1 A.M.
PAGKALABAS ng elevator, wala na ring masyadong tao sa lobby dahil madaling araw na. May ilang staff pa rin tulad ng mga guard, receptionist, at ilang naglilinis sa lobby area ng hotel. Hindi rin naman kasi cheap ang hotel, there were malls and shops surrounding it.
"Congratulations, ma'am," nakangiting bati ng guwardiya sa kanila. "Best wishes po and happy marriage."
Natigilan si Cailean sa sinabi nito, pero ayaw niyang maging bastos kaya ngumiti na lang siya. Wala namang sinabi si Kylo. Nakasunod lang ang binata kay Cailean, pero gusto nitong humalakhak sa reaksyon ng huli. The way she awkwardly smiled and just walked faster was funny as fuck!
Ngumiti lang si Kylo sa guwardiya nang siya naman ang batiin nito. Kaagad niyang sinundan si Cailean na lakad-takbo, tila pasong-paso.
"Cai!" tawag niya sa atensyon nito. "Walk slowly, will you?"
Humarap ito sa kaniya. "Taray, englisherist!" anito na nakangiti. "Nakakairita si Manong, kakadiri, best wishes daw. Yuck!"
"Maka-yuck ka naman. Baka nakalilimutan mo, no'ng college, no'ng panahong tayo pa, nakaplano na kung ano ang magiging kasal natin. Kung anong kulay ng motif mo, kung ano ang hitsura ng gown, kung saan, at kung ano 'yong cake," pang-aasar niya. "'Tapos ngayon, yuck na? Grabe ka naman!"
Walang nasagot si Cailean dahil totoo naman lahat iyon. Noong mga panahong sila pa, kahit na bago pa lang sila, nakaplano na ang lahat. Ang usapan pa nga nila, ikakasal sila two years after graduation. Pero shit happens talaga lalo na kapag bata pa.
Pumasok sila sa KFC na nasa tapat ng hotel. Pinagpapasalamat ni Cailean na twenty-four hours open ito. Kung hindi, matutulog siyang gutom dahil napakaarte ng serving sa reception. Hindi naman nakabubusog ang isang slice ng steak! Ano 'yon, joke time?
"Ako na mag-o-order," offer ni Kylo. "Same order ka pa rin ba?" tanong nito.
Naglabas ng limang daan si Cailean at iniabot kay Kylo. "Gusto ko mag-zinger, 'yong maanghang na burger, 'tsaka fries."
"Baka gusto mo rin ng milk tea at prutas?" natatawang tanong ni Kylo.
Inirapan lang ni Cailean si Kylo dahil naiirita siya sa pagmumukha nito. Akala kasi, nakikipagbiruan. Sabi nga, magbiro ka na sa taong lasing at bagong gising . . . huwag lang sa babaeng na-dare makasama ang ex. 'Putang ina talaga!'
Nagsimula na lang siyang manood ng TikTok habang naghihintay--pamatay lang ng oras. Ayaw niyang buksan ang Facebook at Messenger dahil bumabaha iyon ng messages at comments dahil sa picture na p-in-ost niya. Lalo na 'yong college schoolmates and classmates nilang nakakaalam sa nakaraan nila ni Kylo.
Hindi niya sinasadyang mapatingin sa lalaki. It had been six years since they broke up at hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon, parang fresh pa ang lahat. Kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili niyang hindi na siya apektado, may pakiramdam pa rin na . . . ayaw niyang makita si Kylo.
Yumuko si Cailean at itinuon lang ang pansin sa mga video sa TikTok at nagsimulang tumawa sa iba't ibang content na nadadaanan.
Naghihintay ng order si Kylo nang marinig na tumawa nang malakas si Cailean. Pare-pareho sila ng mga crew ng KFC na tumingin sa dalaga, pati na ang ilang customers na nananahimik at kumakain. Bigla na lang itong humalakhak na wari bang walang ibang tao sa paligid.
She was laughing like crazy over a video and Kylo grinned when Cailean started wheezing. Para itong takureng tumutunog sa katatawa at walang pakialam kung may ibang nakaririnig.
Iyon ang isang trait ni Cailean. She's carefree and she would do whatever the fuck she wanted. Wala itong pakialam kung sa iba, nakakahiya, basta kung saan ito masaya, gagawin at gagawin nito. Walang makapipigil dahil kahit noong college sila, ganoon na ito. Palaban at walang inuurungan.
"Best wishes po sa inyo," nakangiting sabi ng crew na nag-complete ng order niya. "Parang ang saya naman po ng kasal ninyo. Naka-casual pa rin po kayo kahit na may hoodie, halata. 'Tapos mukhang masaya si Ma'am. Happy life, happy wife po talaga."
Kylo smiled. "Thank you."
Malamang sa malamang, kapag narinig ni Cailean ang sinabi nito, aarte na naman itong nasusuka at diring-diri sa kaniya.
"Tawang-tawa naman!" Ibinaba ni Kylo ang tray sa lamesa. Nanonood nga ito ng mga video. "Ang ingay mo, Cailean. Pinagtitinginan ka ng mga tao. Nananahimik silang kumakain, nanggugulo ka."
"Hindi ko hinihingi ang opinion mo," sagot nito na kinuha ang sariling mga pagkain. "Ba't ang dami, ilan ba tayong kakain?"
Ngumiti si Kylo at ibinaba ang soda, large fun shots, mashed potato, buttered corn, mushroom soup, at brownie para kay Cailean. Nakatingin ito sa kaniya na parang nagtataka kung bakit.
"Kilala kita." Kylo smirked before sipping some coke. "Burger and fries, my ass. Alam kong kulang 'yan tapos ang mangyayari, makikikagat ka sa burger ko."
Cailean stopped chewing and looked at Kylo. "It's been six years, marami nang nagbago. Don't act as if you know me, hindi na ako 'yong Cailean na kilala mo. Marami nang nagbago, Kylo. Maraming-marami na."
"If you say so. Based sa observation ko, you're still Cailean," aniya, "malakas magmura, malakas tumawa, palaging kunwari, nasusuka. Naging blonde ka lang, umikli lang 'yong buhok mo, mas nag-mature lang hitsura mo kasi mas gumanda ka . . . pero ikaw pa rin si Cailean Janica Jimenez."
Hindi nakasagot si Cailean. Ibinaling niya ang tingin sa mga sasakyang dumaraan. Nakikita niya mula sa puwesto ang hotel kung saan sila nag-i-stay. Hindi siya makasagot dahil totoo, walang nagbago sa kaniya simula nang maghiwalay sila. Kung sino siya noon, siya pa rin ngayon.
"Ano'ng pinanonood mo kanina sa TikTok?" basag ni Kylo sa katahimikan. "Tawang-tawa ka kanina, e."
Ang akala ni Kylo, hindi na sasagot si Cailean, pero bigla itong ngumiti at nagkuwento tungkol sa video na pinanood. Inilabas pa nito muli ang phone para ipanood sa kaniya ang mga naka-save sa phone nito. Mga lip sync, mga sumasayaw, mga kung ano-anong video na sobrang random.
"Ang babaw talaga ng kaligayahan mo!" pang-aasar ni Kylo. "Pati mga naglilinis ng ingrown, gustong-gusto mo! Kumakain ka pa niyan, ha?"
Cailean smiled at him. "Ang cute kaya! Don't judge me. Ang satisfying lang panoorin na tinatanggal 'yong kuko. Putang ina, ano kayang amoy no'n?"
Natawa si Kylo at nagsimulang kumain. He was low-key observing Cailean. Sinabi nitong marami ang binili niyang pagkain, pero halos nakalahati na nito lahat. Ever since, her appetite was that big. Madalas pa sila noon na kumakain sa gilid-gilid dahil pinagkakasya ang allowances na mayroon sila. Madalas na share sila sa date o 'di kaya naman magdya-jack en poy kung sino ang manlilibre.
"Ano pala'ng work mo ngayon?" tanong ni Kylo. Natigilan sa pagnguya si Cailean at sinalubng ang tingin nito sa kaniya. "Sorry, hindi mo kailangang sagutin."
Napatitig naman si Cailean sa mukha ni Kylo. Six years . . .
Cai smiled. "Sa marketing department ako ng isang creative company. Isa ako sa mga nagde-design ng billboards na nakikita mo sa EDSA."
"Really?" Kylo smiled. "Naalala ko pa noon, sa tuwing nandoon tayo sa bahay namin, nagpa-practice ka mag-design sa photoshop. Naiinis pa ako sa 'yo noon kasi naman, gusto ko manood ng movie, pero gusto mo mag-edit ng videos and pictures ng Harry Potter."
'Shit.' Iyan ang pumasok sa isip ni Kylo nang umiwas ng tingin sa kaniya si Cailean at kumagat na lang sa brownie na hawak. She didn't say anything, she was looking at the cars passing by outside KFC.
"I'm glad you pursued what you really wanted," aniya para mabawasan ang awkwardness sa pagitan nila. "Sorry for bringing up the past."
Natawa si Cailean. "Naghi-historical ka kasi, past is past na. Dapat doon, hindi na binabalikan . . . dapat doon, binabaon na sa limot."
Kylo didn't say anything.
"Ikaw, ano'ng ginagawa mo sa buhay mo?" tanong ni Cailean. "Na-push mo rin ba 'yong pagiging singer mo? Kumakanta ka pa rin ba? 'Di ba, may YouTube channel kang binubuo no'n?"
Umiling si Kylo. "I stopped singing after you broke up with me." He smiled calmly. "Chef ako sa New Zealand. Hindi ko rin naman tinuloy 'yong pagiging programmer ko, na-bore ako. Kaya after graduation, pagdating ko sa New Zealand, nag-aral ulit ako."
"Wow naman, ang bigtime! Ano nang mga niluluto mo bukod sa Pancit Canton na may itlog na malasado at repolyo?" natatawang tanong ni Cailean bago humigop ng mainit na sabaw ng mushroom soup.
"Napunta ako sa European cuisine," sagot niya. "Mas madalas akong nagluluto ng Italian foods, like pizza and pasta. Gano'n."
Tumango lang si Cailean dahil wala na siyang matanong. Ayaw niyang magmukhang interesado rito, isipin pa, nami-miss niya, duh. Hindi na siya nagsalita, ganoon din si Kylo na tahimik lang na kumakain.
"Putang ina ang anghang!" Nagmamadaling uminom si Cai ng soft drinks. "Tang ina, solid!"
Kylo looked down and smiled.
At kahit na maanghang at panay na ang mura nito, kain pa rin naman nang kain. No wonder tumaba na ito nang kaunti, hindi katulad noong college sila na para itong tingting na puwede nang liparin. Now, she's much leaner. Mukhang nagwo-workout din ito base sa bulto ng katawan.
Cailean really did change physically, but the way she acted, spoke, and laughed, she was still the same old Cailean that Kylo used to love.
"Babalik na ba tayo sa hotel after?" tanong ni Kylo kapagkuwan.
"Kung inaantok ka na, bumalik ka na," sagot nito. "Gusto ko maglakad-lakad. Mukhang safe naman dito, gusto ko lang muna magpababa ng kinain. Baka bangungutin ako sa sobrang dami. King ina, busog na busog ako."
Kylo teasingly smiled. "Sabi sa 'yo, kaya mo 'yong mga binili ko, e. Baka nakalilimutan mong pacman ang tawag ko sa 'yo noon."
"Whatever," anito na tumayo na lang basta.
"Alam mo, you have a habit of leaving me behind," biglang sabi ni Kylo na nagpatigil kay Cailean sa paglalakad. "Uso naman kasing maghintay, Cailean."
Lumingon siya at nakita itong naglalakad papalapit sa kaniya. She was speechless, she didn't say anything. He was just walking towards her as if hindi malaman ang sinabi nito.
"Tara, lakad nga muna tayo. Nabusog din ako," sabi nito, pagkatapos ay tumingin sa phone. "Oh, shit. It's 1:43 a.m., Cai. We need to take a photo. Sabi, pinky promise raw. Hindi ako naniniwala sa promises, pero let's do it."
Hindi na nagsalita si Cailean nang hawakan ni Kylo ang kamay niya at iangat. He did the pinky promise, took a photo of it, and let go.
Nakatayo sila sa gilid ng sidewalk habang busy ito sa phone. Malamang sa malamang, nagpo-post na at hindi siya nagkamali nang tumunog ang phone niya, sunod-sunod. Mga notification na tina-tag siya sa post na hindi na niya tiningnan at nagsimula nang maglakad. Iniwanan niya si Kylo na busy at nakatingin sa phone.
"Hindi ka talaga marunong maghintay, 'no?" tanong nito na inayos 'yong hoodie sa ulunan niya. "Sinabi kong sandali lang, umalis ka kaagad. Some things never change talaga."
"Ano'ng gusto mong sabihin, Kylo Isaac?" seryosong tanong ni Cailean. Tumigil sila sa paglalakad. "Ano, babalik ba tayo sa history? Kung gano'n, uuwi na ako, itigil na natin 'to. Kasi hindi naman nila malalaman. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag dito, tang ina."
Kylo sighed. "Gusto mo bang malaman kung bakit ako pumayag?" Ngumiti ito. "Wait, oo nga pala . . . hindi ka interesado."
Cailean didn't say anything.
"I agreed kasi gusto ko ng closure, Cailean. Closure," patuloy ni Kylo.
She smiled while looking at him. "Hindi natin kailangan ng closure, Kylo. It's been six years."
Kylo shook his head. "No. You promised, Cailean, remember? Pero . . . where did I go wrong? Kasi hanggang ngayon, iniisip ko 'yon."
-
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top