10 A.M.

NARARAMDAMAN ni Cailean si Kylo sa likuran niya habang naglalakad sila sa mall. Akala niya, aabutin pa sila ng alas-onse sa daan, pero nakahanap ng shortcut si Manong na pinagpapasalamat niya dahil para na siyang hindi makahinga dahil sa lahat ng narinig.

Lumingon siya at nakita si Kylo na nakatingin din sa kaniya. Huminto rin ito sa paglalakad katulad niya.

"What?" he asked.

Cailean frowned. "Anong what?" pataray niyang sambit. "Bakit ang bagal mo maglakad? Ano'ng nangyari sa 'yo?"

"Ano gusto mo, sabay tayo maglalakad?" tanong nito na parang nanloloko pa. "Hindi ba't sanay ka namang nang-iiwan?"

"Ang drama naman ni Kylo!" Napakamot si Cailean sa ulo. "Hinihintay na nga kita, hihintayin na nga kita. Puwede ba, tama na muna 'yong historical mo, babe?"

Naramdaman ni Cailean ang pagtalim ng titig nito sa kaniya ngunit hindi naman umimik. Naglakad ito palapit at sinabayan na siya. Hindi pa rin ito nagsasalita at nakasimangot lang, mukhang ayaw siyang kausapin. Tumigil sa paglalakad si Cailean at humarap kay Kylo.

"What's wrong?" tanong ni Cailean. "Kung ayaw mo akong samahan magpagupit, okay lang naman. Para kasing hindi maipinta 'yang mukha mo, e. Hindi ko alam kung napipilitan ka lang ba o ano, pero kung ayaw—"

Hindi na hinayaan ni Kylo na ituloy ni Cailean ang sasabihin. Kaagad niyang hinawakan ang kamay nito at pinagsaklop 'yon. "Sasamahan nga kita, mag-asawa challenge, remember? Let's just pretend. Time's running out. Who knows after today, bukas wala na. So, please, can we just enjoy the day?"

Natameme si Cailean at napatitig sa mukha ni Kylo.

"Makikiusap ako, kahit ito lang, ilang oras na lang 'yong titiisin mo, pagbigyan mo na ako. After today, let's just part ways like what you always wanted. Puwede ba?" tanong ni Kylo. "Puwede bang kahit sa ilang oras, magpanggap kang mahal mo pa rin ako? Magpapanggap din akong mahal pa rin kita at pagkatapos ng araw na ito, tama na."

Cailean was just staring at Kylo's face. The first love, the first boyfriend, the first everything.

Tinanggal niya 'yong pagkakahawak nito sa kaniya. Napatitig si Kylo sa kamay nila bago sa mukha niya. Cailean tried her hardest to smile. "Hindi naman tayo ganiyan mag-holding hands noon, e. Naaalala mo bang pinky finger lang natin lagi ang magkahawak? Hindi tayo nagho-holding hands."

Hindi nagsalita si Kylo.

Cailean smiled and held Kylo's hand. "Okay, let's just pretend, if that's what you want. Kaunti na lang 'yong oras natin, let's just enjoy it. Now, your pinky finger, babe?"

"No, can I just hold your hand today?" tanong ni Kylo. "I want our hands to be intertwined."

"Ang romantic naman!" natatawang sagot ni Cailean at kaagad na tinanggap ang kamay ni Kylo. "Yan. So, saan ang plano mo today?"

"Bukod sa samahan ka sa pagpapagupit, wala naman. Balak ko lang bumili ng kaunting snacks mamaya sa palengke. Ikaw ba?" Kylo was looking at Cailean. Mukha itong nag-iisip. "Ano ba'ng plano mo?"

Nag-isip si Cailean dahil bukod sa plano niyang matulog, wala nang iba. "Wala naman akong ibang plano. Pero gusto ko umuwi sa apartment ko kasi gusto ko maligo . . . at gusto ko sana matulog. May pasok ako mamayang gabi."

Habang naglalakad, nag-uusap silang dalawa at nagtatawanan katulad ng dati. Noong sila pa, mahilig silang maghanap ng puwedeng pagtawanan. Katulad ngayon, sinabi ni Cailean na lahat ng pangalan ng stores na makikita nila, papalitan nila ng letter B sa umpisa.

"Ayon!" Itinuro ni Cailean ang store na Aldo. "Counted naman 'pag nilagyan ko ng B, 'di ba? Baldo! Tang ina," anito sabay tawa. "Baldo!"

Kylo smiled and tried to look for another store. "Ayon." Tinuro niya 'yong isang shop ng damit. "Buniqlo."

Humagalpak si Cailean. "Ang corny, Ky! Ito, Boldstone. Puta, ang bastos! Bold!" Tawang-tawa siya. "Sabagay, nakita ko nga 'yong bilihan ng damit, Bayo . . . ang wild!"

"Mayro'n nga, iyong milk tea place na nakita ko . . . Dakasi. Parang ako lang," pagbibiro ni Kylo.

Sinamaan siya ng tingin ni Cailean kaya natawa siya. "Letter B ang usapan, bobo," sagot nito. "Huwag kang buhat bangko, Kylo." Sabay halakhak.

"Ano'ng nakakatawa?"

Itinuro nito ang isang kainan sa may food court na nadaanan nila. "Ayon, o. Goto King. Boto King." Sabay tawa. "Kasi 'yong ka-work ko, taga-north. Alam mo ba kung ano ang tawag nila sa etits? Boto!"

"Cailean, ang bastos."

"Wow, no'ng ikaw na sinabi mong dakasi ka, hindi bastos?" Inirapan siya nito. "Ayaw ko na nga! Bilisan na natin, kasi gusto ko na rin talaga umuwi, gusto ko na maligo."

"Kahit naman hindi ka maligo, maganda ka pa rin naman, a!" ani Kylo. "Kaso baka maasim na 'yong kilikili mo, parang noong college tayo. Naalala mo 'yong time na pumasok ka tapos nakalimutan mo mag-deodorant? Ang ending, umuwi tayo ulit sa apartment mo kasi maliligo ka dahil namawis ka na tapos amoy ano na."

Cailean laughed when she remembered what happened. "Kaya simula no'n, lagi nang nasa bag ko 'yong isang deodorant. Nakakahiya, nakakainis!"

Pagpasok nila sa loob ng salon na nadaanan nila, kaagad na humiwalay si Cailean sa kaniya at kinausap ang stylist na maggugupit dito. Naupo naman siya sa sofa at waiting area. Wala rin namang ibang tao dahil maaga pa at sila ang una.

"Kung gusto mo, mag-ikot ka na muna," suhestiyon ni Cailean nang lumapit sa kaniya. "Mabilis lang naman daw ito, pero kung maiinip ka, gora lang. Pupuntahan na lang kita sa kung nasaan ka."

Umiling si Kylo. "I'll be okay. Hihintayin na kita rito. After nito, puwede ba tayo magpunta sa grocery?"

"Are you sure? Puwede ka naman mag-grocery na tapos pupuntahan na lang kita?"

"Nope, I'll stay here, babe," Kylo said. "Sasamahan kita. So, go ahead. Don't mind me."

Cailean smiled at him. "Okay," sagot nito bago tumalikod at naupo sa isang bakanteng upuan. Nagkatinginan silang dalawa sa salamin and she smiled at him. "Wait lang talaga."

Kylo nodded without saying anything.

He waited. May mga pagkakataong nakatingin siya kay Cailean na nakikipagkuwentuhan sa naggugupit dito at humahalakhak pa na para bang close na ang dalawa. She was laughing like crazy, na kahit busy si Kylo sa pakikipag-usap sa mga katrabaho sa New Zealand, napapangiti siya sa tuwing maririnig na humahalakhak ito.

"Let's go?"

Nag-angat siya ng tingin dahil hindi niya namalayang tapos na pala ito. Nanonood na kasi siya ng videos, kaya nawala ang atensyon niya rito.

"Bagay sa 'yo." Kylo smiled while looking at Cailean. "Sanay akong mahaba ang buhok mo ever since. Maikli na 'yong kanina, pero mas bagay sa 'yo 'yan. Mukha kang bata."

Nanlaki ang mga mata ni Cailean. "Hala, 'tapos ay nag-aasawa challenge tayo. Hindi ka ba makakasuhan niyan ng pedophilia?" pagbibiro nito.

"Mukha ka lang bata, but you have to face the reality na matanda ka na, ikaw na lang ang single at walang anak sa barkada, ikaw na lang ang wala pang kasal na pinaplano," pagbibiro ni Kylo habang papalabas sila ng salon.

"Ang kapal mo!" singhal ni Cailean. "Makapagsalita, akala mo siya, hindi single at wala pang anak. Huwag ka ngang feeling, Kylo. Pareho tayong single."

Kylo smirked. "Baka kasi tayo talaga ang para sa isa't isa. Hindi ka nag-boyfriend nang maayos kasi hinihintay mo talaga ako."

"Wow, ang kapal! Sino ba matindi magkalkal ng history?" pambabawi ni Cailean. "Ikaw! Baka ikaw ang hindi maka-move on sa akin kaya hindi ka pa nag-aasawa. Kasi nga, ako pa rin ang baby mo!"

Hindi nagsalita si Kylo.

Naningkit ang mga mata ni Cailean. "Hoy, hindi ka tatanggi?"

Umiling si Kylo. "Ba't ako tatanggi. Bahala ka mag-isip kung totoo ba 'yong sinabi mo o hindi. Basta the next few hours, asawa kita. Walang bawian."

Hindi na sumagot si Cailean. Naglakad na lang silang dalawa ni Kylo papunta sa supermarket dahil kailangan daw nitong bumili ng snacks. Nilabas niya ang phone niya. She was bombarded with messages, notifications, and even calls from their former colleagues. Ni isa, wala siyang sinagot. Hindi na rin nila tinuloy ni Kylo ang dare . . . pero laking gulat niya sa mga naka-post na picture.

Nakakailang oras na rin na si Kylo ang nagpo-post. Wala naman siyang maisip na i-post kaya naghanap siya ng quotes na puwede para sa kanilang dalawa. Hindi rin niya makalimutan 'yong mga sinabi ng matanda kanina. Tumagos lahat ng iyon sa kaniya.

Cailean felt suffocated when she heard the old man's story. Ganoon din kasi siya. Iniwan niya si Kylo dahil sa pansariling kapakanan at akala niya, matutupad niya ang lahat ng iyon.

Ang naging ending, limang taon na siyang nagtatrabaho sa isang company na maayos naman, pero ginawa na lang niya iyong routine dahil bigla siyang natakot sa pagbabago.

Simula noong maghiwalay sila ni Kylo, natakot siyang sumubok ng mga bagong bagay dahil hindi niya alam kung ano ang totoong gusto niya. Ang dami niyang plano sa notebook na iyon, pero ni isa, walang natupad.

She was aiming to be the best version of herself but failed miserably because now, she's the worst version of herself and she couldn't find the strength to get up.

Nakahanap siya ng magandang quote sa pinterest at p-in-ost 'yon sa Facebook bago naglakad papalapit kay Kylo na may hawak na cart at nagsimulang maglagay ng chips at chocolates na paborito niya.




"May ilang oras pa tayo magkasama, 'di ba? Saan mo gusto tumambay? Sa hotel room ko sa tapat ng mall na ito o sa apartment mo?" tanong ni Kylo. "Kung papayag ka."

"Sa apartment ko na lang," sagot ni Cailean. "Kaso, baka matulog ako sandali kasi may pasok nga ako. Kung ayos lang sa iyo. Kung hindi, puwede magpaiwan ka na lang sa hotel mo, pero uuwi talaga ako."

Kylo smiled and faced her. "Sasamahan kita. Parang gusto ko rin magluto ng Pancit Canton na paborito mo. Tingin mo?"

"Sige!" Cailean said, her voiced filled with excitement. "Teka, kukuha lang ako ng ice cream. Same flavor ka pa rin ba?"

He nodded without saying anything. Tumalikod na rin ito at naglakad papunta sa ice cream area. Nag-stay naman siya sa area kung saan siya maghihintay nang tumunog ang phone niya at nakitang tumatawag ang mommy niya.

"Hey, Mom," he answered. "What's up?"

"Hey," sagot nito. "Tell Cailean, we missed her. Sana magkabalikan na kayo. Please, take a picture together. O kaya naman, make babies na and get married ASAP. Wala akong pakialam kung hindi na kami invited, just please, get married, okay? Love you, Kylo!"

Magsasalita pa lang siya nang ibaba na nito ang tawag kaya natawa siya.

"Ngiting-ngiti, a!" ani Cailean nang makalapit ito sa kaniya. "Jowa mo?"

"Anong jowa? May asawa na ako, maghahanap pa ako ng iba," sagot niya. "Si Mommy 'yon. Tara, bayad na tayo."

Ngumiti si Cai. "O, kumusta si Tita?"

"Okay naman, nanghihingi na ng apo sa ating dalawa."

Kumunot ang noo ni Cailean habang nakatingin sa kaniya. "Ano ba 'yan si Tita, mapagbiro. Akala yata madaling gumawa ng bata."

Kylo smiled playfully. "Madali lang naman, a. Try natin?"

"Ugok! Parang gago!"



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys