decide na huwag mag-social media kaya panay rin ang tunog ng phone niya. Messages from their friends, messages from Marga, her family, batchmates, everyone who knew Kylo.
Maraming nagtatanong kung nagkabalikan na ba sila. Natatawa na lang siya dahil hindi. She just gave him the closure he wanted, she shared what happened to her life the past six years, at kahit papaano, nakaramdam siya ng kagaanan. She'd been carrying the burden for the past six years because she knew what happened. Sinaktan niya si Kylo, ang taong naniwala sa kaniya.
Cailean was putting on some lip tint when Kylo moved. Nakita niya ito sa salamin at mukhang naalimpungatan ito na parang may hinahanap.
"Hey."
Lumingon siya. Nagtama ang mga mata nila, nakita ni Cailean kung paanong lumambot ang expression ng mukha ni Kylo nang makita siya. "Katatapos ko lang mag-ayos. 'Buti nagising ka na rin kasi aalis na rin tayo mayamaya. I plan to walk. Ikaw, aalis ka na ba?"
Umiling si Kylo at inayos ang nagulong buhok nito dahil nakatulog sa sofa habang nakaupo. Nagising si Cailean na nakaunan sa legs ni Kylo habang hawak nito ang buhok niya. Nang ma-realize 'yon kanina, muli siyang napahagulgol. Ang sarap pa rin sa pakiramdam.
Cailean smiled. "Puwede ka na umalis kung gusto mo, I'll be okay. I know inaantok ka pa. Maraming taxi sa area or you can just use Grab. Hindi ka mahihirapang makahanap."
Walang sagot si Kylo kaya naman tumalikod na siya para ipagpatuloy ang pag-aayos niya sa sarili. Ayaw na niyang umiyak, pigil na pigil na siya. Minutes na lang ang bibilangin niya, she planned to make it worth it. Pero paano? Hindi niya alam. She didn't know, she didn't want to let go . . . but she had to.
Panay ang paypay niya sa sarili para lang pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. Nawala na rin si Kylo sa paningin niya kaya sinimulan na lang niyang ayusin ang sarili. Ilang saglit pa, lumabas ito sa bathroom.
"I used your mouthwash. I hope you won't mind," he said.
Nakangiting nilingon niya ito. "No worries. Nagugutom ka ba? May sandwich akong ginawa para sa baon ko. Puwede mo kunin 'yong isa."
"No, alam ko naman na kulang pa sa 'yo 'yon," anito na nakangiti. Nakatingin ito sa kaniya sa salamin at nakasandal sa sofa. "Ano'ng kinakain mo kapag nasa office ka? Are you sure na hindi ka nagyoyosi?"
Umiling si Cailean. "Siraulo, may asthma ako, 'tapos yosi? E 'di, namatay ako nang maaga?" She smiled. "Mas madalas na coffee. Alam mo naman 'yong blend ko, gano'n. Tapos minsan, may pakain sa office 'yong mga manager."
"Hindi ka kumakain ng healthy food during shift?"
"Ano ba'ng definition mo ng healthy? Salad?" Cailean joked.
"Normal meals, Cailean," sabi ni Kylo. "Like rice or carbs, whatever na hindi coffee?"
Tumingin siya kay Kylo. "Pag-uwi or bago umuwi, dumadaan na ako ng pagkain sa mga karinderyang nakabukas, doon na ako kumakain or take out. I hate cooking, you know that."
"You should marry someone who loves cooking para hindi ka na bibili," biglang sabi nito na nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa balcony area.
Nag-focus si Cailean sa sarili at humarap sa salamin. Kagat niya ang pang-ibabang labi, time is ticking. It's almost 11:20 p.m., kakaunti na lang ang oras na natitira sa kaniya, pero wala na siyang balak gawin.
Ayaw na niyang bigyan ang sarili ng rason dahil paulit-ulit na sinisigaw ng isip niya na kailangan na niyang pakawalan kung ano man ang nararamdaman niya kay Kylo para pareho na silang makausad. Natutuwa siyang naibigay na niya ang hinihingi nito . . . pakiramdam niya, nakahinga na rin siya.
'Pero bakit parang mas nasasakal ako?'
Pilit na kinakalma ni Cailean ang sarili dahil kung hindi, hahagulgol siya. Ramdam na ramdam na niya ang paninikip ng dibdib niya. Akala niya, mas magaan kapag pinalaya na niya, pero dumating ang kinatatakot niya na posibleng hindi niya magawang kumawala kapag nagkita ulit sila.
It was so hard for her to let go. Sa loob ng anim na taong wala si Kylo, she was already making scenarios of what could happen if ever na magkita sila ulit. That's the reason why she tried to be hard on him, making jokes, and making herself look unlikeable so he would just hate her.
Ni hindi niya naisip na magagawa ni Kylo makipag-usap sa mga kaibigan nila para lang magkaroon sila ng closure. Siguro nga, gano'n na rin ito kahirap . . . para makiusap sa iba na mag-setup, para harapin siya na tapusin na ang lahat.
Sinusuklay ni Cailean ang buhok. Maikli na 'yon kaya naman hindi na mahirap i-manage. Sakto naman na pumasok si Kylo. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Gustuhin man niyang umiwas, hindi niya kaya.
"Wait lang, ha?" Her voice was starting to get shaky. "Malapit na rin ako matapos. Medyo matagal lang din talaga ako mag-ayos kasi 'yong kilay ko, dapat on fleek. Alam mo na, hindi puwedeng mukhang kawawa kasi nga, manipis 'yong kilay ko. At saka nag-a-eyeliner din ako para mukhang matapang na Korean. Sabi ko nga, 'di ba, na minsan, wala na nakikipag-usap sa akin kasi akala, Korean ako na hindi marunong mag-English." She tried so hard to laugh.
Nothing from Kylo, he was just looking at her.
"'Tapos ang daming treatments sa buhok, pinapatuloy ko pa kapag gabi kaya minsan, late rin ako sa office. Napagagalitan na nga ako kasi walking distance na nga lang 'yong office ko, late pa ako!" Natawa siya. "Gano'n ako kalala. Hindi rin puwe–"
Natigilan si Cailean sa pagsasalita nang maglakad si Kylo palapit sa kaniya. She was frozen, especially when he got so close. Hindi alam ni Cailean kung ano ang gagawin ni Kylo until he leaned down towards her and hugged her from behind.
Nakatingin siya sa reflection nila sa salamin. He was hugging her from behind and his face was buried on the hollows of her neck.
Pigil na pigil ang luha ni Cailean, hindi siya makahinga nang maayos, at para siyang sinasakal dahil sa bigat ng pakiramdam.
"Five minutes, Cailean," bulong nito. "Limang minuto."
Cailean nodded. "Nakakainis ka, e. Pinapaiyak mo ako! Paano na 'yong concealer ko! 'Buti na lang, waterproof ang mga ginamit kong makeup kung hindi, mapagagalitan ako kasi late ako!" She tried to smile but failed. "Five minutes lang, ha? Kapag sumobra ka na, may penalty na. Malaki na bayad."
Narinig niyang mahinang natawa si Kylo mula sa leeg niya.
Mahabang katahimikan, walang nagsasalita. Both decided to keep quiet until Kylo started whispering a song that broke her heart even more.
"Why did it have to end so soon when you said that you would never leave me?" kanta ni Kylo sa isang linya mula sa Tell me ni Side A.
Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Aware siya na masisira ang beauty niya, but what is beauty if her heart was empty?
Mahinang-mahina ang pagkakakanta ni Kylo, pero rinig na rinig niya. "Tell me, where did I go wrong? What did I do to make you change your mind completely? This love would never end, but if this love's not ours to have, I'll let it go."
"Kylo naman, e. Iyong makeup ko, mabubura!" humahagulgol na sabi niya. "Nakakainis ka naman, sinusulit mo talaga 'yong natitirang thirty minutes, 'no? Hindi na nakatutuwa, ha!" pagbibiro niya. "Uulit na naman ako sa makeup kasi nabura na!"
"Ayaw ko mag-goodbye, Cai," bulong nito.
Ngumiti si Cailean. "E di, huwag ka mag-goodbye. Puwede ka namang umalis nang walang sinasabi, just leave everything behind." Iniangat niya ang kamay at hinaplos ang buhok ni Kylo. "And bury everything na regarding sa past. Uulitin ko, sorry for inflicting pain, Kylo. Hindi ko na maibabalik ang dati . . . but you have a better future ahead of you. Live and be happy."
"Paano ka?" Nag-angat ito ng tingin.
"I am happy!" She smiled but her eyes were telling otherwise. Muling bumalong ang mga luha niya, mabuti na lang talaga, waterproof ang makeup niya. "I am happy, Kylo. Believe me. Hindi man ako mukhang masaya ngayon, I am happy."
Hindi nagsalita si Kylo.
"Masaya akong nakuha mo na 'yong closure na gusto mo at makauusad na tayong dalawa kasi malinaw na. Masaya ako na nakuha mo lahat ng gusto mo, masaya ako para sa 'yo." She smiled and caressed his cheek. "Masaya ako na hindi ko na kailangang mag-isip kung kumusta ka na kasi alam kong okay na okay ka. Masaya ako sa kung ano ang mayroon ka, sana maging masaya ka na rin para sa akin. I am happy and I will be happy."
Humiwalay si Kylo sa pagkakayakap sa kaniya at lumuhod sa gilid niya. Kumuha ito ng tissue na nasa table bago humarap sa kaniya. Maingat nitong pinunasan ang mukha niya dahil basang-basa na sa luha.
Wala itong sinabing kahit ano, he was just drying her tears away.
Cailean closed her eyes.
Kylo decided na ihatid si Cailean sa office nito. Tama nga, walking distance lang ito. Maganda ang area kung saan nakatira si Cailean. Maraming establishments, matataas ang buildings. Kahit hatinggabi na, marami pa ring tao dahil buhay ang lugar na 'to sa gabi.
Maraming café, maraming bar, maraming opisinang bukas kaya alam niyang safe.
"Bakit ka nagga-Grab minsan kung malapit lang naman pala? Maganda nga para ma-exercise ka, e!" sabi niya habang naglalakad sila nang sabay ni Cailean. Hawak nito ang hoodie, pero naka-dress. "Hindi ka ba nilalamig sa office kapag ganiyan kaikli ang dress mo?"
Umiling si Cailean. "Comfortable naman, at saka madalas akong naka-indian sit doon tapos may blanket na naka-ready kaya okay lang. Need ko lang ng hoodie." Ngumiti ito.
"Dadaan muna ako sa café sandali," anito na itinuro 'yong sikat na café. "Bibili na ako ng coffee ko. Medyo kulang ako sa tulog, inaantok ako. Ikaw, gusto mo ba? Treat ko na. Last time."
Tango lang ang isinagot ni Kylo.
Naglakad sila papunta sa café. Katulad ng dati, hindi ito marunong tumawid, kailangan pang maghintay ng kasabay. There, hinawakan niya ang kamay ni Cailean na ikinagulat nito, pero agad din namang ngumiti.
They were walking hand in hand, nauuna ito sa kaniya and he was looking at their hands. It felt perfect, but he had to let it go soon.
Tumingin siya sa orasan, it's 11:34 p.m.
Nilabas niya 'yong cellphone niya at kinuhanan ang kamay nilang dalawa. Sobrang sabog ang notification at messages niya, pero wala na siyang pakialam.
He posted the picture with that famous line from Ang Huling El Bimbo.
'Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay, na tinuruan mo ang puso ko na umibig nang tunay.'
Nang makarating sa café, itinago niya ang phone at sumunod kay Cailean. Nakita niyang kilala na ito dahil bumati kaagad ang guard pati na ang barista.
Nalungkot siya nang bitiwan ni Cailean ang kamay niya para mag-order. Tumingin ito sa kaniya. "Ky! Same order no'ng kahapon or . . .?"
"Same as yours," aniya.
Ngumiti ito at nakakunot ang noo. "Akala ko, ayaw mo ng blend ko kasi bitter?"
"Kailangan ko na kasing gumising sa katotohanang mamaya, wala ka na," sagot niya sabay ngiti.
Natawa si Cailean. "Okay, two shots Americano for you para magising ka na sa katotohanang kailangan na nating isara 'tong chapter na ito." Humarap ito sa barista. "Two orders po ng Americano with two shots, ha. Dagdagan mo na rin ng hazelnut and vanilla pump, para medyo maging sweet."
"Hindi mo 'yon blend, Cailean, e!" pagbibiro ng barista. "Ano'ng nangyari, bakit bigla kang naging sweet?"
Cailean smiled. "Bawal magbago, Rolly?" singhal nito. "This time, I'll be sweeter, ano ba!"
Tumingin naman ang barista sa iba pa. "Hala, nagbabago na si Cailean! Dati bitter lang, ngayon may pa-sweet na!"
"Daldal mo, Rolly! Order ko, chop-chop!"
Natawa si Kylo dahil mukhang close na nito lahat. Ultimo guard, nakakakuwentuhan at nakakatawanan nito. At kung titingnan niya, parang hindi ito 'yong Cailean na kasama niya sa condo, 'yong umiyak, 'yong sinasabing failure siya, 'yong pinagsisisihan lahat.
Nang makuha ang order, kaagad itong lumapit sa kaniya at iniabot ang kape. "Here." She smiled. "Tara na, male-late na ako. Baka mabokya na naman ako ng manager ko for being late. Tapos tatalak na naman 'yon na akala mo ba, hindi design ko 'yong nasa billboard ng EDSA."
"Matulog ka kasi nang maayos, kumain ka rin palagi."
"Hala, si Kylo, pa-fall!" natatawang sabi nito habang naglalakad sila.
Mula sa café, mga tatlong building pa ang nilampasan nila. Wala itong tigil sa pagkukuwento tungkol sa mga building na nadadanaan nila.
"Hanggang ngayon ba, naniniwala ka sa ghost stories?" tanong niya.
Ngumiti si Cailean at humarap sa kaniya. "Ano ka ba? Totoo 'yong mga ghost. Ako nga, madalas mang-ghost ng mga boylet na nilalandi ako kaso turn off ako kasi ang bilis masyado mag-reply. Halatang ako lang ang ka-chat! Ekis!"
Malakas na natawa si Kylo, muntik pa niyang maibuga 'yong kapeng iniinom.
"Ano'ng nakakatawa? Totoo naman! Ayaw ko no'n!" sabi nito at pumasok sila sa isang magandang building. Sumunod naman siya. "Nasa 32nd floor kami kaya tuwing sunrise, ang ganda ng view ng office namin. Kaya 'yong table ko, nakaharap sa salamin, kita ko kaagad 'pag pasilip na."
"Kaya pala 'yong Instagram mo, walang laman kundi sunrise?" tanong niya. "Araw-araw, 'yon lang post mo, e."
Cai looked at him. "Ini-stalk mo ba ako?"
Tumango siya. Walang point para magsinungaling. "Walang ibang tao?"
"Mayro'n 'yan, pero baka naka-break," sabi nito bago bumati sa guard at humarap sa kaniya. "Ay, may ID ka? Sama ka muna sa taas. Papakita ko sa 'yo 'yong front image ng office, ako gumawa n'on."
Iniwanan niya ang ID niya sa guard at sumunod kay Cailean. Nakatingin lang siya rito habang humihigop sa coffee cup. Tumingin siya sa orasan . . . it's 11:56 p.m.
"Time's almost up." Cailean smiled. Sakto naman na bumukas ang elevator at sila lang. "Hindi na tayo nakapag-post ng pictures, wala na rin akong balak. Ikaw ba?"
"One last." He smiled.
"Wait, pahawak naman nitong gamit ko," sabi nito. "Isusuot ko lang 'tong hoodie ko. Okay lang?"
Kylo nodded. Hawak niya ang mga gamit ni Cailean habang nagsusuot ito ng hoodie. Ni hindi niya ito inaalisan ng tingin. He was just staring at her and thinking this might be the last.
"There." Ngumiti ito. "Ayaw ko na mag-post, Kylo." Kinuha rin ang mga gamit sa kamay niya.
Tumango si Kylo. "Ako na magpo-post, ako naman ang may pakana nito, e. I hope okay lang sa iyo."
Cailean nodded while smiling. "Akin na ang phone mo. Mirror shot na lang ulit tayo. We're bad at selfies, e."
Iniabot kaagad ni Kylo ang phone kay Cailean. Imbes na mag-isip pa ng kahit anong pose, kaagad niyang hinila si Cai papalapit sa kaniya. He hugged her while she was facing the mirror. Mirror shot, pero hindi siya tumingin.
Kylo kissed the top of her head while she was taking the picture. He didn't mind about how he would look . . . he just wanted to hug her.
"There." Iniabot ni Cailean ang phone sa kaniya. "Ikaw na bahala."
Tumango siya.
"Ano'ng ika-caption mo?"
Kylo posted the picture. It's 11:59 p.m.
"K and C, challenge completed. We just completed the twenty-four hours asawa challenge."
Cailean smiled. Sakto naman na bumukas ang elevator at naroon na sila sa floor kung saan ang office nito. may magandang pinto, may parang banner na si Cai mismo ang nag-design. She looked at him, proud about what she did.
"So, paano . . ." sabi nito habang nakatingin sa kaniya. "Dito na ako."
Kylo nodded. "Thank you for today, Cailean. I had fun."
"Thank you, Kylo. I wish you all the best. Again, sorry. I guess . . . we're here."
"I guess." He smiled. Lumapit siya kay Cailean at hinaplos ang pisngi nito. "I love you," Kylo whispered before leaning forward to kiss her forehead.
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Tumalikod na siya at pumasok ng elevator. He couldn't face her.
Nakayuko siya at pasara 'yong pinto nang marinig niya si Cailean. "Kylo. . ."
Tumingin siya, one last time.
"I love you, too."
And the door between them closed . . . just like the possibility of them being together again.
He got what he wanted. Closure.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top